CHAPTER 20

1610 Words
Selena POV "Kumusta na siya Ted? Okey na ba siya?" Tanong ko agad dito ng lumabas ito ng kwartong pinagdalhan nito kay Tristan. Sabi nito bawal daw ako pumasok doon kaya nag intay lang ako ng matagal dito sa labas ng kwarto. Nakita kung malungkot si Ted ng lumabas ito kaya kinabahan ako baka kung ano na nangyari sa manyak na lalaking 'yun. "Hoyy! Ano ba? Magsalita ka nga! Okey na ba siya? 'di ba hindi naman malala ang tama ng baril sa kanya." Umiling iling ito naiinis na ako at handa ko na itong batukan. Maya maya pa bigla pumatak ang luha nito na pinagtaka ko bigla ako nakaramdam ng pag aalala. "Sorry, Selena! ginawa ko ang lahat Kaso nahuli na tayo madami ng dugo ang nawala kay Tristan." Pagkarinig ko noon parang bigla nawalan ng lakas ang tuhod ko kaya napaupo ako bigla sa silyang nasa tabing pinto lamang ng kwarto ni Tristan.Nanginig bigla ang kamay ko kasabay ng pagyugyog ng balikat ko at 'di ko na napigilan pang bumagsak ang mga luha ko. Bakit parang ang sakit malaman na wala na ito. "Gago ka talaga Tristan Ashford! Bakit naman basta basta ka na lang nang iiwan! Ngayon pa ngayon pa na gusto na kita. Napaka GAGO MO TALAGA LALAKI KA!! " Nasa kalagitnaan na ako ng pag e-emote ng narinig ko ang malutong na tawa ni Ted. Kaya agad ako napatingin dito at ang lokong lalaking ito Vi-ni-video pala ako.Halos mapaubo na ito sa katatawa. Ako naman ay bigla napatayo. "Walanghiya ka! Bakit mo ako tinatawanan huh! Sira ba ang ulo mo! Pinagloloko mo ba akong lalaki ka huh!." Nakahawak pa rin ito sa kanyang tiyan habang tawang tawa. Ako naman ay 'di na nakapagpigil pa tinapakan ko ito ng malakas sa paa niya kaya napangiwit ito sa sakit. "Buti nga sayo tawa pa more!! Bwesitt! kang lalaki ka. Asan ba ang Ashford na 'yan huh!" Wika ko dito na natatawa nanaman. "Hahaha. Paano ako 'di matatawa ang cute mo kasi umiyak! haha sabi ko na may pagtingin ka na sa Loko loko kung kaibigan ehhh." Nagsalubong ang dalawang kilay ko kaya pala ito tumatawag ng Tristan lang at 'di boss sabi ko na sa isip ko may koneksyon ang dalawang ito. " Ewan ko sayo Tabi nga d'yan!" Nilampasan ko na ito at dali dali ako pumasok sa kwarto hahabulin pa sana ako ni Ted pero mas mabilis ako dito kaya nakapasok na agad ako sa kwarto ni Tristan. "Sandali lang Selena bawa-" Hindi ko ito pinansin at pag pasok ko nakita ko si Tristan na nakatayo lang sa gilid ng malaking bintana sa kwarto nito.Madilim ang kwarto nito may isang malaking malaking larawan ang nandoon. Isang family picture napatingin ako sa babaeng nasa picture napakaganda nito at gwapo din ang lalaking kasama nito. May hawak silang dalawang baby mukang kambal ang mga ito at ang cute cute ng mga baby na iyon.Maya maya pa napalingon na sa aming dereksyon si Tristan.Tumingin muna ito kay Ted At nagkibit balikat lamang ang huli. "Akala ko kung napaano ka na!Akala ko iniwan muna ako 'di mo ba alam nag alala ako sayo huh! lalaki ka!" Wika ko dito 'di ko alam pero bigla tumulo nanaman ang mga luha ko. Siguro dahil totoong nagugustuhan ko na ito at ng akala kung wala na ito parang gumuho ang mundo ko. "Ano bang sinasabi mo Baby! nagpahinga lang ako!" Lumapit ito sa akin at pinunasan ang luha ko. "Kasi Bro. akala niya patay ka na ikaw pa e! masamang damo ka! hahaha. Isa pa bro. sabi niya gusto ka na daw niya at mahal kana daw niya 'di ba Selena?! hahaha." Bwesit na lalaki ito nilingon ko ito at sinamaan ko ng tingin bigla naman ako hinapit ni Tristan. "Totoo ba 'yon baby?! Gusto muna ako at ma-mahal muna ako!" 'Di ako makatingin sa mga mata nito wala naman kasi ako sinabi mahal ko na ito pero baka nga mahal ko na ang lalaking ito. "H-huh! Ano ahh! Halika nga dito lalaki ka!" Bumaling ako kay Ted na tawang tawa nanaman. Hawak pa nito ang cellphone niya at balak pa ata ipakita kay Tristan ang video ko kanina lang.Hahabulin ko sana ito ng pigilan ako muli ni Tristan. "Okey lang Baby! Alam ko naman na una palang may pagtingin ka na sa akin e! at alam ko din patay na patay ka sa akin. Okey lang 'yon! sanay na ako sa mga ganyan!" Wika nito na kinalaki ng mata ko masyado atang feeling ang isang ito kaya naman naitulak ko ito bahagya. "Hoyy! lalaki magtigil ka d'yan huh! Akala mo lang 'yon. Lakas ng tiwala sa sarili huh! hmm!" Naka simangot kung wika dito tumawa naman ito at bigla akong niyakap ng mahigpit.Napangiti naman ako agad gumanti na din ako ng yakap dito.Napadalangin ako at nagpasalamat sa panginoon dahil naging Okey na ito. "Ahemm! Mukhang may nais pa kayong gawin maiwan ko na muna kayo Byeee Selena!" Talagang mapang asar itong si Ted buti lumabas na ito. "Sorry! baby, 'di kita mapagbibigyan ngayon eh! masakit pa sugat ko!" Naguluhan ako sa sinabi nito. "Anong? I mean, Ano bang sinasabi mo D'yan!" Ngumisi lang ito sa akin na parang nang aakit kaya na gets ko na agad ang gusto nitong ipahiwatig. "Hoyyy! lalaki ka ang dumi ng isip mo nagpapaniwala ka pati sa kaibigan mong 'yon, Oo alam ko na mag kaibigan pala kayo dalawa.Hmm,, sige na magpahinga ka na lalabas na ako. Mukhang Okey na Okey ka naman pala ehh!" Tumalikod na ako dito bigla naman ako nitong hinigit pabalik. "Total! andito ka na din naman Baby, dito ka na matulog pero bago tayo matulog pakain muna!" Nanlaki ang mata ko sa sinabi nito ang bastos talaga ng lalaking ito kaya naman nahampas ko ito at 'di ko sinasadyang sa braso ko ito nahampas sa may sugat pa niya mismo. Kaya naman napangiwi ito. "Hala! Sorry! sorry! ikaw kasi eh. Ang bastos mo kung anu-ano sinasabi mo may sugat ka na nga ang Hilig mo pa!" Tumingin ito sa akin na may pagtataka. "Whattt?! Ano bang sinasabi mong bastos! Sabi ko pakainin mo muna ako dahil 'di ko magagalaw ang kanang braso ko. Isa pa 'di ka pa din kumakain 'di ba?" Bigla ako nahiya sa sarili ko mali pala ang nasa isipan ko. "Ano ba 'yan Selena, kung anu-ano iniisip mo nakakahiya ka.Assuming ka nanaman ate girl." Bulong ng kabilang isip ko kaya naman nakagat ko na lamang ang ibabang labi ko. Kinuha nito ang telepono at may tinawagan maya maya pa mag nag akyat na nang pagkain sa kwarto nito at tinulungan ko itong makakain para akong may batang sinusubuan.Nakatingin lang naman ito sa akin habang pinapakain ko siya medyo naiilang na ako sa paraan ng pagtingin nito sa akin. "HUWAGG!!!!!!!!" Napabangon ako ng bigla sumigaw si Tristan.Magkatabi kaming natulog nito binuhay ko ang lampshade na katabi ko pawisang pawisan ito. Pupunasan ko sana ito ng pawis ng bigla nitong iwinaksi ang kamay ko na pinagtaka ko. "Teka! lang! pupunasan kita pawis na pawis ka na." "LABAS!" Wika nito sa galit na tono.Bigla ako nalito,Mukhang iba nanaman ang mood nito sa akin. "H-huh! Ano nanaman ba ito. Ano ba kasi napanaginipan mo at napasigaw ka pa!" Nakita kong gumalaw ang panga nito kasabay ng pagpiga nito sa kumot.Parang galit na galit ito na 'di ko malaman hahawakan ko sana ito muli ng magtaas nanaman ito ng Boses. "I SAID LEAVE ME ALONE!!!! LUMABAS KA SA KWARTO KO BABAE KA LABAS!!" Nagtataka ako tumayo nilingon ko pa ito. Seryoso ang mukha nito at alam kong galit ito sa kadahilanang 'di ko rin alam. Lumabas na lang ako baka gusto nito mapag isa. --- Napanaginipan ko nanaman ang mukhang na hayop na Henry Madison na 'yon. Kung paano niya pinatay ang mga magulang ko at hanggang ngayon 'di ko pa rin mahanap ang kakambal ko ang lahat ng ito ay kasalan ng Ama mo Selena.Nang dahil sa Ama mo nawalan ako ng pamilya,Malapit ko nang tapusin ang larong ito malapit ko nang kunin ang buhay ng Ama mo Selena. "Hayop ka Madison!.." Wika ko sa aking sarili 'di ko na nagawa makatulog pa muli.Maya maya nag ring ang cellphone ko at agad ko itong sinagot. --- "Ohh! Selena? gising ka na pala tinanghali ka ata ahh" "Ahhh! Oo 'di kasi ako nakatulog si Tristan ba lumabas na kumain na ba siya?" Wika ko dito na kumakain na rin. Tumingin lamang ito sa akin 'di nito sinagot ang tanong ko kaya umupo na lang din ako sa harap nito baka tulog pa ang lalaking iyon. "Ted! Dadalhan ko muna ng pagkain si Tristan huh!" Tatayo pa lamang sana ako ng bigla tumayo ito at pinigilan ako makatayo tiningnan ko ito na may pagtataka. "Bakit may problema ba? hmmm! ayan ka nanaman huh! pag ti-tripan mo nanaman akong lalaki ka. Naku pag ako napuno sayo uupakan na talaga kita." Pabiro kung wika dito pero seryoso talaga ang Mukha nito. " Ahhh! Ano kasi Selena,umalis siya kaninang madaling araw bumalik na siya ng pilipinas." Ganoon na lang ang pagka gulat ko ng marinig ang sinabi nito bakit 'di man lang nagpaalam o nagsabi ang lalaking iyon. "Pe-pero ba-bakit? Biglaan naman ata 'di man lang siya nagpaalam sa akin I-i mean. Ahh! paano na ako susunod ba tayo sa kanya." 'Di ito umimik umiling iling lang ito. "Sige! Selena, pag may kailangan ka sabihan mo lang ako huh!" Wika nito at tuluyan na itong tumalikod sa akin napabalik na lang ako ng upo.Hindi ko maisip kong bakit ito umalis bigla ng 'di man lang nagpaalam sa akin kung minsan magulo din talaga ang lalaking iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD