CHAPTER 28

1648 Words
Tristan POV "SELENA, ANO BA MAGDAHAN DAHAN KA SA MGA KILOS MO! PLEASE! LANG PAKINGGAN MO MUNA AKO!" Konti na lamang ang pagitan namin dalawa kaya ng malapit na ito sa baba tinalon ko na ang ilang baytang ng hagdan kaya bago pa ito makatakbo sa akin nahaplot ko na agad ito niyakap ko ito agad. "BITIWAN MO AKO MAMATAY TAO KA!!IKAW!! IKAW!! ANG MASAMA 'DI ANG DADDY KO!! NAPAKA SAMA MO!!!". Nagwawala ito habang yakap yakap ko pilit itong kumakawala sa pagkakayakap ko at nang makabwelo ito binigyan ako nito ng malakas na Sampal. " 'Di ko na hahayaan pang dumampi ang kahit na anong parte ng katawan mo sa katawan ko Tristan!!" Itinulak ako nito ng malakas pero agad ko ulit itong nahawakan sa braso hindi ko akalain na ganito niya ako kakamuhian. "MAKINIG KA SELENA BAGO KA MAGALIT SA AKIN PAKINGGAN MO MUNA AKO!" Tumigil ito sa pagwawala at pinakatitigan ako ng masama ramdam na ramdam ko ang galit sa mga mata nito. "WALA NA AKONG PAKIILAM PA SA MGA SASABIHIN MO!! SIGE KUNG GUSTO MO AKO PATAYIN SIGE! GAWIN MUNA PARA MAGSAMA SAMA NA KAMI NG MAGULANG KO! OHH!! ANO PANG HINIHINTAY MO GAWIN MUNA!!!!" Galit na galit ito sa akin ang mga mata nitong nag aalab sa galit kasabay nang pagluha nito. Hindi ko alam kung ano bang sinasabi nito tungkol sa magulang niya wala akong alam sa ibinibentang nito sa akin. "WALA AKONG BALAK SAKTAN KA SELENA, 'DI KO MAGAGAWA SAYO YON. OO NASAKTAN KITA SA MGA SINABI KO SAYO, PERO PLEASE!! MANIWALA KA SA AKIN PINAGSISIHAN KO NA 'YON 'DI KO MAGAGAWANG SAKTAN KA LALO NA NGAYONG DINADALA MO ANG ANAK NATIN!" --- Halos 'di ako makapaniwala sa sinabi ni Tristan napahawak ako sa aking bibig habang nangingig ang aking kamay kaya ba ako lagi nagsusuka nahihilo at sumasama ang pakiramdam posible nga kayang buntis ako. Pero bakit sa lalaking ito pa napaka tanga ko para 'di malaman na baka buntis nga ako paano kung nakalimutan ang bagay na 'yun lalong akong napaluha inalalayan naman ako nito dahil para na akong nanlambot. "SA-SABIHIN MONG NAGBIBIRO KA LANG!!" Wika ko dito 'di ako pwedeng magbuntis at ito pa ang Ama ang taong kinamumuhian ko at pumatay sa mga magulang ko at kumamkam ng ari arian ng pamilya ko. "Totoo ang sinasabi ko Selena, kaya please bumalik na tayo sa bahay baka kung anong mangyari sa anak natin at sayo. Please! nagmamakakaawa ako sayo!" Sinampal ko ito muli ng malakas paano nitong naisip na sasama pa ako sa kanya pagkatapos nitong gawin ang mga bagay na 'yon sa aking pamilya ito ang sumira sa maganda kung pamilya. Nilapitan ko ito 'di ko napigilan ang sarili kung hampas hampasin ito sa dibdib. "Paano mong naisip na sasama pa ako sayo. Pagkatapos ng mga ginawa mo sa pamilya ko pagkatapos mong kunin ang lahat ng ari arian namin pagkatapos mong kamkamin ang dapat ay sa akin at sa pag patay mo sa magulang ko masahol ka pa sa Hayop!!" "Kinamumuhian kita at nag sisi ako na ikaw pa ang naging ama ng anak ko at higit sa lahat ngsisi ako dahil ikaw pa ang minahal ko. Ang lalaking sumira sa buong pagkatao ko Napaka sama mo 'di ka tao Hayop ka!!" Wika ko dito. Niyakap ako nito ng mahigpit at naramdaman ko ang pagpatak nang luha nito sa aking balikat. "Selena, hindi ko alam ang sinasabi mo about sa magulang mo at kung iniisip mo ang mga kinuha ko sa magulang mo ibabalik ko sa inyo 'yun ng buong buo bumalik ka lamang sa akin." Kumalas ako sa pagkakayakap nito at tinulak ko ito ng malakas. " 'Di na ako maniniwala pa sayo Tristan. Alam kong patibong mo lamang ito para ako ang isunod mo kung hindi mo tatapusin ang buhay ko ngayon mag sisi ka dahil gagawin ko ang lahat maipaghiganti ko lang at babawiin ko ang pinaghirapan ng magulang ko na kinuha mo" Galit na wika nito sa akin. --- "Ang tagal naman ng drama ng mga 'yan sige na gawin niyo na ang dapat gawin. Sorry mahal kong kapatid ipaparamdam ko sayo kung paano iwan kagaya ng pag iwan mo sa akin." Nag intay lang ako sa sasakyan habang kumikilos na ang mga taohan ko para kunin ang babaeng iyon. --- Tumalikod na sa akin si Selena, nakita ko naman agad ang mga lalaking naka suot ng puting Longsleve na papalapit sa kinaroroonan namin. Mga armado ito pinaputukan ako ng mga ito. Kaya hindi ko nagawang hawakan pa si Selena. "Selena! Shocksss !SELENA!!!" Gaganti na sana ako sa pagbaril ng mga ito ng makita kung tangay ng dalawang lalaking nakaputi si Selena. Sunod sunod naman na pagpapaputok ng baril ang ginawa ng mga ito kaya nagtago ako maya maya pa dumating ang mga taohan ko papapuntakan sana ng mga ito ang tumangay kay Selena. "Ibaba niyo ang baril niyo baka matamaan si Selena. shocksss! bakit naman ngayon pa!!" Naihampas ko ang baril na hawak ko nasipa ko ang basurahang nasa tabi ko litong lito ako ngayon na may kasamang takot na baka kung ano gawin ng mga 'yon sa mag ina ko. "Tristan, kilala mo ba ang mga 'yon asan na si Selena?" Wika ni Ted may bakas ito ng dugo sa braso pero mukhang daplis lamang iyon. "Nakuha nila si Selena Shocks!!! ang Gago ko 'di ko na dapat hinayaang ma expose ito ngayon baka isa sa mga kalaban ko ang kumuha dito. Alamin niyo kung sino ang mga yun!" Wika ko sa mga taohan ko. "ANO 'DI PA BA KAYO KIKILOS BILISAN NIYO NA!" Agad naman nagsialisan ang mga taohan ko bigla rin nawala si Ted at maya maya pa may motor na tumigil sa harap ko. "Bro. Ano pa hinihintay mo i-drive muna ito at babawiin natin ang mag ina mo. Hoooooooo!! Hay! naku naman ohh." Tinapik ko ito sa balikat kaya ganun na lang ang pagsigaw nito sa may sugat ko pala siya natapik. Hindi na ako nag atubili pinaharurot ko na agad ang motor at di naglaon nakita ko ang sasakyan ng kumuha Kay Selena kaya lalo ko pang binilisan. --- "Ano ba! Sino ba kayo Bitiwan mo ako? ano ba mga taohan ba kayo ni Tristan. Siguro naman ay hindi nohh kaya pwede ba pakawalan niyo na ako!" Pagkalayo ko kay Tristan bigla na lamang may mga dumating na lalaking naka suot na puting damit at pilit akong hinila papunta sa isang sasakyang puti nakaparada sa hindi ka layuan nilingon ko pa ang kinaroroon ng lalaking 'yun 'di man lang ako nito nagawang iligtas napaka sama talaga ng isang 'yun. Marahil isa ito sa mga kalaban ng lalaking iyon. "Kung si Tristan, ang kailangan niyo pwede ba pakawalan niyo na ako dahil wala akong kaugnayan sa lalaking 'yun at kung pera ang gusto niyo sorry mahirap pa ako sa Daga kaya wala kayong mapapala sa akin" Wika ko sa dalawang lalaking karatig ko nasa gitna ako ng mga ito at sa likod ko ay may isang lalaking naka cap na white may suot itong shades at nakatungo lamang ito. "Hayaan niyo lang siya!" Wika ng malamyos na tinig ng isang lalaki 'di nakakatakot ang boses nito 'di kagaya ni Tristan na pag galit ay kikilabutan ka. "Sinabi na ngang bitawan niyo ako ehhh" Wika ko ulit sa lalaking pilit akong pinatitigil sa pagwawala binitawan naman din ako nito agad. "Bilsan niyo ang pagda-drive sumusunod ang mahal kung kapatid." Pagkasabi noon ay napatingin ako sa nagsalita nakayuko pa rin ito tama ba ang narinig ko kapatid ba ang sinabi niya sino kaya ang tinutukoy nitong kapatid. " Papaputukan ko bro patatamaan ko ang Gulong ilapit mo konti." Pagkasabi ni Ted bago palang nito itutok ang baril sa gulong pareho kaming nagulat dahil sa may kasalubong na malaking truck ang puting sasakyang sinasakyan nila Selena naihinto ko ang motor at 'di nga ako nagkamali bumangga ang puting sasakyan at bumagsak iyon sa malalim na bangin sa dagat ang bagsak nito at napakalalim noon. Parang sinasak ng paulit ulit ang puso ko sa mga oras na ito tumakbo ako sa gilid ng bangin hinubad ko ang aking coat pero pinigilan ako ni Ted. "TRISTAN! HUWAG MASYADONG DELIKADO ANG GAGAWIN MO BAKA IKASAWI MO PAG TUMALON KA DIYAN!" Napaluhod ako bigla sabay ng pagbagsak ng mga luha ko. "SELENA!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" Tanging naisigaw ko Bumagsak ang mga luha ko wala akong magawa. Pinabayaan ko ang babaeng mahal ko at ang magiging anak namin. --- "Heyy, Wake up!! heyyyy!!! " Hindi ko maiwasan mapamura habang tinitingnan ang walang malay na babaeng ito pinakiramdaman ko ang pulso nito buhay pa ito sinimulan ko itong e CPR at buti naman nailabas nito ang mga nainom nitong tubig dagat. Dumurugo ang ulo nito 'di ko napansin na may sugat ito sa bandang ulo. Dalian ko pinunit ang suot kong longsleeve na white at itinapal ko sa sukat nito sa ulo. Kinapa ko ang bulsa ko at buti na lang andon pa ang Cellphone ko. "Bilsan niyo pumunta dito kung ayaw niyong samain!" Wika ko sa aking taohan. "Pero boss? saang lugar po ba kayo nandoon?" Nagpating ang tenga ko sa sagot ng gong gong kong taohan. "Sawa ka na ba sa buhay mo huh. Gusto mo tapusin na kita ngayon din!!" Agad naman itong nagpaalam mga ilang sandali pa dumating ang isang speed boat. Agad kong isinakay doon ang babaeng ito na wala pa ring malay napatingin ako sa mapula nitong labi. malambot pala ang labi nito parang ang sarap halik halikan. Samantalang ang mata nito ay namumugto na sa labis na pag iyak. "Tskkk, Kawawa ka naman pinaiiyak ka lang pala ng magaling kung kapatid." Bulong ko sa aking sarili habang kalong ang babaeng ito buti na lang nakaalis agad kami sa lumubog na sasakyan ang gong gong kung taohan muntik pa kaming ipahamak. Buti na lamang at nailigtas ko rin agad ang babaeng ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD