CHAPTER 19

1769 Words
Selena POV "Nakakainis talaga ang lalaking 'yon sinama sama pa ako dito tapos siya lang din naman pala ang pipili ng damit na para sa akin. Lahat na lang ng sinukat ko ay ayaw nito nakailang palit ako ng damit at lahat ng gusto ko ay ayaw nito.Puro mga dress at jumpsuit dress ang pinili nito para sa akin. "Selena! Ano ba!" Nakasunod lang ito sa akin bigla na lang kasi ako nag walkout habang pumipili ito ng damit na para sa akin. "Ano ba Tristan!? Ano bang problema mo pagod na ako gusto ko nang umuwi." Wika ko dito hawak ako nito sa braso. "May pupuntahan pa tayo tara na sumama ka na." Walang gana akong sumunod na lamang dito pagod na ako makipagtalo.Nauna itong naglakad. "Ma'am hayaan niyo na yang si Boss Tristan, ganyan talaga 'yan e! Masungit at syaka lahat ng gusto niya kailangan masusunod." Napatingin ako sa driver na kasama namin. Bakit ako kinakausap nito baka mamaya mabanatan ito ni Tristan pag nakita kinakausap ako nito. "Ahh, kuya Driver-" "Ma'am Ted, po ang pangalan ko." Wika nito sa akin at inabot pa nito ang kamay sa akin siguro bago lang ito kaya 'di nito alam ang ibang utos ng lalaking 'yon. "Ahhy! pasensya na Ma'am sabi nga pala ni Boss bawal kang hawakan baka mamaya masapak pa ako noon." Napatingin ako kay Tristan may kausap nanaman ito sa telepono lagi na lang ito may kausap sa telepono. Siguro girlfriend nito ang kausap niya. "I'm Selena Ma-" Iaabot ko na sana ang kamay ko ng biglang lumingon si Tristan. Kaya binawi ko ang kamay ko ngumiti naman sa akin si Ted. Lumapit ito sa amin at ang sama ng tingin nito kay Ted. "Let's Go!" Wika nito habang nakahawak sa kamay ko magka holding hands kami habang naglalakad.Napatingin ako sa kamay naming dalawa,bakit ang gaan sa pakiramdam pag nahahawakan ako ng lalaking ito medyo nawala ang inis ko dito. "Diyan lang muna kayo may kakausapin lang ako. Ted! ikaw na muna bahala kay Selena." Wika ni Tristan, umalis na ito nasa 'di kalayuan lamang ito umorder kami ng makakain ni Ted.Maya maya pa natanaw kung may isang babae ang lumapit dito humawak ito sa braso nito at humalik pa sa pisngi. Bigla akong nakaramdam ng inis at ang lalaking 'yon wala manlang sa pagtanggi.Halatang kinikiri ito ng babaeng iyon,Pero hinahayaan lamang ng lalaking 'yon na idikit dikit ng babae ang dibdib niya sa kanya.Bigla ako nakaisip ng pang asar sa lalaking 'yon tinawag ko ang waiter. "Ma'am meron ka pa ba gusto orderin?!" 'Di ko pinansin si Ted, pagkalapit ng waiter bumulong ako dito at maya maya pa may dala na itong icecream. "Ma'am, Teka! saan ka pupunta?!" Habol sa akin ni Ted,'di ko ito pinansin lumapit ako kay Tristan. Nakatalikod ito sa akin kaya 'di ako nito kita samatalang nakatingin sa akin ang kausap nitong lalaki nginitian pa ako nito. "Ohhh! a beautiful! attractive Lady!" Wika ng kausap ni Tristan, napalingon ito sa akin saktong dinidilaan ko ang icecream na hawak ko at feel na feel ko ang pagdila dito. Napalunok ito at 'di 'yon makakaligtas sa akin. Ang sama naman ng tingin ng babaeng nakahawak pa rin sa braso nito. "Baby! matagal pa ba 'yan! I'm so Bored! I want to go home and eat may Favorite Sausage!" Wika ko dito habang dinidilaan ang konting icecream na nasa sulok ng labi ko.Napalunok muli ito sa ginawa kung 'yon natawa ako ng lihim sa naging reaction nito. "Ahm! Excuse me! Mr. Senon! Let's talk Some other time!" Wika nito sa kanyang kausap. tumayo na ito at hinawakan ako sa kamay.Nakita ko pang hahabol ang babaeng 'yon,sinamaan ko ito ng tingin at inirapan naman ako nito. "Selena! Ano bang problema mo huh!?Bigla ka na lamang mang iistorbo 'di mo ba alam na mahalagang tao si Mr. Senon. may pinag uusapan kaming business." Nasa loob na kami ng sasakyan at ito ang lalaking ito bigla na lamang ako susungitan. "Sino ba kasi nagsabi sayong isama mo pa ako sa meeting mo na 'yan. Hindi mo ba alam na napapagod din ako huh! Gusto ko nang magpahinga." Naiinis kong sagot dito nakakainis talaga ang lalaking ito tumingin na lamang ako sa bintana kesa makipagtalo pa dito na bigla na lamang nagagalit. "May pakain kain ka pa ng icecream! baka 'di mo kayang panindigan yang ginagawa mong pang aakit sa akin!" Talagang 'di titigil ang lalaking ito ahh. Humarap ako muli dito. "At sino naman nagsabi sayong inaakit kita huh! Syaka teka nga! sinabihan mo akong inistorbo kita eh! Bakit noong may babaeng haliparut ang lumapit sayo at nilalandi ka pa hindi ka nagreklamo huh! Aber!" 'Di ito nakaimik pinagtaasan ko ito ng isang kilay at nakatingin lang ito sa akin.Naghahanap ata ito ng isasagot sa akin o tamang sabihin nagulat ito sa sinabi ko na kahit ako ay nagulat din baka isipin nanaman nito na nag seselos ako. "Isa pa tao lang ako napapagod noh! kararating lang natin dito sa Colombia. Tapos sinama mo agad ako sa mall tapos sa meeting na 'yan. Tapos ngayon magagalit ka ano ka helo!!" Tinaliguran ko ito dahil mukha nawalan na ata ito ng dila. "Selena!" Hindi ko ito pinansin bahala siyang magsasalita mag isa. Ilang sandali lang narinig ko itong nagmura. "Hoyy! Ikaw na lalaki ka! mura ka ng mura! 'di mo ba alam masama mag mura!" "BWESIT!" Wika nito sa akin pero sa side mirror ito nakatingin. "Anong bwe-" 'Di ko na naituloy ang sasabihin ko ng bigla itong bumunot ng baril napaatras ako ng upo. "Selena Yuko!! Ted may Sumusunod sa atin bilsan mo!" Pinayuko agad ako ni Tristan, at ilang sandali lang nakarinig na ako ng putukan ng baril. Bigla ako natakot baka mamaya matamaan kami baka 'di ko na makita ang magulang ko. Nanginig ako sa takot sino ba talaga ang Tristan na ito. Bakit may bumabaril sa amin nakita ko namang bumunot na din ng baril si Ted at nakipagsabayan na din ito ng barilan. Habang nagmamaneho ako naman ay nanatili lang nakayuko. "Tristan! mukhang madami sila s**t!!!" Napamura si Ted kita ko ang mukha nito nakatingin kay Tristan. Bakit parang gulat iyon ng tingnan ko si Tristan may dugo ito sa balikat. Iniaangat ko ang ulo ko para sana tingnan iyon. "Selena! Ano ba! yumuko ka lang baka matamaan ka? YUKO!" Wika nito sa akin nakikipagbarilan pa rin ito pero halatang hirapan na itong ikilos ang kanang kamay dahil sa tama ng bala ng baril dito. "Tristan! kaya mo pa ba? may tama ka!shockss!! Tristan!!!" Sabay kami nagulat ng bigla bumagsak ito at napasubsob sa akin ang dami na ding dugo ang tumatagas dito. Halata sa mukha ni Ted ang labis na pag aalala nagtataka na din ako kung bakit "di na ito natawag ng Boss kay Tristan. Pinilas ko ang tela ng damit ko at ipinulupot ko sa balikat nito na may tama ng bala ng baril, kung bakit ba naman kasi 'di ito nagsama ng madaming taohan niya. Tatlo lang kami lumabas ngayon at iniwan nito ang ibang taohan sa mansion niya. "Bwesit! Ang dami nila!" Narinig kung wika ni Ted alam kong nahihirapan na din ito makipagsabayan lalo pa't nagmamaneho ito. Bigla ko naalala na marunong nga pala ako gumamit ng baril dahil tinuruan ako ni Daddy noon kung paano bumaril.Kaya "di na ako nagdalawang isip pa kinuha ko ang baril ni Tristan at nagpaputok na din ako sa mga humahabol sa amin. "Selena! Ano ba baka matamaan ka pa! Yumuko ka na lang.Kaya ko na ito!" 'Di ko pinansin ang sinabi ni Ted tuloy lang ako sa pakikipagbarilan. "Ted! Bu-buksan ko ang pinto alalayan mo lang ako! Patatamaan ko ang gulong nila para 'di makasunod." Tumingin ito sa akin saglit parang 'di ito makapaniwala sa sinabi ko. "Nagbibiro ka ba Selena?! baka mamaya mapahamak ka pa!" Wika nito sa akin napabuntong hininga na lamang ako wala ata itong believe sa akin ahh. "Dami mo naman sinasabi gawin mo na lang ang inuutos ko!" Maya maya pa sinunod na nga nito ang sinabi ko binagalan nito ng konti ang pagmamaneho at sinabayan ko naman iyon ng bukas ng pinto at dumapa ako saka pinaputukan ang gulong ng mga kalaban. Nakita kong nagpagiwang giwang na ang mga ito. "Ohhhh! 'di ba! Ano kayo ngayon mga GAGO!" Sinara ko na ulit ang pinto ng kotse medyo nanginginig pa ako,natakot ako na baka 'di ko matamaan ang gulong at ako ang mabaril nila. Buti na lang magaling pa rin ako umasinta tiningnan ko si Tristan, madami na dugo ang nawawala dito nakaramdam ako ng matinding pag aalala para dito. Hindi ko alam pero bigla ko naramdaman na ayaw ko itong mawala.Chineck ko ito at humihinga pa naman ito. "Grabe! 'yon! Selena, ahh! ginulat mo ako doon ahh! galing mong bumaril ahh Lodi na kita ngayon." "Ted! Bilsan mo baka kung ano na mangyari kay Tristan!" Tumingin ito kay Tristan na ngayon ay nasubsob na sa akin hita. "Okey lang 'yan! Sa balikat lang naman ang tama niya. Wag ka mag alala nagpapahinga lang 'yan!" Nainis ako kay Ted, kanina lang halata dito ang pag aalala pero ngayon parang peteks na lamang ito at 'di na talaga ito natawag ng Boss. Sino ba talaga ito bakit parang kilalang kilala nito si Tristan. "Pag 'di mo binilsan Ted! Uupakan kita! bilsan muna dalhin na natin siya sa ospital." Utos ko dito natawa lang ito sa akin na kinasamangot ko baliw ba itong lalaking ito. "Easy ka lang diyan Selena! maniwala ka okey lang 'yan sa bahay na natin siya dadalhin ako na bahala sakanya!" Ano bang pinagsasabi ng taong ito 'di na ako nakapag pigil nanga batukam ko na ito. "Arayyy?! bakit?!" Iimik na sana ako ng bigla ko naramdaman na may kamay sa loob ng dress ko at nakahawak 'yon sa ano ko. Nangtingnan ko ang gagong Tristan na ito nakuha pang mang manyak ipinasok nito ang kamay niya sa loob ng dress ko at nakahawak iyon sa pagka babae ko.Napasinghap pa ako ng bahagya nitong pisilin iyon. "Gago ka! talagang lalaki ka! bahala ka nga diyan sana matuluyan ka na Kupal ka talaga!" Tinanggal ko ang kamay nito at hinayaan ko itong nakasubsob lumayo ako dito at baka 'di ako makapagpigil mahampas ko ng baril ang lalaking ito. Narinig ko namang tumawa si Ted kaya lalo ako nainis. "Hahaha sabi ko sayo ehh! Nagpapahinga lang 'yan hahaha!" 'Di ko na lang ito pinansin at maya maya pa ang gagong Tristan na ito umayos na ng upo sumandal ito sa upuan at nakapikit ang mata nito habang nakangiti baliw ata ang isang ito. "Nice one Baby...!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD