Ilang linggo na ang nakakalipas at hanggang ngayon ay may nakalagay pa ring yellow line sa harapan ng studio ko. Nakiusap ako sa mga pulis na kung pwede ay mag-ayos ayos ako sa loob kaso ang sabi nila hanggat hindi pa nalulutas iyong kaso ko ay delikado munang bumalik doon. Kaya pansamantala muna akong nagtayo ng mini studio ko sa tulong na din ng tatay ni Aeros. Nang kumalat kasi iyong balita ay sobra silang nag-aalala ni Tatay at Tito Arnold at nag donate agad siya sa akin ng pera na pampatayo muna ng temporary studio ko. Ayaw kong tanggapin kaso sinabi niya na magtatampo daw siya sa akin at hindi daw siya pupunta sa kasal ko. Ang galing talaga niyang mang black mail hindi na ako magtataka kung bakit ganun si Aeros like father like son nga naman.
"Frenny namimiss ko na yung dating studio natin." Sabi ni Elise sa akin.
"Ako din naman kaso wala tayong magagawa delikado pa ang bumalik doon. Bakit kaya may gumawa nun?" takang tanong ko
"Kaya nga ang sasama nila. Siguro adik iyong mga iyon? Hmp! Makarma sana sila." Inis na sabi ni Elise habang kumakain
"Siya nga pala pansin ko na wala yata si Aeros ngayon?" Tanong ni Abby
"Sabi niya na may pupuntahan daw siya ngayon." Nalungkot naman ako bigla. Hindi kaya kasama niya ulit iyong gf niya? Alam naman niya na may kinakaharap akong suliranin tapos wala siya sa tabi ko. Kung sabagay, ano nga naman ang laban ko mas mahal niya yun eh.
"Frenny alam ko yang kunot sa noo mo. Kung sa ibang tao siguro problemado ka o di kaya nagtataka pero sayo ibig sabihin niyan nagseselos ka. Wag kang tatanggi kundi babatukan kita." Sita sa akin ni Elise sa akin at napalabi lang ako. Kilalang kilala na talaga ako ng mga kaibigan ko wala man lang akong maitago sakanila.
"Selos? Bakit ka magseselos frenny? Don’t tell us na iniisip mo si Aeros na may kasamang iba ngayon kaya ka ganyan?"
“Hindi ko pa ba nababanggit sa inyo? May gf si Aeros nung nakilala niya ako.”
“What?! Seryoso?! Two-timer pala iyong bwisit na lalaking iyon eh! Putulan ko kaya siya ng bayag.” Inis na sabi ni Elise
“Sige gawin mo nga?!” asar naman ni Abby sakanya. Elise just rolled her eyes at her. Napailing na lang ako. Aso’t pusa talaga ang dalawang ito.
"Pero alam mo frenny feeling ko hindi mag-kasama iyong mga iyon ngayon. Think positive lang bess malay mo gumagawa siya ng way para pagbayarin yung sumira sa studio mo."
"Tama si Elise. Maniwala ka sa power instinct niyan hindi nagkakamali." Pampalakas loob naman sa akin ni Abby. Tumango na lang ako sa kanila sabay ngiti. Sana nga tama yung hinala ni Elise.
*********
Tinitignan ko yung orasan ko dahil nandito ako ngayon sa NAIA para sunduin yung kaibigan ko. Ilang minuto pa at darating na siya. Umiinom ako ng tubig ng may kumatok na lalaki sa bintana ng kotse ko. Speaking of the devil.
"Musta dude?" Sumakay na siya sa kotse ko. "How are you? Ang init dito sa manila ha? Saan ba ang diretso natin ngayon sa bahay mo dito o sa Baguio? Hoy, sagutin mo naman ako parang di ka excited na makita ako ah."
Meet Earl Ferrer. One of my close friends na businessman din. Half Italian siya at ang sideline niya ay isang secret agent sa organisasyon na hindi namin alam ang pangalan. Ang alam ko lang mataas na ang posisyon niya doon.
"Ang daldal mo pa rin hanggang ngayon Earl. Talo mo pa ang babae buti may pumapatol pa sayo sa kadaldalan mo?" Inis kong sabi habang nagdadrive na
"Hindi mo ba alam na dahil sa kadaldalan ko ang dami ko nang natitikman na babae."
"Gago! Pati yang pagiging babaero mo hindi mo pa natatanggal. Mamaya makarma ka niyan sa ginagawa mo."
Sumipol pa siya. "Ako lang ba ang babaero eh ikaw nga diyan may fiancee may gf pa. Aba’t matindi ka dude. At least ako hanggang one-night stand lang. Kaya ayaw ko sa commitment eh ang hirap kumalas."
"Makakahanap ka din ng katapat Earl. ‘Pag nangyari yun tatawanan kita."
"Ayoko! Anywho, tinawagan ko pala iyong iba pa nating kaibigan. Sinabi ko na sunod na lang sila. Sinabi ko na din na manlilibre ka." Tumawa lang siya at sa inis ko prineno ko agad yung sasakyan at napasubsob siya.
"Pasensya may itim kasing pusa na dumaan. Malas daw kasi yun." Sabi ko na may diin sa malas. Pagtingin ko sakanya hinihilot niya iyong ilong niya. Natawa naman ako. "Uso kasi mag seatbelt."
"Ang hard mo talaga sa akin dude. Pag naging pango ako hindi kita tutulungan sa problema mo. Pasalamat ka talaga kaibigan kita. Kundi ka lang manlilibre..."
"Ang kunat mo talaga. You are a f*****g billionaire asshole."
"So saan ang diretso natin?"
"Baguio tayo."
"Cool!" Nakita ko siyang linabas yung cellphone niya at kinutingting yun. Alam ko na itetext niya yung iba, napa-iling iling nalang ako. Mahigit anim na oras din ang byahe naman at masakit na ang katawan ko sa pagda-drive. Pagdating namin sa bahay ay nagulat ako na halos nandito silang lahat.
"Ayun oh! Ang bilis niyo ah? Siguro nag-eroplano kayo ano?" Nakipag apir pa si Earl sa kanilang lahat.
"Oo naman gamit kaya namin yung mga private plane namin. Ikaw lang naman kasi itong nagcommute papunta dito. Nagpasundo ka pa. Bilib na talaga ako Earl kung gaano ka kuripot." Asar nitong si Clyde kay Earl.
"Aeros dude balita namin may fiancee ka na daw pero hindi si Selene ah. Totoo ba yun?" Takang tanong ni Keith habang kumakain ng dragon fruit.
"Let me guess si Earl ang nag-kwento ano?" Sinamaan ko ng tingin si Earl na agad namang lumayo sa akin at tumabi kay Jethro na tumatawa.
"Parang di ka na nasanay sa kadaldalan niyang si Earl. Wala kang maitatagong lihim diyan."
Tahimik kaming lahat nang biglang may marinig kaming umuungol na babae. Pagtingin namin si Seanne nanunuod ng p**n at naka full volume pa.
"Tarantado ka talaga Seanne! Pati ba naman dito di mo maitago yang kalibugan mo?" Binato siya ng unan ni Justine na agad naman niyang naiwasan.
"Dude titignan niyo daw yung pinangyarihan ng krimen bukas sa studio ng fiancee mo? Sama mo naman kami para makapasyal din kami dito sa Baguio. Boring na kasi sa ibang bansa eh. Malay mo pag nakita kami ng fiancee mo eh mamili siya sa amin ng mapapangasawa niya." Pangaasar sa akin ni Cyrus na sinang-ayunan naman ng iba.
"Mukha niyo!" Nagpahatid na lang ako ng ilang pulutan at naglabas ng mga mamahaling alak para malasing sila. Bukas ko na sila tatakasan para di sila makita ni Quinzel baka mamaya magka-totoo nga yung sinabi ni Cyrus.