INASAHAN ni Rhian, nag antay sa kanya ang binata sa labas ng skinita pero na bigo siya dahil wala ito roon.
Nagpalinga-linga siya pero wala kahit anino ng sasakyan nito." Saan kaya nag punta at himala di ako kinukulit nito ngayon umaga?" Sumakay na lamang siya ng jeep.
" Matamlay ka ata ngayon umaga Rhian?" puna sa kanya ng kasamahan ng makarating siya sa pinagtatrabahuan niya.
" Wala, may iniisip lang ako." tugon niya at kinuha ang basahan. Habang wala pang mga customer ay pinunasan niya ang mesa at ang mga upuan.
Hindi niya maitangi sa sarili, kulang ang umaga niya hindi nakita ang binata. "Sino kaya iyong tumawag ka gabi at nagmamadali iyon umalis? tapos hindi naman nagpapakita ngayong umaga."
" Ang lalim ata ng iniisip mo." puna sa kanya ni mrs Vasquez ng malapitan siya nito.
Nag angat siya ng tingin" Mabuti nadalaw ka rito." naka ngiti niyang sabi.
" Na miss kung makipag chikahan sa'yo kaya naisipan kung dito na ako mag agahan." umupo ito.
" Sandali ikukuha kita ng menu." tumalikod siya para kunin ito.
" Dito ka muna chika muna tayo, wala pa naman costumer." pakiusap nito sa kanya ng makabalik siya.
" Sige, kukunin ko muna ang order mo." aniya, rito. Nililista niya ang bacon eggs and sausage.
Matapos niya makuha ang order inabot niya ito sa kusinero at muli din niyang binalikan si mrs Vasquez.
" Bakit namamaga iyang mata mo?" puna niya ng magtanggal ito ng sunglasses.
" Nag away kasi kami ng asawa ko ka gabi. Ang tagal niyang umuwi, duda ako nagkikita iyon ng kabit niya."
Umupo siya sa katapat nitong upuan. " Tinanong mo ba siya?"
Tumango-tango ito. " Ang sabi niya, matagal na daw niyang iniwan ang kabit niya. Nasa meeting lang daw siya."
Napa isip siya kung dapat bang sasabihin rito nag sisinungaling ang asawa nito, dahil nahuli niya itong kasama ang kalaguyo.
" Naku, kapag malaman kung nagka balikan sila ng babaeng iyon, iiwan kuna talaga iyang si Vasquez." biglang sabi nito.
" Baka naman talaga nasa meeting lang siya." sabi na lamang niya. Ayaw na niyang sabihin rito baka totohanin nito at kawawa naman ang bata magkakaroon ng broken family.
" Bahala siya, basta wag ko lang sila mahuhuli. Kumusta na pala ang panliligaw ni Sebastian sa'yo? Sinagot mo na ba?" pag iba nito sa paksa nila.
Umiling-iling siya, " Wala pa. Susukatin ko muna."
" Tama iyang ginagawa mo Rhian, pahirapan mo muna. Kapag sumuko ng maaga ibig sabihin hindi iyan seryuso."
" Kaya nga eh, mahirap ng mag invest ng feeling sa panandalian relation." aniya. Bigla siyang napa simangot ng maalala hindi siya sinundo nito kanina.
" Bakit ka sumimangot?"
" Wala, may naalala lang ako." tugon niya at
nagpaalam rito saglit para kunin ang naluluto ng pagkain inorder nito.
Sumapit na ang pananghalian, subalit walang nagpapakitang Sebastian. " Kahit man lang sana magawi iyon dito." sa kaloob looban niya.
Inasahan niya sa hapun darating ito pero, sumapit na lamang ang kanyang uwian, hindi parin dumating ang binata.
" ANAK hindi ata napunta si Sebastian, ngayon?" anang ina ng lapitan siya nito sa maliit nilang sala. Kakatapos lang nila mag hapunan.
" Baka may pinuntahan lang iyon nay." sabi nlamang niya pero sa kaibuturan ng puso niya, inisip niya na baka sumuko na ito sa panliligaw sa kanya. Dahil masyado niya itong pinahirapan.
" Mayaman iyon, malamang katulad nu'n ang gusto non sa buhay."
" Naku, baka napagud na iyon sa panunuyo sayo, kasi nagmamatigas ka sa kanya eh." anang ina.
" Naku nay, hindi iyon seryuso sa panliligaw sa'kin pinag luluko lang ako nu'n. Na bored lang iyon sa buhay niya." mahaba niyang litanya.
" Mabuti pa nay, matulog na tayo ng makapag pahinga na ng maaga." sinabayan niya iyon ng pag tayo.
Tatlong araw din hindi nagpapakita sa kanya si Sebastian. Gusto niyang tawagan ito sa opisina pero, magiging obvious na naman ito para sa binata. Hinayaan na lamang niya ito. " Mabuti nalang hindi ko sinagot agad."
" Rhian, customer sa table number 2." tawag sa kanya ng kasamahan.
Lumabas siya mula sa kusina at tinignan ang table number 2. Nagulat siya ng makita si Charry, may kausap na lalaki tila ba seryuso ang pinag-usapan ng dalawa. Tahimik siyang lumapit roon.
" Siguraduhin mo hindi tayo, sasabit." Boses ni Charry ang narinig niyang nagsasalita.
" Nag tagumpay naman tayo noon ah! Ngayon paba tayo sasabit?"
Na bosesan niya si Albert. Bigla siyang kinabahan sa kanyang narinig. Sumagi sa isipan niya na baka pa kana ni Charry ang pagka tanggal niya sa opisina noon. Baka magka kunsabo ang dalawa.
Agad din itong tumigil ng malingunan siya." Rhian, dito ka pala nagtatrabaho?" Kunot- noo tanong ni Charry at mataman naka tingin sa sout niyang uniform.
Nag angat ng tingin si Albert na bigla pa ito ng makita siya.
" Anong sabit?" hindi mapigil itanong kay Albert.
Tinaasan siya ng kilay ni Charry" It's none of your business!" pagalit nitong sabi.
Tinignan niya si Charry, pinakita niya rito hindi siya nito masisindak" I don't mean to be rude, but I wasn't asking you. I'm asking him" ka agad niyang binaling ang tingin kay Albert.
Ngumisi lang ito." Wala." anitong tumingin sa menu.
Nahihiwagaan siya sa dalawa kung ano ang pinag-gagawa ng mga ito at kung may kinalaman ba ito sa hindi pagpakita kay Sebastian sa kanya.
"Bago ko lang nalaman, mag ex pala kayo." ng uuyam na sabi ni Charry naka tingin sa kanya.
" Ikaw na ang nobya niya ngayon. At lumalandi kapa rin kay Sebastian. Bagay kayong dalawa mga parehong manluluko." gusto niyang sabihin rito pero pinigilan na lamang niya ang sarili.
Tinignan niya lang ito." Pwedi ko na ba makuha ang order niyo?" sabi na lamang niya.
" Of course." tugon nitong naka guhit parin ang mga ngiti nito sa labi.
Mabilis niyang iniwan ang dalawa ng makuha ang mga orders. Hindi talaga ma alis ang duda niya sa dalawang, " Kung ano man iyon, malalaman ko rin." sa kaloob-looban niya.
Alas nueve na ng gabi ng matapos siya sa kanyang trabaho. Natagalan siya ng uwi dahil sa may nag diriwang ng kaarawan sa restuarant.
Palabas na siya ng makita niya si Albert, sinadya nitong hinintay siya.
" Ano ang ginagawa mo rito?" tanong niya ng lapitan niya ito.
" Sinadya talaga kitang hintayin para ihatid kita sa inyo."
" Nag abala kapang naghintay sa'kin." gusto niya itong tanungin tungkol sa narinig niya kanina pero hindi din naman ito aamin
" Ihatid na kita, hindi naman magkalayo ang lugar natin." Giit nito.
"Yong narinig mo kanina tungkol iyon sa trabaho ko, alam mo naman ang trabaho ko nag bebenta ako ng sasakyan kaya nagpatulong si Charry mabenta ang sasakyan ng kaibigan niya na di malaman may sira ito." ani Albert tila nahulaan ang nasa isipan niya.
Nagkaroon siya ng interest, hindi naman siya ganun ka bobo para maniwala agad sa sinabi nito. Malakas ang kutob niyang nag sisinungaling lamang ito. Naramdaman niyang may ibang ginagawa ang dalawa at 'yon ang gusto niyang malaman.
Naisipan niyang sakyan ang pagsinungaling nito sa kanya. " Sige, sasakay na ako sayo, dahan dahan lang sa pagpatakbo."bilin niya.
" Oo naman basta ikaw. Alam mo naman iniingatan kita."
Gusto niyang masuka sa sinabi nito, pero pinigilan na lamang niya. Guwapo naman si Albert ang problema lang nito ang pagiging babaero napaka bulero din.
Inabot ni Albert sa kanya ang isang helmet.
" Rhian?"
Galit na boses ang nagpalingon sa kanya. Bigla siyang na tuwa ng makita si Sebastian, pero ka agad din iyon nawala ng makita ang galit nito sa mukha.