Nanginginig siyang napasandal sa lababo sa kusina. Hindi niya talaga maintindihan ang reaksyon ng sistema niya nang makaharap ang tatlong Henderson. Napapailing nalang siya dala nang kalituhan.
"Okay ka lang ba, Marian?" Malumanay na tanong ni Manang Fe. Nilingon niya ito at kitang-kita ang pag-aalala sa mukha nito. "May ginawa ba si Tray sa 'yo na ikinatakot mo?"
Huminga siya nang malalim. Kumuha naman si Manang Fe ng tubig at inaabot sa kanya. Ngali-ngali niya itong inabot at ininom. Saka siya napabuntong-hininga. "Wala naman po. Aksidente lang 'yong kanina," sagot niya.
Ngumiti naman si Manang Fe. "Sige, kung 'yan ang ikapapalagay ng loob mo."
Hindi niya naiwasang mapairap. "Hindi ho iyon gaya nang iniisip ninyo." Naiiling nalang siya nang bumalik na si Manang Fe sa paghahain nang nakangiti pa rin nang nakakaloko. Tumalima na lamang siya at tumulong.
Sa malawak na hardin sa likod ng mansyon gaganapin ang handaan. Unti-unti nang dumarating ang mga bisita. Karamihan ay mga taga-hacienda. At ang iba ay mga kumpadre ni Don Ismael sa karatig-bayan at ilang prominenteng mga tao. Hindi niya rin maintindihan ang malaking salu-salo na magaganap.
"Okay, dumating si Sir Tray galing Europe pero kailangan ba ng ganitong pagsalubong? Heavy a," sabi niya kay Pia. Kasalukuyan silang nag-aayos ng mesa. Nilalagyan nila ng mga sapin, kubyertos, mga plato, iba't-ibang klase ng wines at mga pitsel ng tubig.
"Gan'on talaga kapag mayaman. Tsaka, pagkakaalam ko may iaannounce rin si Sir Drax," kibit-balikat nitong sabi.
Napatango na lamang siya. Nang matapos sila ay nagtungo na siya sa tinutuluyang silid at naligo, nag-ayos at nagbihis. Para na rin hindi nakakahiya sa mga bigatin nilang bisita.
Napabuntong-hininga siya nang mapagmasdan ang sarili sa salamin. Hanggang ngayon wala pa ring bumabalik sa mga alaala niya. May ilang mga bagay at sitwasyon siyang napapanaginipan ngunit malabo pa rin ang lahat.
"Sino ba talaga ako? Saan ako nanggaling? At papaano ako nagawi sa lugar na ito?" mahinang saad niya sa sarili.
"Wala ka bang maalalang iba?"
Napaigtad siya sa biglang nagsalita sa likuran niya kaya marahas siyang napatayo. At ganoon na lamang ang pagkabigla niya nang makita si Tray na prenteng nakasandal habang nakahalukipkip sa pader sa gilid ng pinto niya.
"Papaano ka nakapasok?" maang niyang tanong.
Nagkibit-balikat ito. "This is my house."
Napairap siya. "Ano na naman ba, Sir?"
"Nothing. I just wanted to say, I'm looking after you."
Nagsalubong ang kilay niya. Ano raw? "Ano naman ang ibig mong sabihin?"
He shrugged again. "Nothing. Just in case na may gawin kang hindi maganda, maigi nang balaan kita. Everyone here is fond at you, even my Dad."
Napailing siya. "Sa payat kong ito? At sa ganda kong ito, mukha ba akong may gagawing hindi maganda? Pambihira," palatak niya. Ano bang akala nito sa kanya? Kriminal? Pugante?
Bahagya siyang natigilan sa naisip. "Teka, hindi kaya kriminal ako noon? Kasapi ako sa budol-budol, o di kaya sa martilyo gang o batang hamog." Iwinaksi rin niya ang naisip. Imposible.
"The thin was fine, but you're not that pretty," diretsong sagot nito.
Aray ha! Hindi raw siya maganda? "Tsk. Kahit si Don Ismael nagagandahan sa akin." Totoo naman e. At hindi naman sa pagmamayabang pero maraming nagsasabing mestisa siya at mukhang espanyola.
"Hindi marunong tumingin nang maganda ang Daddy ko. Kay mommy lang siya tumama," bawi naman nito. Nagbibiruan na ba sila sa lagay na ito? After n'ong insidente kanina?
"So, ano ang talagang sadya mo rito, Sir Tray? Hindi ka naman siguro nagawi rito para lang ipamukha sa akin na huwag akong gagawa nang hindi maganda."
Muli ay nagkibit-balikat ito. Habit? "I just want to give you that." Itinuro nito ang isang paper bag na nasa kama niya. Hindi niya iyon napansin doon. Nalilito kasi siya sa nararamdaman niya kapag nasa malapit lang si Tray.
Nilapitan niya iyon at kinuha ang isang bestida mula sa bag. "Ano 'to?" tanong niya rito. Iwinagayway pa niya ang bestida.
"Maybe, a dress?" Tila nag-isip pa nitong sambit.
"Alam kong dress ito," angil niya na ipinagkibit-balikat naman ni Tray. "Ibig kong sabihin, para saan 'to?"
"Wear that tonight." Umayos na ito nang tayo at binuksan ang pinto. Ngunit bago tuluyang makalabas ay nilingon pa siya nito. "An apology for what happened earlier." Saka ito tuluyang lumabas ng kwarto niya.
Naiwan naman siyang nakatanga.
***
Lumabas siya ng kwarto, suot ang itim na dress na bigay ni Tray. Isang simpleng bestidang itim lamang iyon na pinresan niya ng maroon na sandals. Nasa likod ang party kaya roon siya dumiretso. Namataan niya ang mesang inuukupa nina Aling Martha kaya roon siya tumungo, nang may mabugo siya.
"Sorry," magkapanabay nilang sambit. Ngumiti ito sa kanya saka siya ibineso na siyang ikinataka niya.
Tumalikod na ito pagkatapos at naiwan naman siyang naguluhan. Magkakilala ba sila? Bumalik lamang siya sa wisyo nang tawagin siya ni Catherine.
Magkasabay silang kumuha ng pagkain sa buffet. Uso kasi rito ang self-service at eat-all-you-can buffet. Pagkatapos ay tinungo na nila ang mesa nila Aling Martha.
Kumakain sila nang magsimula nang magsalita si Don Ismael sa mini-stage na inihanda nila kanina. Ibinahagi nito ang magandang balita ukol sa magandang ekspansiyon ng kanilang negosyo. Nagpasalamat ang Don sa tapat na serbisyo ng mga tao sa Hacienda, at sa kanilang kasipagan. Sa kanyang panganay na si Tray na siyang namamahala sa mga negosyo nila sa abroad. Kay Drax na ang toka ay ang mga negosyo nila rito sa Pilipinas. Sa bunsong anak na si Catherine na siyang gumagastos sa mga kinikita ng kanyang mga kapatid, na siyempre umani ng tawanan sa mga taong dumalo. At siyempre sa yumao nitong asawa na si Donya Alexandria. Sinabi pa nito na malapit na silang magkasama, na tinutulan naman ng mga tao.
"Oo na," natatawang sabi nito nang makita ang reaksyon ng mga tao. "Siyempre, gusto ko pa munang makalaro ang mga magiging apo ko. Ehem! Tray, nagpaparinig ako." Muli ay nagtawanan ang lahat.
Kitang-kita ni Marian kung gaano ka-mahal ng mga tao si Don Ismael. Ipinagpatuloy nito ang iba pang nais sabihin nang makita niya ang pag-alis nina Tray at Drax sa ama. Nakatuon lamang ang atensyon niya rito nang mahagip nang kanyang tingin ang isang babae at lalaki na matamang nakatingin sa kanya. Namumukhaan niya ang babae. Ito iyong nakabungguan niya kanina.
Nagtaka siya nang makita ang lalaki na tila palinga-linga sa paligid. May ibinulong ito sa babae saka sila umalis at nagtungo sa harapan ng mansyon. Nagpaalam siya kila Manang Fe saka siya tumayo at piniling sundan ang dalawa.
Deretso lamang ang lakad ng dalawa. Nang lumiko siya sa papunta sa harapan ng mansyon ay nangunot-noo siya nang hindi makita ang dalawa. Bigla na lamang nawala. Pumasok siya sa mansyon. Wala namang ibang mapupuntahan yung dalawa.
Napako siya sa kinatatayuan nang makita sa pagliko niya sa salas ng mansyon si Tray na nakatalikod sa gawi niya. Agad siyang nagkubli sa pader malapit sa pinto. Kasama nito si Drax at Louis at tatlo pang naka-suit na lalaki.
"I saw two unfamiliar faces here. Trace them," ma-otoridad na utos ni Tray sa tatlong lalaki na nakasuit. Tumungo lamang ang mga ito at agad tumalima. "How about the transaction, Drax?"
"Smooth. The mafia's been good since then," sagot naman ni Drax. Pero ano raw? Mafia?
"I really don't get it, why am I still here," reklamo ni Louis.
Hindi niya na narinig ang iba pang pinag-usapan ng tatlo. Gusto niya nang umalis pero tila nakapako ang mga paa niya sa sahig.
"Mafia? Iligal na organisasyon iyon hindi ba? May mafia ang mga Henderson? Kaya ba ganoon sila kayaman?" Mga katanungang naglalaro sa isip ni Marian. Hindi siya makapaniwala. Alam din kaya iyon ng mga tao sa mansyon at Hacienda?
"Seems like you were eavesdropping."
Napapitlag siya nang may magsalita sa gilid niya. Kahit hindi niya ito tiningnan ay alam na alam niya na kung sino ito. Presensya palang nito ay gusto niya nang tumakbo palayo.
"May mafia kayo?" 'di niya napigilang tanong. Ni hindi niya ito tinitingnan.
"Ah, narinig mo iyon," sabi lang nito. Nag-angat siya rito nang tingin ngunit ngumiti lang ito. "Yes Marian, and I'm the boss. The mafia boss."
He is the mafia boss.