HUMANITY IS DEAD

658 Words
Humanity is dead. Sirang mga gusaling nakapalibot, mga patay na nilalang sa mga daan, usok galing sa digmaan, patay-sinding mga ilaw, tahimik, at higit sa lahat patay na gobyerno. Hindi humuhupa ang gulo. Kahit saang sulok ng mundo ka magtago, kung ikaw ay mahina, tanggapin mong hindi ka magtatagal. Walang makakapagsabi kung hanggang kailan ka mananatiling buhay, at tanging mahalaga’y handa ka sa kahit anong peligro ang mangyayari sa'yo. May mga sugat at may hiwa sa paang hinatak ni Dami ang daang patungo sa pinanggalingang laboratoryo. Halos mangiyak sa nadatnan. Basag na mga bintana, aparatura, at mga dugong dumadaloy sa mga dating tauhan. Halos masuka sa mabahong amoy ng mga naagnas sa tao kahit saang sulok siya magpunta. “Shin...” aniya nang makita ang pugot na kamay ng dating kinakasama. Bagamat ay mahina, nilakasan niya ang kanyang loob dahil alam niya kahit anong oras, kahit sinong makita siyang gumagalaw ay papatayin siya. May nararamdaman siyang kaluskos sa paligid at sa isang mabilis na pangyayari, naitusok niya ang kutsilyo sa noo ng nagtangkang patayin siya mula sa kanyang likuran.  “Dami…” Isang alingawngaw mula sa madilim na sulok ang tumawag sa kanya. Mabilis niyang kinuha sa noo ng nilalang ang kanyang kutsilyo at hinanda ito para sa panibagong kalaban. “Wag mo akong patayin Dami…” Mula sa madilim na sulok ng laboratoryo, nagpakita ang isang matandang nasa edad 50 anyos habang ang dalawang kamay ay nasa batok. “Hindi ako armadong nilalang at higit sa lahat, isa akong mortal, Dami.” “Doktor!” Paika ikang dumalo si Layna sa nasabing doctor ang niyakap ito ng mahigpit. “Akala ko po’y patay na rin kayo.” Humahagulgol niyang ani. Hinagod ng doktor ang kanyang likuran at ngumiti. “Tayong dalawa ang natitirang makakasalba sa mundong ito kaya magpakatatag ka.” Sunod sunod ang pag iling ni Dami. “Hindi na ho mangyayari iyon.” Walang pag-asang niyang sinabi at tinignan ang mga galos at sugat sa buong katawan. Nalapnos rin ang kanyang balikat nang makaligtas sa isang sunog. “May dahilan kung bakit hindi ko iniwan ang laboratoryong ito sa kabila ng kaguluhan, Dami.” Ani ng doktor. “Sumama ka sa akin at may ipapakita ako sa’yo.” Tinungo nila ang isang lugar kung saan ang doktor lamang ang nakakaalam. Pagkarating ay agad na nilibot ni Dr. Herq ang mata sa kapaligiran upang masiguradong walang nakasunod sa kanila at saka niya sinarado at kinandado ang pintuan. Maayos ang nasabing lugar, may mga aparatung parang ni minsan hindi ginalaw, Walang bahid ng digmaan at malinis na kapaligiran. Sa gitna ay may isang malaking tubo na sa tingin niya magkakasya ang tao sa loob ‘non. Sinabi ng Doctor na doon siya nagtago habang pinapakinggan ang nangyayari sa labas, hindi niya magawang isalba ang mga tauhan dahil baka may makaalam sa tinatagong lugar na ito. “Dami, maibabalik mo ang mundo kung maibabalik mo siya.” Ani ng doctor. Taong 2070 nang sakupin ang buong mundo ng mga nilalang na may masamang hangarin. Nagpatuloy ang masamang gawain ng mga nakakataas na opisyal hanggang mahati ang mundo sa dalawang kontinente. Ang isang kontinente ay para sa makapangyarihan at ang isa nama'y para sa mga mahihirap at mga tinuturing na alipin hanggang ngayon. “Paano po Doktor?” ‘Siya’ ang tinutukoy ni Dr. Herq ay isa ng bangkay. “Science.” Tipid na sabi ng doktor at may hinandang inyeksyon. “Tiwala ang tanging sandata mo rito, Dami.” Naramdaman niyang mabilis na pagdaloy ng kanyang dugo nang maipasok ang sarili sa isang tubo habang kaharap ang napakalakas na ilaw. Bagamat ay walang kasiguraduhan ay determinado at matapang pa rin niyang sinunod ang doktor.  Ang dating pumapatay ng sangkatauhan ay ngayo’y magliligtas na ng mundong wasak.  “Maghanda ka na, Dami… at Mag-iingat ka.” Sa isang iglap, ang kapaligira’y biglang naging madilim. **
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD