"Quinzel anak. May bisita ka." Sabi ni dad habang ng aayos ako ng mga gamit na dadalhin sa studio ko.
“Sino Dad?” Ngumiti lang siya sa akin.
“Why don’t you look outside?” I look outside, and I saw that guy yesterday again.
"Good morning! Halika hatid na kita." Nakasuot siya ng shades at ang gwapo niya sa suot niya na akala mo magca-camping, pero syempre hindi ko iyon sasabihin sakanya.
"May sarili akong kotse. Thank you na lang." Sabi ko sakanya at linagpasan siya. Kaso nung nasa tapat na ako ng sasakyan ko nakita ko na na-flat lahat yung gulong niya.
“What the-?” Uminit bigla yung ulo ko.
"Ikaw damuho ka! Ikaw ang may kagagawan nito ano?! Bakit mo binutas yung gulong ng kotse ko!"
"Wala akong kinalaman diyan. Kararating ko lang dito. Pagdating ko ganyan na iyong sasakyan mo." May mapang-asar siyang ngiti.
"Urghhh! I hate you! Sinungaling! Alam ko ikaw ang may kagagawan niyan!"
“Ihahatid na lang kita.”
“Magco-commute na lang ako.”
“Sigurado ka? Baka ma-late ka.” He smiled innocently. Wala tuloy akong choice kundi sumakay sa kotse niya.
Habang binabaybay namin yung kalsada papunta sa studio ko nakatingin lang ako sa labas ng bintana at hindi ko siya pinapansin. Pagkarating ko sa studio iniwan ko siya at hindi ko man lang siya yinaya sa loob.
"Hey, galit ka ba sa akin?" Sumunod pala ang loko
"Ikaw! Ano sa tingin mo? Butasin ko din kaya yang gulong ng kotse mo?" I said as I unlock the door of my studio.
"Don’t worry papapalitan ko na lang yun." Inikot ko lang yung mga mata ko at ngumiti pa siya na parang natutuwa siyang nagsusungit ako.
"You're so cute when you're mad. Ang sarap mo tuloy halikan." Namula pa ako sa sinabi niya.
"Hoy! Kung wala kang magawa mabuti pa umalis ka na lang. Nakakaistorbo ka eh."
Dumating naman bigla yung dalawa kong kaibigan.
"Frenny sayo ba yung nakapark na kotse sa labas?" Tanong ni Abegail at hindi pa napapansin si Aeros.
"Uhm that would be mine." Napatingin pa silang dalawa kay Aeros at gulat na gulat.
"Ay gwapo...ay este bisita ka ba namin?" Tanong ni Elise
"Hinatid ko lang si Quinzel dito."
"Oo at aalis na din siya." Sabi ko
"Grabe ka frenny hindi mo man lang ipakilala si papa pogi sa amin. Anong name mo pogi?" Sabi pa ni Elise at itong lalaking to ang lapad pa ng ngiti.
"Aeros Simmons, fiance ako ni Quinzel."
"Fiance?!" sabay pa nilang sabi.
"Hoy babae kailan mo sasabihin na may gwapo ka pa lang fiance ha?" sita ni Elise sa akin.
"Kasi biglaan iyong nangyari nuh. Arriange marriage, basta mahabang kwento."
"Simmons? ‘Di ba ikaw yung may-ari ng Simmons Group of Companies?" Tanong ni Abegail
"Soon, nasa pangalan pa lang kasi yun ni Dad." sagot ni Aeros
"Ay! Abby, halika samahan mo ako may nakalimutan pala akong bilhin sa town." Hila ni Elise kay Abby. "Papa Aeros dito ka na muna samahan mo na muna si Quinzel baka bigla yang pasukin dito. Alis na muna kami ha?" Napailing na lang ako alam na alam ko naman kung anong gusto niyang mangyari. Bwisit talaga ang babaeng yun. Mamaya ka sa akin.
"Well tayong dalawa nalang ang nandito."
"So? Eh ano naman ngayon?" Huminga siya ng malalim
"Kung galit ka sa akin dahil sa pagbutas ko sa gulong ng kotse mo, I’m sorry. Ginawa ko lang iyon kasi that’s the only way na sasama ka sa akin." Mukha naman siyang sincere pasalamat ka crush kita kaya papatawarin kita pero syempre hindi ko sasabihin sayo iyon.
"Bakit? Akala ko ba may importante kang lakad ngayon?"
"Narinig mo naman kung anong sinabi ni Dad kagabi."
"Pwede ko namang sabihin sa tatay mo na nagkita tayo kahit hindi eh."
"Well thanks, but knowing my Dad, he has ways of knowing kung ginawa ko nga o hindi iyong inuutos niya. Saka isa pa ‘pag hindi kasi ako nagpakasal sayo hindi niya ibibigay sa akin yung kompanya. ‘Pag nangyari iyon anong pangbubuhay ko sayo?" Nabalot kami ng katahimikan ng tumunog ang cellphone niya.
"I'll just get this." Paalam niya. Ako naman si chismosa ayun at nakinig sa usapan nila. Narinig ko na kausap niya ang girlfriend niya. Nakakainggit naman yun buti pa siya nayayakap at nahahagkan niya si Aeros. Di tulad ko napipilitan lang siya na magpakasal sa akin kasi para sa kompanya niya. Yes, I know Aeros Simmons, at matagal na akong may crush sakanya. Kaya nung sinabi ng aking ama na magpakasal ako sakanya pumayag ako agad.
Nung nakita ko siya sa bar na yun nung isang gabi hiyang hiya ako. Sino ba namang hindi nakakakilala kay Aeros Simmons ang tagapagmana ng Simmons Group of Companies. Lahat yata ng babae pantasya siya. Umalis ako agad sa bar dahil baka ang akala niya pariwara akong babae. Nung time na iyon bonding time lang namin ng mga kaibigan ko kaso nasobrahan ko yata yung inom kaya medyo nalasing ako. Tuwing naalala ko iyon nahihiya talaga ako tapos nakilala pa niya ako. Hindi ko naman akalain na siya ang magiging future husband ko. Kaso may girlfriend kasi siya.
Tapos na siyang makipag-usap kaya bumalik ako agad sa loob at kunyari inaayos ko yung mga litrato.
"Quinzel okay ka lang ba mag-isa dito? May pupuntahan sana ako." Tinignan ko lang siya at tumango. So iiwan niya ako para sa gf niya. Sana dumating yung araw na maging ganyan ako ka-importante sakanya.
"Sige umalis ka na dapat nga kanina pa diba?" Pagsusungit ko sakanya samantalang siya ay napailing yata sa inasal ko. Umalis na siya kaso wala pang isang minuto na nakaka-alis siya ay bumalik siya.
"I forgot something."
"Ano?" Lumapit siya sa akin at nagulat ako ng bigla niya akong halikan. Sa gulat ko ay napasinghap ako at ang loko pinasok pa ang dila niya sa bunganga ko. Siya ang unang humiwalay at ako naman nakatanga lang sakanya.
"Sabi ko naman sayo pag nagsusungit ka ang cute mo. Na-tempt tuloy akong halikan ka. Magsungit ka pa para matikman ko pa yang labi mo." Napalunok ako at hindi ako makapagsalita. Bumalik na lang ako sa katinuan at napansin kong wala na siya. Pinisil ko pa ang sarili ko kung totoo yung nangyari. s**t! Masakit mga bess. He kissed me. Aeros Simmons kissed me.