The woman in my dream Episode 4

1679 Words
" ANAK naman, bakit ganun mo tratuhin si Sebastian?" basag ng ina sa kanyang pananahimik. Sinundan nila ng tingin ang papalayong taxi sinasakyan ni Sebastian. " Naku! Nay, 'wag kayong magpapaluko sa kabaitan ipinakita nu'n dahil masama ang ugali nang lalaki 'yun nay, nagpapanggap lang 'yun na mabait" "Magalang naman si Sebastian. Wrong timing lang ang pagtatagpo niyo kahapon, kaya umiinit ang dugo mo sa kanya." seryusong saad ng ina, nauna itong naglakad sa kanya pabalik ng kanilang bahay. Sumunod siya rito. " Nay, siya ang dahilan kung bakit nawalan ako ng trabaho at napahiya ako." Saglit na huminto sa paglakad ang nanay niya. " Anak, naman humingi na ng tawad iyong tao sapat na 'yon. Sana lang bumalik pa ang batang 'yon dito." sabi nitong muling naglakad. Hindi niya naintindihan kung bakit ganito nalang ka gusto ng nanay niyang bumalik si Sebastian sa kanila samantalang, iyon pa ang unang beses na kita at nakilala nito ang lalaking 'yon. "Hindi 'yon babalik sa ganitong klaseng lugar, mayaman 'yon nay." sabi na lamang niya. Muli siyang nilingon ng ina." Hindi na iyon babalik rito dahil inaaway mo." Hindi na lamang siya sumagot pa, tahimik siya sumunod sa ina. Ayaw na niyang makipag talo rito dahil lang sa lalaking iyon, mamaya niyan ma inis pa ito sa kanya. Inabala na lamang ang pag-iisip kung saan siya makahanap nang bagong trabaho lalo pa kailangan nila ng pera dahil sa may mga maintance pa na gamot ang ina para sa puso nito. NAGPALAKAD lakad siya sa daan baka sakali may makikita siyang mga karatula naka sabit sa labas ng pintuan ng mga restaurant, naghahanap ng worker o kahit anong klaseng trabaho basta marangal. Natigil siya sa paglakad ng tumunog ang kanyang cellphone. Nabuhayan siya ng pag-asa ng makita ang pangalan ng kanyang kaibigan sa screen ng cellphone, pinindot niya ang answering button." Napatawag ka?" " Nasaan ka ngayon?" tanong nito sa kabilang linya. " Narito ako sa downtown naghahanap ako ng trabaho." "Puntahan mo ako sa tambayan natin dahil may mahalaga akong sasabihin sa'yo." anang kaibigan. " Sige, sige papunta na ako." Agad niyang pinindot ang end button at nagmamadaling pinuntahan ang kaibigan sa sinasabi nitong lugar. Nadatnan niya ang kaibigang si Totsie naka-upo sa mahabang upuan na yari sa metal nakaharap sa karagatan. " May ibabalita ako sa'yo." masaya nitong sabi sa kanya ng makita siya. " Diba naghahanap ka ng trabaho?" nakangiting tanong ni Totsie. Umupo siya sa katabi nito." Oo, alam mo naman kailangan kong maka trabaho eh." ''Yong pinsan ng boyfriend ko naghahanap ng assistant, baka gusto mong mag apply? May ari ng malaking companya dito sa Manila ang pinsan ni Ally, kakaalis lang ng personal assistant nito kaya naghahanap ito agad ng kapalit." anang kaibigan. " Hulog ka talaga ng langit Totsie. Pupuntahan ko iyan, bukas na bukas din." masaya niyang sabi rito. " Mag dala ka lang ng resume. Si Ally na ang bahala sa next step, siya na kakausap sa pinsan niya malakas naman 'yon don." dagdag nito. Masaya siyang umuwi sa kanila, sa wakas may trabaho na rin siya. HINDI mapakali si Sebastian sa kanyang inu-upuan, swavil chair sa loob ng kanyang opisina. Hindi maalis-alis sa isipan niya ang kabaitan ipinakita ng ginang sa kanya gusto niyang makabawi para rito. Inisip niya rin ang utang sa dalaga. Sumagi sa isipan niya ang idea kung paano makabawi at kung paano niya mababayaran ang dalaga. Hindi kaya ng kunsiya niya hindi bayaran ang pera ibinigay nito pinamasahi sa kanya. Mahirap ito at lalong kailangan nito ng pera dahil wala na itong trabaho. Inangat niya ang telephono at denail ang numero ng bahay ng mga magulang. Kinausap niya ang isa sa mga katulong na ipag grocery siya. Nahimigan niya ang pagtataka sa boses ng katulong ng makausap niya ito. Ito pa ang kauna-unahang beses niya magpa grocery. Agad din itong tumugon sa utos niya. Bilin niya sa katulong na ihatid sa office niya ang pinamili nitong groceries kapag tapos na ito. Ilang oras din siya naghintay ng maka tanggap siya ng tawag mula sa ibaba ng kanyang opisina. Ipinaalam ng caller nasa lobby ang kasambahay dala ang mga groceries. Nagmamadali siyang bumaba para puntahan ito. Hindi siya nagsasayang ng oras isinakay niya ang mga pinamili groceries sa kanyang sasakyan at hinatid kina aling Betty. Pabalik balik na siya sa may skinita ng makarating siya sa lugar ng dalaga. Pero nagdadalawang isip pa rin siyang bumaba ng sasakyan, baka sisinghalan siya ni Rhian, kapag makita siya nito sinabi pa naman nitong 'wag na siyang bumalik sa lugar na 'yon. " The hell you're doing Sebastian." sita niya sa sarili. " Kaya lang naman ako nandito dahil sa utang na loob ko sa mag ina." tugon ng isipan niya." Aalis na sana siya ng makita ang ginang naglalakad palabas ng skinita. Agad niyang ibinaba ang bintana ng kanyang sasakyan. " Aling Betty!" tawag pansin niya rito. Gumuhit sa mukha nito ang tuwa ng makita siya. Nagmamadali siyang bumaba ng sasakyan. " Hijo, mabuti at bumalik ka rito." naka ngiti sabi nito. " Kumusta po kayo?" " Mabuti naman, sayang wala dito ang anak ko." Lumuwag ang kanyang dibdib. Buti nalang wala ang dalaga dahil kapag narito iyon malamang itataboy siya nito. " Pasok ka sa bahay, mag meryenda ka." magiliw nitong aya sa kanya. " May dala po pala akong groceries para sa inyo." kinuha niya ang mga plastic mula sasakyan. " Ang dami naman nitong pinamili mo, nakakahiya sa'yo." nahihiyang sabi ng ginang sa kanya ng makita ang anim na plastics. " Ayos, lang po aling Betty para po talaga ito sa inyo, bilang pasasalamat ko po" sumunod siya naglakad sa ginang. " Nakakahiya man, pero tanggapin ko nalang ito." binuksan nito ang pintuan ng bahay. Nilapag niya sa mesa ang mga plastics, " Hindi na po ako magtatagal." agad niyang paalam rito. Gusto pa niya sanang hintayin ang dalaga pero mas mainam ng hindi siya maabutan nito, mainit pa naman ang dugo ng dalaga sa kanya. "Ang bilis naman, ayaw mo bang hintayin si Rhian?" Bahagya siyang ngumiti." Hindi nalang po siguro." " Naku! hijo, wag mo nang pansinin ang kasungitan ng anak ko. Mabait naman talaga 'yon." anito, nang mahulaan ang nasa isipan niya. NAGTATAKA si Rhian ng makita ang magarang sasakyan sa gilid ng skinita. " Rhian, ang guwapo ng bisita niyo ah, halatang yayamanin." bungad sa kanya ng kapit bahay. Napa kunot-noo siya sa sinabi nito." Wala naman kaming kilala na yayamanin." Nagmamadali siyang naglakad pauwi sa kanila. " Dito kana lang maghapunan hijo" Narinig niyang sabi ng ina ng nasa kalapit na siya sa pintuan. " Huwag nalang po 'wag na po kayo mag-abala nakakahiya po sa inyo, sa bahay nalang po ako maghapunan." tugon ng binata. " Ang mukong narito?" anas niya, ng marinig ang boses ni Sebastian. " Magtatampo ako sayo n'yan, ang dami nitong pinamili mo tapos ayaw mo manlang maghapunan rito." may halong tampo sa boses ng ginang. " Naku, nanay 'wag mo nang pigilan iyan, hindi rin naman 'yan kakain ng toyo."Sabad niya at nagtuloy pumasok sa loob. " Andiyan kana pala anak." " Mano po inay." kinuha niya ang kanang kamay nito at nilapat sa noo niya. Binalingan niya ng tingin ang naka upong binata" Sa'yo ba 'yong magarang sasakyan nasa labas?" Tanging ngiti lang ang naging tugon nito sa kanya. " Napadpad ka dito? diba, sabi ko okay lang na hindi mo babayaran ang pera ibinigay ko sa'yo?" pagpapatuloy nito. " Anak, nagpunta si Sebastian dito para ipaabot ang pasasalamat niya sa'tin." salo ng ina kay Sebastian. " Naku, nay ibalik mo sa kanya ang mga pinamili niya, mamaya n'yan magkaroon pa tayo ng utang na loob sa kanya." Naglakad siya papunta sa mesa para maghanda ng kanilang hapunan. " Bukal naman sa loob ko ibigay ang mga pinamili ko, bilang pasalamat ko sa kabutihan ni aling Betty." saad ng binata sa kanya. " Maniwala ako sa'yo, mamaya n'yan sisingilin mo si nanay." giit parin niya rito. Nilapitan siya ng ina." Anak naman, nagmamagandang loob ang binata 'wag mo naman sungitan." Tinignan siya nito ng makahulugan tingin. " Salamat. Nag abala kapa ayos, lang naman sa amin ang makatulong sa kapwa." sabi na lamang niya sa mahinahon boses. Pinagpatuloy niya ang kanyang ginagawa naglatag siya ng mga plato. " Hali na kayo nay, kain na tayo. Hali kana rin sumabay kana sa'min." napilitan niyang aya kay Sebastian. " Kumakain kaba ng paksiw na isda?" tanong ng ina sa binata. " Upo, paborito ko 'yan." masiglang tugon nito. " Baka napilitan ka lang?" sabad niya. " Hindi ah! ito nga lagi pinapaluto ko kapag wala akong pasok." giit nito. " Ayan, toyo kumakain karin ba n'yan?" inalapag niya sa harap nito ang malaking toyo nasa plato. " Hindi kayo kumakain niyan, ulam lang naman namin 'yan ng mahihirap." sabi niya ng hindi ito maka sagot. " Kumain naman ako nito." Kumuha ito ng isang toyo at nilagay sa plato. Lihim siyang natawa sa hitsura nitong kumakain. Halatang nakikisabay lang ito sa kanila mag-ina. Bigla itong napahawak sa leeg. " Ayos ka lang ba?" balisa niyang tanong. " Sumabit ang tinik ng isda sa lalamunan ko." angal nito. Kumuha siya ng tubig at inabot rito," Inumin mo para matanggal ang tinik sa lalamunan mo." halos ilapit na niya sa bibig nito ang baso. Sa subrang pag alala naman ng kanyang ina para sa binata, mabilis itong tumayo at dinampot ang pusa nasa labas ng kanilang bahay. " Nay, ano ang gagawin niyo sa pusa?" nagtatakang tanong niya sa ina. " Ipakamot natin sa pusa ang lalamunan ni Sebastian." Napa hagalpak ng tawa ang binata sa sinabi ng kanyang ina." Sorry po, pero ngayon lang ako nakarinig n'yan." natatawa parin nitong sabi. " Nanay naman nagpapaniwala kayo sa kasabihan iyan. Kalmot ng pusa ang makapag pawala ng tinik sa lalamunan hindi naman iyan totoo." Naiiling niyang sabi. " Lakihan mo nalang ang subo ng kanin para madala iyong tinik." Nag alala parin niyang sabi sa binata. Sinunud naman nito ang kanyang sinasabi at sinundan nito iyon ng paglagok ng tubig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD