Episode 1: Shin and Warden

2149 Words
East Continent, 2100 “Shin!” “Hmm,” “Tingnan mo!” Nagbabasa ng librong agham panghanda sa kaninang Final Examination si Shin nang higitin ni Warden ang matalik niyang kaibigan ang damit niya. Kumikislap ang mga mata nito nang Makita ang nakapaskil na Karatula sa gilid ng daan papasok sa kanilang paaralan. ‘West Mainland Metahumans Conservatory, entrance examination’ Napatingin si Shin sa reaksyon ng kaibigan, napangisi ito at umiling. “Tumatanggap na pala sila ng pangkaraniwang tao para makapag aral sa kilalang Unibersidad ng mga freak.”tumawa si Warden sa sariling sinabi, “ Parang nakaka-engganyo, subukan kaya natin?” Sinara ni Shin ang librong binabasa at inayos ang salamin sa mata, “Matatalinong Tao lang ang pwede doon, Warden.” “Katulad mo?” Tumawa si Shin sa naging sagot ng kaibigan, “Bakit ba gustong gusto mo makapasok dyan?” Inakbayan niya ang kaibigan at inilayo sa karatula. “Gusto ko maging katulad mo.” Ngumiti si Shin at bahagyang binatukan ang kaibigan, “Hindi ako freak, tao ako at walang akong nakakapangilabot na kapangyarihan.” “Ano ka ba, Shin? Sinabi ko bang Freak ka? Ang ibig kong sabihin, gusto ko lang maging katulad mo, alam mo naman Sobrang advanced ang curriculum dyan, hindi katulad ng sa atin, para tayong ginawang tuta na nag aantay lang na bibigyan ng pagkain tsaka pahihirapan ng nakakataas.” Huminga ito ng malalim at ngumiti ng bahagya. “Magiging CWPO din tayo balang araw nang hindi pumapasok sa Unibersidad na yan.” Sabi niya nang matanaw sa kabilang bundok at sa likod ng maninipis na ulap ang nasabing Unibersidad. Noon pa man, alam na niyang kagustuhan ng kaibigan maging isang physicist, ngunit alam niya ring magiging isang normal na tao sila na nagsisilbi sa mga metahumans pagkatapos nilang makapa aral… Alipin at mahirap. Bagamat gusto ng dalawa magkaroon ng rango sa gobyerno bilang myembro ng CWPO (Commission of World Peace and Order), hindi nila alam kung paano dahil sa mundong ginagalawan nila, metahumans lamang ang makakaranas ng magandang kapalaran. Tumunog ang alarm ng kanilang paraalan, ibig sabihin magsisimula na ang klase, tumakbo si Shin ng napakabilis habang si Warden naman ay naiwan dahil sa naputol na lumang tsinelas na kaniyang suot. “Hintay Shin!” ** “Failed mass mutation on world war VI divided the world into two continents.  Ang west continent ay nabibilang sa mga naisabak na lab experiment, mahigit kalahating populasyon sa mundo ang naging biktima nito, dahilan na tayong mga ordinaryong tao mismong naka survive sa trahedya, ang naging nananatili sa ibaba.” Malungkot na ani ng isang teacher sa harap ng kanyang studyante. May nagtaas ng kamay kaya agad iya itong tinawag. “Bakit po ba hindi po natin magawa ang maging equal sa kanila mga nasa kanluran?” Tumawa ang iilan, pinagtaka ito ng studyante. “Mahirap sila kalabanin, may mga kapangyarihan silang taglay na wala tayo.” Ani teacher Vivian. “Kaya nilang manipulyahin ang isang bagay ng walag kahirap hirap, basahin ang isipan ng tao, makipag usap sa hayop, at higit sa lahat ang kumitil ng---“ hindi natuloy ni Teacher Vivian ang discussion nang may lumapit na naka armado at naka unipormeng puting ginoo sa pinto ng silid aralan. Usap usapan naman sa loob ang sinabi ni Teacher Vivian, bahid ang pagtataka ng iilan, habang si Shin nama’y nakatingin lang sa ginoo.. Tila alam na lahat kahit hindi ituloy ng kanyang guro ang kanyang sasabihin. CWPO Agent, Ani Shin sa kanyang isipan habang inoobserbahan ang ginoo. Matapos ang klase ay matyagang nilakad ni Shin at Warden ang madilim na daan pauwi sa kanilang mga tahanan. “Paano kaya naging freak ang mga tao ngayon.” Biglang ani Warden habang iniisip ang sinasabi ng guro kanina. “DNA Transcription of exotic proteins to normal people and until mutation may activated at birth kaya dumami, they only want people before na maging isang kaparehas nila, hindi talaga failed mutation ang nangyari, it was intentional but the abuse of power leads to the division of world into two continents---not the west and the east, but the incapable and powerless.” Biglang sabi ni Shin habang sinisipa ang bato sa daan. “Ang dami mo na talagang alam Shin, pero sino ang tinutukoy mong ‘they’?” Napahinto si Shin at tumingin kay Warden, bahagyang binuksan ang bibig upang magsalita nang may maalala, mabilis itong umiling, “No idea.” “Sabihin mo sa akin pag may na research ka na ha, hehe.” Nakangiting aniya n kaibigan, “Osiya, dito na ako dadaan. Ingat ka sa pauwi!” patuloy niyang sabi at tinakbo ang madilim na eskinita. Kumaway si Shin hangang hindi na maalinag ang kaibigan dahil sa dilim. Mabili itong naglakad at nang makarating sa pintuan ng bahay ay agad nitong inilibot ang mata sa paligid upang makasiguro na walang nakasunod sa kanya. Pagbukas ng pinto ay agad itong napatalon sa gulat nang makita ang butihing lola na nag aantay sa kanya. “Lola!” Nikayap nito ang lola at agad itong uminom ng tubig na bitbit ng kanyang lola Estrella. “Patuloy na manganganib ang buhay mo kapag hindi ka maubusan ng kwento sa kaibigan mo.” Ani ng matanda. “Po? Hindi po!” Agad itong dumepensa. “Sa Dalawangpu’t isang taong pagaalaga ko sa’yo, aba’y kilala na kita!” Natahimik ang binata at ngumiti, “Alam ko po ang kahinaan nila.” “Tumigil ka! Umakyat ka na’t kumain ng makapagpahinga ka na.” Ani ng matanda at agad na sinara ang pinto ng kanyang kwarto.  Napatingin si Shin sa litrato ng kanyang Ama na nakadamit pang laboratoryo habang karga karga siya nito noong bata pa. Kinuha niya ito at pinadausdos ang kanyang hintuturo sa bahaging mukha nito. “Kapag di ka ba namatay, hinding hindi kami magiging alipin ni lola ng mga naging eksperimento mo?” Tanong niya sa litrato at malungkot itong binitawan atsaka itinago sa aparador. ** Kinaumagahay ginambala ng isang nakakalungkot na balita si Shin. Hawak hawak ng lola nito habang umiinom ng kape ang isang dyaryo. “Teacher of Kuwan High, found dead.” Si Teacher Vivian ang tinutukoy ng balita. Alam niyang mangyayari iyon pero hindi niya akalain na ganon kabilis ang kahihinatnan ng kanyang guro dahil sa mundong ginagalawan nila, ang pakikipag usap tungkol sa metahumans ay malaking kasalanan. Ang mahuhuli ay hahanapin at kung pupumiglas ay agad babawian ng buhay. Nang maisip ang kaibigan ay dali dali itong lumabas ng bahay at nagtungo sa bahay ng kaibigan. Sunod sunod ang katok nito sa pinto hanggang sa mapagbuksan ng sarili mismong kaibigan. Malaki ang ngiti ni Warden ng tumambad ito sa harap niya, nag iisa lamang ito sa buhay kaya hindi halatang pinoproblema ito ang pagkain araw araw. “Pasok ka muna Shin, kumain ka na ba?” Alok nito kahit walang maibigay. Tumungo ito sa kusina at sinundan naman ito ni Shin. Nagsalin ito ng tubig at tiningnan ang niluluto kung sapat ba ito sa kanilang dalawa ni Shin. “Narinig mo ba ang balita? Patay na si Teacher Vivian,” aniya ng walang paligoy ligoy. “Oh, tapos?” Ani warden at uminom ng tubig. Kumunot naman ang noo ni Shin, ang kilala niyang Warden ay hindi ganito kung maka react. Madalas siyang magbiro at hindi tila kinakabahan sa mangyayari. Gayon pa man, pilit na ini intindi ni Shin na marahil dala ng bagong gising lang ito at wala pa sa sariling pag-iisip. “Nag aalala lang ako sa’yo,” Ani pa nito. Ngumisi naman si Warden kasabay ng pag guhit ng ngiti sa kanyang labi. Hindi naman magawang ngumiti ni Shin pabalik sa kaibigan. May kakaiba kasi ito sa kanyang ngiti at hindi niya iyon nagugustuhan.  “Tsss, halika na nga, library tayo. Antayin mo ako sa sala, maliligo at magbibihis lang ako!” Matabang na tumawa si Warden at umalis sa kusina upang gawin ang kailangan niyang gawing pahahanda bago lumabas ng bahay.  Bumagsak ang balikat ni Shin kasabay ng pagbuntong ng kanyang hininga. Kahit makita itong nasa maayos ang kalagayan ay hindi pa rin niya magawang kumalma. Namatay ang guro dahil sa pagpapahayag tungkol sa kabilang kontinente, at madalas mangyari ang ganitong indsidente sa kanilang lugar. Madalas din naman siya magpahayag ngunit ni minsan ay walang nangyayaring masama sa kanya. Di naman siguro, wala namang nakakarinig pag nagkukuwento ako sa kanya. Sabi nito sa isipan at pilit na kinakalma ang sarili. Itinukod niya ang dalawang siko sa kanyang tuhod at malalim na nag-iisip. Kung mayroon man ay hindi niya mapapatawad ang kanyang sarili.   Pinahamak niya ang kaibigang si Warden at hindi naman naging masamang ordinaryo at nais lang malaman ang tungkol sa kontintente ng mga kakaibang nilalang. Kung sino man ang dapat parusahan, iyon ay kanyang sarili at wala ng iba. Gayunpaman, pinapanalangin niya na nawa’y ligtas silang dalawa. Napakabata pa nila upang sapitin ang sinapit ng guro.  Malakas ang pintig ng kanyang puso, winasiwas niya ng kanyang ulo para mawala sa isipan ang negatibong bagay na naglalaro rito. Sa mga oras na ito, dapat pagtuonan niya ng pansin ang kanilang pangarap ang hindi ang ibang bagay. Ilang sandali pa’y lumabas nang tuluyan si Warden mula sa kwarto. Nakabihis na ito at namamasa pa ang buhok dahil bagong ligo. “Tara!” yaya sa kanya ng kaibigan at naunang naglakad palabas ng bahay. ** Maraming studyanteng nag aaral sa library, nag iisa lang ito sa lugar kaya’t nag titiis ang dalawang magkaibigan sa ingay dala ng mga grupo ng kababaihan. Napatingin naman si Warden sa grupo ng mga kababaihan na naglalaro at habang nagtatawanan sa kanyang giliran. Nang pumasok ang isang ginoo ay natahimik sila ngunit tahimik nilang inobserbahan ang ginoong iyon at tila naninisay sa kilig sa tuwing tinitingnan sila ng kanilang pinag-uusap. Huminga nang malalim si Warden. Pinatayo niya ang kanyang libro sa mesa at tinakpan ang tenga gamit ang dalawang palad habang sinasaulo ang bawat binabasa. Napatingin naman si Shin sa kanya at palihim na natawa sa ginagawa ng kaibigan. Mas lalong umingay ang grupo ng mga kababaihan, ang nagbabantay ay napatingin sa kanilang direksyon at agad din naman silang tumatahimik. Nang umalis ang nagbabantay at bitbit ang dalang libro ay nabuhay ang kanilang tawanan at tuksuan sa isa’t isa. “Aish, nakalimutan ba nilang library to?” iritableng tanong ni Warden. “Hayaan mo na, tatahimik din yan pag may Opisyal na makakapasyal dito.” Tawang tugon ni Shin habang hindi mawala wala ang ngisi sa kanyang labi.  Hindi naman sumang-ayon si Warden sa sinabi ng kaibigan. Tiningnan niya nang masama ito ang naturang grupo at mas lalo lamang nag ingay ang mga ito na tila walang pakialam sa paligid at hindi alam na dapat tumahimik sila dahil nasa library sila. Umiling si Warden at binalik na lamang ang atensyon sa kanyang binabasa. Ilang sandali pa’y napatalon sa gulat ang dalawang magkaibigan nang may isang tunog ng stick ang tumama sa isang mesa. “Hindi pa ba kayo titigil sa kakaingay?” napalingon ang dalawang magkaibigan nang marinig ang isang ginang na nagsalita. Nakasuot siya ng eyeglass at nanlilisik ang mga mata habang nakatingin sa grupo ng mga kababaihan.  Palihim naman natawa si Shin at bakas sa mukha ni Warden ang satisfaction nang makita sa mga mukha ng kababaihan na natakot sa ginawa ng ginang. “Magsi-alisan kayo! Nakakaabala kayo sa iilang nag-aaral nang mabuti.” Ani ng ginang. Dali daling tumayo ang mga kababaihan at nag-uunahang umalis sa library. “Tama, ang hirap kaya mag-aral kapag maingay ang paligid.” Sabi naman ni Warden. Naging mabilis ang pagkuha niya ng impormasyon sa kanyang binabasa dahil naging mapayapa na ang silid aklatan. “Sana naman may gamit din tayong ginagamit ng mga freak, yung ano nga tawag doon…hmm.” Nakatingin si Warden sa taas na para bang naghahanap ng maisasagot. “Computer at Internet Connection.” Sagot ni Shin. “Oo! Tama!” sabi nito at tinuro ang kaibigan. Ngumiti naman si Shin sa naging reaksyon ni Warden sa kanyang sinabi. Hindi maalis alis ang ngiti ni Warden sa kanyang mukha habang ini imagine ang eksena kung saan magkakaroon sila ng mga teknolohiya.  Makakalipag siya sa ere at makikita niya ang buong paligid. Hindi na siya mahihirapan magpadala ng sulat at pumunta sa bahay nina Shin upang ipaabot lang ang kanyang mensahe, at higit sa lahat, madali lang sa kanya makita ang hinahanap na babasahin kung may computer at internet. Mas napapadali ang lahat sa pamamagitang ng teknolohiya. Itinuon niya ang buong atensyon sa binabasang libro. Nang mapansin kulang ang binabasa niya. Hinahanap niya ang libro at tumayo nang hindi makita. “Teka, wala pala akong literature book dito. Kukuha lang ako  shelves, Shin.” Aniya sa kaibigan. Hindi pa sumasang ayon si Shin ay tumungo na siya sa nakahilerang libro sa mga estante at hinahanap ang librong kanyang nais na basahin. Mabilis siyang humakbang sa shelves nang may iilang studyante ng lumalapit dito. Limitado lang ang kanilang libro at madalas hinihintay ng isa kung tapos na ang isang studyante na gamitin ito bago kunin.  Sa kabilang banda naman, abala si Shin sa pagbabasa ng isang librong nakuha niya “The modern physics” Wala silang ganoong subject, kaya nagka interes siyang mabasa ang libro. Nakatuon ang atensyon niya sa libro, luma na ito ngunit ang bawat nakapaloob ay patungkol sa agham ang matematika. Mahilig siya sa ganitong diskusyon at marami siyang natutunan kahit hindi ito tinuturo sa kanilang paaralan. “EPGTF or Error-Prone Gene Transmission Formula is a new technique that creates mutation form…” Mahinang bulong niya sa kanyang sarili. Tila pamilyar sa kanya ang naturang salita. Nakita na niya ito o narinig ngunit hindi niya maalala kung saan at kailan. Nasa kalagitnaan siya ng pagbabasa nang may isang kulay asul na papel ay kumuha sa kanyang atensyon mula sa libro ng kaibigang si Warden. Kinuha niya ito, kumabog ng malakas ang dibdib niya sa kaba nang mabasa ang nakasulat dito. ‘3rd Warning, Punishment: Death’    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD