Mabilis na pinaandar ni Marian ang kotse. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa manibela. She has been waiting for that day to come since she was young. At ang pagkakataong iyon ay dumating na rin sa wakas. She's now heading to the Henderson Mansion. Isasagawa niya na ag matagal niyang plinanong paghihiganti. It's all or nothing. Ang importante lamang sa kaniya ay mamatay sa mga kamay niya ang matandang Don. Si Ismael Henderson, ang taong pumatay sa kaniyang pamilya.
Ang Hacienda ng mga Henderson na ipinangalan sa namayapang maybahay ni Ismael, si Alexandria, ay nasa boundary ng Tarlac at Pampanga. May kalayuan mula sa pangunahing lungsod. Nang marating niya ang nag-iisang daang lihis sa main road na bawal pasukin ng kung sino man ay kaniya nang binabagtas. Ilang kilometro pa ang binagtas niya nang matanaw niya na ang malaking karatulang nagsasabing nasa teritoryo na siya ng kaniyang mga kalaban.
Sinipat niya ang umiilaw na cellular phone. Malamang ay tinatawagan na siya ng mga kasama niya. Mayroon sigurong misyong ipapagawa sa kaniya. But she already left their organization. Ang purpose lang naman kasi niya ay tapusin ang matandang Henderson. Iyon lang. Wala nasiyang pakialam sa iba pa.
Nakita niya ang dalawang lalaking nakasuit na pinahihinto ang kaniyang sasakyan. Mukhang mga bantay iyon sa gate ng Hacienda. Marahan siyang napangisi. Siya nga lang yata ang kalabang ng may lakas nang loob na dumaan sa gate. Binagalan niya ang pagtakbo ng sasakyan. Saka niya kinuha mula sa bag ang isan caliber .45 na may nakakabit na silencer. Saka niya itinutok sa mga tao sa harapan. She gave them two shots each at nakangiting pumasok sa Hacienda.
---
Isang malakas na pagsabog ang yumanig sa mga taga-Hacienda Henderson. Naging sanhi iyon nang pagsugod ng mga tao sa mansyon upang mangalap ng impormasyon ukol sa pagsabog na nangyari. Nagkakagulong dumating ang mga tao sa labas ng mansyon ng mga Henderson.
Lumabas si Don Ismael upang harapin ang mga tao.
"Huminahon lamang ang lahat. Sa kasalukuyan ay inaalam na at inaayos na ng aking mga tauhan ang naganap. Kailangan ko lamang sa ngayon ay ang inyong pang-unawa at kapanatagan," wika ni Don Ismael Henderson sa mga tao sa kanyang hardin. Hindi lingid sa kaalaman ng mga tao na naninirahan malapit sa Hacienda ang negosyo ng pamilya Henderson, kung kaya't hindi rin maiaalis sa mga ito ang pag-aalala at pangambang nadarama sa nangyaring pagsabog.
Isang tauhan na galing sa lugar na pinangyarihan nang pagsabog ang lumapit sa Don. "Sir, isang aksidente ho ang nangyari. May nakita kaming babaeng sugatan at dinala na namin sa ospital upang magamot ni Sir Louis." Marahan lamang na tumango ang Don, saka ito humarap sa mga tao at ipinaliwanag ang nangyari.
***
Masilaw ang paligid nang siya ay magmulat ng mata. Mariin siyang pumikit upang maalis ang silaw. Nananakit pa ang kanyang buong katawan, lalo na ang kanyang ulo. Inilibot niya ang paningin sa paligid nang mapagtanton niyang hindi pamilyar ang kanyang kinaroroonan. Binalikan ng diwa niya ang nangyari, ngunit mariin siyang napapikit nang nang biglang kumirot ang kanyang ulo.
"Huwag mong biglain ang sarili mo." Napatingin siya sa gawing pinto ng silid. Nakangiting pumasok ang isang babae. May bitbit itong plastik na hindi niya alam ang laman. "Nasa ospital ka, kung hindi mo naitatanong. Nakita ka ng aming tauhan may ilang metro mula sa kotse mo nang maganap ang pagsabog sa gawing kakahuyan." Humarap ito sa kanya nang nakangiti pa rin. "I'm Catherine. Ikaw?"
"Marian." Tipid niyang sagot. Pilit niya inalala ang sinabi nito. Kakahuyan. Pagsabog at ang kaniyang kotse. Ano't tila wala siyang matandaan? Masyadong malabo ang kanyang diwa. Ni hindi niya mahinuha ang sinasabing nangyari. Hindi rin niya maalala ang rason nang kaniyang paggawi roon. Bakit?
Ilang sandali pa ay may pumasok naman na isang naka-lab gown sa silid niya. Matangkad na lalaki naman ngayon na sa hula niya ay malamang ang doktor.
"Hi! I'm Louis and I'm your doctor. How are you feeling?" Nakangiting tanong nito pagkalapit.
Nawiwirduhan siya sa paligid. Bakit parang hindi siya kumportable sa mga ngiti ng mga taong kaharap niya? At bakit ba nakita ang mga ito? Pinilit niyang maupo upang alisin ang pagkailang na naramdaman. Tila hindi siya kumportableng pinagtutuunan ng atensyon. Wala rin siyang nagawa nang alalayan siya ni Catherine. "I'm fine," sambit na lamang niya. Muli ay ngumiti ito sa kaniya.
"Good. Nagpabili na ako ng mga gamot mo, and maybe a day or two, pwede ka ng madischarge," saad ng doktor sa kaniya. Malapad pa rin ang ngiti nito.
"Sandali. Bakit, bakit wala akong maalala? Kanina ko pa iniisip kung papaan---"
"Relax. Maybe, you're suffering from a minor amnesia. Some memories retained, some lost. Marahil ay napalakas ang pagkaka-untog mo kaya ganoon. But, to make sure about your condition, isasailalim kita sa ilang mga laboratory tests." Lumapit ito upang icheck siya.
Tumango na lamang siya bilang sagot. Saka siya napaisip nang malalim nang may maalala siya. "How about my things?"
"Kasamang nasunog ng kotse mo. Nakita ka ng mga tauhan ni Dad sa damuhan kaya mukhang lumabas ka ng kotse nang bumaliktad ito. Nang makita ka nila tinutupok na ng apoy ang kotse mo at nakahandusay ka naman ilang metro mula roon."
Nanlumo siya. How unfortunate of her to experience that tragedy! Kung hindi pa pala siya nakalabas ay maaaring naging roasted human siya. Naputol ang pag-iisip niya nang muling magsalita si Catherine.
"You can stay in our house, hangga't hindi pa bumabalik ang alaala mo. And, we can go shopping naman for your things." Catherine winked in her kaya tipid siyang napangiti. She wanted to utter thanks but she can't, and she doesn't know why.
Nginitian na lamang siya nang dalawa. "Magpahinga ka na, Marian. I'll visit you again tomorrow. Just take some rest and, don't force yourself," payo ni Louis kasabay nang pamamaalam ng mga ito at pag-alalay nito sa babae palabas ng kanyang silid. She wondered if they are together.
Catherine seems a nice girl. Balingkinitan ang katawan nito, maputi at may magagandang ngiti. Habang ang doktor naman ay mas mataas naman sa babae ng kaunti, maputi rin at palangiti. Kababakasan din ang karangyaan sa mga itsura ng mga ito lalo na kay Catherine.
Bumuntong-hininga siya nang makalabas ang dalawa saka humiga sa kama. Ilang sandaling nakatitig sa puting kisame. Hindi niya maintindihan ang sarili, ngunit, mas lalong hindi niya maintindihan kung papaano nangyari ang pagsabog. Kung bakit naroon siya at kung ano ang sana ay gagawin niya? Sino siya at saan siya galing? Kung mayroon siyang sadya sa lugar, bakit walang nagkumpirang kilala siya? Kung wala naman siyang taong sadya, ano ang talagang sadya niya?
Sumasakit lalo ang ulo niya sa labis na pag-iisip. Mukha namang mababait ang mga nakakita sa kaniya. Catherine and Louis seem nice, but apparently she's uncomfortable with it. Bagay na lalong nagpapagulo sa kaniya. Will she survive without any memory left for her except her name?