CHAPTER 26

1592 Words
Selena POV "Ms.Mag iingat ka huh! Teka! may ibibigay ako number tawagan mo ito pag nakatakas ka.Makakatulong ang taong 'yan sayo." Wika ng nurse na nagbigay ng uniform sa akin ngayon ay suot ko na ang uniform na bigay nito sa akin. una itong lumabas maya maya ay sumunod na din ako naka facemask ako para 'di ako makilala ng mga taohan ni Tristan na nagbabantay sa akin sa labas ng kwarto.Deretso lamang ako naglalakad ng makita ko si Ted na makakasalubong ko kabadong kabado ako na baka makilala ako nito. Kausap nito ang doctor na tumingin sa akin sa sobrang kaba ko nag kabanggaan pa kami nito. napahinto ito at nag sorry sa akin nanginig ang kamay ko sa sobrang kaba dalian akong naglakad palayo dito ng malapit na ako sa Entrance tumakbo na ako nakita ko pa si Tristan na papasok ng ospital. Nagmamadali ito sa paglalakad at wala na itong pakiilam kung nakaka bunggo na ito ng mga nakakasalubong niya. "Ayaw ko nang makita pa ang pagmumukha mo Tristan.Pipilitin kung kalimutan ang nararamdaman ko sayo!" bulong ko sa aking sarili agad ako naghanap ng masasakyan at buti na lang may nakita agad ako. Nagpahatid ako sa isang Hotel na 'di gaanong kilals para 'di ako mahanap ni Tristan. Ngayon nakatakas na ako dito gagawin ko ang lahat para 'di matuloy ang plano nito sa pamilya ko kung kailangan ko itong labanan at ubusin ang pera nang pamilya ko ay gagawin ko mailayo ko lamang ang aking Mommy at Daddy. Kaya kailangan ko nang magmadali para makauwi na ako sa aking mga magulang. "Excuse me! Can i use the telephone here!" Wika ko sa pakiwari ko'y may ari ng maliit na hotel na tinutuluyan ko. "Yes! ofcourse, are you a filipina?" Napatingin muli ako dito tumango lamang ako rito at sabay lapit naman nito sa akin. "My wife is also a Filipina, do you want to meet her! wait i call my wife." Naiwan ako mag isa sa aking kwarto at maya maya pa dumating ang sinasabi nitong asawa at filipina nga ito. Naikwento ko dito ang naging sitwasyo ko kaya nangako itong tutulungan ako para makauwi ng pilipinas.Nakahinga ako ng maluwag ng sabihin nitong tutulungan ako nito. --- "TRISTAN!!! Bro. nakatakas si Selena." Pagkarinig ko noon kay Ted para akong nanlambot paanong nakatakas ito. "ANO??!!! paano siya nakatakas sa dami taohan ko ang nagbabantay dito paanong nakatakas ito. Ano ba pating nangyari kay Selena? Bakit bigla siyang nahimatay sumagot ka TED!!" Wika ko kay Ted 'di ko maitago ang pagka inis ko bakit natakasan sila ni Selena. Parang gusto ko nang manapak dahil sa kapabayaan ng mga gogong kung taohan at ni Ted kahit kaibigan ko ito baka 'di ko mapigilan masapak ito sa kapabayaan nitong ginawa. "Normal lang naman sa buntis ang mahimatay pero 'di normal ang bigyan ng Stress ang mga buntis kaya kayong dal-" Nagpalipat lipat ako ng tingin kay Ted at sa kaibigan naming Doctor. Nakita kung namutla bahagya si Ted alam ko nang mayroon itong 'di sinasabi sa akin lumapit ako dito saka kinuwelyuhan ito. "ANONG SINASABI NIYA TED? ANONG BUNTIS?? SINO? SINO? ANG BUNTIS TEDDD?!! MAGSALITA KA GAGO KA KAHIT KAIBIGAN KITA 'DI KITA SASANTUHIN.!! SINONG BUNTIS TED??!!!" Napayuko muli ito habang hawak ko pa rin ito sa damit bigla akong kinabahan sa isasagot nito. "BRO, SORRY 'DI KO AGAD SINABI SAYO.. BU-BUNTIS S-SI SELENA SA ANAK NIYO SORRY BRO." Pagkarinig ko noon 'di ko na napigilan ang sarili ko binigyan ko ng malakas na suntok si Ted. Paano nitong nagawang ilihim sa akin ang ganoong bagay. Paano nang gagawin ko ngayon. "GAGO KA BA TALAGA HUH! SINO KA PARA 'DI IPAALAM SA AKIN. ANAK KO ANG DINADALA NI SELENA! BAKIT 'DI MO AGAD SINABI SA AKIN NG MAS MAAGA. 'DI KO NA SANA SIYA NASAKTAN PA NG SOBRA..." Wika ko dito na hawak pa rin ang kanyang panga tinulungan ito ng kaibigan naming doctor lumapit naman ito sa akin. "Tristan, 'di alam ni Selena na buntis siya kaya baka malagay silang mag ina sa kapahamakan. Ito kasing si Ted eh? 'di agad sinabi sa akin ang buong sitwasyon.." Para akong lalong nanlambot ng sabihin nitong 'di alam ni Selena na buntis siya.Paano na kung magkamali ito ng kilos baka mapahamak ang anak namin pati na din ito. Naihilamos ko ang palad ko sa aking mukha. Nagpalakad lakad ako 'di ko alam ang gagawin.Hindi ko mapapatawad ang aking sarili pag may nangyaring masama sa mag ina ko.Kinuha ko ang aking cellphone at tinawagan ko ang contact ko dito sa colombia at inutusan ko na agad ang mga taohan kong halughugin ang buong syudad. "Bro. sorry talaga! ang akala ko kasi 'di mo magugustuhan kung malalaman mong buntis si Selena. Iniisip ko na baka masira ang mga plano mo para sa paghihiganti sa Ama ni Selena. " Paliwanag ni Ted tiningnan ko ito ng masama. " 'Di mo dapat ako pinangunahan Ted.May batang involve dito dapat inisip mo 'yun! Anak ko 'yun Bro!! ANAK KO YON ANG GAGO MO TED!" Pagka sabi ko noon nilampasan ko ito hahanapin ko ang mag ina ko,kailangan ko mahanap si Selena bago pa mapahamak ito at ang anak namin. "I'm sorry Baby! hahanapin kita gagawin ko ang lahat bumalik ka lang sa akin." Wika ko sa aking sarili 'di ko napigilan ang mapaluha habang nagmamaneho. Alam ko matindi ang galit nito sa akin kaya ito tumakas at kasalanan ko lahat 'yon. --- "Hello! Aprilyn. Si Selena ito." Hindi ko matawagan ang Mommy at Daddy ko kaya si Apriynl ang tinawagan ko at mabuti na lamang agad din nitong nasagot ang tawag ko. "Se-Selena!! ohh my Gosh! babae ka bakit ngayon ka lang nagparamdam. te-teka nasaan ka ba? bakit ibang number ang gamit mo?" Bumuntong hininga ako para pigilan ang nagbabadyang mga luha ko na handa nanaman kumawala. "Aprilyn...tulungan mo ako makabalik ng pilipinas. kailangan kong makabalik agad diyan 'di ko ma-kontak ang Daddy at Mommy ko." Wika ko dito narinig kung bumuntong hininga ito sa kabilang linya. "Aprilyn ba-bakit may problema ba may nangyari ba sa magulang ko?" Ganoon na lamang ang kabang naramdaman ko baka may ginawa ng 'di maganda si Tristan sa magulang ko. "Selena, kasi ano eh!" Lalo akong kinakabahan sa tono kasi ng boses nito mukhang meron talagang nangyari 'di maganda sa magulang ko. "Aprilyn, naman ano ba!!!" Medyo tumaas na ang boses ko dahil binibitin bitin pa ako nito. "Selena, kasi ng huling punta ko sa bahay niyo depress na depress na ang mga magulang mo. Malaki na din ang ibinagsak ng katawan nila. Bukod kasi sa 'di ka nila mahanap nalubog sa utang ang Daddy mo pati ang companya niyo wala na din. Sunod sunod ang naging problema nila Tito at Tita kaya bumagsak ng husto ang katawan nila." Napahawak ako sa dibdib ko at 'di ko na napigilan ang mapahagulhol sa mga nalaman ko tama ang sinabi ni Tristan na kulang pa ang ari-arian at company ni Dad bilang kabayaran. Humigpit ang pagkakahawak ko sa teleponong hawak ko.lalong tumindi ang galit at poot na naramdaman ko para kay Tristan. "Selena andyan ka pa ba?" Pinilit kung pinapakalma ang aking sarili.Huminga ako ng malalim bago muling nagsalita. "Aprilyn, Nasa colombia ako ngayon tulungan mo ako makabalik agad ng Pilipinas. Kailangan ako nila Mom and Dad and please! Baka pwede mo silang puntahan para sabihing okey lang ako at malapit na ako umuwi. Please Aprilyn do me a favor!" Wika ko dito alam kung tutulungan ako ng matalik kung kaibigan wala akong ibang pinagkakatiwalaan kundi ito lamang dahil para ko na itong kapatid. "Oo naman Selena ikaw pa ba matagal ka na namin hinahanap pero lagi kaming hm bigo sa paghahanap sayo Ano ba talagang nangyari sayo?!" Alam kung isa ito sa tumutulong para mahanap ako.Alam ko iyon dahil para na din ako nitong kapatid. "Mahabang kwento Aprilyn. basta ito lang sasabihin ko kinidnapped ako ni Tristan Ashford!" Hindi ito nakapagsalita marahil nagulat ito sa sinabi ko. "Aprilyn, Andyan ka pa ba?" Wika ko sa kabilang linya ng 'di pa rin ito nagsalita. "Selena, alam mo bang si Tristan ang bagong may ari ng company niyo at ikakasal na din ito kay Hailey. Nalugmok sa utang ang Daddy mo kay Tristan kaya lalong naging mahirap kay Tito ang makabawi.Awang awa na nga ako sa magulang mo kaso wala naman ako magawa." Napahawak nanaman ako sa aking dibdib naninikip na ang dibdib ko kasabay ng pagkirot ng aking puson. "Alam ko! Alam ko Aprilyn, Siya ang may pakana ng lahat ng ito sa pamilya ko. Hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya. Hayop ka Tristan.Napaka HAYOP MO TRISTAN!. " Humihikbi kong wika kay Aprilyn. "Selena, Tama na wag ka na umiyak tutulungan kitang makabalik ng pilipinas nasan kabang lugar. Para maipadala ko ang mga kakailanganin mo para makabalik ka na dito." Ibinigay ko dito ang saktong address kung saan ako tumutuloy ngayon. Maya maya nagpaalam na kami sa isat isa.nakaupo lamang ako habang nag iisip ng gagawin. "Ano na ang gagawin ko ngayon nakuha na pala ni Tristan ang lahat ng meron kami.Mommy,Daddy I'm so sorry po gagawin ko po ang lahat makabalik lang sa piling niyo!" Bulong ko sa aking sarili pumatak nanaman ang aking nag aabang na mga luha. --- "Boss, alam na namin kung nasaan si Ms.Selena nasa isang hotel po ito nagtatago." Nabuhayan ako ng pag asa ng sabihin ng taohan ko kung nasaan si Selena kaya agad kaming gumayak ng mga taohan ko para puntahan ang lugar na kinaroroonan ni Selena. Wala akong aaksayahing pagkakataon makita ko lamang ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD