"Welcome Mr. Stephen Vams, I'm Ian Ferrer, Dr. Koerer Nim's assistant. Let me lead you the way to laboratory, sir."
Magalang na sabi ng ni Ian, isang binatang nagtatrabaho para sa isang Medical Anthropologist na si Dr. Koerer. Sumunod naman sa paglalakad si Stephen Vams sa kanya hanggang makaabot sa entrance ng naturang laboratoryo. Nilibot nito ang mga mata at mamangha sa lawak ng Pasilidad. Bilang ordinaryong tao na nagtatrabaho sa west continent, bago sa kanyang mga mata ang pasilidad sa ganitong istablishimento.
Sa bawat giliran ay may makikita siyang mga scientist na nakasuot kulay puting uniporme habang abala sa kani kanilang mga eksperimento. Napauwang ang kanyang bibig nang masubaybayan ang mga nakapalibot na cryogenic capsules. Mayroong naka hubo't hubad na mga walang malay na mga tao sa loob nito. Para bang mga patay na ine experimentuhan. Pamsamantala silang huminto nang makarating sa main lab ng research facility. Automatic na nagbukas ang isang malaking pintuan nang pindutin ni Ian Ferrer ang fingerprint door lock.
Nang naalinag ni Stephen Vams si Dr. Koerer Nim na abala sa kaniyang sinusuring experimento, ay naghanda siya ng kanyang sarili at ang dalang bag case na naglalaman ng isang baril. Nagbigay ng signal si Ian na pwede na siyang lumapit kay Dr. Koerer. Yumuko si Stephen upang mabigay galang sa umalis na si Ian at unti uting lumapit sa doctor.
Nakuha ni Dr. Korer ang kanyang atensyon at pansamantalang itinabi ang mga tube ng kanyang hinahawakan.
"Mr. Rizale ordered me to kill you if EPGTF won't be successful."
Ang EPGTF o Error-Prone Gene Transmission Formula ay isang Formula kung saan mag a-allow ng isang gene ng isang mutant na maipasa sa isa pang mutant. Sa ganito paraan, ang isang metahuman ay magtataglay ng hindi lamang isa o higit pang kapangyarihan at hindi lamang dadami ang kanilang lahi through birth, ang isang ordinary ay magiging metahuman sa pamamagitan rin nito. Kinanatakot ng iilang metahumans dahil maaaring maglaganap ang kasamaaan dahil lang rito.
Naunang na imbento ang EPGTF panahong 2070 noong nasa kamay pa ni Leo Peterson ang Research Facility ngunit ito ay kanyang giniba nang mapag-alamang may binabalak ang gobyernong sakupin ang buong mundo sa pamamagitan nito. Kaya hindi nasakop ng tuluyan ang mundo at may iilan pang mga ordinaryong taon ang nakaligtas.
Bumuntong hininga ang doctor na si Koerer at itinaas nito ang kamay nang maglabas si Stephen Vams ng baril at tinutok ito sa kanya.
"Hindi madali ang pinapagawa niyang iyon, lalo na't kulang ng mga erudite na magtatrabaho rito sa Pasilidad." Takot na paliwanag ng doctor.
Ngumisi si Stephen Vams at mayabang itong nilapit ang baril sa doctor, "You're a scientist, you should know better."
Ang naturang formula ay hindi madaling gawin lalo na't wala siya sa level na katalinuhan katulad ng kay Leo Peterson.
Umalingawngaw ang pag putok ng baril sa laboratoryo kasunod ng tawa ni Stephen Vams. Ngunit ang violenteng tawa nito ay biglang naglaho nang makita ang isang bala na lumulutang sa ere isang pulgada ang layo sa noo ng doctor. Nagsilabasan ang asul na ugat nito sa leeg patungong ibaba ng tenga. Katibayan ng isang metahuman tuwing gumagamit ng kapangyarihan.
Nanlaki ang mata ni Stephen nang hindi magalaw ang kanyang katawan at nabitawan nito ang baril na dala.
"Ang sabi sa akin ni Mr. Rizale ay isa kang human!" sigaw nito nang unti unting maiharap nito ang bala sa kanya.
Tumawa ang doctor at tumango, "Let me guess, he offered you millions to kill me? Oh, I'm no human. He played well, ayt? giving me another human to experiment."
Takot na nilingon nito ang mata upang makita ang mga patay na nasa loob ng cryogenic capsules. Magiging isa siya roon kung hindi siya tatakas, pero paano? Para siyang na paralyze at hindi makagalaw sa kanyang kinatatayuan.
Isang malakas na sigaw ang umalingawngaw nang tumama ang balang nakalutang sa kanyang ulo with the same speed kung ipuputok ito mula sa baril. Nawala ang ngiti ng doctor at tinawag si Ian Ferrer na iligpit ang katawan ng taong iyon at ipasok muli sa isang empty cryogenic capsule.
Tinawagan nito si Rizale, at nang sagutin...
'Do you like my gift?' ani ng kabilang linya.
"I need erudite, hindi ang walang kwentang nilalang." sabi ng doctor.
'You need their brains, not them." Tumawa ito, "Alright! I'll give you an access to Metahuman Conservatory. Nabalitaan kong nagkaroon ng entrance exam, ang makakapasa ay considered erudite. I'll bring them to you."
"Kung gusto mong mag exist muli ang EPGTF, gawin mo iyan. As soon as possible." atsaka pinatay nito ang telepono.
Nangambisyon si Dr. Koerer na mapantayan si Leo Peterson na isang erudite. Kung sakaling ma transmit ang information ng human erudite brain sa kanya ay hindi lamang siya magiging isang metahumans, magiging erudite rin siya at kilalanin siya sa buong mundo. Gumuhit ang mga nakikilabot na ngiti sa kanyang labi. EPGTF will be succesfull one day, darkness will soon to rise!
~*~
Hawak hawak ang isang mapa, napadpad si Shin sa isang malaking paraalanan. Namangha siya sa sobrang lawak nito at sa laki ng mga gusaling nakapalibot rito at sa uniporme ng mga studyante, na kulay puti sa itaas at asul na pambaba. Sa mga babae ay hindi abot sa tuhod ang skirt nito habang sa mga lalake naman ay slacks na kulay asul. Kahit sa mga boots ay uniporme rin ang mga ito.
May mga gusali rin naman sa kanilang kontinente ngunit hindi katulad sa mga ito ang taas. Halata ring hindi basta basta ang ginamit na materyales sa pagbuo ng matayog na gusali. Nababangga siya ng iilang studyante dahil nakatayo siya mismo sa entrance gate. Natauhan siya at isinara niya ang kanyang bibig, napatingin siya sa mga babae. Mapuputi ang mga ito at mukhang mayayaman. Sa isang iglap tila nahiya siya para sa kanyang sariling ayos.
Ang gwardya ay kanina pa tingin ng tingin sa kanya. Agaw pansin kasi siya dahil siya lamang ang nag-iisang studyante na hindi naglalakad. Tinawag niya ito nang tila gusto itong pumasok sa loob.
“Bata!” tawag niya rito. Bumaling si Shin sa kanya at kunot noo siyang tiningnan. "Ano ang kailangan mo?" Tanong ng gwardya at tinignan nito mula ulo hanggang paa. Duda niya’y nasa edad 20 ito paitaas dahil sa kanyang tindig at postura ngunit hindi taga roon. Nahalata nito na isang ordinaryo si Shin sa hitsura pa lamang, lumang damit ang may kaunting sira ang sapatos. Sa takot na baka sa sama ng loob ito’y tinaboy niya ang binata.
"Hindi pwede ang mga ordinaryong tao rito, pwera na lang kung dito ka nagtatrabaho." Aniya at ikinumpas ang kamay sa ere na tila tinataboy ito palayo.
Seryoso namang napatingin sa kanya mula ulo hanggang paa. Ang gwardya ay hindi nagustuhan kung paano siya tingnan ni Shin. “Aba’t!” agap niya.
Mga ilang sandali pa’y kinuha ni Shin ang kanyang Card nilagay sa isang scanner katabi ng guard house. Pagkatapos ma proseso ay robotic sounds na nagsasabing pwede siyang makapasok. Nalaglag ang panga ng gwardya na mapag alaman na isang erudite ang kanyang tinaboy. Sa kanilang Kontinente, may mga privilege ang mga erudite dahil sa kanilang ambag na talino sa agham.
Ngumisi si Shin nang makita ang laglag pangang reaksyon ng gwardya. Pagkatapos ay walang siyang kahirap hirap na pumasok sa gate.
Pinagtitinginan siya ng iilang studyanteng nakakasalubong niya dahil sa kanyang hindi ordinaryong ayos at kayumangging balat. May iilan ang natatawa dahil mukha siyang pulubi, ang iba nama’y namamangha dahil mukha siyang spy ng CWPO.
Nagtatanong siya tuwing naliligaw hanggang tuluyang napadpad sa isang auditorium kung saan doon gaganapin ang entrance examination. Dali dali itong pumasok nang makitang nag uumpisa na ang mga studyante. Ngunit hinarang siya ng isang ginang.
"Magkaiba ang examination ng mga metahumans sa human, please follow me." ani nito.
Nagtatatakang sumundo si Shin, paano niya nalamang human siya? Nakalimutan niyang Metahuman ang mga ito, may kapangyarihang magbasa ng isipan. Iyon ang naglalaro sa kanyang isipan.
Napunta sila sa isang puting silid at isang one-way mirror nito sa magkabilang sulok. Sa gitna naman ay isang upuan at isang malaking console. Umupo siya sa upuan habang sa harap niya naman ay isang ginang na nag o-operate ng console.
"Bago ang lahat my name is Resufina Lee, or you can call me Ms. Lee, and you are?" Nakangiting tanong nito.
"Shin Peterson.." mahinang ani ni Shin at nilibot niya ang kanyang paningin.
"Peterson..." mahinang ani ng ginang at may nilagay sa console.
Bumuntong hininga ito at minasahe ang leeg, "Baka eto ang unang makakapasa ng entrance examination for human. Ang daming mga palya ng mga nauna." Ngumiti ito kay Shin, "So can you please tell me what you know about metahumans and west continent?" tanong sa kanya.
Hindi makapagsalita si Shin, ang mga katulad niyang ordinaryo ay pinapatay ng mga CWPO kapag may ibinahagi sa iba tungkol sa metahuman. Binalot siya ng kaba sa mga oras na iyon, ngunit kung hindi niya sasabihin ang nalalaman niya baka walang pag-asang makapasa siya sa naturang eksaminasyon. Tumawa si Ms. Lee at inayos nito ang kanyang suot na salamin.. "You will be sharing to a metahuman, don't worry.." sabi niya na parang nabasa nito ang isipan ni Shin.
Tumikhim naman si Shin at sinabi na rin tungkol sa kanyang nalalaman. “Nabuo po ang mga metahumans taong 2070. Naging dahilan ito sa paghiwalay ng dalawang kontinente sa mundo upang magkaroon ng barriers in between ordinaries at meta.” Panimula niya. Sinabi nito ang mga detalye sa ginang ang mga naganap ang World War na nagpahati sa West and East Continent. At kung paano naging isang metahuman ang isang ordinaryong tao lamang. “Sa pamamagitan po ng EPGTF ay nagkaroon ng makapangyarihan ang mga metahumans. Ito ay isang formula upang magkaroon ng kapangyarihan ang isang nilalang. Itinutusok gamit ang inyeksyon sa batok ng isang tao upang pansamantalang kontrolin ng EPGTF ang utak ng isang tao, pagkatapos ng ilang pahinga at trial and error ay sinusubok ito ang bawat isang naturukan nito.” aniya. “First testing po ay nagkaroon ng palya at naging dahilan ang pagdami ng mga metahumans dahil sa pagpapakawala ng iilang meta sa laboratoryo. Ang vaccine naman po ay ang VATF o Vaccine for Anti Transmission Formula. “ Aniya. Bumagsak ang kanyang balikat, sa mga nababasa lamang na mga tinatapong libro niya ito nakuha at sa diary ng kanyang ama. Ngunit hindi niya akalain na maaalala niya pa ito.
“Magaling,” napangiti siya sa puri ng ginang sa kanya. Nakahinga namang nang maluwang si Shin. Akala niya’y katapusan na niya dahil sa kakulangan ng detalyeng kanyang binahagi. Hindi niya akalain na makikita niya ang ngiti ng ginang.
"Do you have any idea how mutation can be transmitted to one another?" Tanong ni Ms. Lee. Hindi niya lubusang alam ang tungkol dito pero may kaunting alam siya kung paano dahil nabasa nito ang journal ng kanyang imbentor na ama ang tungkol sa pag transmit ng isang gene sa isang mutated gene.
Pilit niya itong inaalala. Napayuko siya at napapikit. Nagkakaroon ng malabong detalye sa kanyang utak. Bumalik ang kanyang alaala noong panahong kasama niya si Warden sa silid aklatan at nagbabasa sila pareho tungkol sa metahumans at ang diary ng kanyang ama. Kapag hindi niya ito nasagot ay baka manghihinayang si Warden mula sa langit.
Hindi niya gustong madismaya ang kanyang kaibigan na tahimik lamang na nagmamasid sa kanya.
"DNA Trancription.." sabi ni Shin at kumunot ang noo.. "I can't remember the details, ma'am. I'm sorry." Patuloy ni Shin. Malungkot itong yumuko, marahil hindi siya makakapasa sa examination.
"You Can't remember the details.." Ngumiti si Ms. Lee at tumango, "Congratulation, you passed." Napa-angat ang ulo ni Shin sa gulat. Nilahad nito ang kamay upang makipag shake hands, malugod itong tinanggap ni Shin kahit hindi makagalaw dahil sa gulat at saya.
"Tutulungan ka namin maalala ang mga detalyeng iyon kung makakapag aral ka sa aming unibersidad." Aniya.
"Salamat po, Ms. Lee.." aniya at maligaya itong umalis.
Nawala ang ngiti ni Ms. Lee habang pinapanuod ang binata na tumatalon talon sa saya habang paalis ng gusali. Makakarating ang impormasyong ito kay Rizale, aniya sa isipan.
Dapit hapon nang matapos si Shin, paglabas ng Conservatory ay hindi alam nito kung saan siya mamalagi pansamantala. May nakita siyang hotel kaya naisip niya doon muna mamalagi, bukas ay babalik siya ng Conservatory upang magpa enrol. Hindi pa nakakalayo si Shin nang may isang van ang huminto sa harap niya.
"Hi!" Sabi ng isang stranghero at sapilitan siyang pinapapasok. Sinubukan itong mag pumiglas pero nang may nalanghap na kemikal sa panyong pinangtakip sa kanya ay tuluyan itong nawalan ng malay.