CHAPTER 31

1379 Words
Tristan POV "Mga wala kayong Silbi!!" Halos mapatidan na ako ng litid sa leeg sa labis na inis at galit na nararamdaman ko ngayon.Ilang buwan na ang lumipas pero hanggang ngayon ay wala pa rin balita kay Selena.Para na akong mababaliw sa labis na pag aalala dito at sa dinadala nitong anak namin. "Bro!,Relax mahahanap din natin si Selena, wag ka mag alala ang mahalaga alam natin na buhay siya." Nahampas ko ang lamesa nasa harap ko ngayon hindi ko na alam kung saan ko pa ito hahanapin.Lahat ng mga taohan at koneksyon ko sa iba't ibang bahagi ng mundo ay pinakilos ko na pero lagi pa rin akong bigo na mahanap ito. "Ilang buwan na tayo nag hahanap Ted!! Hanggang ngayon ni anino ni Selena ay wala.Paano ang anak namin? baka kung ano nang mangyari sa mag ina ko!" Hindi ko na napigilan pa ang aking sarili kusang kumawala ang luha sa aking mata.Magmula ng mawala ang aking magulang at ang aking ka-kambal ngayon lamang muli ako umiyak. "Tristan, Bro. Mahahanap natin sila,wag ka mawalan ng pag asa." Naramdaman ko ang kamay ni Ted sa aking balikat buti na lamang at lumabas na agad ang mga taohan ko.Ayaw ko pa naman makikita ako ng kahit na sino na nagiging mahina. "Kasalanan ko ito kung hindi ko lang sana pinag salitaan ng masama noon si Selena,sana ay hindi ito tumakas sa poder ko.Ako tuloy ngayon ang nahihirapan ang kalooban lalo na ngayon na dinadala nito ang anak namin." Tinapik tapik ni Ted ang balikat ko.Alam kong ito man ay sinisisi ang kanyang sarili sa paglilihim nito sa kundisyon ni selena sa akin.Nagalit ako kay Ted pero naunawaan ko kung bakit niya ginawa ilihim sa akin ang pagbubutis ni Selena,at wala nang mahalaga sa akin ngayon kundi ang makita ko ang babaeng pinaka mamahal ko. "Tristan,Tama na wag muna sisihin ang sarili mo ikaw lang lalo mahihirapan sa ginagawa mo.Kung nagtatago man ngayon si Selena alam kung magpapakita rin 'yun sayo." Hinarap ko si Ted nagpapatawa ba ito. Paano magpapakita si Selena gayong alam na nito ang lahat. Nalaman ko pa na namatay ang magulang nito at inakala nitong ako ang nagpapatay sa magulang niya. Inalam ko kung sino may kagagawan nang pagkamatay ni Henry Madison at ng asawa nito pero Wala ako nakuha impormasyon.Isa lamang ang nahagip ng CCTV noon bago umalis ang mga ito may isang babae ang pumasok sa loob ng sasakyan ni Henry Madison.Nagmamadali pa itong umalis ng maramdaman na parating na ang mag asawang Madison.Hindi kita ang mukha ng babae pinahanap ko ito sa mga taohan ko ngunit wala rin silang nakuhang impormasyon. "Tristan,Tumatawag si Niel Samson." Napatingin ako sa aking cellphone na nasa ibabaw ng table.tumingin ako kay Ted bago ko sagutin ang tawag.Inayos ko muna ang aking sarili at pinahid ang luhang nasa aking pisngi. "Samson,Napatawag ka?" Wika ko kay Niel Samson,alam ko naiinis na ito sa akin dahil sa pag postpone ko ng kasal namin ng anak niyang si Hailey. halata dito na atat na atat na itong pakasalan ko ang kanyang anak. "Mr.Ashford,Mukhang nakakalimutan mo ata ang ating usapan.Ilang buwan na ang nakakalipas hanggang ngayon ay hindi ka pa rin bumabalik ng pilipinas.May problema ba?" Naiirita na ako dito ang akala ata nito ay maloloko niya ako pero sige sasabayan ko ang laro niya. "Bakit Mr.Samson natatakot ka ba na baka hindi ako tumupad sa usapan natin!" Wika ko dito narinig ko itong napamura mahina lamang iyon pero umabot sa pandinig ko.maya maya tumawa ito para siguro pagtakpan ang pagka inis nito sa akin. "Alam kung tutupad ka Mr.Ashford hindi ba't mayroon kang gusto malaman tungkol sa akin.Paano mo malalaman ang kasagutan kung hindi mo pa ka-kasalan ang aking Anak." Wika nito sa mayabang na tono.Ngayon alam ko na talagang may itinatago ito tungkol sa aking ka-kambal.gumalaw ang aking panga sa labis na inis at galit na nararamdaman kay Niel Samson. "Ano naman ang malalaman ko sayo Samson,Bakit may inililihim ka ba sa akin? Hindi ba't kaya ko lamang pakakasalan ang iyong anak ay dahil sa pag me-merge nang ating kompanya.Ngayon ano itong sinasabi mong gusto ko malaman tungkol sayo?" Hindi ito nakapagsalita agad.Halatang nagulat ito sa sinabi ko mukang nagisa siya sa sarili niyang mantika.Umangat ang dulo ng aking labi.Maya maya pa humalakhak ito. "Ha ha ha! Baka gusto mo lamang malaman kung paano ako magpatakbo ng aking kampanya,Pero sabagay iho soon ay magiging anak na rin kita kaya kayang kaya ko ituro sayo kung paano ang magpatakbo at magpalago ng mga business." Wika nito halatang inililiko nito ang usapan namin.Ngunit hindi ako tanga para paniwalain nito. "Mukhang bagay atang sabihin mo yan sa sarili mo Samson!, or ako dapat ang mag sabi sayo n'yan.Dahil ang pagkakaalam ko ikaw mismo ang lumapit sa akin para makipag merge Hindi ba?" Hindi na naman ito nagsalita ramdam kung pikon na ito.Natawa na lamang ako nang hindi na talaga ito nakapagsalita. "Anyways,wag ka mag alala Mr.Samson! Nextweek ay babalik na ako ng pilipinas.Itutuloy ko ang kasal ko sa iyong anak." Wika ko dito,maya maya pa nagpaalam na ako dito.Tumingin ako kay Ted na nakikinig lamang sa usapan namin ni Samson. "Bro! may ipag u-utos ako sayo alam ko magaling ka sa mga ganitong bagay." Mukhang nakuha naman agad ni Ted ang gusto kung sabihin ngumiti ito ng nakakaloko sa akin.Pagdating talaga sa kalokohan maasahan ang isang ito. "Mukhang gusto ko yang iniisip mo Tristan.Kailan ba ang kasal na 'yan?" Wika nito sa akin.Balak kung si Ted ang magkasal sa amin ni Hailey,magiging kasal kasalan lamang ang mangyayari wala akong balak matali sa babaeng iyon.Once na malaman ko kay Samson kung nasaan ang ka-kambal ko tatapusin ko agad ang laro ko sa kanya. "Sa isang linggo babalik tayo ng Pilipinas.Ibibigay ko ang gusto ng matandang Samson na 'yun." Wika ko kay Ted,itutuloy ko pa rin ang paghahanp kay Selena habang nakikipaglaro kay Samson. "Paano si Selena Bro?" Tanong ni Ted,kinuha ko muli ang aking cellphone tinawagan ko ang ilan sa mga pinagkakatiwalaan at maasahan kung mga taohan sa bawat panig ng mundo.Sila na muna ang pakikilusin ko kailangan kung mautakan si Samson.Ngayong wala na si Madison ito naman ang lulugpuin ko.Uubusin ko ang pinagmamalaki nitong yaman igagaya ko ito kay Madison na malulugmok ng utang sa akin. --- "Dad,ano ba hanggang ngayon ba hindi mo kayang pauwiin dito si Tristan?ang tagal nang na po-postpone ng kasal namin nakakahiya na sa mga friends At relatives natin My Gosh.!" Naiinis na ako kay Dad ilang buwan nang wala kaming balita kay Tristan kahit tawagan ko ito hindi nito sinasagot ang mga tawag ko.Napapahiya na ako sa mga kaibigan at kamag anak namin sa tuwing tinatanong nila kung kailan ba talaga ang magiging kasal namin ni Tristan. "Malapit na anak! next week uuwi na ng pilipinas si Tristan.Kaya ihanda muna ang mga dapat ihanda para sa kasal niyo." Biglang nagliwanag ang mukha ko napatayo ako sa sobrang saya,lumapit ako kay dad at niyakap ko ito halatang nagulat pa ito sa ginawa ko. "Sorry Dad, natuwa lang ako kasi uuwi na si Tristan,at matutuloy na ang kasal namin." Hinaplos ni Dad ang buhok ko na ngayon lamang niya ginawa.nagtataka akong napatingin dito nginitian ako nito. "Sorry Hailey,Anak! kung hindi kita napagtuonan ng pansin noon.Pero ngayon na mag a-asawa ka na gusto kung maging mabuti kang asawa kay Tristan.Ayaw kung magkaroon ng problema sa ating company alam muna ang ibig ko sabihin anak.Kelangan kita para mas umunlad pa ang company natin at alam mong si Tristan lamang ang sagot para umunlad ang kabuhayan natin." Unti unti nawala ang mga ngiti ko sa aking labi ang akala ko'y humihingi ng sorry si Dad dahil sa mga pagkukulang niya sa akin. 'Yun pala ay gusto lamang ako nitong maging mabuti may bahay kay Tristan para hindi ito umangal sa mga hihinging pabor ni Dad.Kahit kailan talaga sarili lamang ni Dad ang iniisip niya. "Sige na Dad!,May gagawin pa nga pala ako." Nagpaalam na ako kay Dad bago pa may masabi akong hindi maganda sa pandinig niya.Ayaw ko sirain ang maganda mood ko ngayon darating na si Tristan ang lalaking mahal ko at magiging asawa ko na ito.Ako na ata ang pinaka masayang babae sa buong mundo pag kinasal na kaming dalawa.Kinuha ko ang aking Cellphone tinawagan ko si Aprilyn at Mariz.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD