NAPAHINTO sa paglakad si Rhian ng marinig ang boses ni Albert.
Mabilis niyang nilapitan ang dating kasintahan" Ano ang ginagawa mo dito?"
" Ano ba naman, klasing tanong 'yan, Rhian? Natural andito ako dahil nobyo mo ako."
Tinapunan niya ng tingin si Sebastian naka tayo lang ito habang nakatingin sa kanila.
" Hindi na kita nobyo, simula ng niluko mo ako." mariin niyang sabi rito.
" Anong niluluko?" pag maang-maangan nito.
" Huwag kana magkaila. Kitang kita ko kayo nong nakaraang araw."
"Ano ba iyang binibentang mo sa'kin? Ikaw nga itong may kasamang lalaki." anito, tinapunan ng tingin si Sebastian.
"Boss ko siya, kaya wag muna siyang i-dahilan para pagtakpan ang kalukohan mo!"
Natahimik siya ng magsalita si Sebastian" Hihintayin kita sasakyan." sinabayan nito iyon ng pagtalikod.
" Rhian, alam mong hindi ko magagawang lukohin ka." ani Albert sa mahinahong boses.
" Aalis na ako nakakahiya sa amo kung paghintayin siya." Akma siyang tumalikod ng bigla siyang hablutin nito sa siko.
" Dito kalang Rhian, mag-uusap pa tayo."
Winawaksi niya ang kamay nito" Pag-usapan natin ang kasinungalingan mo?" nang uuyam niyang tanong.
" Bakit mo ba ipipilit sa akin, niluluko kita?" tanggi parin nito.
"Hindi mo girlfriend si Charry?" kunot-noo tanong niya rito.
" Si Charry? wala, kaibigan ko lang 'yon."
" Ang lambing mo naman kaibigan kay Charry. Anong klaseng kaibigan ba meron kayo, friend with benefits? Dahil may pahalik halik pa kayo."
" 'Yong sa amin ni Charry wala lang 'yon. Ikaw naman ang mahal ko."
Ramdam niyang sa dulo lang ng dila nito ang pinagsasabi. " Aalis na ako."
" Hindi ka pwedi umalis, Rhian." anito, sumunod sa kanya.
" At bakit hindi?"
" 'cuase I'm your damn boyfriend!"
Saglit siyang natigil sa paglakad. Inisip niya, kapag nahaluan ng panluluko ang isang relation ay hindi na ito maibalik pa sa dati.
Dahil andu'n na ang pagdududa. Hindi na mawawala sa isipan niya ang panluluko ginawa nito. Kaya ngayon palang mas mabuti nang tapusin na ito. At tanggpin sa puso niyang tatandang dalaga na lamang siya. Kaysa mag bubulagbulagan sa panluluko nito.
Masakit man ito sa kanya, dahil minahal niya ito. Pero mas lalo siyang masasaktan kapag ipagpatuloy pa niya ang isang relation na siya lang ang nagmahal.
Hinarap niya ito." Tapos na tayo, Albert."
" My God! Rhian, hindi mo pwedi gawin ito sa akin." anito hinawakan siya sa kamay.
Mabilis niyang hinila ang kamay " Naka pag decision na ako, at wala kanang magagawa du'n." sinabayan niya iyon ng pagtalikod.
Mabilis siyang hinila nito uli. " Hindi ako papayag."
" Bitawan mo ako." tinabig niya ang kamay nito. Pero lalo nitong hinigpitan ang paghawak sa kanya.
" Ano ba, nasasaktan ako." angal niya ng maramdaman idiniin pa nito lalo ang paghawak sa kanya.
" Let her go!" bulalas ni Sebastian na mabilis nakalapit sa kanila.
" 'wag kang makialam rito!" bulyaw ni Albert.
" Pare, pag sinabi ng babaeng bitawan, bitawan mo." mahinahon sabi ni Sebastian.
" Kung ayaw ko, may magagawa kaba ha?" Tinulak nito si Sebastian.
"Take your hands of me!" singhal ni Sebastian rito.
" G*go ka pala eh!" Pagalit na sabi ni Albert at pinalipad nito ang kamao sa mukha ni Sebastian, mabilis naman nitong nailagan.
Nagtagis ang bagang ng binata sa galit, at ubod lakas nitong sinuntok si Albert sa tagiliran.
" Sinabi ng bitawan mo." ani Sebastian sa namilipit na si Albert.
Napa awang ang kanyang mga labi naka tingin sa dalawa. Sa subrang bilis ng pangyayari hindi siya naka galaw sa subrang gulat.
" Lets go!" mabilis siyang hinila nito papunta sasakyan.
Tila isa siyang robot na sumusunod. Wala siyang imik na pumasok sa loob ng sasakyan.
" Are you okay?" tanong nito ng makaupo sa driver seat.
Bigla siyang na iyak, ng maisip na sa isang idlap wala na sila ng kanyang boyfriend.
" Hey, ang lalaking ka gaya ng g*go 'yon ay hindi dapat na iyakan."
Inabot nito ang panyo sa kanya." Punasan mo ang luha mo. Baka akalain ng mga tao sa bahay pinaiyak kita."
Bahagya siyang napangiti sa simpleng biro nito. " Ayan, mas maganda ka kapag ngumingiti." pinamulahan niya ng mukha ang pag puri nito sa kanya.
Pareho silang tahimik sa kabouhan ng kanilang byahe. Tila pinakiramdaman ang isat-isa.
Maya-maya pa ay natanaw niya ang maliwanag na two story house. Bigla bumukas ang gate nito at tumambad sa kanyang paningin ang malawak na lown ng Dela Torre.
Mabilis siyang umibis mula sasakyan ng maiparada ito ng binata. Hindi na niya hinintay pagbuksan siya nito ng pinto.
" Mom, dad meet Rhian." nakangiting pagpapakilala sa kanya sa mga magulang nito.
" Magandang gabi po." yumuko siya bilang pag galang sa mga magulang nito.
" Magandang gabi din sa'yo hija." malugod na tugon ng ama ni Sebastian. Tinitigan siya ng ginang at matamis na ngumiti sa kanya.
" Kumain na kayo." anang ama ng binata.
Magka-sabay silang naglakad ni Sebastian papunta sa mesa kung saan naka latag ang ibat-ibang klaseng pagkain.
" Brother!" bulalas ng isang lalaki.
Nagulat si Sebastian ng makita ang kapatid. Hindi nito inasahan na dumating na pala ito sa Pinas." What a surprise!" bulalas ni Sebastian niyakap ang binata.
" Matagal ko na talaga binalak na umuwi at itoun ko sa pasko para naman ma surprise ko kayo.
"Sino naman itong magandang babae na kasama mo?" ibinaling nito ang tingin sa kanya.
" Rhian" maikli nitong pakilala.
" Kay gandang pangalan naman, bagay sa maamong mukha." naka ngiti nitong sabi.
" Warren." inilahad nito ang kamay sa harapan niya.
"Nice to met you sir." nakangiti niyang sabi at tinanggap ang kamay nito.
Marahan nito iyong pinisil na mabilis naman niyang binawi.
" Shall we dance?" aya nito.
" Mamaya na tol, wala pa kaming hapunan." mabilis na sabad ni Sebastian.
" O- okay." ani Warren.
Hinawakan siya ni Sebastian, na ikinapitlag niya ng maramdaman tila may kuryente dumaloy sa buo niyang katawan. Kaya mabilis niyang hinila ang kamay mula sa pagka hawak nito.
" I'm sorry." anito ng maramdaman naiilang siya.
" Stay in my side." dagdah nito.
Ng maka upo siya ay i-kinuha siya nito ng plato at nilagyan iyon ng pagkain. " Nakakahiya naman."
" Bisita kita kaya, pagsisilbihan kita habang nasa poder ko."
Hindi niya mawari kung bakit may kakaiba itong hatid sa kanyang pandinig
" Kay sarap pakinggan pagsisilbihan ako habang nasa poder niya." gusto niyang kiligin ngunit agad niya rin kinalma ang sarili." Bisita ka niya kaya ganun." paalala niya sa sarili.
" Sebastian, bakit ngayon ka lang? Can we talk in private?" anang lalaki lumapit sa kanila.
Tumayo ang binata" Dito ka lang muna, wag ka umalis." bilin nito sa kanya at naglakad papasok sa loob ng bahay.
" Rhian, where did my brother go?" tanong sa kanya ni Warren ng lapitan siya nito.
" Nasa loob may kausap."
Napa kunot-noo ito" Iniwan kang mag-isa?
" Okay, lang hindi naman daw siya magtatagal."
"I see... Tapos kana bang kumain? pwedi ba kitang isayaw?" malambing nitong pakiusap sa kanya.
" Naku hindi ako marunong sumayaw." natatawa niyang sabi.
" Madali lang nama---" Tunog ng cellphone ang pumutol sasabihin pa sana nito.
" Excuse me." anito, at umalis para sagutin ang tawag.
" Sebastian, nasaan kaba?" anas niya ng maramdaman nababagot na siyang umupo mag-isa.
" Rhian right?" anang lalaki lumapit sa kanya.
Nginitian niya ito. Nagtaka pa siya paano siya nito nakilala. " Pinsan ako ni Sebastian, kaya wag kang mag-alala." sabi nito.
"Sasayaw tayo. Nakaka bored ang manood sa kanila." anitong tumingin sa mga nagsasayawan.
" Naku! hindi ako marunong sumayaw."
" Tuturuan kita." pagka sabing iyon ay hinila siya nito papunta sa bulwagan.
" Sinasabi kong huwag kang umalis." galit na boses ni Sebastian ang nagpalingon sa kanya.
" Hey, dude!" anang lalaki ng lingunin nito si Sebastian.
" Humanap ka ng kapareha mo." ani Sebastian at mabilis siyang hinila nito palayo.
" Sandali!" naiinis niyang saway rito.
Nabigla naman ito nang tumaas ang boses niya." Bakit?" naka kunot noo tanong nito sa kanya.
" Kanina pa kayo hila ng hila sa akin, halos matanggal na balikat ko sa ginagawa niyo." Angal niya.
" Ikaw kasi matigas ka rin, sinasabihan kita na 'wag umalis sa kinaupuan mo. Umalis ka pa rin para makipag sayaw sa luko-lukong 'yon."
" Abay, ako pa ang sinisisi nito."
" Nagsasalita kana naman ikaw lang ang nakakaintindi." mabilis nitong sita sa kanya.
" Bakit ba ako ang sinisisi mo? Nong sinabi mong stay in my side, na intindihan ko 'yon. Iyong bisita mo ang humila sa'kin." paliwanag niya.
" Nagpapahila ka naman!" galit nitong sabi.
" Ano ba ang gusto mong gawin ko? Gugulong ako para hindi ako mahila?"nairita niyang sabi.
" Pwedi ka naman tumanggi kung hindi mo gusto." ani Sebastian.
" U----"
Mabilis nitong tinakpan ng palad ang bibig niya. " Awat na ayaw mo magpapatalo.Alalahanin mong boss mo ako." paalala nito sa kanya.
Nang gigil siyang kinagat ang palad nito.
" Ano ba, bakit kaba nangangagat?"
"Is everything okay here?" sabad ng ina ng binata ng lapitan sila nito.
" Yes, mom." ani Sebastian.
" Aalis na po kami ma, ihahatid ko lang si Rhian." Hinalikan nito ang ina sa pisngi at hinila siya nito papunta sasakyan.