Chapter 3

1032 Words
Kinaumagahan maganda ang gising ko. Hindi ko kasi makalimutan yung halik ni Aeros kahapon. Kinikilig ako kapag naaalala ko. Aba akalain mo crush mo hinalikan ka? Paano pa kaya kapag more than kiss na? Ano ka ba Quinzel kung anu-ano iniisip mo? "Good morning Tay!" Masiglang bati ko "Good morning anak. Oh, ang sigla mo yata ngayon ah." "Bakit bawal na bang maging masaya Tay?" Sabi ko habang umiinom ng kape "Hindi naman. Let me guess dahil ba kay Aeros yan?" Nabilaukan ako at ubo na ako ng ubo. Nagawa pa talaga akong tawanan ng Tatay ko. "Tay! Tignan mo tuloy ang nangyari." Sita ko sakanya "O bakit wala naman akong sinasabi ha?" "Ewan ko sayo Tay! Bahala ka nga!" Tawa pa rin siya ng tawa. Tumayo ako at kinuha ko na yung bag ko. Napansin ko din na bagong palit na yung gulong ng kotse ko. Nagreready na akong magdrive ng nakita kong tumatawag si Elise. "Hello-" "Frenny! Punta ka dito sa studio bilis!" "Ha bakit? Anong nangyari?" Pansin ko yung kaba sa boses ni Elise. "Basta frenny bilisan mo na lang. Yung studio mo kasi..." "Sige sige pupunta na ako." Nagmadali akong nag drive papunta sa studio. Nang malapit na ako madami nang tao pero ang pinagtataka ko ay may kotse ng mga pulis. Pinarada ko yung sasakyan ko sa gilid at nagmadali akong pumunta sa studio. Nakita ko pa sila Elise at Abby na nakikipag-usap sa isang gwapong lalaki pero di naman siya naka uniporme. "Elise! Abby!" "Frenny..." lumingon na umiiyak si Abby sa akin "Anong nangyayari dito?" Tanong ko "Miss ikaw ba ang may-ari ng studio?" lumapit ang isang gwapong lalaki sa akin pero hindi ko alam kung pulis ba siya o ano. "Uhm… oo ako nga. Bakit?" "I’m Jethro, gusto sana kitang makausap at makuhanan ng statement." "Teka ano bang nangyari?" huminga siya ng malalim. "Sumama ka sa akin." Sinamahan ako ni Jethro hanggang sa mapadpad kami sa labas ng studio ko at laking gulat ko sa nakita ko. Ang daming pintura na iba’t ibang kulay ang naipahid sa harapan ng studio at yung mga bintana basag lahat. "Oh my- no no no no no..." pagbukas ko ng pintuan ay halos manghina ang tuhod ko. Ang daming kalat pero lahat ng gamit sa loob ay sira. Nagkalat yung mga larawan basag yung mga iba’t ibang klase ng camera, pati yung mga mamahalin na kagamitan na pinaghirapan kong bilhin ay sira lahat. "May ideya ka ba kung sino ang pwedeng gumawa nito?" "W-wala...wala naman akong kaaway na alam ko...wala nga din kaming masyadong mga customer na pumupunta dito dahil bago pa lang ang business ko." Naluluha kong sabi sa lalaki. "Quinzel!" Napalingon ako at nakita ko si Aeros. Napayakap ako sakanya at doon ko binuhos yung luha ko. "Are you okay?" Tango na lang ang naisagot ko. ********* Nang makita ko na ang daming tao sa labas at yung kinahinatnan ng studio ni Quinzel ay bigla akong kinabahan. Hinanap ko agad si Quinzel at nakita ko siyang kausap ni Jethro. Isa sa pinaka matalik kong kaibigan. Hindi siya pulis pero nakikisama siya sa mga ito. "You know her?" "Yes, she’s my fiancée. Jethro anong nangyari dito?" "Hindi ko rin sigurado. Nakuhanan ko na ng statement yung dalawa niyang kaibigan pati ang fiancee mo pero pare-parehas lang sila ng sagot. Kaso..." "Kaso ano?" "I want to show you something." "Quinzel, labas muna tayo. Di bale matalik kong kaibigan si Jethro." Tumango naman siya at basang basa yung mga mata niya dahil sa luha. Iniwan ko muna siya sa mga kaibigan niya at sinundan si Jethro sa bandang likod ng studio. "Naglibot libot ako kanina para humanap ng clue kaso wala akong makita hanggang sa makita ko ito." Halos magulantang ako sa nakita ko. Isang malaking alakdan na pula ang naka-drawing sa likod ng studio ni Quinzel. "Aeros you know this symbol very well." "Of course. How can I forget?" Naikuyom ko ang mga kamao ko sa galit. Anong kailangan nila kay Quinzel? "Malinaw naman na sinabi ng fiancee mo na wala siyang kaaway at nag-start palang ang business niya." Sabi ni Jethro habang kinukuhanan niya ng picture ang alakdan "Kung ganon bakit siya pinupuntirya ng mga ito?" "Yun din ang pinagtataka ko Aeros...well unless..." "Unless ano?" "Nakidnap ka noong bata ka pa diba? Kaso hindi mo alam kung anong klaseng sindikato ang kumuha sayo. Ang naaalala mo lang ay may ganito din silang simbolo." "Oo. Teka anong gusto mong sabihin Jethro na may kinalaman ako dito?" "Hindi malayong mangyari iyon Aeros lalo na ngayon mas lalo nang sumisikat ang pangalan mo sa business world." "Pero matagal na iyon nung bata pa ako." Nagkibit balikat lang si Jethro. Malaking palatandaan tuloy sa amin kung bakit si Quinzel ang pinagtritripan nila ngayon. Ang pagkakaalam ko ay hindi naman sila ganun kayaman at alam ko na mukhang pera ang mga sindikatong ito kaya bakit fiancee niya pa. "Jethro anong gagawin natin? Hindi natin pwedeng ipagsawalang bahala ito." "Oo alam ko naman iyon. Kaso hindi naman kasi ako pulis para sana matulungan sana kita. Nakikisama lang ako dahil trip ko lang at dream job ko ang pagpupulis. Alam mo naman yan. May pwede tayong hingan ng tulong na alam ko." "Sino?" Nginitian niya lang ako. Muntik na akong mapamura ng mapagtanto ko kung sino ang pwede naming hingan ng tulong. "Kung minamalas ka nga naman talaga. Alam mo naman ang ugali ng isang iyon parang pinag lihi sa kiti kiti at nakakain pa yata ng bunganga ng baboy sa kadaldalan." "Alam ko dude. Kaso he’s perfect for the job. Isa pa kaibigan din naman natin siya. Yun nga lang talo niya pa ang isang babae. Wala kang choice dude." "Fine. Tatawagan ko na lang siya mamaya." "Actually, nagawa ko na kanina nung wala ka pa." "’Lang hiya!" Binatukan ko siya habang siya tawa lang ng tawa. "Mag-ready ka na lang ng pera mo. Alam mo naman iyon mahilig mag-palibre. Siya nga pala anong nangyari sa inyo ni Selene break na kayo?" "Hinda pa." "Pa? Oh, eh bakit sabi mo fiancee mo ang babaeng yun? Nagtwo-two-time ka dude. Masama iyan." "Tsk! Mahabang kwento dude pero mas simple arrange marriage ang nangyari." "Iba ka din dude. Sige mauna na ako at sigurado ako hinahanap na ako sa opisina. Tumakas lang ako para makiusyoso dito." Tumango na lang ako at nagpaalam na din sakanya. I look at the big red scorpion na naipinta sa likuran ng studio ni Quinzel, then I left as I think about the possibilities why they are harassing her.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD