CHAPTER 18

1669 Words
Selena POV "Ms.Selena, Magbihis na daw po kayo ng maayos na damit sabi ni Boss!" Napatingin ako sa suot kung damit maayos naman ang suot ko ahh...baliw ba ang lalaking 'yun. "Bakit maayos naman ang suot ko ahh! Syaka isa pa wala akong ibang damit na dala pakisabi d'yan sa boss mong 'yan! .Wag siyang nakikiilam sa akin sige na makaaalis kana gusto ko makapag isa." Naiinis ako sa lalaking 'yun pati pananamit ko ay pinakikiilaman,nasungitan ko tuloy ang taohan nito.Maya maya pa bumalik ang taohan nito. "Ma'am parang awa niyo na magpalit na po kayo ng damit lalabas po kayo ni boss at ayaw niya ng suot niyo kaya kung maari po magpalit na po kayo." Inismidan ko ito nakapamayawang pa ako habang nakataas ang isang kilay. "Ehh! Paano kung ayaw ko may magagawa ba 'yang kupal mong Boss!" Lumungkot ang mukha nito sabay tungo. "Ma'am sundin niyo na lang po si Boss. kami po kasi ang pagbabalingan ng galit noon maawa po kayo sa amin, sabi niya kasi pag 'di pa daw po kayo bumaba sa loob ng limang minuto.Ipapalapa daw niya ako sa mga alaga niyang malalaking aso. Ma"am maawa po kayo sa akin nakasalalay po ang buhay ko sa inyo." Malungkot nitong sagot sa akin napamaang ako totoo ba ang sinasabi nito pero nang maalala ko kung paano binanatan ni Tristan ang isang taohan nito ng dahil lang sa naakbayan ako nito baka ipalapa nga nito ang kawawang taohan niyang ito sa mga alaga nito.Kaya naman ayaw ko man sundin ang mokong na 'yon napilitan na din ako. "Sige, na sabihin mo sa kanya! kupal siya!" Wika ko dito at agad nitong sinaraduhan ang pinto at ako naman ay mabilis na nagpalit ng damit.Buti na lang talaga may damit sa closet na ito,pero nagtaka ako kung bakit may mga damit na pang babae dito 'di kaya sa babae nito ang mga damit na ito nakaramdam ako ng pagka inis sa lalaking iyon kaya naman sa inis ko sinuot ko na lang muli ang dress na suot ko noong dumating kami dito. --- "Ano Ted!? baba na daw ba siya!" "Gago ka talaga Tristan!? ginawa mo pa akong utusan sa gwapo kung ito ginawa mo pa akong utusan. Teka sino ba ang babaeng 'yon." Tinawagan ko si Ted ang matalik kung kaibigan nang mawala si Zedrick ito na ang tinuring kung kapatid dito sa Colombia ito naninirahan. Kailangan ko ito para magbantay kay Selena, pag wala ako. Wala akong ibang pagkakatiwalaan sa babaeng 'yon kundi ito lang. "Wag ka na madaming tanong. Ano?napapayag mo ba siyang magpalit ng suot niya?" Tumawa ito at alam ko na ang ginawa nito paraan para lamang mapapayag si Selena.Ngayong alam na nito na ako ang kumidnap sakanya alam kong magiging matigas ito ngayon sa akin. "Gago ka! may pa-drama drama pa ako para lang mapasunod ang babaeng 'yon.Sabi nga pala niya Kupal ka daw!! hahahhahaha!" Napatingin ako dito ng masama na kinatawa pa lalo ng gongong na si Ted. "Hahaha. Dude! mukhang nakahanap ka ng katapat ahh! Mukang matapang ang isang 'yon. Sino ba talaga 'yon Tristan?" 'Di ko pinansin ang tanong nito bagkus iniba ko ang usapan. Ayaw ko mabago ang pagtingin nito kay Selena pag nalaman nitong ang Ama nito ay si Henry Madison, dahil alam ni Ted ang nangyari sa akin simula bata ako. Matindi din ang galit nito kay Henry Madison at ayaw kong pagbuntunan nito si Selena, ewan ko pero unti unti nababago ang pagtingin ko kay Selena. "So! ano nga ang ginawa mo para mapapayag mo siya?" Tumingin ito sa akin sabay upo sa pang isahang silya itinaas pa nito ang mga paa sa lamesa. "Well sabi ko ipapalapa mo ako sa mga alaga mong malalaking aso. Ayon naniwala naman siya hahaha as if naman may mga alaga kang aso dito eh takot ka nga sa aso hahahaha" Binato ko ito ng susi na hawak ko. "Ohh! bakit wala naman ako sinabi ahh! Hindi ko naman sinabi ang dahilan kung bakit ka takot sa aso.Hindi ko naman sinabi na muntik ka na makagat ng aso sa puwet noong sampong taon pa lang tayo ikaw naman! hahahahaha." Sa inis ko u-undayan ko sana ito ng suntok ng biglang may pumigil sa akin at ng lingunin ko si Selena iyon. Suot nito ang damit niya nang dumating kami dito. "Ohhh! Ano nanaman gagawin mo ikaw na lalaki ka wala ka na ba alam gawin kundi manakit. Ito na nga ako nakapagpalit na tapos uupakan mo pa rin ang taohan mo! Anong klase ka ba huh!? Ang sama mo talaga lalaki ka!" Napamaang ako sa bilis ng pagsasalita nito at ang loko kung kaibigan tatawa tawa sa akin,nang tumingin bigla si Selena dito bigla itong nag paawa napakagaling talaga nito pag dating sa pag arte. "Haissttt! sumunod ka sa akin sa labas aalis tayo!" Tanging nasabi ko na lamang dito.Agad naman itong sumunod ng lingunin ko si Ted binilatan pa ako nito pasalamat ito dumating si Selena kundi baka nasapak ko na ito ng isa. --- "Saan mo ba kasi ako dadalhin huh! Tristan!?." Kanina pa 'di umiimik ang lalaking ito mukang bad mood nanaman ito katabi ko ito sa upuan habang ang lalaki kanina na uupakan nito ang nagmamaneho. "Wag ka na madaming tanong,syaka bakit 'yan nanaman ang suot mo huh!" Pinanlakihan ko ito ng mata baliw ba ito sabi nito magpalit ako ngayon nagpalit na ako tatanungin pa ako nito. "Hoyy! lalaki ka sabi mo magpalit ako 'di ba pinagloloko mo ba talaga ako huh!" Humarap ito sa akin. "Oo sinabi ko magpalit ka pero 'di ko sinabing 'yan ulit ang isuot mo. Madumi na 'yan may mga damit doon sa kwarto mo 'di ba? Bakit 'di ka na lang namili ng maayos doon." Sinimangutan ko ito saka humalukipkip 'di na lang ako nagsalita dahil naiinis akong isipin na may ibang babae ito tinira sa bahay na iyon at siguro special ang babaeng 'yon para magkaroon ng sarili kwarto at mga magagandang damit sa bahay nito. "Ohh! nawala na ba ang dila mo gusto mo palabasin ko!" 'Di pa rin ako nagsalita mukang napipikon na ito dahil napahawak na ito sa batok niya.Maya maya pa hinawakan ako nito sa braso. "Ano ba?! magsalita ka!" Sa inis ko tinanggal ko ang kamay nito sa braso ko saka ito tiningnan ng masama. "BALIW KA BA LALAKI KA HUH? IPAPASUOT MO TALAGA SA AKIN ANG DAMIT NG BABAE MO! GAGO KA BA TALAGA HUH!!! HAIST!! NAKAKAINIS!!" Sa inis ko tinalikuran ko na lang ito at nag focus na lang ako sa pagtingin ng view sa labas.Mukhang natigilan naman ito sa sinabi ko at huli na nang ma-realize ko ang sinabi ko. "Ang Gaga ko talaga! Bakit ko 'yun sinabi baka isipin nitong nagseselos ako o kaya may gusto ako sakanya. Haist! Selena,Ang Gaga mo talaga." Bulong ko sa aking isipan sabay kagat ko sa ibabang labi ko. "Haha! Nagseselos ka ba baby?" 'Di ko ito pinansin at nag tulog tulogan na lamang ako bahala na siya mag isip. "Selena! Ano ba alam ko gising ka,sagutin mo ang tanong ko Hoy!! Ano ba!" Talagang makulit ang lalaking ito kaya naman humilikhilik pa ako para maniwala lang ito pero 'di pa rin ako nito tinantanan.Narinig ko na lang na nagsalita ang driver nito. "Ma'am magsalita ka na po ohh! baka ako ang upakan ni Boss ehh!" Napamulat ako ng mata at tiningnan ko ng masama si Tristan na ngayon ay nakahawak sa damit ng driver namin isip bata ata ang gagong ito. "Ano ba Tristan! napaka childish mo bitiwan mo nga siya mamaya maaksidente pa tayo niyan eh." Agad naman nitong sinunod ang sinabi ko. "So! Ano sasagutin mo na ba ang tanong ko!" Inirapan ko ito sabay tingin muli sa bintana.Ano ba ang dapat kung isagot sa tanong nito 'di naman ako nagseselos at never ako magkakagusto sa lalaking kumidnap sa akin at inilayo pa ako sa aking pamilya. "Pwede ba Tristan! kung iniisip mong nagseselos ako nagkakamali ka 'di lang ako sanay nang nagsusuot ng damit na 'di sa akin okey! Siyaka sino ka ba para magustuhan ko isa pa may boyfriend na ako remember at miss na miss ko na si Winston.Siguro nag aalala na ito sa akin.!" Wika ko dito nagdilim bigla ang mukha nito na lihim kong kinatawa. "Haist! Winston! miss na miss na kita sana magkita na tayo muli-" Di ko na naituloy pa ang ibang sasabihin ko ng tumigil ang kotse sinasakyan namin at nauna nang lumabas si Tristan.ibinarog pa nito ang pinto ng sasakyan. "Ma'am tara na po sa loob!" Napatingin ako sa isang malaking mall na nasa harapan ko ngayon.Sumunod ako kay Tristan at nasa likod ko naman ang driver nito. "Ahh! kuya Driver! Bakit? wala atang ibang tao sa mall na ito ano bang gagawin natin dito muka namang sarado pa ito." Lumapit ito sa akin ng bahagya.Sinabayan ako nitong maglakad habang si Tristan ay sinusundan namin may kausap ito sa telepono niya kaya 'di niya kami pansin ng driver niya. Mabuti na 'yon dahil baka mamaya tupakin nanaman ito at bigla na lang saktan ang kawawang driver na ito. Gwapo pa naman ito at 'di halatang driver. "Ahh! Ma'am kasi pinalabas ni Boss ang mga tao sa loob ng mall kanina bago tayo pumunta dito." Nanlaki ang mata ko totoo ba ang narinig ko pinalabas niya ang mga tao sa mall baliw ba talaga ang isang 'yun. "Huh! pero bakit naman niya ginawa 'yon? Sino naman siya para gawin 'yon daig pa niya, siya ang may ari ng mall na ito ahh!grabe! huh! Ang sama talaga ng taong 'yan!" Ngumiti ang driver nito sa akin. "Ma'am kanya nga po ang mall na 'yan." Pagkasabi nito noon, nasamid nanaman ako ng sarili kung laway.Nalula ako bigla sa sinabi nito napaka yaman ba talaga ng lalaki ito para mag may ari ng ganitong kalaking mall. "Halika na sa loob Ma'am mamimili pa kayo ni Boss ng mga gamit niyo ehh." Wika nito at inalalayan na ako pagpasok sa loob ng mall.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD