CHAPTER 34

1610 Words
Selena POV "Honey? Honey?." Kinapa ko ang higaan pero gaya ng dati wala na naman sa tabi ko si Zedrick.Bumangon ako dahil nakakaramdam ako ng gutom,Sabi ni Ging ganito daw talaga ang mga buntis madalas laging gutom.Dumeretso ako ng kusina napakatahimik ng buong paligid halos lahat ng katulong ay mga nagpapahinga na. "Hmmm,Baby gusto mo ba nito masarap ito tikman natin huh." Wika ko sa aking may kalakihan nang tiyan dinala ko ang pagkain na hawak ko sa lamesa at sinimulan ko na itong kainin. "Hmmmm! ang sarap talaga ng chocolate cake, hindi ba baby?." Tanong ko sa aking Baby na nasa tiyan pa lamang.Maya maya bigla bumagsak ang aking luha hindi ko alam kung bakit,Siguro kasi dahil simula nang bumalik ako sa bahay namin ni Zedrick naging mailap ito bigla sa akin.Ayaw nitong tumabi sa akin sa kama baka daw maistorbo ang pag tulog ko which is hindi naman at mas gusto ko katabi siya kahit na medyo naiilang ako dahil wala pa rin ako maalala hanggang ngayon.Lalo na ang tungkol sa relation namin. "Baby,sorry huh naiiyak si Mommy kasi naman ang Daddy Zedrick mo parang wala pakiilam sa atin eh!." --- Papasok na ako ng bahay ng makita kung buhay ang ilaw sa kitchen.Kaya naman sinilip ko ito at nakita ko si Selena nagpupunas ng mga luha sa kanyang pisngi narinig ko pa ang sinabi nito.Hindi ko akalain na na a-apektuhan na pala ito sa pag iwas ko sa kanya.Ayaw ko man itong iwasan ngunit kailangan dahil unti unti na akong nahuhulog sa kanya.Maya maya pa hindi na rin ako nakatiis pa nilapitan ko ito at bakas sa mukha nito ang pagka gulat ng makita ako. "Ohh!Honey,Bakit gising ka pa?." Inirapan ako nito saka akmang tatayo na at i-iwan ako dito sa kitchen.Hinawakan ko ang braso nito kaya naman napalingon ito sa akin. "Matutulog na ako Zedrick!." Wika nito na halata na naiinis na sa akin.Lalo itong gu-maganda pag nag-su-sungit,bagay na bagay din dito ang buntis dahil lalo itong naging blooming. "Honey,may problema ba?." Tanong ko dito,bigla naman ako nag panic ng bigla itong humagulhol ng iyak kaya dalian ko itong niyakap. "Honey,bakit ka ba umiiyak may masakit ba sayo?." Itinulak ako nito saka inilagay ang isang daliri sa tapat ng kanyang puso.Hindi naman ako nakapagsalita. "Ang sakit! sakit! na kasi eh! Hindi ko alam kung may ginawa ba ako masama sayo kaya iniiwasan mo ako! hindi naman ako manhid Zedrick eh alam ko!.Alam ko iniiwasan mo ako!.Da-dahil ba hanggang ngayon wala ako maalala kaya ka ganyan sa a-akin?." Bigla ko itong niyakap para akong natunaw sa mga binitiwan nitong salita.Hindi ko alam na sobra na pala itong na-apektuhan sa pag iwas ko.Buntis pa naman ito baka makasama sa dinadala niya. "Ba-Bakit ba kasi Zedrick? A-ano bang ginawa ko masama.Kasalanan ko ba kung wala pa rin ako maalala ngayon.'Yun ba ang dahilan kaya mo ako iniiwasan?." Umiling iling ako sa tanong nito.Iniangat ko ang katawan nito na nakayakap sa akin.Tumingala naman ito sa akin habang ang mga mata ay basa pa rin ng mga luha niya. "Honey,no! hindi naman dahil wala kang maalala ahh! ehh! kasi ano." Pinandilatan ako nito na pinagtaka ko naman. "Aminin mo nga sa akin Zedrick may iba ka bang babae Huh!. Magsalita kang lalaki ka may babae ka ano? Anak,ang Daddy mo may babae,walanghiya ka!." Hindi ko alam kung matatawa ako sa sinabi ni Selena, Pero bakit parang kinilig ako sa sinabi nito.Ibig sabihin nagseselos ito pero ang totoo wala ako ibang inisip kundi siya lamang siguro nga nahuhulog na ako sa babaeng ito. "Hindi ka makapag salita ano kasi toto-" Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko hinila ko ito at inangkin ko ang mapupulang mga labi niya.Saglit pa itong nagulat sa ginawa ko pero unti unti nitong ipinikit ang mga mata habang tinutugon ang ibinigay kong halik dito.Kaya naman unti unti ko rin ipinikit ang aking mga mata at dinama ko ang tamis ng halik ni Selena.Pakiramdam ko napapaso ako sa mga labi namin dalawa dahil sa init na aking na raramdaman.Sa pag iisa ng aming mga labi ramdam ko na kahit ito ay parang uhaw sa aking mga halik.O tamang sabihin sa halik ng aking Ka-kambal. "Hmmmmmm!." Saglit na napaungol ito kaya naman lalo ko itong siniil ng halik.Ka-kaiba na ang nararamdaman ko init at alam kong unti unti nang nagagalit ang aking alaga.Hinapit ko si Selena sa kanyang bewang para mas magdikit ang aming mga katawan.Mas ipinulupot naman nito ang dalawang braso sa aking leeg.Isinandal ko ito sa lababo naging maingat ako dahil medyo malaki na ang pitong buwan nitong tiyan. Pero hindi halata dito na buntis dahil sexy ito at lalo itong nagiging sexy sa bawat araw. "Selena,ahhh!." Sambit ko sa pangalan ni Selena hindi ko na mapigilan ang mapaungol.Alam kung mali ang ginagawa ko pero hindi ko na mapigilan ang bugso ng aking damdamin.Ipinasok ko ang isang kamay ko sa damit nito sa likuran at dahan dahan kong tinatanggal ang kawit ng suot nitong bra. Naglakbay ang palad ko sa likod nito na lalo pang nagpa ungol dito. "I miss you Honey!." Wika ni Selena ng saglit na maghiwalay ang mga labi namin.Hinatak ko muli ito at saka binuhat habang iniupo ko ito sa ibabaw ng lababo.Tinulungan ako nitong hubarin ang suot kung puting sando.Pagkatanggal ng sando ko muli ko itong siniil ng halik at gumanti naman agad ito para kaming mga uhaw na uhaw sa halik.Ngayon ko lamang ito naramdaman kahit sa ibang babae lalo na kay Arpilyn ay hindi ko ito naramdaman. Maingat kong tinatanggal isa isa ang butones ng blouse na suot nito habang hindi naghihiwalay ang mga labi namin.halos matatanggal ko na sana ang lahat ng butones nito kung hindi lamang kami napukaw sa isang tili ng isang familyar na boses kaya naman sabay kami napalingon ni Selena. "PUTIK!!! SORRY!! SORRY!! hindi ko sinasadyang istorbohin kayo akala ko kasi may mga pusang na unggol eh!." Wika ni Ging na nakatakip pa ang mga mata gamit ang isang palad nito.Napabuntong hininga naman ako Nakita kung inaayos naman na ni Selena, ang kanyang mga butones na natanggal.Maingat ko itong ibinaba sa pagkaka-upo nito sa ibabaw ng lababo. "Ahh! Ehh! Honey,mauuna na ako sa kwarto natin huh!,Goodnight Ging!" Naka yuko nitong wika sa akin iniangat ko naman ang Mukha nito sabay halik sa mga labi niya.Bahagya pa itong nahiya sa ginawa ko marahil gawa ng nandito pa rin sa kitchen si Ging. "Go ahead,Honey! susunod na ako sayo maya maya lang kailangan ko lang sabonin ang isang tao dito na Istorbo!." Nakita ko si Ging na ta-tawa tawa.Ngumiti naman si Selena sa sinabi ko sabay tingin nito kay Ging na ngayon ay hindi makatingin ng deretso kay Selena ng makaalis na si Selena.Kumuha ako ng malamig na tubig para mawala ang init na aking nararamdaman dahil ang alaga ko ay galit na galit pa rin. "So,Ano Ging! nag enjoy ka ba sa nakita mo?." Wika ko kay Ging na ta-tawa tawa na ngayon habang umiiling iling.lumapit ito sa akin kinuha nito ang cake na kanina ay kinakain ni Selena saka sumubo ng kaunti. "Grabe ka! Zedrick, kung hindi ako dumating baka may nangyari na sa inyo ni Selena,Wala kang patawad huh ha. ha. alalahanin mo buntis 'yun nohh!. ha ha ano tigang lang Boss!." Binato ko si Ging ng sando kung hawak.Sanay na ako rito pag inaasar ako nito pero kung hindi nga ito dumating baka may nangyari na sa amin ni Selena.Lalo naman ako nakaramdam ng pagkasabik kay Selena lalo na at binuhay nito ang kakaibang init sa aking katawan. "Tigilan mo nga ako Ging,baka nakakalimutan mo na Boss mo pa rin ako." Wika ko rito tumahimik naman ito at naging seryoso na ang mukha.Humarap ito sa akin at tiningnan ako ng seryoso. "Boss! Seryoso na,aminin mo nga mahal mo na ba si Selena?." Hindi ko agad nasagot ang tanong ni Ging,Pinakiramdaman ko ang aking sarili.Nalilito at naguguluhan ako pero isa lamang ang sigurado ako nahuhulog na ako sa Girlfriend ng ka-kambal ko at natatakot ako na baka nga mahal ko na ito.Natatakot din ako na baka pag bumalik na ang alaala nito ay kasuklaman din ako nito sa panloloko ginagawa ko sa kanya ngayon. "Boss,Hindi ka na nakasagot Ibig ba sabihin Mahal muna ang Girlfriend ng iyong ka-kambal? Ingat ka lang boss huh! paalala lang bilang nakatatanda sayo,alam natin na pansamatala lamang ang pagkawala ng ala-ala ni Selena. baka pag bumalik na ang alaala nito kamuhian ka niya sa panloloko ginagawa natin sa kanya. at lalo na sa pag pa-panggap mo bilang asawa niya." Napahawak ako sa aking batok tama si Ging,alam kung pag dumating ang araw na naalala na ni Selena ang lahat.Posible talagang magalit at kamuhian ako nito dahil sa panloloko at pag pa-panggap ko na asawa niya. Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga.Pero paano ko pipigilan ang nararamdaman ko kung ganitong oras oras si Selena lamang ang tumatakbo sa isipan ko. "Boss,Hindi mahirap mahalin si Selena sa ilang buwan na kasama natin siya alam kung mabuti babae ito.at sa ilang buwan na lagi kami magkasama mahal ko na rin siya bilang isang babaeng kapatid.Kaya sana boss,kung hindi ka sigurado sa nararamdaman mo Wag muna ituloy o kung gusto mo aminin mo na lang lahat kay Selena." Nakatingin lang ako sa Cake na nasa lamesa hindi ko masagot ang mga sinabi ni Ging.Tama ito at lagi itong tama sa mga sinasabi nito.Maya maya tumayo na ito kaya napatingin ako rito. "Magpapahinga na ako Boss! Maaga ang flight ko bukas!." Tinanguan ko na lamang ito bukas na nga pala ang alis nito pa balik ng Pilipinas.kami ni Selena ang maiiwan dito sa Paris.Naiwan akong nag iisip sa mga sinabi ni Ging.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD