CHAPTER 33

1270 Words
Aprilyn POV "ANO??? SINO! SINO! ANG MAY PAKANA PAANONG MAY HUMARANG SA INYO!!! MGA INUTIL!! WALANG KAYONG MGA SILBI!." Magkasama kami ni Niel ngayon mukhang may masamang balita ito halos lumabas na ang lahat ng litid nito sa kanyang mukha at leeg sa tindi ng galit nito.Lumapit ako dito kailangan ko pakalmahin ito at alamin kung anong nangyari. "Ohh babe, kalma ano bang nangyari at parang galit na galit ka ata ngayon?" Humarap ito sa akin tiningnan ako nito saglit,saka ininom ang alak niyang nasa baso.Pagkatapos lumakad ito sa kanyang table at inihampas ang basong hawak nito.Nagulat pa ako ng bahagya, Mukhang may hindi magandang nangyari. "Hey!! babe ano ba nangyari?Take it easy." Wika ko muli dito bakas sa mukha nito na may matindi itong problema. "HAYOP!! Hindi ko alam kung sino ang humarang sa mga kargamento ko.Malaking halaga ang dala ng mga bata ko at sa isang iglap nawala na lamang 'yun basta basta!." Galit na wika nito mukha alam ko na kung sino ang may pakana nito panigurado akong si Tristan ang may kagagawan nito. "May idea ka ba?,kung sino ang may ka-ga-gawan nito." Saglit itong nag isip maya maya pa napailing iling ito. "Hindi! hindi!, maaring si Zedrick ang may kagagawan nito.ang alam ko wala siya ngayon sa colombia,At hindi niya gagawin sa akin ito dahil ang alam niya iniligtas ko siya kay Madison noon." Kumunot ang noo ko.Mukhang may alam si Niel kung nasaan si Zedrick.Kaya naman nilambing ko ito. "Bakit? Babe, asan ba si Zedrick? Syaka paano mo naman nasabi na hindi niya gagawin sayo ang mag-traidor." Napatingin muli ito sa akin.Kailangan ko galingan ang pag arte ayaw ko makahalata ito. "Bakit? kilala mo ba si Zedrick babe?." Pinagtaasan ko ito ng kilay.Nakakalimutan ata nitong sinabi niya sa akin na Palabas lamang niya na siya ang tumulong kay Zedrick para makatakas. Dahil ang totoo siya naman talaga ang nagpakidnap kay Zedrick na brain wash din nito Si Zedrick para kamuhian nito ang ka-kambal na si Tristan.Nang gabing malasing ito napaamin ko ito kaya alam ko na ang lahat nakarecord na rin sa aking cellphone ang pag amin nito. "Limot, ka ba babe? Hindi ba't ikaw mismo nagsabi sa akin kung ano kaugnayan ni Zedrick sayo!" Tumango tango naman ito sa akin. "Well,ang sabi ng taohan ko umalis si Zedrick sa colombia ilang buwan na nakakakalipas.Hindi ko rin alam kung saan nagtatago ang Gong-gong na Ashaford na 'yun!." Nakaramdam ako ng inis kahit pala ito ay wala rin alam kung saan nandoon ang Walanghiyang Zedrick na 'yun.Pakiramdam ko naisahan ako nito at nalamangan.Sa isang banda bigla rin ako napaisip na baka kung ano nang yari sa mahal kung si Zedrick baka napalaban ito sa mga kalaban niya sa negosyo na pa buntong hininga ako. "Ganu'n ba? Sino pa ba ang inaakala mong gagawa sayo nito?." Wika ko dito saglit itong nag-isip,bago tumingin muli sa akin. "Posible kayang si Tristan ang may kagagawan nito? pero malabo mangyari ito dahil sa linggo pa ang balik nito ng pilipinas.Wala rin itong alam sa mga illegal kong transaction." Umupo ako sa isang bakanteng silya,May pagka bobo rin pala ang Samson na ito.Masyado itong tiwala sa Tristan Ashford na 'yun.Kung magulang ang Samson na ito alam kung mas magulang si Tristan at Zedrick Ashford. "Well,Magkano ba ang nawala sayo babe? Siguro naman hindi mo itataya ang buong kayamanan mo para sa illegal mong negosyo." Wika ko rito pagkatapos inumin ang isang baso ng wine na hawak hawak ko.Bigla itong nagmura na pinagtaka ko. "'Yun na nga eh! Halos kalahati ng kayamanan ko ang naitaya ko sa Negosyong ito.at sa isang iglap ay nawala lamang dahil sa mga inutil kung mga taohan.Humanda ang mga Inutil na yan sa akin alam na nila ang kapalit sa kapalpakan nila." Galit na wika nito,kaya pala ganun na lamang ang pagka inis at galit nito dahil malaki pera pala ang natangay ng mga kawatan na 'yun.Maya maya pa tumayo na ako wala naman na rin ako makukuhang impormasyon dito. "Sandali,Babe! saan ka pupunta?" Habol nito sa akin nilingon ko ito. "May kailangan ako ayusin,Saka na ulit tayo mag kita byee!" Hindi na ito humabol pa.Kailangan ko gumawa ng paraan para malaman kung nasaan si Zedrick baka tama ang kutob ko na may masama ng nangyari dito. --- "Boss! Okey na po nakuha na namin lahat." Umangat ang gilid ng aking labi walang kaalam alam si Samson na ako ang humarang sa mga taohan niya.Nakuha ko ang malaking halaga na dala ng mga ito.Hanggang Tenga ang ngiti ko ng tingnan isa isa ang isang Bag nang pera na nasa lamesa ngayon. "Ang Bobo! Bobo mo! Niel Samsom,ang akala mo'y maiisahan mo ako ha ha ha Ohh!! Paghati hatian niyo.!" Wika ko sa mga taohan ko Hinagisan ko ang mga ito ng malaking halaga ng pera dahil sa matagumpay nilang pagkuha ng pera ni Samson. "Naku! Maraming salamat dito boss!, Mga bata may pang goodtime na tayo!" Agad naman nagpaalam ang mga ito.Lumapit sa akin si Ted tiningnan nito ang pera nasa lamesa. "Tristan,baka makahalata si Niel Samson!." Wika nito sa akin Inayos ko ang mga pera saka ko hinarap si Ted. "Hindi niya ako pagdududahan dahil ang alam niya sa linggo pa ako darating." Tumango tango lamang ito.Maya maya nakatanggap ako ng tawag nang tingnan ko si Hailey ang tumatawag. Wala na ata itong gagawin kundi ang tawagan at i-text ako masyado itong halata na patay na patay sa akin. "Yes!! Anong kailang mo pakibilsan mo lang Hailey dahil marami pa akong trabaho inaayos!." Malamig kung wika dito ayaw kong bigyan man lang ito ng pag asa na may gusto ako sa kanya dahil ang totoo walang ibang babae ang tumatakbo sa isip ko kundi si Selena lamang. "Ahh,Baby! Sure na ba ang uwi mo sa linggo?Gusto ko sana bigyan ka ng welcome home party ehh!." Kumunot bahagya ang noo ko ang dami naman nitong arte babaeng ito.Bumuntong hininga na lamang ako mukha naman naramdaman nitong wala ako sa mood makipag usap sa kanya. "Baby? ayaw mo ba? Okey sige mukha busy ka pa ata talaga mamaya na lang ako tatawag ulit I love You!." Hindi na ako nagsalita pinatay ko na agad ang tawag nito. Iiling-iling naman si Ted sa akin ng tingnan ko ito. "Ohh,Bakit? Tanong ko rito. "Wala naman bro! Kailangan mo ba talaga pakasalan ang babaeng 'yan?." "Alam muna ang sagot sa Tanong mo Ted." Wika ko dito.nagpakawala ito ng malalim na hininga. "Kasi Bro,Paano kung bigla magbalik si Selena at malaman at makita niya na itinuloy mo ang kasal sa kaibigan niya.Baka kasi lalo siyang lumayo na sayo!." Napatigil ako bigla sa ginagawa ko.Napatingin ako kay Ted mukhang may tama ito paano kung bigla magpakita si Selena baka lalo itong magalit sa akin at layuan ako. "Kailangan ko itong gawin Ted,Alam mo ang dahilan kung bakit ko ito gagawin gusto ko nang makita ang ka-kambal ko.at sa paglapit ko kay Niel Samson,lang ang paraan para makita ko si Zedrick.At para na din sa pagsingil ko rito dahil alam kung kasagwat ito ni Madison." Lumapit sa akin si Ted. "Saang paraan mo ba malalaman kung talagang may kinalaman si Niel Samson sa pagkawala ng ka-kambal mo?." "Ted,Malakas ang kutob ko na si Niel Samson ang kumuha sa kapatid ko kasagwat siya ni Madison." Tumango tango naman ito sa sinabi ko naipaliwanag ko na ito kay Ted,Pero mukha limot na ata ang kaibigan kung ito.At wala akong ibang naiisip na makakatulong sa akin kundi si Hailey lamang sa pamamagitan nito malalaman ko kung saan dinala ni Niel Samson ang kapatid kong si Zedrick.Kaya naman gagawin ko ang lahat mahanap ko lamang ang kapatid ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD