PAGKAGISING KO AY naramdaman ko ang bigat ng katawan ko. Para akong pinupokpok. Masakit din ang puson ko. Anong petsa na ba? Dahan-dahan na akong bumangon sa higaan ko. Sigurado ako na may monthly period ako. Para mas masigurado, pumunta muna ako sa banyo para tingnan ito. Pagdating ko sa banyo, agad kong ibinaba ang pang-ibaba ko. Napabuntonghininga naman ako nang makumpirma na may monthly period nga ako. Hinugasan ko muna ng wipes ang paniki ko bago lumabas. Mabuti na lang at hindi marami ang nilababas na dugo sa akin. Mas mahirap iyon. Ganito pa nga lang ay masakit na ang katawan ko, paano na lang kaya kung dysmenorrhea? Nang nasa higaan na ako, nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto na magkakainan pala sana kami ni Sir Atlas. Paano na mangyayari iyon? Hindi ko rin naman hahayaa