Katulong si Marian ni Aling Martha sa pagluluto ng hapunan para sa mga Henderson. Darating daw kasi ang panganay na anak ni Don Ismael kaya naman ay aligaga ang mga tao sa buong mansyon. Lahat nang klase ng putahe ay kanilang ihahanda. Naisip niyang matakaw siguro ang panganay na anak ni Don Ismael.
"Marian, kumusta ang afritada?" tanong sa kanya ni Manang Fe, ang mayordoma ng mansyon.
"Isang kulo nalang ho, hahaunin na," tugon naman niya. Sinilip niya ang pinakukuluang karne ng baka at marahang hinalo, saka niya muling binalikan ang afritada. Hinalo niya nang kaunti at saka ito hinaon. Sunod ay nagsalang na siya ng isa pang kawa para naman sa chopseuy.
"Marian, halika ka nga muna. Iwan mo muna yan kay Martha. Tulungan mo muna akong maglinis ng kwarto ni Tray," muli ay narinig niyang sabi ni Manang Fe. Tumalima naman siya at sumunod sa mayordoma.
Mahigit isang buwan na rin magmula nang magising siya sa hindi pamilyar na silid sa loob ng ospital. Mahigit isang buwan na rin nang makailang ulit niyang binabalikan at inaalala kung sino ba siyang talaga. Sinamahan siya ng doktor na si Louis sa lugar kung saan siya nakita ng mga bodyguards ng mga Henderson. Masyadong liblib ang daan at talagang mga residente lang dito ang talagang nakakapasok, kaya nakapagtataka na nagawi siya roon. Base rin daw kasi sa nakakita sa kanya, mukha raw hindi siya taga-roon at mukha raw siyang anak-mayaman. Isa pa, hindi rin basta-bastang kotse ang dala niya noon. Bagay na lalong nagpapagulo sa kaniyang kaisipan.
At dahil nga ipinagpalagay ng lahat na anak-mayaman siya, tiyak daw na hahanapin siya ng mga magulang niya. Kaya habang wala pa raw ay hinayaan siya ni Don Ismael na tumigil muna sa mansyon. Magaling naman na siya, ngunit hindi ang alaala niya. Tumutulong na nalang siya sa gawain upang hindi masyadong nakakahiya ang pag-stay niya sa mansyon.
"Papalitan natin ang mga kurtina at bedsheet," wika ni Manang Fe. Pinauna na siya nito sa kwarto n'ong Tray at ito naman ay dumeretso sa storage room upang kumuha ng bagong bedsheet at kurtina.
Marahan siyang pumasok sa kwarto ni Tray at binuksan ang kaaya-ayang chandelier upang maliwanagan ang malaking silid nito. Black and gray ang kabuuan ng silid. Gray ang pintura ng mga dingding habang nagmumura naman sa itim ang mga kurtina nito. At ang King sized bed nito ay black velvet ang design. Nakakatakot din ang disenyo ng headboard. Parang leon na nakanganga at labas ang dalawang matatalim na mga pangil nito, at mayr'on ding dalawang malalaking sungay. "May sungay ba ang leon?" tanong niya sa sarili.
May malaking tokador na nasa kabilang bahagi ng kama. Napakunot pa ang noo niya nang mapansing walang knob ang mga tokador. Paano kaya iyon binubuksan? Mayr'on ding katamtamang side table sa kabila. May dalawang pinto, ang isa ay malamang banyo at ang isa ay hindi niya alam.
Napabuntong-hininga siya. Bakit tila may pakiramdam siyang familiarity sa kwartong iyon? Ipinagkibit-balikat na lamang niya, ano man iyon. Balak nalang niyang simulan ang trabaho. Akma na siyang yumukod upang tanggalin sana ang maayos na nakasalansang kama nang isang mabilis na pangyayari ang hindi niya inasahan.
Isang matipunong braso ang humapit sa bewang niya at pabalya siyang inihagis sa kama. Napapikit siya sa lakas ng impact nang pagkakahiga niya sa kama. Bago pa siya makahuma ay nakapaikot na nang kung sino man ang kamay nito sa leeg niya habang nakahawak naman ang isa pang kamay nito sa dalawang kamay niya sa itaas ng kanyang ulo.
Tiningnan niya ang lalaki. Gulat ang nakarehistro sa mga mata nito. At siya naman ay naguguluhan, nalilito at natatakot. Ano'ng balak nito? Patayin siya? Isa lang ang sigurado siya, ito si Tray. Si Travor Henderson. Sa noo, mga matatalim nitong mga mata, ilong at sa maninipis nitong mga labi, lahat copycat kay Don Ismael.
"Marian?" Kunot-noong sambit nito. Siya naman ay nagtatakang kilala siya nito. "I've always known that you're a smart woman. Ang hindi ko lang inaasahan ay ang pagpunta mo rito nang hindi nagbabaon na utak," malamig na saad nito.
Siya naman ang kumunot ang noo. Naguluhan sa mga sinasabi nito. "A-anong ibig mong sabihin? At, kilala mo ako?"
Tray just smirked. Lalo tuloy itong gumwapo. "What are you up to now, woman? Kill me here in my territory?"
"Ano bang sinasabi mo? At bakit naman kita papatayin? Adik ka ba?" Naiiritang tanong niya rito.
Nagpapanic ang kalooban niya nang magsimula nitong higpitan ang pagkakasakal sa leeg niya. Ano bang atraso niya rito? Ngayon lang naman sila nagkakilala, hindi ba?
Niluwagan lamang iyon ni Tray nang biglang bumukas ang pinto, na ipinagpasalamat naman niya sa lahat ng santo. "Hay, jusmiyo!" Si Manang Fe.
Itutulak na sana niya si Tray dahil sa awkward na posisyon nilang dalawa nang magsalita ito. "Iwan niyo kami, Manang Fe, hindi pa kami tapos," utos nito sa matanda nang hindi binibitawan ng mga mata nito ang mga mata niya.
Nagsimulang mataranta ang buong pagkatao niya, lalo na nang sumagot si Manang Fe at iiwan nga sila. "Manang Fe, wait!" Pigil niya sa matanda kasama nang pagpupumiglas niya kay Tray ngunit bigo siyang pigilan ang matanda. Narinig na lamang niya ang pagsara ng pinto. Buong pwersa niyang ipinaksi ang mga braso niya rito, ngunit sadyang malakas si Tray. "Ano bang problema mo?" sigaw niya sa pagmumukha nito.
"How did you get in here? Umayos ka nang isasagot dahil hindi ako magdadalawang isip na patayin ka rito," punong-puno ng awtoridad nitong sabi.
Pinangilabutan siya. Patayin? Bakit ganoon lang kadali nitong sabihin ang ganoong bagay? Sino ba ito?
Kahit binalot ng takot ang buong sistema niya ay matuwid pa rin niyang sinagot ito. "I don't know. Nagising nalang ako isang araw na nasa ospital. Naaksidente raw ako sabi ni Louis."
Ngunit akala niya ay pakakawalan na siya nito ngunit nagkamali siya. Dahil lalong hinigpitan ni Tray ang pagkakasakal nito sa kanya. Napapapikit na siya sa sakit. "Ang pinakaayaw ko sa lahat ay ang sinungaling."
Nararamdaman niya na ang nagbabantang luha sa gilid ng kanyang mga mata. Marahil ay dala ng takot, pangamba, at sakit. "Na-nasasaktan a-ko."
"Talagang masasaktan ka 'pag 'di ka umayos!" Niluwagan nito ang pagkakasakal sa kanya. Bumaling siya sa kanan upang maubo, kahit gustong-gusto niyang maubo sa pagmumukha nito. Mula sa leeg niya ay ibinaling naman nito ang mga daliri sa magkabilang pisngi niya saka nito pwersahang iginiya ang ulo sa harap nito. "How the f**k did you get in here?" Nanggigigil nitong tanong.
"I told you, nagising ako sa ospital at ang tanging alam ko lang ay naaksidente ako. Bakit hindi mo itanong kay Louis? Ang abnormal na 'yon ang nakakaalam ng kundisyon ko!" Pinaningkitan siya nito nang tingin. "Kung hindi ka naniniwala, problema mo na 'yon!" Unti-unti na rin siyang napipikon dito. "Kung itatanong mo naman kung bakit ako nandirito sa kwarto mo, inutusan ako ni Manang Fe na magpalit ng kobre kama at mga kurtina!" Na ngayon ay iba na ang iniisip sa'tin. Nais niya sanang idugtong.
Ilang sandali itong nakatingin sa kanya bago siya nito pinakawalan. Tumayo ito nang hindi inaalis ang tingin sa kanya. Lihim siyang nagpasalamat sa pagpapakawala nito sa kanya. Bumangon siya at akmang tatayo nang muli ay hapitin nito ang bewang niya at patalikod siya nitong niyakap, na hindi naman talaga yakap. Nakapulupot ang braso nito sa bewang niya saka siya nito kinakapkapan.
"Ano ba?" Naiilang niyang angil ngunit hindi siya nito pinakikinggan. Pagkatapos ay marahas siya nitong binitawan kaya napaupo siya sa kama. Naguguluhan siya sa inaakto nito sa kanya. Magkakilala ba sila noon? May nagawa ba siya rito noon kaya galit na galit ito sa kanya ngayon?
"Stay there, if you treasure your life." Matalim ang tingin nito sa kanya. Saka nito kinuha ang cellular phone nito sa bulsa at may dinayal. "Louis."
Masamang tingin nito sa kanya. "Maduling ka sana," saad niya sa isip.
"Are you sure?" tanong nito sa kausap. "Okay. Thanks." Saka nito ibinaba ang cellphone sa side table nito. Binalingan siya nito. "Out."
Nakakunot- noo siyang tumingin dito. "Pagkatapos nang ginawa mo? Ni hindi mo man lang ipapaliwanang 'yong pagtatangka mo sa buhay ko? Bakit galit na galit ka sa'kin? Magkakilala ba tayo noon?"
"No. Napagkamalan lang kita," tipid na sagot nito saka siya nito tinalikuran. Dumeretso ito sa isang pinto.
"Napagkamalan? Huh. And, do you think I'll buy that?" Nanlaki ang mga mata niya nang maghubad ito at pumihit paharap sa kanya. Ngali-ngali siyang ibinaling ang mga mata sa ibang direksyon.
"Lalabas ka o papanuorin mo pa akong magbihis?"
Inis siyang napa-tsk saka lumabas ng silid. Nagulat at nagtataka naman siya nang maabutan niya sa labas si Aling Martha kasama sina Pia at Hanna. Kasama rin nila si Catherine, bunsong anak ni Don Ismael.
"Hi Marian!" Malapad ang ngiting bati ni Catherine sa kanya, habang may mapanukso at kinikilig na ngiti at tingin naman ang tatlong kasama nito. Sina Pia at Hanna ay mga iskolar ni Don Ismael, trabahador sa Hacienda ang mga magulang nito. Tumutulong ang dalawa sa gawaing mansyon kapag may mga handaang malaki.
"It's not that I know what you're thinking, but it's not what you think," sabi niya sa apat.
"Okay. Wala rin naman kaming narinig na kahit ano sa loob e," sagot naman ni Catherine.
Iniwan na lamang niya ang mga ito saka bumaba ng hagdan. Nakasalubong naman niya sina Don Ismael na may kasamang isang lalaki na tantya niya ay nasa early 20s. Nakangiting napatingin sa kanya si Don Ismael kaya napayuko na lamang siya at nagbigay-daan kahit na ba masyado namang malaki ang staircase sa kanilang tatlo.
"Tray."
Napalingon siya sa likod niya nang batiin ni Don Ismael ang nakatayong Tray sa taas niya. "Dad."
Nagsalubong ang tatlo at huminto sa tapat niya. Akma na siya bababa nang tawagin siya ni Don Ismael. Kaya huminto siya at humarap dito. "I want you to meet my sons, Travor and Drax. She's Marian, and she has been here for almost two months." Isa-isa niyang tiningnan ang mga ito. Tray with his signature blank face at kunot-noo naman ang nasa mukha ni Drax. "Looks like you already met her, Tray."
"Louis told me," sagot nito. "Yea, pero muntikan naman akong mamatay bago mo nalaman." saad niya sa isipan.
"Babalik na po ako sa kusina," paalam niya sa Don. Nakangiti itong tumango sa kanya bago siya tuluyang umalis.
Malakas ang kabog ng kanyang dibdib nang umalis siya sa harap ng mga ito. Bakit ganoon? May iba siyang pakiramdam. Galit? Pagkamuhi? Ngunit para saan?
Isang bagay lang ang sigurado siya. Ayaw niya nang malapit pa sa kahit na kanino sa tatlo. Lalong-lalo na kay Tray.