Ilang segundo yatang natulala si Marian sa sinabi nitong si Tray. Hindi lang sila basta may mafia, ito pa raw ang boss. Nakakaloka lang. Hindi niya kasi inakalang may totoong mafia pala sa Pilipinas.
"Hindi ka dapat nagpapagala-gala sa oras na ito, Marian. Nagkakasiyahan ang mga tao sa likod."
"Hindi, may dalawang tao kasi akong sinundan. Gumawi sila, banda rito," dahilan niya which is totoo naman.
Kunot-noo itong humarap sa kanya. "Who? What were they look like?"
Pinagtakhan naman niya ito. Sandali siyang nag-isip. "Iyong babae, maganda. Iyong lalaki, di ko masyadong nasight." Nang sabihin niya iyon ay agad siya nitong hinawakan sa siko saka siya nito pahatak na iginiya pabalik sa party.
"Aray naman," reklamo niya nang bitawan siya nito sa harap nina Catherine at nang grupo nina Manang Fe. Lahat sila ay gulat na nagpapalit-palit nang tingin sa kanilang dalawa ni Tray.
"Stay here. Don't wander around. Cath, stick with the group," bilin nito saka ito nagmamadaling umalis. Naiwan silang nagtataka.
Ngunit, ang akala niyang balot din nang pagtataka ang mga kasama ay agad ding napalitan ng pagiging tsismosa. At siya ang kawawang biktima.
"Oy, saan kayo galing? Nadadalas ang pagsosolo niyong dalawa ha?" tukso ni Catherine.
"Oo nga, tsaka infairness bagay kayo!" gatong naman ni Pia.
"Ngayon ko lang nakitang nadikit sa babae si Tray," wika naman ni Aling Martha.
Ngunit hindi niya pinansin ang mga ito. Nananatiling ukupado ang isip niya sa mga narinig, nalaman at biglang pagiging balisa ni Tray. "Hindi kaya, may mangyayaring masama?" wika niya sa isip.
Maluwat naman na natapos ang party bandang alas-dose ng hating-gabi. Well, nauna nang magpaalam ang mga alta-sosyedad na bisita. Maging si Don Ismael. Ang mga natira na lamang ay mga taga-Hacienda. Kanya-kanya na ang mga ito nang uwing pagkain. Habang si Marian ay inabala na lamang ang sarili sa pagtulong sa pagliligpit. Nang umalis kasi si Tray kanina, hindi na ito bumalik.
Nang matapos sila sa paglilinis ay kanya-kanya na silang deretso sa kani-kanilang kwarto. Sila Manang Fe ay may sariling bunggalow type na tinutuluyan. May kanya-kanya silang kwarto roon kasama ang iba pang kasambahay na piniling mag-stay-in. Iyong mga guards, boys, at drivers ay may sarili ring bahay. Parehong nasa loob niyon ng compound ng mansyon. Susyal. Habang si Marian ay sa isa sa mga guest rooms sa second floor. Iyon ang choice ni Don Ismael na hanggang ngayon ay hindi niya pa rin maintindihan kung bakit. Na para bang, may espesyal ba sa kanya at espesyal ang trato sa kanya ng mga Henderson? Maliban nga lang kina Tray at Drax.
Agad din siyang nahiga sa kama pagkatapos niyang maglinis ng katawan. Dala na rin siguro ng sobrang pagod ay agad din siyang hinila ng antok.
***
Akala ni Marian, the next day, ay siya pa lang ang nagising ng maaga. Dahil nga sa madaling araw na silang natapos sa paglilinis ay naisip niyang baka tulog pa ang mga tao sa mansyon. Ngunit, nagkamali siya nang maabutan niya ang mga Henderson, minus Catherine, sa hapag na sabay-sabay na nagkakape.
Lahat ng atensyon nila ay nabaling sa kanya. "Good morning po," alanganing bati niya sa mga ito.
"Good morning din, Hija," ganting bati ni Don Ismael sa kanya. Drax just smirked, at si Tray ay blangko lang na nakatingin sa kanya. Lalagpasan na sana niya ang mga ito nang muling magsalita si Don Ismael. "Kumusta ka na pala, Marian?"
"Okay naman na po. Hmn.. Tinutulungan pa rin ako ni Louis na ma-trace 'yong pinanggalingan ko," sagot niya.
"It has been two months, wala ka pa ring maalala?" tanong ni Drax.
Marahan siyang umiling. Hindi niya maintindihan ang pagkailang na nararamdaman niya. Iyong kakaibang tingin sa kanya ni Tray, iyong tanong ni Drax na parang may ibang kahulugan. Maliban kay Don Ismael na sadya talaga ang kabaitan sa katawan. Ni hindi mo mahahalata sa itsura nitong namamahala ito ng isang iligal na organisasyon.
"Bakit hindi mo siya isama sa Hacienda, Tray? Para naman makasagap ng sariwang hangin si Marian. Palagi nalang siyang nagpapakapagod dito sa loob," saad ni Don Ismael na ikinabigla niya.
"Ay, hind---"
"Mag-almusal ka na, we'll be out by eight," putol naman ni Tray sa sinasabi niya nang hindi nito siya tinitingnan. Naiiling naman si Drax at nakangiti naman si Don Ismael sa kanya. Tumungo na lamang siya saka dumeretso sa kusina.
Binagalan niya ang pag-aalmusal, inabutan pa siya ni Aling Martha at Pia. Tinagalan niyang maligo. Nagbihis lang siya ng simpleng maong shorts at blouse. Sinipat niya ang orasan niya, ten minutes after eight, siguro naman ay naka-alis na si Tray.
Tatlong katok ang nagpaigtad sa kanya. "Baka si Catherine," bulong niya sa sarili.
Tinungo niya ang pinto at binuksan. Bahagya pa siyang nagulat sa nabungaran. "Bakit sobrang matagal maggayak ang mga babae?" He asked.
Lihim siyang napairap. "Hindi ba obvious na ayokong sumama?" balik-tanong niya rito.
Nagkibit-balikat ito. "Hindi ka naman tumanggi kanina, so I assumed na gusto mong sumama. Go, fix yourself, hindi ako pasensyosong tao."
"I'm done," sabi na lamang niya at akmang lalabas, subalit iniharang nito ang katawan sa kanya. Pinag-kunutan niya ito ng noo.
"Bukid ang pupuntahan natin, hindi mall. Palitan mo 'yong suot mo, o ako magpapalit niyan. You choose," seryosong saad nito.
Pumalatak lang siya saka pumihit sa loob at malakas na isinara ang pinto. Right into his face.
Magkasabay silang bumaba sa grand staircase hanggang sa sasakyan nito sa garahe. Naabutan nila sina Drax, Louis, Pia at Catherine na naghihintay doon.
"At last, dumating din kayo," pairap na turan ni Catherine sa kanila.
"Ang tagal ng quicky n'yo, Tray," natatawang sabi naman ni Louis dahilan para hampasin siya ni Catherine. Bakit hindi nila sinabi sa kanya na kasama pala sila? E di sana hindi na siya nagloko kanina.
Sumakay na sila sa sasakyan ni Tray. Napagkaisahan siya nina Pia at Catherine na maupo sa tabi ni Tray sa harapan. Habang iyong apat naman ay nasa likuran. Tahimik lang siya habang nasa sasakyan, habang sina Pia at Catherine naman ay walang sawa ang huntahan sa likod na sinasabayan pa ni Louis. Hindi nga siya nagtatakang magkapatid sina Tray at Drax dahil parehas ang mga itong tahimik. Well, unlike Drax, may kakulitang taglay din si Tray.
Ipinarada ni Tray ang sasakyan sa likurang bahagi ng isang kubo. Isang kubo na bukas. Walang dingding at tanging apat na haligi lang ang mayr'on at bubungan, syempre. Gawa ito sa purong kahoy at nipa naman ang bubungan.
Saka lamang napansin ni Marian na may dala pa lang pagkain ang mga ito. Mukhang aabutan sila ng tanghalian doon.
"Marunong ka bang mangabayo, Marian? Paturuan kita kay Kuya Tray," sabay kindat na wika nito.
"Pee, karera?" Nakangiting hamon ni Drax kay Pia na agad namang tinanguan ng dalaga. Saka sila panabay na tumakbo papunta sa kulungan ng mga kabayo sa di-kalayuan. Nakasunod lamang ang tingin niya sa dalawa.
"Close pala sila?" Wala sa loob niyang sambit.
Sinundan naman ni Catherine nang tingin ang tinitingnan niya, saka ito naiiling na napapangiti. "Yea, close sila, as in close. Sabay silang lumaki e," sagot nito.
"E bakit sa mansyon parang hindi naman sila nag-uusap?" tanong niyang muli.
"Sa mansyon kasi amo ang tingin ni Pia kay Drax," sabat naman ni Louis, saka siya nito binalingan. "Kuumusta?"
Sa kanilang tatlo, si Louis ang pinakamagaan kausap. Approachable rin ito dahil palangiti at palabati. Nakangiti siyang sumagot dito. "Wala pa ring progress. Ewan ko ba, noon may mga napapanaginipan akong mga sitwasyon na puro glimpses lang. Ngayon, nawala na."
"Iniinom mo ba ang gamot na nirireseta ko?"
Tumango siya rito. "Kaso iba na ang mga laman ng panaginip ko e. Mga unfamiliar settings na. Ewan ko ba," sagot niya.
"Don't worry, babalik din 'yon, soon." Nakangiti ito sa kanya.
"Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit parang walang nagrireport na nawawala ako. Wala yata akong pamilya sa labas ng Hacienda."
Ilang gabi niya nang pinag-iisipan iyon. Araw-araw siyang nagbabasa ng dyaryo pero wala siyang nakikitang missing poster sa mga articles. Kahit sa tv wala ring naibabalita. Wala nga yata siyang pamilya.
"Day dreaming?"
Napapitlag siya nang magsalita si Tray sa likuran niya. Agad niyang hinanap sina Louis at Catherine pero wala na sila sa kubo. Silang dalawa nalang ni Tray ang naroroon. Pagtingin niya ay nagkakarera na ng kabayo ang dalawa, sina Drax at Pia naman ay hindi niya na makita.
"Hindi mo sinabing iniwan na pala nila tayo," reklamo niya rito. Tray just shrugged. Kaya ayaw niya itong kausap e.
Nagtungo na sila sa kulungan ng mga kabayo. Binati naman sila ni Mang Henry, asawa ni Aling Martha, na nangangalaga sa mga kabayo sa Hacienda.
"Si Mighty po ba, Sir Tray?" tanong nito.
"Yea give him to her. I'll take the new one," sagot nito.
Inilabas ni Mang Henry ang dalawang kabayo. Iyong Mighty na tinutukoy ni Tray ay puting kabayo. Malaki ito sa karaniwan. "She's nice, so be nice to her also. And she's easy to handle," sabi sa kanya ni Tray.
Lumapit siya kay Mighty. Mabuti na nga lamang at naka-jegging pants siya. Mukha nga itong maamo. Ilang himas pa sa mukha ng kabayo ang ginawa niya, upang maging pamilyar lang ito sa amoy niya bago siya sumampa rito. At mahina niyang tinapik ang bandang pwetan nito.
Napangiti siya nang nagsimula na itong tumakbo. Paikot-ikot pa sila sa malawak na patag ng Hacienda. Nakita rin niya sina Pia at Catherine kaya pinatulin niya ang kabayo patungk sa mga ito.
"Wow!"
"Marunong ka palang mangabayo?"
Pare-pareho ang reaksyon ng apat na ikinatawa niya. "Mabait lang talaga si Mighty," kibit-balikat niyang sagot.
Nang dumating si Tray ay nagpalitan sila ni Drax nang tingin. Bago nila napagpasyahang gumawi sa kagubatan. Noon lang din napansin ni Marian na iisang kabayo lang ang dala nila Pia at Drax.
Ipinahinga nila ang mga kabayo nang marating nila ang isang talon. Hindi nga inasahan ni Marian na may ganoon sa gitna ng gubat sa Hacienda ng mga Henderson. Wala siyang ibang magawa kundi ang mamangha.
"Wow," sambit niya. Kung may dala lang siyang damit ay malamang na lumusong na siya sa ilog.
"Dapat matagal na pala natin siyang isinama rito, Louis," natatawang sabi ni Catherine. Malamang ay natatawa ito sa reaksyon niya nang makita ang talon.
"Maligo tayo, Marian!" aya ni Pia sa kanya.
"Huh? E wala tayong---" Bago pa man siya makatutol ay napagkaisahan na siya nina Pia at Catherine na tumalon sa ilog kasama siya.
***
Pinapanuod lang nina Tray, Drax at Louis ang tatlong babae na nagtatampisaw sa ilog. Marian wasn't ready for it. Ni hindi nga nito inasahang may ilog sa pusod ng kagubatan. Sinabihan na lamang ni Tray si Cathy na magbaon ng ekstrang damit para kay Marian.
"Natanga talaga ako nang makita ko kung papaano niya dalhin si Mighty," sambit ni Louis. Nakaupo lang silang tatlo sa isang malaking bato.
"Mailap si Mighty sa tao. Ako nga matagal siyang napaamo. How come na ilang minuto lang nadala niya nang maayos si Mighty," saad naman ni Drax.
Nanatiling walang imik si Tray. His gaze was fixed only to Marian. Nagkakarerahan sa paglangoy ang tatlong babae. Magkakasabay ang mga itong sumisid. Si Catherine ang nauna sa usapang finish line ng tatlo. Second was Pia. Nagtawanan pa ang dalawa nang wala pa si Marian.
Drax and Louis kept on talking about Marian. Habang nakakunot ang noo naman ni Tray habang inililibot ang paningin sa kabuuan ng ilog. Napatayo siya nang hindi pa rin umaahon sa kung saan si Marian.
"Tray, what's wrong?" Nagtatakang tanong ni Drax na napatayo na rin. Even Louis.
"Cathy, where's Marian?" Pasigaw na tanong niya. Nasa kabilang bahagi kasi ang dalawa.
"The f**k?" Naguguluhan namang sambit ni Drax. Nagpapalinga-linga rin sa paligid si Louis.
"I don't know!" pasigaw na sagot naman ni Catherine.
Imposibleng malunod ito. Marunong naman itong lumangoy. Ilang minuto nang hindi pa ito umaahon, lumapit siya sa gilid ng ilog. Pinapakiramdaman ang paligid. Wala pa rin. Nakaramdam siya ng kaba.
Drax went to the other side to look and Louis was on the other. Siya naman napaupo lang sa gilid. And something unexpected happened. Bigla na lamang itong lumitaw sa harap niya nang nakangisi kasabay nang paghila nito sa kamay niya pasulong sa tubig.
Masama ang tinging ipinukol niya kay Marian, pagkatapos. Nakangisi pa rin ito. "What?" pa-inosente pa nitong tanong. "Kanina ka pa kasi nakatingin, akala ko naiinggit ka lang."
"You really don't have the humor, woman," sabi na lamang niya.
Pumalatak ito. "Wow! Nagsalita ang may sense of humor."
"Ang tagal mo sa ilalim ng tubig."
"Ewan, baka swimmer ako noon." Nakatitig lang siya rito. Madalas ay napapaisip siya kung totoo nga bang wala pa itong maalala.
"Oy, tama na ang titigan. Ahon-ahon din!" Napa-tsk na lamang si Tray nang magsalita si Louis. Aahon na sana siya nang may maisip siyang isang bagay. Marian needs to pay for what she did.
Naunang umahon sa pampang si Marian nang tawagin niya ito. "Hey!" Nagtataka itong lumingon sa kanya. Signus para hilahin niya ang kamay nito pabalik sa ilog.
A wrong move na nagpasinghap sa apat na pares ng mga matang nananunuod sa dalawa.
Hinapit niya ito sa bewang nang malamang sa kanya ito lalanding. Marian's lips landed on his.