KABANATA 1

1203 Words
MIRA CRUZ NAPATAKBO AKO SA labis na inis at baka hindi ko maabutan ang a-apply-an ko na trabaho. Bumili pa naman ako ng pulang bistida dahil iyon ang isa sa hinihiling ng kumpanya na susuotin ng mga aplikante. Napataas nga ang kilay ko nang mabasa iyon dahil maliban doon, nakasulat din talaga roon na hinahanap ng amo nila ay may magandang mukha, matangkad, seksi, matalino, at iba pa. Sa hindi pagmamayabang, pakiramdam ko ay pwede ako sa hinahanap nila. Siguro kung hindi ako makapasok sa look test nila, manliliit ako para sa sarili ko. Sa napag-alaman ko, may cacophobia ang CEO na a-apply-an ko. Ito iyong anxiety disorder na takot pumanget at takot sa panget. Kaya kung hindi man ako makapasa sa unang hakbang ng evaluation nila, kumpirmado na ako lang pala ang nagagandahan sa sarili ko. Iiyak siguro ako kung nagkataon. Pulang bistida ang suot ko. Pinaresan ko rin ito ng puting crop top suit at pulang takong na may apat na pulgadang haba. Mabuti na lang at kaya kong makabili ng ganoon dahil ako lang naman mag-isa sa buhay. Hindi ako pressure na buhayin ang sariling pamilya ko dahil wala ako niyon. Hinihingal na ako sa pagtakbo dahil pangarap kong makapagtrabaho sa kumpanyang iyon. Lumaki akong kilala iyon kaya sinabi ko sa sarili ko na kung makapagtapos ako ng kolehiyo, roon ako magtatrabaho. Dahil fresh graduate ako with latin honors, gusto ko na roon ang unang kumpanya na pagsisilbihan ko. Gusto ko sanang mag-apply sa finance department dahil accountancy graduate ako. Pero dahil walang bakante, mapipilitan akong pasukin ang pagiging sekretarya. Iyon lang ang bakante nila na pwede sa akin. Siguro mag-a-apply na lang ako kapag CPA (certified public accountant) na ako. Kahit paano, may maipagmamalaki na ako sa oras na iyon. Pero bakit ba siguradong-sigurado ako na makapasa ako? Maaaring iyon talaga ang ugali ko—very positive to look at things. Ayaw ko ng drama! Ayaw kong maging malungkot. Napagdaanan ko na iyon lahat simula pa lang noong nasa ampunan ako. Nang nasa tapat ako ng kumpanya, pansandaliang tumigil muna ako para makapagpahinga. Hinawakan ko ang dibdib ko at marahan na hinimas iyon. Kung hindi lang nasira ang tricycle na sinakyan ko, hindi ako mahihirapan nang ganito. Napabuntonghininga na ako sabay titig sa kumpanya na papasukan ko. Ipinangako ko sa sarili ko na lalabas akong tanggap na sa trabaho. Ibibigay ko ang pinakagaling ko. Nang nasa entrance na ako ng kumpanya, hindi ko na mapigilan na kabahan. Kahit maganda ang educational background ko, natatakot pa rin ako dahil hindi imposibleng may mas maganda at magaling pa sa akin. Pwedeng nakapagtapos sila sa magandang unibersidad o hindi kaya mas maganda pa sa akin. Isa sa pinakahinahanap nila ay may magandang mukha. Hindi ko makalimutan na naka-bold pa ang sulat ng salitang “With Gorgeous Face”. Ang kapal ba ng mukha ko para mag-apply? No! I have what it takes to be the next secretary of the company’s CEO. Nang may nakita akong iilan na nakapulang bistida ay hindi ko mapigilan na mas bumilis ang t***k ng puso ko. Kinakabahan lang ako dahil ang gaganda nila. Masasabi ko talagang galing ang mga ito sa magandang pamilya. Muli akong nagpakawala ng malalim na hininga. Hindi pwedeng magpakain ako ng kaba. May kanya-kanya kaming ganda at alam ko na kaya ko ito. Pangarap ko ito kaya hindi ko sasayangin ang pagkakataon na makapagtrabaho sa kumpanyang pinapangarap ko. “Being simple makes me more beautiful,” pangpalakas ng loob ko para sa sarili ko. Ako lang ang kakampi ko kaya dapat ko lang mas mahalin ko pa ang sarili ko. Pagpasok ko sa elevator ay siyang pagpasok din ng iilan sa mga babaeng sigurado akong mag-a-apply rin sa posisyon na gusto ko. Hindi ko naman mapigilan na mainis kung bakit magtitiis sila sa pagiging sekretarya. Pwede naman silang mag-model. Sana ibigay na nila ito sa akin. Napatingin ako sa reflection ng elevator at kitang-kita ko ang kumikinang nilang mga alahas sa katawan. Mula sa aking panghuhusga, sigurado ako na galing sila sa mayayaman na pamilya. Ano kaya ang dahilan kung bakit mag-a-apply sila bilang sekretarya? “Daddy told me that I needed to get the position so that Atlas may like me. He wants Atlas to be his son-in-law,” sabi ng babae. “Same, girl. May the best b***h win,” sabi ng isa pang babae na sa tingin ko ay kaibigan lang nito. “Gosh! Ang gwapo pa naman ni Atlas. Nakita ko sa pic niya na kasama si Dad. It makes me wet,” sabi rin ng isa pang kasama ng dalawang babae. Nagsitayuan ang mga balahibo ko. Hindi ko inaasahan na may mga babaeng katulad nila. Hindi ko sukat akalain kung bakit ganoon ang mga salitang lumalabas sa bibig nila. Inaasahan ko na na guwapo ang magiging amo ko. Ang panget naman kung ganoon ang kanyang mental condition tapos siya mismo ay hindi pinagpala ng kaguwapuhan. Parang ang weird lang, ’di ba? “Sa tingin ko ako ang makukuha. As a model, madali na lang sa akin na akitin si Atlas,” sabi ng babae. Napangiti ako habang hindi mapigilan na mapakamot sa batok ko. Ako lang ang nahihiya sa mga pinagsasabi nila. Anong akitin? Mabuti pa sila at hindi ang trabaho ang ipinunta nila. Kaya sana sa akin na lang ibigay ng Diyos ang posisyon dahil malinis pa sa batis ang intensiyon ko. Gusto ko ang trabaho dahil maliban sa magkaroon ng pera para mabuhay, pangarap ko ito. “Why are you smiling, b***h? Minamaliit mo ba ako?” tanong ng babae. Napakunot ang noo ko. Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy niya pero may kutob ako na ako. Ako lang naman ang kangingiti lang. Napatingin ako muli sa reflection ng elevator at hindi ko mapigilan na kabahan nang nakatingin silang tatlo sa akin. Hindi ako nagkamali! Ako ang tinutukoy nila. Ano ang gagawin ko? Hinarap ako ng tatlong babae at tinitigan habang nakataas ang mga kilay nila. Napayuko lang ako dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Ayaw ko ng gulo! Nagsisi tuloy ako kung bakit nakinig pa ako sa pag-uusap nilang tatlo. “Hindi mo kilala ang kinakalaban mo,” pagtataray ng isang babae. “Anak lang naman siya ng senador,” sabi rin ng isa pang babae. “Ayaw ko ng gulo. Sorry,” sabi ko. Hinawakan ng babae ang baba ko at inangat para makita ang mukha niya. “Sa susunod, pumili ka ng kinakalaban mo.” “Huwag ang anak ng nag-iisang Senator Carlo Acosta,” sabi ng kaibigan ng babae. Napakunot ang noo ko. “A-Anak ka ni Senator Carlo Acosta? Na nakulong ng anim na taon dahil sa pagnanakaw sa kaban ng bayan?” Napangiti ako nang nakaloloko sabay hawi ng kamay niya na kahahawak lang sa baba ko. “Akala ko kung kaninong anak.” Nang bumukas ang elevator, dinaanan ko na sila sabay hawi ng aking buhok. Totoo ang sinabi ko na ayaw ko ng gulo pero ang hayaan na maliitin ako, ibang usapan na iyon sa akin. Hindi ko pinaaral ang sarili ko at makapagtapos ng magna c*m laude para apakan lang ng kung sino-sino. Lalo na sa anak lang ng isang magnanakaw! ~~~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD