CHAPTER 27

1554 Words
Zedrick POV "Boss, nasa isang hotel po ang girlfriend ng kapatid niyo." Inubos ko ang natitirang alak sa aking Baso.Umangat ang sulok ng aking labi ito na ang panahon para kunin ko ang babaeng iyon. Ano kaya ang mararamdaman ng mahal kung kapatid. "Humanda kayo pupuntahan natin ang babaeng iyon." Agad naman nagmadali ang mga taohan ko. --- Bumangon na ako sa aking pagkakahiga halos 'di rin ako nakatulog kakaisip sa aking mga magulang. Tinatawagan ko pa rin ang mga ito pero talagang 'di ko sila ma-contact kaya lalo akong kinakabahan kung ano na ang nangyayari sa mga ito tanging pananalangin lamang ang tanging sandata ko sa ganitong mga panahon wala akong ibang malalapitan kundi ang panginoon lamang at naniniwala akong may awa ang Dios lahat ng ito ay matatapos din. "Ahhh! Ano ba naman kelan ka ba matatapos pagsusuka ka!" Napatakbo nanaman ako sa C.r dahil sinisikmura nanaman ako umaatake nanaman siguro ang ulcer ko.Lulugoy lugoy akong bumalik sa aking kama. Maya maya pa nag ayos na ako ng aking sarili sa pag aayos ko bigla na lamang akong kinabahan kakaibang kaba na 'di ko maintindihan. Isabay pa ang pagkalas ng kwentas ko na regalo ng aking magulang.Pinulot ko iyon at hinalikan pagtayo ko saktong pagtunog naman ng aking bagong bili Cellphone. Tiningnan ko kung sino ang tumatawag walang iba kundi si Aprilyn ang kaibigan ko. Agad ko iyon sinagot baka nasa bahay na namin ito ngayon at makakausap ko na ang Mommy at Daddy ko. Excited akong sagutin ang tawag nito. "HUH?! te-teka! sa-sabihin mong Na-nagbibiro ka lang Aprilyn!." Napaupo ako sa gilid ng aking kama sumikip ang dibdib ko sa binalita ni Aprilyn. "Selena, totoo ang sinasabi ko nandito ako ngayon sa bahay niyo.Napakabilis ng pangyayari kahit ako'y nagulat din." Nanginginig na ang kamay ko sana isang panaginip lamang ang lahat ng ito.Sana 'di totoo at isang prank lang ang sinasabi ni Aprilyn. Nahihirapan man ako magsalita dahil parang umurong na ata ang aking dila pilit kung kinausap ito ng maayos. "Pa-paanong nangyari Aprilyn? baka nagkakamali lamang ang mga pulis.Baka 'di ang mga magulang ko iyon." Wika ko dito narinig kung humikbi na din ito kaya lalo nag unahan na ang aking mga luha kasabay ng panginginig ng aking kamay. "Sorry, friend nasa balita na ngayon ang pagkasawi ng mga magulang mo. Tinadtad ng bala ang sinasakyan nila mga lalaking naka itim daw na may mga takip ang mukha ang nakuhaan ng CCtV dahil nasa may parteng bangin ang lugar kung saan nangyari ang trahedyang iyon. Nagkabog ang sinasakyan nila tito at tita ng dumating ang mga pulisya sakto namang pagsabog ng sasakyan. Kaya hinihinalang wala na ang mga ito 'di pa rin matagpuan ang bangkay nila.Baka sa sobrang lakas ng pagsabog naging abu na ang mga ito!" Nabitawan ko ang aking cellphone ng marinig ang mga sinabi ni Aprilyn.Hindi lang kamay ang nanginig sa akin pakiramdam ko pati ang aking mukha. Alam ko kung sino ang may pakana ng lahat ng ito walang iba kundi si Tristan.. "NAPAKAWALANG HIYA MO TRISTAN!! WALA KANG KASING SAMA!! PAGBABAYARIN KITA SA MGA GINAWA MO SA PAMILYA KO!! SANA 'DI NA LANG KITA NAKILALA. NAPAKAHAYOP MO!!!!" Tanging naisigaw ko sa sobrang tindi nang galit ko rito bigla naman bumukas ang pinto ng aking kwarto. "Selena, Iha! may mga taong naka itim sa labas hinahanap ka kausap na ito ng asawa ko sinabi namin na wala ikaw dito pero mga armado ang mga ito.Anong gagawin natin iha?!" Pinahid ko ang aking mga luha. "Bakit iha? may nangyari ba bakit ka umiiyak?." Wika nito sa akin 'di ko napigilan yumakap ako dito saglit kahit isang yakap lang ang kailangan ko. "Wala na po ang magulang ko pinatay nila ang magulang ko! mga walanghiya sila! mga walanghiya sila!! bakit? bakit? ang magulang ko pa!" Inalo-alo ako nito bigla naman ako nitong iniaangat sa pagkakayakap ko dito. Pinahid nito ang mga luha ko alam kong naawa ito sa akin ngayon. "Iha! Selena, makinig ka alam kong mahirap ang pinagdadaanan mo ngayon pero kailangan mong magpakatatag. Kailangan mong makatakas baka maabutan ka nila dito sa kwarto.." Bigla akong nataohan alam kong taohan ni Tristan ang dumating marahil ako na ang isusunod nila.Tumayo ako para kunin ang mahahalaga kong gamit bigla nag ring nanaman ang telepono ko unknown number iyon sinagot ko ito agad. "Hello! si-sino ito?" "Selena, ako ito si Mariz, may kailangan kang malaman." Kumunot ang noo ko paano nitong nalaman ang number ko si Aprilyn lang ang nakakaalam ng number ko. "Mariz? alam ko na ang sasabihin mo alam ko na wala na ang mga magulang ko. " Tumulo muli ang luha sa aking pisngi. "Kinuha ko ang number mo sa cellphone ni Aprilyn makinig ka Selena kailangan mong malaman ang tungkol kay-" 'Di ko na naintindihan pa ang sinasabi ni Mariz ng marinig ko ang putukan na nanggagaling sa labas.Dalian na ako sa pagkilos kinuha ko ang bag kong may pera at ilang gamit itinago ko na ang cellphone sa aking bulsa. "Ma'am saan pa po ba may ibang daan bukod sa front door. Tulungan niyo po ako alam kong ako na ang isusunod nilang patayin." Nag isip saglit ito at saka ako hinila sa kabilang kwarto. "Iha, may maliit na hagdan diyan pababa mukhang kaya ka naman ng hagdan na iyon.Medyo luma na kask kaya mag ingat ka pagbaba." Tumango tango ako dito narinig kong sunod sunod ang putok nang baril sa ibaba kaya nagmadali na ako ng kilos. "Maraming maraming salamat po sa lahat ng tulong niyong mag asawa. Sorry po kung nadamay ko pa kayo!" Niyakap ako muli nito sabay tapik sa aking balikat. "Sige na iha wala iyon sino pa ba magtutulungan 'di tayo lang kapwa pilipino. Sige na mag madali ka na baka maabutan ka pa nila. Mag iingat ka iha!" Pahabol pa nito nilingon ko pa muli ito saka ako nagmadaling bumaba sa makipot na hagdan.Abot abot ang kaba nararamdaman ko baka makita ako ng mga taohan ni Tristan alam kong gusto na din ako nitong mawala sa mundo katulad ng ginawa nito sa mga magulang ko. Napakawalang hiya ng lalaking iyon. --- "TRISTAN! sige na puntahan muna si Selena, baka kung mapaano pa ang mag ina mo.Bilis na bro. kami ng bahala dito." 'Di na ako nagdalawang isip pa umakyat na ako sa itaas kung saan ang kwarto ni Selena.Okey na sana ang usap namin ng may ari ng hotel na ito. Alam kong nandito si Selena at buti na lang natakot ito sa mga taohan ko kaya ibinigay nito agad ang number ng kwarto ni Selena. Aakyatin na sana namin ang kwarto ng biglang may nagpaputok sa amin mga nakaputi ang mga ito malakas ang kutob ko na isa sa mga kalaban ko ang may kagagawan nito. Kaya naman 'di ko na agad nagawa pang akyatin si Selena dahil nakipaglabanan na din ako ng barilan sa mga ito.Madami din ang kalaban namin buti na lang sinama ko ang mga taohan ko sa pag akyat ko nakasa lubong ako ng isang babae galing sa isang kwarto ng makita ako nito tumalikod agad ito. "Sandali lang! tumigil ka! asan ang babaeng nasa kwartong 'yan?" Itinuro ko ang kaharap na kwarto kung saan doon namamalagi si Selena wala ng tao doon. "Wala akong alam sa sinasabi mo!" Halatang nagsisinungaling ito tiningnan ko ang kwarto pinanggalingan nito nasa loob na ako ng bigla akong haplutin ng babaeng ito. "Wala kang awa. Ikaw siguro si Tristan, wala kang awa pinatay muna ang magulang ni Selena pati ba naman siya gusto mo din patayin totoong napakasama mo!!!" Nagulat ako sa sinabi nito anong pinatay ko ang magulang ni Selena 'di ko maintindihan ang sinasabi ng babaeng ito. Itinulak ko ito at saka ako pumunta sa isang bukas na pinto ng tingnan ko iyon may makipot na hagdan paibaba doon marahil dito dumaan si Selena kaya dalian akong bumaba alam kong 'di pa nakakababa si Selena at maabutan ko ito.Hindi nga ako nagkamali nakita ko agad si Selena bumababa halata dito ang pagmamadali. "SELENA! SANDALI LANG! TUMIGIL KA! MAG USAP TAYO!" Sigaw ko rito nilingon ako nito at kahit medyo malayo na ito kita ko ang nagbabagang tingin nito sa akin. "HAYOP KA!! TRISTAN!! PINATAY MO ANG MGA MAGULANG KO!! SIGURO NAMAN MASAYA KA NA AMANOS NA TAYO! ANG SAMA SAMA MO WALA KANGKWENTA!" Wika nito sa akin. "SELENA, 'DI KO ALAM ANG SINASABI MO! PWEDE BA TUMIGIL KA NA MUNA MAG USAP TAYO. MAY KAILANGAN KANG MALAMAN TUNGKOL SA KONDISYON MO KAYA PLEASE MAKINIG KA LANG SA AKIN." Lumingon muli ito sa akin. "KINASUSUKLAMAN KITA TRISTAN!! AYAW NA KITANG MAKITA PA! AMANOS NA TAYO NAKUHA MUNA LAHAT LAHAT NG PAG AARI NAMIN PATI BUHAY NG MAGULANG KO AY KINUHA MUNA DIN. 'DI AKO TANGA PARA MANIWALA PA SAYO. ALAM KUNG AKO NA ANG ISUSUNOD MO AT HINDING HINDI IYON MANGYAYARI MANIGAS KA!!!" Pagkasabi nito noon mas binilisan pa nito ang pagbaba nag alala ako sa dinadala nitong anak namin baka masyado itong mapagod at kung ano pa ang mangyari sa anak namin. Hindi ko na lang pinansin pa ang sinasabi nitong pagkamatay ng magulang niya na wala akong kinalaman. Konti na lamang ay maabutan ko na ito kaya namam lalo ko pang binilisan sa pagbaba. Hindi ito pwedeng makatakas pa sa akin baka tuluyan ko nang 'di ito makita at ang magiging anak namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD