The woman in my dream. Episode 20

1751 Words
" GALINGAN mo hijo, sa panliligaw mo." bilin ni aling Betty kay Sebastian. " Salamat po aling Betty." Umupo siya sa tabi ng dalaga. " Don ka sa haparan umupo." utos ni Rhian. " Tabi nalang tayo." pakiusap niya sa dalaga. " Ayaw mo lumipat di ako nalang." naka simangot nitong sabi at lumipat ng upuan. " Sasagutin muna ba ako?" tanong niya sa dalaga. " Nagtatanong kana ba?" itinaas ng dalaga ang isang kilay. Tila sinisindak siya nito. " Alam mo naman kung ano ang sadya ko rito. Bumalik kana sa opisina ko." pakiusap niya sa dalaga. NAPA simangot si Rhian, " Ano ba ang sadya nitong luko ito. Manliligaw o aayain akong bumalik sa opisina niya. Abay luko ito ah! Ano ba ang sadya mo? liligawan ako oh ayain, akong maging assistant mo?" " Pareho." " Umuwi kana nga sa inyo, matutulog na ako, pagud ako sa trabaho ko." naiinis na taboy ni Rhian sa binata. Naiinis siya rito tila pinagluluko lamang siya nito. " Nandito nga ako, para ligawan ka." " Sebastian, wag mo akong paglolokuhin. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang pakay mo sa akin." Sumeryuso ang mukha ni Sebastian. " I want you to go back in my office tomorrow." ng uutos nitong sabi. " Luko ka pala eh. Wag mo akong utusan hindi mo ako tauhan. Mabuti pa umuwi kana sinasayang mo oras ko. Dalhin mo iyang bigas mo." Inis siyang tumayo. Napa kamot ito sa batok" Gusto ko lang naman nandun ka para araw-araw kitang makikita." "Uutuin mo pa ako, umuwi kana sa inyo." " Hirap naman intindihin niyong mga babae." anas nito. " Babalik ako bukas. Hindi ako susuko hanggang sa mapasagot kita." anito naglakad papunta sa pintuan. " G*go iyon di marunong manligaw." anas niya. Bumalik siya ng upo ng maka alis si Sebastian. Inalala niya nong una niya itong makita sa kainan noon. Sinabi nitong hindi ito sweet tulad ng pinapangarap ng mga kababaihan kaya siguro ganun iyon manligaw sa kanya. Parang luko-luko. " Baka dinadaan niya sa ka guwapohan nito ang mga naging nobya noon. Pwes! Ibahin niya ako." tumayo siya at tinungo ang banyo. Pagud na pagud talaga siya ngayon araw na ito. Kaya minabuti niyang magpahinga na. GUSTO niyang mangiti ng makita si Sebastian naka sandal sasakyan tila sinadya siya nitong abangan sa labasan. Halata din sa ayos nitong papasok ito sa opisina naka sout ito ng formal suit. ka agad itong kumilos ng makita siya at naglakad palapit sa kanya. " Rhian, ihatid na kita." sabi nito ng malapitan siya. Parang gusto niyang bumigay," Tandaan mo wag kang magpapadala sa guwapo nito." paalala niya sasarili. " Wag na, mag commute nalang ako." tanggi niya. " Ihahatid na kita." " Hindi na, baka masanay pa ako niyan, at baka pag dating ng panahon iiwanan mo rin ako, din naman ang mahihirapan." Nakikipag matigasan siya rito at sakto, naman may humintong jeep kaya agad siyang sumakay roon. MABILIS naman sumakay si Sebastian sasakyan, at sinundan ang kakaalis lang na jeepney, nag overtake siya rito at hinarang ang sasakyan sa harapan kaya napahinto ito. Mabilis siyang bumaba " Away magkasintahan lang ito." aniya sa driver at nagtuloy nag lakad palapit sa bintana kung saan naka upo ang dalaga. " Honey, bumaba kana riyan." ng uutos ang boses niya. "Bakit kaba sunod ng sunod sa'kin?" galit na tanong nito hindi parin natinag sa kinauupuan. "Kunting tampuhan lang naman iyon, pag usapan natin ng maayos, kaya bumaba kana." " Ate, bumaba kana lang kausapin mo na ang jowa mo. Ma le-late na kami sa trabaho namin dahil sa inyo." halos magka sabay na reklamo ng ibang pasahero naroon. " Hindi ko naman iyan nobyo." ani Rhian. " Nagtatampo ka lang tinatanggi mo ako agad. Sige na bumaba kana para maka alis narin sila. Kung ayaw mong bumaba aakyan kita riyan." Banta niya sa dalaga. Naiinis na bumaba si Rhian, hinawakan niya ito sa siko at inalalayan maka sakay sasakyan niya. " Ihahatid kita sa pinagtatrabahuan mo, para alam ko kung saan kita susunduin." ani Sebastian. " Kaya ko naman umuwi mag-isa." " I insist kaya wag na matigas ang ulo mo." anito. Hindi na siya umimik pa, walang papatunguhan ang pakikipag matigasan niya rito. " Susunduin kita mamaya dito, ano bang oras ang out mo?" ani Sebastian ng marating nila ang kaniyang pinagtatrabahuan. "Mamayang alas otso pa ang out ko." tugon niya at bumaba na. " Hintayin mo ako rito mamaya." pinaandar nito ang sasakyan at umalis na. " Rhian, bakit ka naka sakay sasakyan ni mr Dela Torre?" takang tanong ng kanilang manager ng maka pasok siya sa loob. " Amo ko po kasi siya dati ma'am. Na daanan niya lang ako nag aabang ng jeep kaya sinabay na niya ako papunta rito." alibi niya. " I see! Napa ka gentleman talaga ni Sebastian. Sarap niya siguro maging nobyo." kinikilig pa ito. " Naku! Kung alam mo lang po ang ugali noon." anas niya. " Ano ang sabi mo?" ulit ng manager ng hindi nito narinig ang sinasabi niya. " Wala po, sabi ko po magtatrabaho na po ako." tinalikuran na niya ito. Bago pa sumamapit ang hapon naka tanggap siya ng tawag mula sa ina. " Ma'am pasensiya na po, pero kinakailangan ko pong umuwi ng maaga, ang nanay ko kasi masama daw ang pakiramdam." kita sa mukha niya ang labis na pag-alala. " Sige, Rhian, naiintindihan ko." anang manager niya. Taranta siyang umuwi sa kanila. Hindi niya kakayanin kapag may mangyayari masama sa ina. Mahal na mahal niya ito. " NAY." mangiyak-ngiyak niyang tawag sa ina at pinuntahan niya ito sa kwarto. " Pasensiya kana anak, kung napa uwi kita ng maaga." "Dadalhin na kita sa hospital nay." Umiling iling ito." Wag na medyo ayos na naman pakiramdam ko ngayon. Hindi ko lang talaga nakayanan ang sakit kanina pero ngayon maayos na." Tinignan niya ang mga gamot sa loob ng lagyanan nitong plastic. "Nay, bakit hindi mo iniinom ang mga gamot mo?" Kunot-noo niyang tanong ng makita halos completo pa ito. " Kasi anak binabudget ko ang gamot ko." Napa buntong hininga siya" Nanay naman paano tatalab ang gamot kapag hindi mo ito iniinom araw-araw." umupo siya sa gilid ng higaan nito. " Alam ko anak, nahihirapan kana. Ayaw kong maging pabigat sa'yo." " Nay naman, kahit kailan hindi ka pabigat sa akin. Itong pagsisikap ko, ginagawa ko para sa'yo. Mahal kita nay, hindi ko kakayanin kapag may mangyari masama sa'yo." mangiyak-ngiyak niyang sabi rito. " Maraming salamat anak. Okay na naman ako pwedi kana bumalik sa trabaho mo." " Hindi na muna nay, mag halfday nalang ako, nagpapaalam naman ako." Kinuha niya ang mga marurumi nitong damit naka lagay sa basket. " Maglalaba nalang muna ako nay, para hindi masayang ang oras." paalam niya rito, at lumabas na ng kwarto ng ina. MATAPOS malaman ni Sebastian kanina pa umuwi si Rhian dumeretso na siya sa bahay ng dalaga. Desidido talaga siyang mapasagot ito. " Wala pang tumatanggi sa akin." aniya, sasarili. " Umayon pa ang traffic." anas niya ng ma stock sa mahabang traffic sa daan. Inabot siya ng alas nueve bago naka rating sa lugar ng dalaga. Pinarada niya ang sasakyan sa gilid ng skinita. " Baka tulog na ang mga ito." naglalakad siya papunta sa bahay ni Rhian. Napa ngiti siya ng matanaw bukas ang pintuan at maliwanag pa sa loob. "Nakakatuwa kang kausap, gusto kita." Narinig niyang boses ni Rhian. " May bisita siya?" dumungaw siya sa naka bukas na pintuan. Napa simangot siya ng makitang lalaki ang kausap nito. " Ahem, Rhian." tawag pansin niya rito. Nilingon siya nito" Mamaya na, may bisita pa ako, hintayin mo ang oras mo." tugon ng dalaga sa kanya. Napa kamot siya sa ulo, kung hindi lang nakakahiya baka inupakan na niya ang bisita nito. Lalo pa siyang nainis ng makitang tuwang tuwa si Rhian nakikipag-usap sa lalaki. Tinitigan niya ng husto ang bisita ng dalaga. " Kulang nalang pirma ng u-uod ang kulang sa bisita mo sa subrang payat." bulalas niya sa inis. " Anong sabi mo?"kunot-noo baling sa kanya ng dalaga. " Wala! Sabi ko maghihintay ako matapos kayo. Nasaan ba kasi si aling Betty, kala ko ba kakampi ko siya, bakit ba di niya tinataboy ang lalaking iyan." sa kaloob looban niya. Ilang minuto na ang nakalipas pero tila ba wala pang plano umalis ang lalaking kausap nito kaya umalis na muna siya. " SUSUKO ka din naman pala." sa kaloob looban ni Rhian ng hindi makita ang binata sa kinauupuan nito kanina. " Nasaan na tayo?" tanong niya sa kausap ng ibalik ang pansin niya rito. " Hindi paba kayo tapos?" bungad ni Sebastian naglakad palapit sa kanila. " Ano ang ginagawa mo?" kunot-noo tanong niya ng buklatin ni Sebastian ang kumot sa gitna niya at sa lalaking kausap. " Matutulog na ako inaantok na ako." tugon nitong humiga sa paanan niya. " Nasisiraan kana ba ng ulo?" Inunan nito ang dalawang palad sa ulo. " Sarap talaga mahiga dito very comportable." naka ngiti nitong sabi. At binaling nito ang tingin sa lalaki. " Dumi ng paa mo tol, hindi ba uso hugas paa sa inyo? Mamaya niyan madudumihan pa ang higaan ko."Pinagpag pa nito ang gilid ng hinihigaan gamit ang isang palad nito. Pigil na pigil niya ang sarili wag bumigay ng tawa kay Sebastian. Napa tayo ang lalaki, " Uuwi na ako Rhian." Napa tayo narin siya at hinatid ang lalaki sa may pintuan." Pasensiya kana ha?" hinging umanhin niya rito. " Ayos lang, babalik nalang ako." " Wag kanang bumalik tol!" pahabol ni Sebastian. " Ano ba iyang ginagawa mo? Kita mo nanliligaw iyon tao." saway niya rito ng balikan niya. " Natutulog lang naman ako, pwedi naman kayong mag usap hindi ko naman kayo pinagbawalan." naka simangot na sabi ni Sebastian. "Bakit kaba kasi nagpunta rito?" Tinignan siya nito." Diba sabi ko sayo? hindi ako susuko, hanggang sa mapapayag kita." " Sebastian hijo, anong ginagawa mo riyan sa sahig?" nagtatakang tanong ni aling Betty ng makita naka higa ang binata sa sahig. " Wala po." bumangon ito " Magandang gabi po." Napa ngiti ang ginang tila naintindihan nito ang ginagawa ng binata." Para kang asawa ko, ganyan na ganyan din ang ginagawa kapag may nanliligaw sa akin." natatawang sabi ng ginang ng maalala ang panliligaw ng asawa sa ginagawa ni Sebastian. Natigil sila sa pag-uusap ng may tumawag sa binata sa cellphone nito. " Uuwi na muna ako. Babalik nalang ako dito bukas." anitong nagmamadaling lumabas ng bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD