CHAPTER 32

1339 Words
Aprilyn POV "So,tuloy na tuloy na pala yang kasal na yan Hailey?" Magkakasama kaming tatlo ngayon ni Hailey at Mariz.ngayon lamang ulit kami nagkasa-sama tatlo naging busy ako sa paghahagilap kay Zedrick malapit na akong mapuno dito.Alam kung pinagtataguan ako nito ng hindi ko malaman kung ano ang dahilan kahit si Ging na secretary nito ay hindi ko ma-contact. "Yes! na Yes! Aprilyn,Imagine guy's mapapangasawa ko ang sikat at gwapong gwapo si Tristan Ashford!! ohh my Gosh talaga!!" Halata sa mukha ni Hailey, na masaya ito noon pa man ay gusto na niya ang Tristan na 'yun.ang ka-kambal ng lalaking mahal ko na iniwan niya kaya naiinis ako sa pag mu-mukha ng Tristan na 'yun pag nakikita ko. "Haizt,, kung sana andito lang si Selena ano for sure isa siya sa masaya para sayo Hailey,Kaso wala imposible na mabuhay ang patay." Malungkot na wika naman ni Maris matagal rin itong hindi nagpakita sa amin ni Hailey,ang alam ko ay nag bakasyon ito sa kanilang probensya.Tumingin naman ito bigla sa akin. "Ikaw, Aprilyn,Hindi mo ba na mi-miss ang bestfriend mo? hindi ba dapat noong mga panahon na nawawala si Selena tumulong ka sa pag hahanap hanggang ngayon na namatay na siya wala ka ginawa.!" Wika ni Mariz medyo nainis ako sa tono ng pananalita nito. Ano bang alam ng babaeng ito at pakiramdam ko bigla naging mainit ang dugo nito sa akin.Pinalungkot ko na lamang ang aking mukha kagaya ng lagi ko ginagawang drama. "Sino ba nagsabi hindi ako gumawa ng paraan para hanapin si Selena, Kahit sila tito at tita pilit ko inaalam kung sino ang may kagagawan kung bakit sila naaksidente. Ano ba akala mo Mariz tumanga lang ako sa isang tabi hinanap ko si Selena pati ang bangkay nila tito at tita pero mismo mga pulisya na ang nagsabi na baka kinain na ang mga ito ng mababangis na hayop sa ilalim ng dagat." Mahabang paliwanag ko kay Mariz umiwas na ito ng tingin sa akin,samantalang si Hailey ay lumungkot ang mukha. "Haizt!! Ano ba kayong dalawa tama na "yan. Ngayon lang tayo nagkasama sama tapos mag tatalo pa kayo dalawa.Kung nasaan man si Selena at ang mga magulang niya alam ko masaya na sila ngayon dahil magkakasama na sila." Wika ni Hailey,maya maya pa tumayo si Mariz at nagpaalam na kukuha lamang ito ng juice. hindi ko alam kung bakit parang mainit sa akin si Mariz wala naman ako natatandaan na ginawa ko rito.Simula ng maabutan ako nito sa bahay nila Selena doon na nagbago ang pakitungi nito sa akin. "Ano ba yang si Mariz,ngayon na lamang tayo nagkita kita nag e-emote pa! Anyways Aprilyn ikaw ang magiging maid of honor ko huh kayo ni Mariz. Excited na talaga ako friend!." Halata naman talaga na excited ito para na itong maiihi sa sobrang kilig.Maya maya dumating si Niel nakatingin ito sa akin.Ang hayop na matandang ito simula nang isang gabing maangkin ako nito hindi na ako nito tinantanan. "Ohh!! Dad,Nandyan ka pala!." Kinindatan ako nito buti na lamang at hindi nakita ni Hailey ang ginawa nito. "Hi kids! ohh Aprilyn nandito ka rin pala iha." Wika nito sa akin saka ako hinalikan sa pisngi bahagya pa nitong inilabas ang dila na dumampi sa aking pisngi.Ngalay ngalay ko na itong tadyakan kung hindi lamang nga't kaharap namin ang anak niya gusto nitong may mangyari ulit sa amin.Pumayag lamang ako noon dahil nalasing ako at doon ko rin nalaman ang lahat lahat ng lihim na tinatago nito. "Babe, magkita tayo mamaya sa dati huh!." Bulong pa nito sa akin sabay ngisi,buti na lamang at busy si Hailey sa pag tingin sa magazine ng mga gown na pangkasal. "Ohh, paano maiwan ko na muna kayo huh! Hailey magpa akyat ka ng meryenda niyo dito iha." Tumango tango lamang si Hailey pagkaalis ni Niel Humarap ito sa akin. "Alam mo Aprilyn. 'yang si Dad kutob ko may kinalolokohang babae 'yan eh.Naku malaman laman ko lang kung sino ang babae ni Dad kakalbuhin ko talaga Promise!." Bahagya ako natawa sa aking isipan sa sinabi ni Hailey,Akala naman nito ay kaya niya ako baka isang hampas ko lamang ng baril dito ay manginig ang tuhod nito sa takot. Nang mapatingin ulit ito sa akin nginitian ko ito. "Ang dami mo naman iniisip sa Daddy mo!. Alam mo Hailey mag focus ka na lang sa kasal mo kasi one week na lang pala ay kasal muna." Bigla naman ito nag alala kaya kinuha nito ang cellphone at dalian nag dial.Mukhang tinatawagan nito ang mag de-design ng kanyang gown. "Ahh Wait lang Hailey,may tatawagan rin ako." Nagpaalam ako kay hailey suminyas lamang ito sa akin.Naisipan ko tawagan muli si Zedrick baka sakali sagutin na nito ang tawag ko. "Bwesit! hanggang ngayon ayaw niyang sagutin ang tawag ko! Hayop kang lalaki ka!! oras na malaman kung gina-GAGO MO AKO!!!! kakalimutan ko mahal kita." Wika ko sa aking sarili akmang mag da-dial sana muli ako ng bigla may dalawa braso ang yumakap sa akin mula sa likuran.Nang lingunin ko kung sino 'yun walang iba kundi si Niel ang matandang manyakis na ito. "I really Miss you babe!." Wika nito sa akin habang hinahalikan ako sa batok. Tinanggal ko ang braso nito nakayakap sa akin at saka ko ito hinarap naka ngiti pa ito ng malapad sa akin. "Niel, baka nakakalimutan mo na nasa bahay niyo tayo baka may makakita sa atin lalo na si Hailey." Wika ko dito lalo pa nitong inilapit ang mukha sa akin.Lalo naman ako nairita sa pag mu-mukha ng matandang amoy lupa na ito. "Babe, miss na miss lang talaga kita! Gusto mo doon tayo sa kwarto ko halika." Akmang hihigitin ako nito ng bigla Dumating si Mariz na may dalang juice at sandwich.Mukhang nagulat pa ito ng makita ang kamay ni Niel na nakahawak sa braso ko. "Ahh! Ehh! Tito Niel,Aprilyn okey lang ba kayo may Problema ba?." Wika nito na nagpalipat lipat pa ng tingin sa amin dalawa binawi ko naman ang braso ko na hawak ni Niel, napatingin pa ito sa akin at agad rin naman nakabawi ng pandilatan ko ito. "Ahhyy naku!,Alam mo Mariz itong kaibigan mo ay pagsabihan mo." Napakunot noo naman si Maris halatang naguguluhan ito.Tumingin ito sa akin saka ako yumuko.Humanda talaga sa akin ang lintik na matandang ito. "Ba-bakit Aprilyn? Ma-may problema ba?." Wika ni Mariz na agad naman lumapit sa akin hinagod pa nito ang likod ko. "Paano iha, narinig ko siyang may kausap sa telepono kanina,nag aaway ata sila ng boyfriend niya.Nahihiya naman daw siya mag open sa inyo dalawa ni Hailey,kaya nang makita mo hawak ko siya sa braso inaaya ko siyang sabihin sa inyo magkaibigan ang problema niya.Hindi ba Aprilyn iha!." Buti na lamang at naka gawa ng dahilan ang matandang hukluban na ito. kundi malilintikan talaga ito sa akin. "Aprilyn,Ano ka ba kaibigan mo kami ni Hailey. Bakit naman mahihiya ka sa amin.Pasensya ka na kung kanina nakapagsalita ako ng hindi maganda.May dinadala ka rin palang problema." Nag angat ako ng mukha pinanindigan ko na lamang ang sinabi ni Niel na palusot.Mukha namang paniwalang paniwala si Mariz kaya kunwari ay naiiyak ako at saka ako yumakap dito pagtingin ko kay Niel nakangising naka ngisi ito sa akin.Pinadilatan ko naman ito ng mata na lalo pa niyang kinangisi. "Sorry din Mariz nahihiya kasi ako sa inyo ni Hailey ehh,alam ko naman kasi na may kanya kanya kayong mga inaasikaso at ayaw ko nang maka dagdag pa sa mga isipin niyo." Wika ko kay Mariz,Tinapik tapik nito ang balikat ko.Sabay ngiti nito sa akin. "Loka ka!! Hindi ka iba sa amin ni Hailey noh kung ano problema mo,Problema na rin namin kung nandito Si Selena naku hindi 'yunpapayag na nagkaka ganyan ka.Halika ka na nga sa loob doon natin pag usapan yang problema mo sa boyfriend mo na never pa namin nakikita ha ha ha." Bago kami pumasok sa loob ang manyak na si Niel hinawalan pa nito ang pwetan ko nang lingunin ko ito naka ngisi pa rin ito sa akin.Hayop na matanda ito malilintikan talaga ito sa akin mamaya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD