CHAPTER 30

1581 Words
Zedrick POV "Ohh!! dahan dahan Honey!, Wait may gusto ka ba kainin? O gusto mo magpahinga muna?" Nagpalinga linga si Selena, sa malaking bahay kung saan una ko siyang dinala.Tumingin ito sa malaking larawan,Sabay tingin nito sa akin. "Kasal ba natin 'yan?" Wika nito sa larawang naming dalawa na nakasuot pang kasal.Bago pa lamang dumating si Selena pinaayos ko na kay Ging ang mga dapat ayusin para hindi magtaka si Selena,kasama na nga dito ang malaking larawan naming dalawa na nakasuot pang kasal. "Yes,Honey! hindi mo ba talaga naalala ang lahat?" Umiling iling lamang ito sabay hawak sa kanyang ulo.Inalalayan ko ito makaupo samatalang kita ko naman si Ging na nagpipigil ng pagtawa niya. "I-i'm sorry honey,wala ako maalala pa." Nakaramdam ako ng pagkabog ng aking dibdib.Pakiramdam ko ay nag init ang aking mukha ng tawagin rin ako nitong honey.Napasulyap ako kay Ging na ngayon ay nakatakip na ang kanyang kamay sa bibig Pinagtaasan ko ito ng isang kilay kaya naman kusa na itong lumabas. "Honey,Are you okey? bakit namumula ka ata?" Lalo Ginambol ang aking dibdib,Bakit ngayon ko lamang naramdaman ang ganito para akong teenager na nahihiya sa kanyang crush.Kailanman ay hindi ko ito naramdaman kay Aprilyn,napailing iling naman ako habang nakatingin kay Selena na ngayon ay nakahilig na sa aking balikat. "Honey,I said are you okey?" Ulit nito at ganun na lamang ang kaba ko ng mapagtantong nakatingala pala ito sa akin,Hindi ko napigilan ang aking sarili pisilin ang pisngi nito. "Hey!! Why did you do that honey!." Napakunot noo ako sa sinabi nito. "What?" Wika ko dito umayos ito ng tayo at hinarap ako,napalunok ako ng mapatingin ako sa mapu-pulang mga labi nito. "Why did you squeeze my Face?" Hindi ko alam kong ano sasabihin ko,Dahil sa totoo lang hindi ko rin alam kung bakit ko pinisil ang pisngi ni Selena. "Hmm!ang cute kasi ng Honey ko." Nginitian ako nito na lalo pang nagpadagdag sa kakaiba kong nararamdaman ngayon. "Teka, bakit mo ba tinatanong kung okey lang ako Honey?." Hinawakan ako nito sa magkabilang pisngi,kaya naman rinig na rinig ko ang pagtibok ng aking puso. "Ehh, kasi naman na mu-mula ang mukha mo." Dinaan ko na lamang sa pagtawa ang ka-kaiba kung nararamdaman na bigla na lamang umusbong. "Ohh, And now you are laughing!,Are you really okey Honey?." Hinalikan ko ito sa noo,hindi naman ito nagulat sa ginawa ko. "Yes!Honey,i'm okey will i miss you calling me honey." Nagsalubong ang kilay nito. "Why? hindi ba kita tinatawag na honey noon?." Wika nito sa akin na bahagyang nalungkot pa ang mukha.Bakit ang ganda ng babaeng ito kaya hindi ko masisi ang kapatid kung si Tristan kung bakit nito nagustuhan ang anak ni Madison. "No no no! Honey,I mean matagal ka rin nasa ospital at walang malay,kaya na miss ko ang tawagin mo ako sa tawagan natin." Wika ko kay Selena mukha naman naniwala ito sa sinabi ko. Maya maya dumating ang aking taohan suminyas ako rito na sa labas kami mag uusap,Agad naman ito umalis. "Ahh,Honey! lalabas lang muna ako okey, pasasamahan kita kay Ging sa kwarto natin okey." Tumango tango naman ito muli ko itong hinalikan sa noo.Halata sa mukha nito ang pagka dismaya.Nagtataka siguro ito kung bakit sa noo ko siya hinahalikan. "Anong balita sa aking ka-kambal? hanggang ngayon ba ay hindi pa rin siya tumitigil sa pag hahanap kay Selena?." Tanong ko sa aking taohan,ito ang inutusan ko para sundan ang aking kapatid.Gusto ko alamin ang bawat pag kilos nito,alam kung hindi niya kami masusundan dito sa Paris.masyado na itong malayo sa lugar niya. "Boss, tama kayo hanggang ngayon ay hinahanap pa rin ni Tristan si Ms.Selena.Marami itong inutusan na mga taohan sa iba't ibang panig ng mundo para lamang mahanap si Ms.Selena." Umangat ang kabilang gilid ng aking labi alam kung nababaliw na ngayon ang aking kapatid sa kahahanap sa minamahal niyang si Selena.Nalaman na kasi nitong buhay si Selena dahil sa gong gong kung taohan na nahuli ng mga ito.Buti na lamang bago pa ito magsalita ay napatumba ko na agad ito. "Para siyang naghahanap ng karayum sa dayamihan ha ha ha." hindi ko napigilan ang mapahalakhak ngayon alam na niya ang pakiramdam ng sakit na naramdaman ko ng iwan niya ako. "Boss, may ipag uutos pa po ba kayo?" Muli akong napatingin sa aking taohan.Bigla ko naisip si Apriyn ilang araw ko nang hindi sinasagot ang mga tawag nito. "Gusto kung pumunta ka ng pilipinas alamin mo ang lahat ng ginagawa ni Aprilyn." Alam ko gagawa ng paraan si Aprilyn para mahanap ako. Adik na adik pa naman ang babaeng 'yun sa akin,at kung malalaman nito na kasama ko si Selena baka kung ano gawin nito.Matindi pa naman ang galit nito kay Selena kaya kailangan maging maingat ako sa pagtatago kay Selena ngayon pa na nagdadalang tao ito. "Masusunod boss!." Sininyasan ko ulit ang taohan ko na tapos na kami mag usap.Umalis naman agad ito.Maya maya nakita kong papalapit sa akin si Ging. "Zed, ano bang pina-plano mo kay Selena,baka nakakalimutan mo na Ama niya ang pumatay sa magulang mo.At gusto ko rin ipaalala sayo na anak ng kapatid mo ang dinadala ni Selena." Napatingin ako kay Ging ano ba akala nito sa akin hindi ako nag iisip.Marahil nagtataka ito kung bakit ganito ako kay Selena ako man ay hindi ko rin malaman kung bakit ako ganito sa babaeng 'yun.Dapat ay nagagalit rin ako dito dahil Ama niya ang pumatay sa magulang ko. at Ama nito ang nag pa-kidnapped sa akin. "Pwede ba Ging! wag mo ako pakiilaman sa mga disisyon ko!" Napabuntong hininga ito sanay na ito sa ugali ko. para ko itong kapatid na babae na laging nagpapaala sa akin.Nawalan man ako ng kapatid pumalit si Ging na naging parang kapatid ko na. "Zed,paalala lang ngayon lang kita nakita naging ganyan sa isang babae kahit kay Aprilyn,Never kang naging ganyan.Ingat lang baka sa huli masaktan ka." Nauunawaan ko naman ang gustong ipahiwatig ni Ging alam kung concern lamang ito sa akin.Pero ayaw ko na muna problemahin kung ano man ang pwedeng mangyari. "Alam ko Ging!Anyway may ipapagawa ako sayo." Muli itong napatingin sa akin,Lumapit ito bahagya sa akin at umupo sa katabing upuan. "Ano 'yun Boss!." Lumapit ako sa drawer at kinuha ang Isang envelop na brown at iniabot ko kay Ging.Agad naman nitong tiningnan ang iniabot kung envelop. "Ano na naman ito Zedrick Ashford?" Halata sa mata ni Ging ang pagka gulat.Habang tinitingnang mabuti ang nilalaman ng brown envelop. "Ano bang nakikita mo sa envelop na 'yan? Balik na tanong ko dito.Bumuntong hininga na naman ito kasabay ng pag ikot ng mata niya. "Picture!! ang ibig ko sabihin Ano na naman itong pina-plano mo kay Selena." Medyo naiinis na ito alam kong nagugulat ito sa mga disisyon ginagawa ko.Pero wala itong magagawa sa mga nais at gusto ko gawin.Susunod at susunod ito sa mga gusto ko dahil 'yun ang trabaho niya bilang personal Secretary ko. "Gusto kung baguhin ang lahat kay Selena, Simula sa itsura nito,pananamit at kung paano ito makipag usap." Napataas ang kilay ni Ging. "hindi kita ma-gets Zed! para saan pa itong ginagawa mong ito kay Selena? Malayo na tayo kay Tristan at Aprilyn 'di ba?." "Matalino si Aprilyn alam ko gagawa ito ng paraan para mahanap tayo alam mo kung ano klase babae si Aprilyn." Wika ko kay Ging na ngayon ay nakikinig lamang sa akin. "Haist,hindi siya matalino Zed, isa siyang BALIW! BALIW NA BALIW SAYO!! Ha ha ha." Binato ko ito ng ballpen na hawak ko.Sinamaan naman ako nito ng tingin. "Ging!! tigilan mo ako sa pang aasar mo baka hindi kita payagan umuwi ng pilipinas para makasama mo ang mag Ama mo." Muntik na ako matawa sa naging reaction nito. para kasi itong naging aso na natakot sa kanyang amo. "Boss, naman hindi mabiro ha ha pero hindi naman talaga 'yun biro.Talaga naman baliw na baliw sayo ang babaeng 'yun eh." Tama si Ging baliw na baliw si Aprilyn sa akin.kaya nga lahat ng i-utos ko dito ay sinusunod nito.Isa sa kinatatakutan ko baka kung ano gawin nito kay Selena once na makita niya ito na kasama ko.Kaya naisip ko na baguhin ang lahat kay Selena pati ang pangalan nito ay kailangan kung baguhin. "Ehh boss,Si Aprilyn lang ba ang inaalala mo?" kumuha ako ng sigarilyo sa aking lamesa at sinindihan iyon.Hinarap ko muli si Ging. "Sa tingin mo ba ay papayag ang mahal kung ka-kambal na hindi niya mahanap si Selena ngayong alam niya na buhay ito.Maraming alagad si Tristan alam ko gagawin nito ang lahat mahanap lamang si Selena." Tumango tango naman si Ging sa mga sinabi ko mukhang nakuha na nito ang gusto kong mangyari.Hindi basta basta ang kapatid ko aaminin ko mas marami itong galamay.Parehas man kaming Mafia Boss mas lamang ito sa akin,pero hindi ako magpapatalo dito. "So,kailan mo balak simulan itong lahat Zedrick?." Nagbuga ako ng usok na nanggaling sa aking sigarilyo naubo pa si ging at tiningnan ako ng masama. "Bukas na bukas din simulan muna i-make over ang aking Asawa!." Bigla na lamang ito natawa kaya binato ko ulit ito ng isa pang ballpen.Saka ko tiningnan ng masama. "Aray huh kanina ka pa! Zedrick! pasalamat ka boss kita!." "Umalis ka na! gawin muna mga pinag u-utos ko! baka samain ka pa sa akin hindi kita pauwiin ng pilipinas." "Si Honey! naman hindi na mabiro ha ha ha ha,Honey honey honey! ha ha ha." Babatuhin ko sana ulit si Ging dahil sa pang aasar nito sa akin.Ngunit bigla na lamang ito tumakbo palabas ng aking opisina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD