KABANATA 24

1556 Words

ALAM KO NA kung ano ang dapat na gagawin ko pero hindi ako makagalaw sa labis na takot. Ito ang unang beses na nakita ko siyang inatake ng kanyang sakit. Nakatatakot siyang tingnan! Para siyang nakakita ng multo. Nagsimula ng mangilid ang luha sa mga mata ko. Labis lang ang awa na nararamdaman ko para sa kanya. Hindi sana siya magkakaganito kung hindi dahil sa kanyang ina. Sigurado ako na iyong kinuwento niya sa akin ay iyon din ang araw na sinunog nang buhay ang ina ko. “S-Sir,” sambit ko. Nang makita kong nanginginig na ang kamay ni Sir ay bumalik na ako sa ulirat. Napatakbo ako palabas ng banyo para kunin ang gamot niya sa ibabaw ng mesa. Ipinakita niya iyon sa akin kanina. Nang makuha ko na ito, agad na akong bumalik. Dinala ko na rin iyong tali para sa kanyang mga kamay at paa. N

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD