" SEBASTIAN!" tawag ng ama nito.
Saglit na nilingon ng binata ang ama. " Yes dad?" muli itong lumingon sasakyan para pag buksan siya ng pinto.
" Aalis kayo agad?"
Sinara ng binata ang pinto ng maka-upo siya.
" May pupuntahan pa ako, saka andito naman si Warren, kaya ayos lang na wala ako." anito, umikot sasakyan tinungo ang driver seat.
" That's the point. kararating lang ng kapatid mo galing sa ibang bansa, tapos aalis kana." naka sunod ito sa anak.
Saglit na tumahimik ang binata tila nag-isip.
"Huwag mong sabihin masama parin ang loob mo sa kapatid mo?" anang ama ng hindi ito sumagot.
Mataman lang siyang nakikinig sa dalawa.
"We have to go dad." tinapik nito ang balikat ng ama at ka agad na sumakay sasakyan.
" Hija, sana bumalik ka rito ng magka kwentohan tayo." baling ng ama ni Sebastian sa kanya.
Napangiti siya sa sinabi nito" Sige po, maraming salamat po."
" Ano nga pala ang pangalan mo uli?"
" Rhiana Andilao po." magalang niyang tugon.
" Andilao, Andilao." ulit nito tila ba may inaalalang kakilala na kapareho ng apelyedo niya. " Anyway, hope to see you again." sabi na lamang nito.
" Salamat po" nginitian niya ng ubod tamis ang Ginoo.
" Magaling karin pumili ng assistant hijo, gaya ng mommy mo malalim ang biloy ." natatawa nitong sabi ng mapansin ang paglitaw ng kanyang dimples.
Napalingon siya sa gawi ng asawa nito na noun din ay nakatingin sa kanila. Kumaway ito sa kanya, kaya kinawayan niya rin ito.
" Aalis na kami dad." binuhay ni Sebastian ang sasakyan.
" Paalam po sir."aniya sa Ginoo at kumaway rito.
Kanina na sila naka-alis pero tamihik lang ang binata. Tumikhim muna siya, bago nagsalita."Sir, bakit po tayo umalis ka agad?Hindi po ba kayo natutuwa dumating ang kapatid mo?" hindi niya matiis na itanong rito. Dahil ang pagkakaalam niya, mula ng dumating sila roon, saglit lang nagka-usap ang dalawa.
" Will you please, be quite." anito tila naiirita
" I'm sorry." hinging umanhin niya at tumahimik na lamang.
Maya-maya pa narinig niya ang pag buntong hininga nito. " Do you have siblings?" biglang tanong nito sa kanya.
" Wala po akong kapatid."
" Ano nga pala ang ikinamatay ng tatay mo?" Tanong nito na tila ba intresado sa buhay niya.
Nalungkot siya sa tanong nito" Na bundol siya ng sasakyan habang pauwi sa'min."
Napalingon ito sa gawi niya. " I'm very sorry. I should not asked that."
" Ayos lang." aniya, sa malungkot na boses.
" Siguro ang sarap sa pakiramdam completo kayo, magka pamilya." mahinang sabi niya.
" I wish!" tugon nito na naka tuon ang mga mata sa daan.
" Simula ng nasa anim na taong gulang ako, napapansin ko na iba ang trato ni dad sa akin at kay warren." anito, ng maramdaman nakatingin siya rito.
" No'ng una iniintindi ko, dahil baka nasa dalawang taon gulang palang si Warren kaya, mas naaliw siya rito. Pero nong lumaki na kami laging nakukuha ni Warren ang gusto niya. Samantalang ako?" natigil ito sa pagsasalita at sinulyapan siya.
" Nakaramdam kana ba na parang second option kana lang?" may bahid ng lungkot ang boses nitong nagtatanong sa kanya.
Hindi niya alam kung paano ito sagutin sa tanong nito. Hindi niya inakala sa likod ng pagiging masungit nito sa kanya, may drama din pala ito sa buhay. " Baka nga siguro kaya mainit ito sa akin ay dahil sa akin ibinunton ang sama ng loob nito. " sa kaloob looban niya.
" Pero, diba gusto ng ama mo na mag bonding kayo magkapatid?" tanong niya parin rito.
umiling-iling ito" Ipa-alala lang sa akin, ni Warren, nakukuha niya ang gusto niya kaysa sa akin." humugot ito ng malalim na hininga.
" Dati kasi gusto ko maging kapitan sa barko. Iyan ang pangarap ko noun. Pa alis na sana ako papuntang Norway, habang si Warren naman ay siyang maiwan sa kumpaya. Pero biglang nagbago ang isip ni dad, pinaalis niya ito papunta sa ibang bansa." mahabang sabi nito." Para dun magiging maayos ang buhay ni Warren." pagpapatuloy nito.
" Kaya ba masama ang loob mo sa kapatid mo?" nakatingin parin siya rito. Habang busy naman ito sa pagmamaneho.
" Baka lang din naman iba ang pakikitungo, ng dad mo kay Warren dahil nakikita niya na na mahina ito kaysa sa'yo. Baka nakitaan ito ng amo mo na mas kinakailangan pa ni Warren ng gabay mula sa mga magulang mo. At Ikaw ang nilagay ng dad mo sa kumpanya dahil malaki ang tiwala niya sayo maitaguyod mo ito ng husto." paunawa niya rito.
Nanatili lang itong tahimik tila ba hinahayaan siya nitong magsasalita.
" Minsan kasi sir, nakikita at nararamdaman ng mga magulang ang pagkakaiba sa kanilang mga anak. Kung sino iyon nakita nila na mahina, du'n nila ibinuhos ang supporta para ma gabayan ito ng husto ng hindi tuluyan mapatiwara. Na hindi naman natin na unawaan iyon, dahil wala pa tayo sa kanilang situation."
Pinagalaw nito ang dalawang balikat" Baka nga siguro, hindi ko lang nakikita dahil kinain ako ng selos." tugon nito
" Naku sir, 'wag kana pong mag selos. Masama po 'yan dahil nakakabulag po ang selos at magiging sanhi pa ng hindi maganda."
Natawa ito sa kanyang sinasabi. " Sige, I'll take that advice." seryusong saad nito. Tinawanan na lamang niya ang sinabi nito.
" Dito na pala tayo." aniya ng makarating sila sa skinita papasok sa kanila.
" Masarap ka naman pala ka kwentohan, diko tuloy namalayan nakarating na tayo sa inyo."
"Napa daldal din ako sir eh." tinanggal niya ang naka kabit na seat belt.
" Paano bababa na ako. Salamat po sa pag inbita." binuksan niya ang pinto ng sasakyan.
" Rhian." mahinang tawag nito sa kanya.
" Bakit po?"
" Wag muna isipin ang lukong iyon ha?" seryuso ang mukha nitong nagpaalala sa kanya.
" Nakalimutan ko na sana sir, eh pero pina-alala mo pa." napa kamot siya sa kanyang ulo. Hindi na niya hinintay pang sumagot ito, naglakad na siya pauwi sa kanila. Sa kabila ng nangyari kanina sa pamagitan nila ni Albert, nakaramdam parin siya ng tuwa. At least sa ikling oras, nagkaroon sila ng masinsinan na pag-uusap ng amo. Hindi sumagi sa isipan niyang mag kwento ito sa kanya tungkol sa personal nito.