Episode 5: Classes

1742 Words
Madilim at mabaho ang isang abandonadong warehouse. May mga nagkalat na patay na daga at mga sapot ng gagamba na nakapalibot sa mga kahong walang laman. Nakatali ang dalawang kamay ni Shin at nakatakip ang mga mata nito habang walang malay na nakalatag sa sahig. "Mr. Rizale, nandito na po ang isang erudite. Ano pong gagawin namin rito?" Ani ng isang stranghero sa kabilang linya. Gumagawa ng ingay ang kanyang mga kasama habang naglalaro ng baraha at umiinom ng alak. "Dalhin niyo sa akin.." ani ng kabilang linya at pinatay nito ang tawag. "Babayaran kaya tayo ng ordinaryong tao na 'yan?" tanong ng isa niyang kasama at bumuga ng usok mula sa sigarilyo. "Bakit ba tayo ang ginagawang alipin niyan! May kakayahan tayong tagpi tagpiin ang katawan ng taong yan nang walang kahirap hirap!" Bulyaw ng isa pang kasama at sinipa ang inupuang kahon dahil sa galit. "Sige, gawin mo nang mauna kang mabura sa mundo." ani ng kanilang lider na kulay pula ang buhok at may pahabang peklat sa giliran ng mata. Kinakagat nito ang isang stick ng sigarilyong hindi pa nasisindihan. Nagpakita ito sa kasamahan nang marinig ang kanilang usapan. "Patawad boss!" pagsisisi ng isa sa salitang binitiwan niya. Mahinang sinipa ng lider nito si Shin at sumenyas sa kasamahan na dahil ito papasok ng Van. Agad naman nila sinunod ang lider sa takot na baka patayin sila nito. "Sasama ka ba boss?" Tanong ng isa. Umiling iling ang Lider, umupo sa isang kahon at nagsindi ng sigarilyo. Tumango ang apat at tuluyan nang umalis sa naturang warehouse. Sa isang poste ng sirang kable ng ilaw, nakatuon ang atensyon ng isang nilalang na may suot na pusang nakangiting maskara habang nilulugay ang buhok ito ng hangin sa grupong dumakip kay Shin. Nang makitang paalis ang van ay dali dali siyang tumalon mula rito at tumakbo upang sundan ang van. Hindi pa nakakalayo ang van nang biglang mabasag ang salamin nito sa harap. Dahil sa biglaang pangyayari, hindi nakapreno ng maayos ang driver at Nabangga ito sa isang puno. "Ano ba 'yon?!" Tanong ng isa nang makita ang isang bayonetang nakatusok malapit sa kanyang inuupuan. Muling nabasag ang salamin katabi ng driver, napakurap ang tatlong stranghero dahil sa gulat at mapahiyaw ang isa nang makita ang kanilang driver na duguan habang nakatusok ang isa pang bayoneta sa giliran ng noo nito. "Mate!" Sigaw nang isang kasama nang makita ang sinapit ng driver. Tumahimik ang natitirang tatlo upang pakiramdaman ang susunod na mangyayari. Hinanda ng tatlo ang kanilang mga sarili at nagsilabasan ang kanilang mga asul na ugat mula sa kanilang leeg na gumagapang patungong ibabang bahagi ng kanilang tenga. Nang maramdaman na may isang bagay na mahuhulog sa itaas ng kanilang sasakyan at dali daling lumabas ang tatlo ngunit biglang natahimik ang kapaligiran. Lumabas ang babaeng nakamaskara ng isang nakangiting pusa habang may hawak itong bayoneta. "Hello there, odd allegory." Aniya sa grupong kilala sa lungsod bilang serial killers. "Ikaw!" Bayolenteng sigaw ng isa at sinugod ito, ngunit ang plano nitong putulin ang kamay ng babae gamit ang kanyang utak ay hindi nangyari sa halip ang isang kamay niya ang unti unting lumilinsad. Nanlaki ang mata ng lalake at napatingin sa gawi ng babae. "Sino ka?!" Halos mangiyak ito sa sakit. Bago pa man makasagot ang babae ay mabilis itong sinugod ang tatlo at bawat isang pinaslang. Nagsiliparan naman ang mga uwak mula sa isang puno dahil sa takot. Kabaliktaran ng kanyang nakangiting maskara ang seryosong mukha ni Dami nang tanggalin niya ito. Kinuha niya sa bulsa ng isang lalake ang susi at walang hirap na binuksan ang compartment kung saan makikita ang walang malay na si Shin. "Madalas kang makakaranas ng ganitong pangyayari. Mag iingat ka parati." ~*~ Ilang araw ang lumipas matapos ang insidente ay nawala ito sa mga alaala ni Shin. Ang tanging naalala niya ay isang reversed memory kung saan pagkatapos niyang makapasa sa examination ay namalagi siya sa isang hotel, kinabukasan non ay nagpa enrol at in-offer sa kanyang ang isang bakanteng kwarto ng dorm sa loob ng conservatory. Kaya hindi na ito nagtaka kung bakit alinsunod sa kanyang ginagawa ang bawat nangyayari sa kasalukuyan. Dali dali siyang pumunta sa nakapilang mga studyante. Gaya niya ay may mga suot itong uniporme katulad ng nakita niya noong una siyang mapadpad sa naturang konserbatoryo. Naupo siya sa pinakalikurang bahagi ng isang malaking auditorium nang makapasok. Napansin niya ang pamilyar na lalake, kumuha ito ng microphone at inayos ang lakas ng tunog nito. "Mic test, mic test.." aniya nang nakangiti. "Ang gwapo talaga ni Sir Upher!" nagkikilitian ang mga babaeng studyante sa kanyang tabi habang pinupuna ang naturang guro. Nag umpisa ang orientation para sa mga bagong studyante nang may lumabas ng isang ilaw mula sa isang projector sa kanilang likuran. Kumuha ng maliit ng notebook si Shin at ang bawat sinasabi ng guro ay kanyang sinusulat. Sa bagong kuntinento na ginagalawan niya ay binabahi ng tatlong classes ng metahumans. Ang Class A ay enchantment and empathy, kung saan ang iba sa kanila ay nakakabasa ng emosyon ng tao man o kahit hayop, kayang akitin ng isang metahuman. Karaniwan sa mga metahumans ang may ganitong kakayahan pero kinikonsidera silang bilang mahihinang metahumans. Ang class B nama'y nabibilang sa mga metahumans na may taglay na Telepathy at Psychokinesis kung saan may kakayahan ang mga ito na kontrolin ang isang bagay. Mahigit kalahating porsyento ng population ang may naturang kakayahan. May iba namang kaya basahin ang isip ng isang tao o metahumans, at magbura ng isipan. Napakunot ng noo si Shin. Hindi malayong isang Class B metahuman ang nag manipulya sa kanyang mga alaala. Ang panghuling Class, na bihira lamang sa populasyon ng metahuman ay ang Class C. The combination of Class A and Class B. Mga ganitong metahuman ay may taglay na Umbrageous teleportion, Transfiguration, Telepathy and Psychokinesis, Enchantment, and empathy. Considered very dangerous than the two classes have first mentioned. Ang Class C ay malapit ng mabura sa mundo, rumarami lamang sila sa pamamagitan ng kapanganakan. Halimbawa ang isang Class C female ay makakapangasawa ng Class C Male, ang kanilang anak ay isang Class C rin ngunit kapag ang Class C female ay mag aasawa lamang ng Class B ay maaari itong mamatay. Ganito rin sa ibang classes. Maraming namamatay na metahumans dahil sa pagaasawa ng hindi magkaparehong Class due to failed gene combination na nagiging toxic sa katawan. Imbes na magsilang ng sangol ay magdulot ito ng poisonous substance na kumakalat sa mga ugat ng katawan dahilan ng paghinto ng pagtibok ng isang puso. Transmission of mutation can only be activated by the use of a formula that nobody knows when it will be invented. At nandito silang lahat sa metahuman Conservatory upang hubugin ang kanilang taglay na kapangyarihan. "..And anyone knows here the last nullifier?" Natahimik ang lahat sa sinabi ng gurong si Upher. "The last Nullifier?" Tanong ng isang studyante. Lumitaw sa projector screen ang isang litrato ng mukha ng babae na may magkahalong pula at asul na ugat sa leeg at sa maliit na bahagi ng pisngi. "Red and blue vien? That's weird, hindi ba dapat blue?" nagtatakang tanong ng isang babaeng studyante. "A very rare Class, 99.9% possibility of extinction. This class of metahuman has an ability to cancel or block all of the present classes and also possessed spell immunity. Kahit Class C ka pa, di ka u-obra kay Class D." Nakangiting ani ng Guro, "..But anyways, the government confirmed that class D is no longer exisiting nowadays." "..And who's the last nullifier nga?" Iritadong tanong ng isang walang modong studyante. "Her name is Adira.." "I'm sorry, sir. I'm late.." Biglang bumukas ang pintuan ng auditorium at pumasok rito ang isang magandang dalaga. Lumulugay ang short black hair sa bawat pag hakbang niya sa hagdan. Nakatingin rin sa kanya ang mga kalalakihan na animo'y isang unang pagkakataon ito sa kanila na makakita ng magandang dilag. "Hey, late comer. I can't tolerate that kind of behavior, please don't do it again." Tumungong ani ng guro. Ngumiti ang dalaga pero hindi nakapagpatuloy ng paghakbang nang magsalita itong muli. "Kindly introduce yourself in the front." Bumuntong hininga ito at sinunod ang sinabi ng guro. Nakalagay ang dalawang kamay nito sa magkabilang bulsa ng kanyang uniporme at tamad itong tumayo sa harap ng maraming studyante. "I'm Dami Nabhitha, 21." yumuko siya bilang pag galang. "..Nice meeting you all." patuloy niya. Ngumiti ito dahilan upang makuha niya ang atensyon ni Shin. Pamilyar ang ngiting iyon pero hindi niya maalala kung saan nya nakita. May narinig siyang sumipol nang bahagyang liparin ng hangin mula sa aircon ang kanyang saya. "Tangina niya, manyakis.." ani ni Dami sa kanyang isipan. Samo't saring reaksyon ang naririnig nya sa bawat pag hakbang niya patungo sa kanyang upuan tatlong metro ang layo kay Shin. Mga mga lalakeng nagagandahan mayroon namang mga babaeng naasar sa kanyang presensya. "Anong class niya sa tingin mo?" bulong ng isang babaeng studyante sa harap niya sa kaibigan nito. "Class A? Enchanment ata mayroon siya, mapang akit eh o di kaya witchery." nagtawanan ang dalawa. Pinawalang bahala iyon ni Dami kahit narinig niya ang mga ito. Lumingon si Shin sa kanya at matagal na sinuri ang kanyang facial features. Mula sa matangos na ilong, bilog na mata, at nagtagal ang kanyang pagtingin sa mga labi nito nang maalala ang pamilyar na ngiti. Umiwas ito ng tingin nang unti unti ring lumilingon si Dami sa kanyang direksyon. "Okay Everyone! You'll be divided into three sections. Isang linya para sa Class A, sa gitna ang Class B, at kung meron Class C. rito sa giliran." Tagubilin ng kanilang guro na agad naman nilang sinunod. Si Shin naman ay pumunta sa pinakadulo nang hindi alam kung saan pipila. Napatingin si Teacher Upher sa kanya at nagtaas ito ng kilay bilang katanungan kung bakit siya diyaan nakatayo. "I have no Class po. I'm human.." Ani nito. Napuno ng napakalakas na katawanan ang buong auditorium. Para sa kanila ay hindi dapat maging kabilang ang human sa kanilang Paaralan. Ordinaryo ka man o isang erudite. Maliit ang kanilang tingin sa mga ito. "You're Shin Peterson, right?" Tanong ni Upher habang nakatingin ito sa ang isang logbook. Tumango si Shin bilang pagsang ayon. "You're the only human listed here." Ngumiti si Upher. Biglang nawala ang tawanan nang sumunod si Dami sa kanya at pumila sa kanyang likuran. "We-wait.. Isa lang to ah." Sabi ng guro at binalik ang tingin sa logbook. "What class are you, hija?" Tanong nito kay Dami. "Same with Shin po, I'm human." Aniya sa seryosong tono. Gulat na napatingin si Shin sa kanya ngunit ginatihan lamang ito ng napakatamis na ngiti ni Dami. Ngiting minsan na niyang nakita sa gitna ng malakas na ulan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD