The woman in my dream Episode 3

2051 Words
NAGISING si Sebastian ng maramdaman ang pag ngangalay ng mga paa. Inikot niya ang paningin sa kabuohan ng silid naninibago siya sa ayos. Bumangon siya ng mapansin wala siya sa kanilang bahay. Nasapo niya ang kanyang ulo ng bigla itong kumirot. “ Magandang umaga sa’yo hijo, ang aga mong nagising?” Nakangiting sabi ng babae sa kanya. Medyo may ka edaran na sa tantiya niya nasa edad singkwenta na ito o mahigit pa. “ Magandang umaga din po. Nasaan po ako?”magalang niyang tanong sa ginang. Nilampasan siya nito at tinungo ang maliit na kusina na hindi naman kalayuan mula sa kanyang kinauupuan. “ Nandito ka sa bahay namin, dinala ka rito ng anak kong si Rhian, kagabi dahil pinagtutulongan kang bugbugin sa labas.” sabi nito. Nilagyan nito ng tubig ang takuri at sinalang iyon sa kalan. Napapa iling-iling siya nang maalala ang nangyari kagabi at kung paano nagsimula ang gulo. “ Uminom ka ng kape, para mawala iyang hang-over mo.” Ang ginang pa rin kumuha ng tasa at nilagyan nito iyon ng isang kutsaritang kape at sinunud ang asukal. Tumayo siya at naglakad palapit sa mesa.“ Nag abala pa po kayo.” Nahihiya niyang sabi. Umupo siya sa plastic na upuan bilog. " Okay lang naman para narin mawala iyang sakit ng ulo mo." sabi nito ng mapansin ang bahagyang paghaplos niya sa ulo. " Bakit kaba binugbug kagabi?" tanong nito nakatingin sa kanya " Na gasgasan tuloy iyang pogi mong mukha." naka ngiti nitong sabi sa kanya. " Napag tripan lang po ata ako kagabi ng mga lasing na yon." tugon niya. “ Magandang umaga nay.” Narinig niya ang boses babae nagsasalita mula sa kanyang likuran, inisip niyang ito na siguro si Rhian. “ Mabuti naman at gising kana.” Baling sa kanya ng dalaga nakatayo sa kanyang gilid. Inangat niya ang tingin para makapag pasalamat rito.” Mara—“ hindi niya naituloy ang kanyang gustong sasabihin ng makita ang babaeng nagpapaguilty sa kanya kahapon. “ Para kang naka kita ng multo diyan.” Umupo ito sa upuan nasa harap niya. “ Hindi ka maka paniwala na ang babaeng inalisan mo ng trabaho, ay siya rin nagligtas sa’yo?” May halong panunumbat sa boses nito. “ Hindi pa pala ito tapos.” Sa kaloob-looban niya. “ Uminom ka ng kape ng mahimasmasan ka.” Dagdag nito ng ilapag ng ginang sa harapan niya ang kape. “ Anak naman, wag mo naman ganyanin ang bisita natin.” Malambing na saway ng ina sa dalaga. “ Look, I’m so sorry for what had happened, yesterday.” Nahihiyang hinging umanhin niya sa dalaga. “ Hindi ko naman intention na ipatanggal ka sa trabaho mo.” Tinapunan niya ng tingin ang ginang na no'y nakatingin din sa kanya. “ I’m sorry po, sa nagawa ko kahapon sa anak niyo.” Nahihiya niyang sabi rito. Nginitian siya nito at marahan tinapik ang kanyang balikat.” Wag muna 'yon alalahanin hijo, wala nang magagawa ang nangyari kahapon." Sabi nito at umupo sa tabi ni Rhian. “ Maraming salamat po hayaan, niyo babawi po ako sa nagawa kong kasalanan kahapon. At bilang pasasalamat narin kay, Rhi—sa’yo narin.” Sabi niyang ibinaling ang tingin sa dalaga na no'y mataman nakatingin sa kanya. Hindi niya mabigkas-bigkas ang pangalan nito tila ba naumid ang dila niya kapag kaharap ito. “Babayaran ko ang araw nawalan ka ng trabaho at sa pagtulong mo sa akin.” senserong sabi niya sa dalaga. “ Naku! kayo talagang mga mayayaman, lagi niyong ina-areglo sa pera ang kasalanan nagawa niyo.”nakaismid nitong sabi. “Ang sungit talaga ng babaeng ito, ako na nga itong nagpakumbaba.” Sa kaloob looban niya. Hindi na niya ito sinagot pa humigop na lamang siya nang kape, ayaw na niyang makikipagtalo pa rito dahil hindi rin naman ito nagpapatalo. “ Hmmm....ang sarap naman po nitong kape tinempla niyo.” Naka ngiti niyang puri sa ginang. Napangiti ito sa simpleng pagpuri niya. “ Maraming salamat hijo, iyan ang na gustuhan ng yumao kong asawa sa akin." Naka ngiti nitong biro sa kanya. " At nagmana naman itong anak kong si Rhian.” dagdag nitong sinulyapan ang anak. Mabilis gumaan ang kanyang loob sa ina ng dalaga. Para bang matagal na niya itong kakilala, siguro dahil sa ipinakita nitong kabaitan sa kanya. ” Sayang hindi nakuha ng anak nitong si Rhian ang pagiging palangiti at ang pagiging mabait ng ginang.” Sa isipan niya. Nauna ng tumayo ang ginang sa kanila. “ Aalis pala ako, pupunta ako ng palengke, dito kana mag agahan.” Aya ng ginang sa kanya at tinapik nito ang kanyang balikat. Napa tingin siya sa kanyang bisig para tignan kung ano ng oras, pero wala na siyang relo. “ Naku! 'wag na po uuwi ako pagkatapos ko nito. Nakakahiya na po sa inyo na abala ko na kayo ng husto.” “ Ikaw naman bisita, ka namin hindi naman ito araw-araw, paminsan-minsan lang naman ito.” Giit pa rin ng ginang sa kanya. “ Marunong ka pala mahiya.” Mahinang sabi ni Rhian pero abot naman iyon sa kanyang taenga. “ Wag muna pansinin si Rhian, mabait naman iyan.” Salo ng ginang sa nagsusungit na dalaga. “ Mabait ako nay, sa taong mabait sa’kin.” mabilis na sabad ni Rhian. “ Ang aga aga pa Rhian, para mag susungit ka riyan. Sige na aalis na ako maiwan ko muna kayo.” Mabilis na humakbang ang ginang papunta sa pintuan. Subalit hindi pa ito tuluyan nakalabas ng bigla itong tumigil sa paglakad at napahawak ito sa dibdib. “ Nay, ayos lang kayo?” Alalang tanong ni Rhian at mabilis na nilapitan ang ina. “ Ayos lang ako anak, ‘wag kana mag-alala." “ Huwag kana lang kaya pumunta sa palengke nay, ako nalang ang magpunta roon.” “ Hindi na anak, alam mo naman naka gawian ko na ang maglakad ng ganitong oras. “ pagpupumilit ng ina sa dalaga. Hindi na ito nagpapigil pa kaya, umalis narin ito. “ May sakit kasi si Nanay sa puso.” Basag ni Rhian sa kanyang pananahimik. Nilamon siya ng guilt ng mga sandaling iyon. Kung alam niya lang, hindi na niya isinumbong pa ang dalaga sa manager nito. Napuwerhisyo tuloy niya ang hanap buhay ng dalaga. Sumeryuso ang kanyang mukha tinignan si Rhian naka upo sa harapan niya. “ Rhian, I’m really really sorry sa nagawa ko kahapon. Hayaan mo kakausapin ko ang manager mo na ibalik ka sa restaurant.” Sensero niyang sabi rito. Nahihiya siya sa kanyang ginawa, pagkatapos niya itong maipatanggal ay nagawa pa rin siyang tulungan nito, kung sa iba nangyari iyon, siguro hinayaan na siyang mapapahamak. HINDI makapaniwala si Rhian, na ang lalaking tinawag niyang antipatiko at bastos ay marunong palang humingi ng sorry at magalang din pala itong makikipag-usap. “ Hayaan muna, ayaw kona rin bumalik sa restaurant na 'yon.” Sabi na lamang niya. Maghahanap na lang siya ng ibang trabaho kaysa bumalik pa roon. Tinignan niya ng maigi ang binata, naka yuko itong nakatingin sa tasa. “ So, ano nga pala ang trabaho mo? At bakit kaba napunta sa mumurahin bar na 'yon?" Sunod-sunod niyang tanong rito. Nag angat ito ng tingin.“ Pwedi isa-isa lang ang tanong mo?” “ Bakit ka nga napunta sa lugar na 'yon, ha? Sinusundan mo ba ako?” Sabi niyang sinalubong ang mga tingin nito sa kanya. “ Hindi kita sinusundan, wala naman akong kailangan sa’yo.” Sabi nito. “ Bakit ka nga nandon?” Pinagalaw nito ang dalawang balikat.“ Wala lang! Masama ba'ng magpunta ako sa lugar na'yon? Bawal ba ako? Malay ko bang nandon ka.” Naiirita siya sa sagot nito.” Bilisan mo nga inumin iyang kape mo, para makauwi kana sa inyo.” Taboy niya rito. Nilagok naman nito ang kape natitira sa tasa nito. “ Saan ba ang c.r niyo?" Itinuro niya ang maliit na c.r nasa labas lang ng kanilang kusina. “ Pwedi ba muna akong maligo bago ako umalis?” Pakiusap nito at yumuko, tinignan ang sout nitong damit. “ Huwag kang mag-alala kahit luma iyang sout mo, sigurado naman akong malinis iyan.” aniya. Tumayo ito mula sa kinauupuan.” Wala naman akong sinasabing madumi ito.” Hindi na siya umimik pa tumayo na rin siya para ikuha ito ng malinis na puting towel. Inabot niya rito ang bitbit na towel ng makalabas siya ng silid. Tahimik itong tinungo ang maliit nilang c.r. Dahil sa mataas ang binata lumampas ang ulo nito sa maliit na c.r. “ Iyong damit mo pala nasa kwarto ko, tuyo na iyon. Du'n kana rin mag bihis.” bilin niya at pinagpatuloy ang kanyang pag inom nang kape. Hindi sadyang napalingon siya sa gawi ng binata, naka tingin din ito sa kanya. Nagsalubong ang kanilang mga paningin. Ka agad siyang nagbawi ng ngitian siya nito. “ Ang luko, lalo gumuwapo sa ngiti nito. Ano ba Rhian? baka nakalimutan mo ang ginagawa niya sa'yo.” Paalala niya sa sarili. MANGHANG-MANGHA si Sebastian sa subrang kalinisan ng bahay at c.r nina Rhian. Kahit maliit lang ay malinis naman ang kapaligiran. “ Pero ang sungit ng babaeng iyon, talakera saan kaya ipinaglihi 'yon?” Sa kaloob-looban niya. Nagmamadali siyang naligo para maka alis na sa lugar na 'yon. Matapos makapag ligo nagtuloy siya sa silid ng dalaga. “ Ang linis naman.” Hindi mapigil na puri niya ng makapasok siya sa loob. Maayos ang lahat ng mga gamit na naroon. Napatingin siya sa higaan ng dalaga. " Hindi ba ito masakit sa likod?" naitanong niya sa sarili at bahagyang tinulak iyon para malaman kung gaano ito katigas. Naiiling siyang kinuha ang bagong laba na damit at inamoy-amoy niya iyon. Natutuwa siya sa amoy nito, hindi niya alam kung anong perfume ang nilagay ni Rhian, sa damit niya subrang bango nito gusto niya ang amoy. Isinout niya iyon at humakbang palabas ng silid. Natigil siya sa paglakad ng mahagip ng paingin niya ang picture frame ng isang lalaki kalong-kalong ang batang babae.” Ito siguro ang ama niya." Nabaling ang paningin niya sa isa pang letrato, kinuha niya iyon.” Ang ganda naman pala nitong babae na'to kapag ngumingiti, kaya lang ang sungit." Muli niyang binalik ang picture at tuluyan ng lumabas ng silid. Sakto din pumasok si Rhian.” Aalis na ako, maraming salamat sa’yo. Paki sabi narin sa nanay mo salamat.” sabi niya at naglakad palabas ng bahay. Hindi pa siya tuluyan nakalabas ng skinita, naka salubong niya ang ina ng dalaga. “ Hijo, saan ka pupunta?” ka agad na tanong nito sa kanya. “Uuwi na po ako sa amin. Maraming salamat po.” Nakangiti niyang sabi. “ Mag agahan ka muna dito bago ka umuwi sa inyo.” “ Naku wag na po. Nakakahiya na, baka sabihin ng anak mo, umabuso na ako." Naka ngiti niyang biro rito. " Ganun lang talaga ang anak, ko pero wag muna iyong pansinin." Nginitian niya lang ito." Hindi na po talaga, kailangan ko narin umalis dahil may trabaho pa po ako.” Tumango-tango na lamang ang ginang hindi na siya pinigilan pa. “ Sige, pero bumalik ka rito ha?” sabi nito na tila ba natutuwa ito sa kanya. “ Sige po aling—“ “ Betty.” Nakangiti nitong pagpakilala sa kanya. “ Sebastian Dela Torre po ang pangalan ko.” Nakangiti niya rin pagpakilala sa ginang. " Masaya akong nakilala kita hijo." magiliw nitong sabi. “ Oh, pamasahi mo pala.” sabad ni Rhian naka sunod sa kanya. Nagtataka siya kung bakit bibigyan siya nito ng pamasahi. Kinapa niya ang kanyang bulsa. " Wala na inubos na ng magnanakaw ang pera mo." sabi ng dalaga sa kanya. Wala na siyang magagawa pa, gusto niya man tanggihan ang alok nito pero, hindi naman pwedi maglakad siya papunta sa bar kung saan naiwan ang sasakyan niya. “ Babayaran ko rin ito." nahihiya niyang sabi sa dalaga. “ Wag na! Sayo nalang 'yan, basta 'wag kana lang babalik pa rito.” tugon ng dalaga sa kanya. Tumango-tango siya at pinara ang dumaraan na taxi. " Sige, aalis na ako. Maraming salamat uli sa inyo." paalam niya bago tuluyan sumakay sa humintong taxi. Ilang beses siyang napapailing habang inisip ang nangyari sa kanya. Hindi niya inasahan makatulog siya sa bahay ng babae, naka-away niya kahapon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD