Episode 6: Metahumans

2172 Words
Napaupo si Shin sa bintana nong gabing iyon habang nakadungaw sa buwan. Alas dose y media ng madaling araw ngunit hindi pa rin siya dinadalaw ng antok. Palaisipan kung bakit pamilyar ang hugis ng ngiting nakapaskil kay Dami. Mayamaya pa'y kinuha ang notebook at nag umpisang magsulat. Bawat bahid ng lapis at palya ng linya ay kanyang binubura hanggang sa matagumpayan ang pagguhit ng mga ngiting iyon. "Dami Nabhitha..." Bulong niya at kasunod ay sinulat ang pangalan nito sa ibabang bahagi ng ginuhit. Kumunot ang noo ni shin, alam niyang ang mga ngiting iyon ay minsan na niyang nakita. Na vivisualize niya 'yon sa kanyang isipan. Umaga, may dalang payong, at umuulan ngunit hindi niya maalala ang bawat detalye katulad ng pangyayari, lugar, at araw. Umiling siya hudyat ng pagsuko at tuluyang sinarado niya ang notebook at tinago sa ilalim ng drawer. ~*~ Kinabukasan sa Freshmen Building, maagang dumating si Shin dahil sa kasabikan unang araw ng klase. Bagamat kinakabahan dahil hindi niya alam kung sino at anong klaseng kaklase ang makakasalamuha niya ay nilakas pa rin ang loob. Inayos niya ang kanyang salamin sa mata at huminga ng malalim nang makarating sa pinto ng kanilang classroom. Ang maingay na kapaligiran ay biglang tumahimik at tinuon lahat sa kanya ang kanilang atensyon nang siya'y pumasok. Bawat hakbang niya'y kanilang inoobserbahan na para bang isa itong unang beses na makakasama sa isang klase ang isang ordinaryong tao. Pagkaupo sa pinakahuling upuan katabi ng bintana ay agad na may lumapit sa kanyang isang kaklaseng lalake. Pula ang nakataas na buhok nito na parang pating at nakabukas ang suot na unipormeng polo dahilan upang makita ang tattoo sa collarbone sa likod ng sando. Sumunod naman sa kanya ang tatlong lalake na may maaangas na hitsura rin katulad niya. Pinatong ng pulang buhok ang kanyang kanang paa sa lamesa ni Shin. Nabaling naman ni Shin ang kanyang paningin sa paa nito. "Ano pangalan mo, boy?" Tanong niya. Hindi umimik si Shin at iniwas ang kanyang tingin. Kung maaari ay hindi niya hahayaan ang sariling makakilala ng mga metahumans na hindi kaayaya ang ugali. "Boy, sumagot ka..." Mapanuya niyang ani at sinundot si Shin sa kanyang braso. "Pipi ata to pre e'." Ani ng isa niyang kasama na dilat na dilat ang matang nakatitig sa kanya. "Palibhasa kasi walang good manners sa kabilang kuntinento." Sagot naman ng isa. Bayolenteng tumawa ang mga ito hanggang kinuha ng pulang buhok ang kanyang salamin sa mata. Napaatras si Shin dahil sa ginawa ng lalake. "Akin na yan!" Bulyaw ni Shin nang sinubukang nitong iangat ang salamin upang hindi niya maabot. Kapag wala ang naturang salamin ay nanlalabo ang kanyang mata, resulta ng panandaliang pagkakasakit ng ulo. Kaya kung sakali ay hindi mawala o mabasag ang salamin na 'yon dahil hindi lamang ito bigay ng kanyang Lola, may halaga rin ito para sa kanya. "Afford mo 'to?" Ani ng pulang buhok at kunot noong dumungaw kay Shin. Pilit pa rin inaabot ni Shin ito sa kanyang mga kamay pero pinipigilan siya ng lalakeng iyon. "Abutin mo!" Aniya at mas lalong itinaas ang salamin. Ipinasa niya ito sa isang kasama na parang bola at nang ipasa sa isa pa ay hindi ito nasalo. Napako si Shin sa kanyang kinatatayuan nang mabasag ito. Kinuha ito ng isang babae na nananahimik sa kanyang upuan upang tingnan ang nabasag na salamin. "Ingat! Baka may bubog 'yan." Ani ng isang lalake sa kanyang harapan. Basag lamang ang salamin at wala namang tumalsik na bubog. "Ramdam ko ang pagmamahal niya sa kagamitang ito.." Mahinang aniya at nilapag sa kanyang lamesa. Umigting na panga ni Shin nang inakbayan siya ng naturang lalake. "Oops, sorry!" Mapanuyang aniya at sabay na tumawa ang grupo. Sa isang iglap ay marahas niya tinapakan ang lalake sa Paa dahilan ng malakas na pagdaing nito. "f**k!" Aniya at akmang susuntukin nang may pumigil sa kamao niya mula sa kanyang likuran. Lumugay ang maikling buhok ni Dami na nakangiting nakatingala sa lalake habang hawak hawak ang kamao. "Class A room ito ah, bakit nandito kayo?" Tanog niya rito na parang matandang babae. "Anong pakealam mo?!" Pikon niyang aniya. "Simmons, hindi magandang mag iskandalo ka, hindi ka kabilang dito, diba? Di ka ba tinuruan ng good manners?" Ani Dami. Ilang sandaling tumahimik si Simmons at maharas na binawa ang kanyang kamao kay Dami. Sarkastiko itong tumawa at nanlilisik na nakatingin kay Dami. "Magtutuos tayo sa susunod na araw..." Mahinang aniya ngunit may diin bago padabog na umalis kasama ang grupo. Kinuha ni Dami sa babaeng nakapulot ng salamin ni Shin. Tumingin naman si Shin sa kanya nang umupo ito kaharap sa kanyang pwesto. "Ang salamin ko.." Ani Shin. Lumingon si Dami sa kanya na nakangiti. Inangat nito ang salamin upang ipakita sa kanya. "Eto ba? Ipapaayos ko, ibabalik ko bukas.." "Hindi na kailangan. Akin na yan." Sinubukang agawin ni Shin ito pero mabilis na binaba ni Dami at ipinasok sa kanyang bulsa. "Hindi pwedeng hindi masusunod ang kagustuhan ko." Aniya at tumuwid ng upo nang pumasok ang kanilang Professor. Bakit niya gustong ipaayos ang salamin na 'yon? Para saan? Ni hindi niya pa nga nakikilala ng lubusan ang dalaga. Bumuntong hininga si Shin hudyat ng kanyang pagsuko. ~*~ Saktong alas dose nang matapos ang klase sa umaga. Binilang niya ang baryang dala nang mapagtantong hanggang bukas na lang ang kaniyang pera. Sumagi sa isipan niya na lalabas siya ng Campus upang maghanap ng pansamantalang trabaho sa syudad. Kung susulat siya sa kanyang Lola ay baka buwan ang lilipas bago mapadala ang pera. "Hindi na lang muna ako kakain.." Aniya at papanhik na sana pabalik ng building nang napahinto dahil sa biglaang paglahad sa kanya ng tinapay. Agad siyang mapalingon rito, nakangiti si babae sa kanya na may mahabang kulay purple na buhok at may puting kuneho sa balikat. Iyong babae sa kanilang klase na pumulot sa kanyang salamin. "Alam kong gutom ka, baka gusto mo." Aniya nang hindi naglalaho ang ngiti sa kanyang mga labi. "Salamat na lang.." Mahina niyang sagot. Naisip ni Shin sa pagkakataong iyon na baka may dalang lason ang tinapay. Gaya ng payo ng kanyang Lola, kapag napunta siya sa ganitong kuntinente, dobleng ingat ang dapat unang isaisip lalo na't hindi niya kilala ang mga nasa paligid niya. "Ramdam kong wala kang tiwala sa akin." Aniya. Kumagat siya sa tinapay at kinain ito ng tuluyan. "Kapag namatay ako rito, ibig sabihin hindi ako makakapagtiwalaan." Mga ilang segundo natahimik ang dalawa at tanging ang dumadaing na kuneho lamang ang kanilang naririnig. Ngumisi si Shin at umiling. "Naniniwala akong hindi mo dapat binabasa ang isip ng tao, you should learn to respect privacy.." Ani ni Shin. Mabilis na umiling ang babae. "Nako! Iilang class B lang ang may kakayahang bumasa ng isip at ako'y isang hamak na Class A lamang." Aniya. "Nang aakit ka..." Pahayag ni Shin. Muli namang umiling ang babae. "Ako si Quasar Kalpana, kakayahan ko ang magbasa ng emosyon ng hayop, halaman, at tao." Aniya at kinuha ang kamay ni Shin upang ilapag ang tinapay roon. "..Wag kang mag alala, hindi ako masamang meta." aniya. Tiningnan niya ang tinapay, mga ilang segundo ay narinig nilang dalawa ang pag kulo ng kanyang tyan. Tinakpan ni Quasar ang kanyang bibig ng palad habang mahinang tumatawa. "Pasensya ka na.." Ani Shin. Nakaramdam siya ng hiya nang tuluyan niyang kainin ang tinapay. Maamo ang mukha ni Quasar at friendly sa kaniyang nakakasalamuha, ngunit mahina ang kanyang loob tuwing nakakakilala ng mas angat ang kakayahan kaysa sa kanya. "Car ko na lang gamitin natin sa sabado!" Napalingon ang dalawa nang makarinig ng ingay mula sa isang grupo ng mga kalalakihan na naglalakad patungo sa kanilang direksyon. Agad namang hinigit ni Quasar si Shin at nagtago sa isang sulok. Sumilip ang dalawa sa grupong pumasok at nag iskandalo sa kanilang classroom kanina na umupo sa isang bench malapit sa kinatatayuan nila kanina. "Yang pulang buhok ay si Marco Simmons, Class B freshmen pa lang pero mayabang na." Aniya. Tinuro niya naman ang apat na kasama nito. "Yang puting buhok naman ay si Fin, yang mataba ay si Joc, habang ang isang pandak ay si Justin.." Aniya. Napansin ni Shin ang kanilang isang kasama na hindi niya napansin kanina. Malakas ang dating ng kulot na magulong ayos ng buhok nito at dalawang hikaw sa kaliwang tenga. Tahimik lamang na nanonood habang ang dalawang kamay ay sa magkabilaang bulsa ng Unipormeng pambaba. Mayamaya ang lumingon ang naturang lalake sa kanilang direksyon, mabilis pa sa kidlat silang nagtago at dinikit ang kanilang mga likuran sa dingding. "Sino 'yon?" tanong ni Shin. "Iyon ay si Rhinega. Siya ang pinakatahimik sa kanilang grupo, minsan lang magsalita." Mabilis ang hininga ni Quasar sa takot na baka mabuking silang nagtatago sa isang sulok. "Mag iingat ka sa grupong iyan. Siga ang mga iyan dito, kilala sa maraming nabugbog ngunit hindi basta bastang mapapatalsik kasi nga may kapit sa gobyerno ang mga magulang." "Lahat ba sila'y Class B?" Tanong ni Shin sa kanya. Tumango si Quasar ngunit biglang umiling. "Silang lahat Class B maliban kay Rhinega na Class C." Nanliit ang mata ni Shin, sa napag-alaman niya, ang class C ay nagtataglay ng combined gene mutation ng Class A at Class B. Hindi malayong malakas ito kung matuturing kumpara sa mga kaibigang class B. "Halika!" Ani ni Quasar at dali daling hinigit si Shin patungo sa likuran. Umakyat kuneho sa tuktok ng ulo ng dalaga nang tumakbo silang dalawa sa kakahuyan. Napunta sila sa maaliwalas at tahimik na parte ng Conservatory. Nilibot naman ni Shin ang kanyang paningin nang mamangha sa nagtataasang punong kahoy at iba't ibang uri ng halaman sa paligid. Tanging huni ng ibon lamang ang naririnig niya sa kapaligiran at ang hangin na lumulugay sa dahon sa itaas ng mga punong kahoy. "Awww!" Mga ilang sandali ay biglang nabungo si Quasar sa isang babae dahilan ng pagtapon ng pagkain nito sa kanyang damit. Nabasa rin ng dalang tubig ang naturang babae. Nanlilisik ang mga mata itong bumaling kay Quasar. "Aguil..." Mahinang ani ni Quasar nang mapagtanto kung sino ang kanyang binunggo. "Mag iingat ka sa dinadaanan mo! Alam mo namang mamahalin itong damit ko!" Aniya. Sunod sunod ang pagyuko ni Quasar hudyat na panghihingi ng kapatawaran. "Pasensya ka na.." Nahalata ni Shin na bakas sa mukha ni Quasar ang takot. "Hindi namin sinasadya.." Nakuha ni Shin ang atensyon ni Aguil kaya bumaling ito sa kanya. Ang nanlilisik na mata ay naging maamo nang mapansin si Shin. "Kahit saan talaga nagkakasama ang mga mahihina.. Class A man o erudite." saad niya at tiningnan si Shin mula ulo hanggang paa. "Poor boy, bakit ka nga ba napunta rito? Dahil ba sa mataas na ambisyon?" Karugtong niya at umiling. Hinilot ni Aguil ang kanyang sintido na parang pino problema ang pagiging mahirap ni Shin. "Aguil!" Bumilis ang pagtibok ng puso ni Quasar nang maalinag ang grupo ni Simmons palapit sa kanilang direksyon pero batid niya sa pagkakataong iyon ay imposibleng makakatakas pa sila. "Anong nangyayari dito?" ani ni Simmons. Nang makita si Shin ay agad niyang pinatunog ang kanyang buto nang tumagilid ang ulo. Gumuhit naman ang ngiti sa kanyang labi. "..Di pa ako tapos sayo ha." Aniya. Kalmadong tumingin lang si Shin sa kaniya at hindi man lang magawang kumibo. "Marco, Aguil.." Tawag sa kanila ni Rhinega sa baritonong boses. Tumingin ang lahat sa kaniyang direksyon na nasa likuran lamang ng grupo. Tumaas ang kilay nito kay Marco, parang nakuha naman ni Marco ang ibig sabihin ni Rhinega. Binigyan niya ng makahulugang titig si Shin at Quasar bago nila ito iwanan at sumunod kay Rhinega. Walang ka emo emosyon si Rhinega na bumaling sa kanya at saglit na nagkatinginan ang dalawa bago tuluyang lumisan ang kanilang grupo. Ramdam ni Shin na may kakaiba sa kanya. Hindi niya lubusan itong maintindihan pero isa lang ang sumasagi sa kanyang isipan--Kakaiba ito at mapanganib. ~*~ Ca sent bon Cafe, Mintan District, West Continent Dagsaan ang tao sa naturang Cafe dahil sa masasarap na kape at cake na binebenta rito. Gaya ng mga meta, paborito rin ni Dami ang kanilang mga iba't ibang flavor ng pastries. Paglahad ni Doctor Herq. ng tray ay agad namang kinuha ni Dami ang isa sa mga paborito niyang cake, ang custard muffle. "Dahan dahan lang.." Natutuwang ani ng doktor sa kanya. "Doc, wala namang natitirang nilalang sa kasalukuyang panahon?" biglang tanong ni Dami habang may laman ang bibig. "Buhay na buhay ang kampo ni Rizale." Ani ng doctor at uminom ng kape. "You're currently at the past, your focus must be here. Unti unting mababago ang panahon kung unti unti ring nababago ang nakaraan. Isang araw pagkagising mo'y maglalaho na lang sila na parang bula kaya wag kang magalala." pahayag niya sa dalaga. Tumango naman si Dami at nagpatuloy sa kinakain. Mayamaya'y naalala ni Dami ang salamin ni Shin kaya dali dali niya itong dinukot mula sa bulsa at nilapag sa harap ng doktor. Kinuha nito ni Doktor Herq at sinuri ang basag na bahagi nito. "Maaari niyo po ba yang kumpuniin? Ibibigay ko kay Shin bukas.." Aniya. Tumango naman ang doktor at ngumiti sa dalaga. Unti unting naglaho ang nakaguhit na ngiti'y sa labi nang may napagtanto. "Kung hindi namatay ang kaibigan ni Shin, malamang umpisa na ng kadiliman ngayon." Aniya. Nahinto si Dami sa kanyang pagkain at tahimik na nakinig sa doktor. "Today is June 16, 2100. The day when Shin and Hizale met.." 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD