“MOM, SI MIRA. . . my new secretary,” sabi ni Sir Atlas. Napalingon sa akin si Cheska. Ang bigat talaga ng kanyang awra. Iba rin siya kung tumitig sa akin. Para bang may malaki akong kasalanan sa kanya. Napatayo ako para magpakilala. “Good afternoon po, Ma’am. I am Mira Cruz po.” Hindi niya ako pinansin at umupo na lang sa upuan sa tapat ni Sir Atlas. Napaupo na lang din ako habang hindi mapigilan na mapangiti. Hindi na rin ako magtataka kung bakit patay na patay si Sir Arquil sa Mommy ko. Ibang-iba ang ugali ni Cheska rito. Hindi ko man nakilala si Mommy, pero kung pagbabasehan ko ang kwento ni Daddy ay mabuting tao ito. Hindi rin naman siguro maghahabol si Sir Arquil kay Mommy kahit may sarili na siyang pamilya kung masama ang ugali nito. “Mom, why are you here?” seryosong tanong ni