NAGMAMADALI AKONG LUMAPIT kay Sir Atlas. Pagdating ko sa tapat niya ay hinawakan ko ang kanyang mga balikat. Labis lang ang kaba ko sa nalamang balita mula sa kanya. Iyong kinatatakutan ko na mangyari ay ginawa nga niya sa kanilang mga kasambahay. Paano na ako? Paano na ang kami? Paano na ako makapasok sa mundo ng Consunji? Hindi lang naman basta simpleng mga kasambahay ang meron sila sa bahay nila. Magaganda ang mga ito! Parang mga modelo. Hindi rin nalalayo ang ganda ng mga ito sa akin. Pwede rin sa iba na mas maganda ang mga ito sa akin dahil subjective naman ang ganda ng bawat nilalang. Depende sa preferences ng bawat tao. Niyugyog ko ang katawan ni Sir, may kunting inis. “Hindi ba sinabi ko sa iyo kay the best kilig mo lang gawin ang mga bagay na iyon? Sir, dapat ako lang ang bastu