CHAPTER 17

1570 Words
Selena POV "Ano ba Tristan?! Ibalik muna ako sa mga magulang ko!.Ano ba talagang kailangan mo sa akin huh?!" Nandito kami ngayon sa isang Napakagandang bahay, puro lalaki pa rin ang kasama namin sa bahay na ito.At naririnig kong tinatawag ng mga lalaking ito si Tristan na Boss sa pilipinas Boss din ang tawag ng ibang taohan niya. Sino ba talaga ang lalaking ito. Bakit ang dami niyang mga taohan. "Dalhin niyo na siya sa kwarto niya!" Wika nito sa isang taohan niya.Agad naman lumapit ang lalaki sa akin hinawakan ako nito sa braso at inakbayan ako nito.Maya maya pa nagulat na lang ako na nasa sahig na ang lalaking kanina lang na may hawak sa akin.Napahawak ako sa aking bibig ng makitang may dugo ito sa labi. "Sinong nagsabi sayo na akbayan mo siya huh! Gusto mo bang tapusin ko na ang buhay mo ngayon din!!" Galit na wika ni Tristan, 'di ako makapaniwala sa sinabi nito at ginawa nito sa lalaki. Agad naman yumuko ang lalaki. "I'm sorry Boss!! 'Di na po mauulit." Wika ng lalaki lumapit sa akin. Si Tristan naman ay inakbayan ako,Halos hindi ako makagalaw dahil gulat pa rin ako sa ginawa nito. "Umalis ka sa harapan ko!ALIS!!" Dumadagundong ang boses nito sa buong bahay.Ganito pala magalit ang lalaking ito bigla ako natakot dito.Maya maya pa dinala ako nito sa isang kwarto maganda ang kwartong ito maliwanag at may iilang painting ang nakasabit dito. "Magpahinga ka na muna baby! Ipapatawag na lang kita pag nakahanda na ang pagkain." Akmang hahalikan ako nito,pero umatras ako na pinagtaka naman nito. Salubong ang kilay nitong nakatingin sa akin. "Bakit mo 'yun ginawa huh?!" "Ano? anong ginawa ko?!" Lumapit ito sa akin at umatras ulit ako, ngumisi naman ito sa akin. "Alin yung kanina, gusto kong malaman mo na pag aari na kita ngayon at ayaw kong may ibang hahawak sa iyo. Naiintindihan mo ba Baby?" Pinagtaasan ko ito ng kilay habang lumalapit dito nakatayo lang ito at nakatitig sa akin. "At sino ka naman sa tingin mo para sabihan mo ako na pag mamay ari mo!Nahihibang ka na ba huh Tristan!. Wala kang pakiilam kong may ibang lalaki ang humawak sa akin dahil 'di mo ako pag mamay ari tandaan mo 'yan!" Wika ko dito nagsukatan pa kami ng tingin at wala ni isa sa amin ang bumitaw maya maya pa nagulat na lang ako ng itulak ako nito sa kama.At saka ako siniil ng halik nagpupumiglas ako dito dahil ayaw ko nang may mamagitan pa sa aming dalawa.Maya maya pa nasampal ko ito ng malakas napabaling ang mukha nito sa lakas ng pagkakasampal ko dito. Tumingin ito sa akin sabay hawak sa panga ko medyo madiin iyon pero 'di ako nagpatalo dito. "Akin ka lang Selena!, uulitin ko pag mamay ari na kitaat kaya kung pumatay pag may humawak o kumuha sa pag mamay ari ko!" Pagkasabi nito ay binitiwan na ako nito,lumabas na ito ng silid at naiwan akong nag iisip. Hindi ko alam kong bakit nito lagi sinasabing pag mamay ari na niya ako. Ano bang kasalanan ang ginawa ko dito para gawin niya sa akin ang ganitong bagay. "Ms.Lumabas na daw po kayo sabi ni Boss." Nilingon ko ang lalaking nasa pintuan. "Bakit? Asan ba ang kupal mong boss?!" Wika ko dito natawa naman ito sa sinabi ko pero bigla din itong sumeryoso ng mukha. "Ah! Ms. nasa dining na po si Boss inaantay kayo." "Sige sabihin mo susunod na ako!" Pagkaalis nito ay dalian ako pumunta sa isang closet nakita kung may ilang dress doon. Kumuha ako ng isang kulay Gold na dress mukang kasya iyon sa akin at ng isuot ko nga ay parang isinukat sa akin backless ito kita ang buong likod at pa V naman sa harap kaya labas ng bahagya ang aking dibdib.Tingnan ko lang kung 'di maglaway ang Gagong Tristan na iyon. Lalo ko itong aasarin naisip kong 'di dapat ako magpatalo sa lalaking iyon. --- " 'Di ba sinabi ko sayo na pababain muna siya huh!" Narinig ko ang boses ni Tristan mukang Highblood na naman ito. "Ehh! Boss, sabi niya susun-" Natigilan ang taohan ko sa pagsasalita. Napatingin ako sa tinitingnan nito at nakita ko si Selena naka gold na dress ito na hapit na hapit sa kanya.Nakataas din ang buhok nito at lalo yung nagpa sexy dito.Umupo ito sa harapan ko 'di ko maalis ang mata ko dito at napansin kong ang mga taohan ko ay nakatitig din kay Selena. Kaya nag init bigla ang ulo ko naihampas ko ang hawak kung kutsara na kinagulat ng lahat. "Lumabas na kayong lahat! LABAS!!" Wika ko sa mga taohan ko at nagtaka pa ako kung bakit pati si Selena ay tumayo at akmang lalabas. Napataas ako ng kilay dito. "Saan ka pupunta?! Selena?!" Lumingon ito sa akin at bahagyang nakabuka pa ang bibig nito.Ewan ko pero para akong nag init sa ginawa niyang 'yun.Napatikhim tuloy ako bigla. " 'Di ba sabi mo lumabas kaming lahat. Eh! 'di lumabas mag isa kang kumain d'yan!" Akmang tatalikod na sana muli ito ng pigilan ko iniinis ata ako ng babaeng ito ahh. "UPO!! UMUPO KA DIYAN AT KUMAIN!" Ma awtoridad kung wika dito agad naman itong sumunod sa sinabi ko habang kumakain kami napapatingin ako sa pagsubo nito ng saging. Bakit ganoon ito kumain ng saging feel na feel niya ang pagsubo. Naramdaman ko na lang na unti unti ng nagagalit ang alaga ko. "hmmmmmm! Ang sarap naman ng saging na ito ang laki laki pa. hmmmm! yummy!" Napalumod ako ng sunod sunod sa ginawa nitong pagkain sa saging. Unti unti na din nag iinit ang katawan ko at galit na galit na ang alaga ko. --- Ganyan nga Tristan halatang halata na sa mukha nito na nag iinit na ito panay na din ang paglunok nito at palihim itong tumitingin sa akin. Kaya naman lalo ko pa itong inasar nilandian ko pa ang pagsubo sa saging at nakita kong 'di na ito mapakali. "Wow! Sausage! favorite ko ito hmmm!! Another Yummy!" Dinilaan ko ang sauce ng Sausage sabay kagat dito with feelings.Totoo masarap ang pagkaing ito kaya nagustuhan ko.Nakita kung nagpunas ng pawis si Tristan na kinangisi ko. Ngayon alam ko na ang kahinaan ng lalaking ito. --- Bwesit na babae ito, bakit ganoon siya kumain ng Sausage dinilaan pa nito ang sauce. Hindi niya ba alam na lalo lang niyang ginagalit ang alaga ko na ngayon ay parang puputok na sa sobrang galit.Ang sexy niya kumain ng sausage maya maya pa 'di na ako nakatiis. lumapit ako dito at alam kong napatingin ito sa alaga ko at nakita ko ang pagka gulat sa mukha nito na saglit din nawala. "Sele-" 'Di ko na naituloy pa ang sasabihin ko ng bigla itong tumayo at tumalikod sa akin. "Magpapahangin lang muna ako doon Tristan. Tapusin muna ang pagkain mo mukang 'di ka pa nakakain ng maayos ehh!" Wika nito sa akin napamura ako ng lihim 'di ko na ito pinigilan pa hinayaan ko na lang ito pumunta sa garden at ako naman ay pumunta sa kwarto ko. "Humanda ka sa akin mamaya Selena. Sisiguraduhin kong 'di ka makakatulog." Naibulong ko sa aking sarili habang nag sho-shower. Kailangan ko mag shower para mawala ang init na nararamdaman ko ngayon ng dahil sa babaeng iyon. Walang ibang nagparamdam sa akin ng ganito kundi si Selena lamang. Noon kahit makakita ako ng mga babaeng nakahubad o nang aakit sa akin. wala ako maramdaman. Pero pag kay selena kusang nabubuhay ang alaga kosa babaeng iyon lamang ito nabubuhay.Napatingin ako sa alaga ko na ngayon ay galit pa rin napailing na lang ako.kailangan ko muna siguro gamitin si Maria Palad. --- Buti na lang nilubayan ako ng lalaking 'yun natatawa talaga ako sa reaction ng mukha nito kanina halatang gustong gusto na ako nitong sunggaban pero sorry siya wala nang mamagitan sa amin simula ngayon. "Pero, paano na ang plano ko ngayon." Wika ko sa aking sarili habang nagtitingin sa mga magagandang halaman na nandito sa Garden. Paano na nga ba ang plano ko, paano pa ako makakatakas sa puder ng Tristan na 'yun.Napabuntong hininga na lamang ako naisip ko ang aking mga magulang paniguradong nag aalala na sila sa akin. "Ano yun?!" Napatingin ako sa labas ng bahay may isang lalaking naka puti ang kumuha ng picture sa akin ng nakita nitong napatingin ako dito agad itong sumakay ng motor at dali daling umalis.Napailing na lang ako baka akala ko lang na ako ang pinipictureran noon baka itong bahay ang kinukuhaan ng lakaking 'yun. --- "Boss! dumating na ang kakambal mo at 'yan ang babaeng kasama niya!" "Magaling kung ganoon nandito na pala ang magaling kong kakambal.hmmmm!maganda ang Babaeng ito ahh... Mapapasa akin ka din Babae ka!" Matagal na panahon kung hinanap ang kapatid kung iniwan ako at 'di man lang ako nito hinanap. Kung 'di sana ako nito iniwan sa park para pumunta sa bahay namin hindi sana ako kukuhain ng mga masasamang taong 'yun. Buti na lang nakatakas ako sa mga 'yun.Nabalitaan ko na lang na namatay ang mga magulang namin. noong araw ding 'yon. "Magaling kang pipili mahal kong kapatid, pero sorry kapatid ko kukuhain ko sayo ang mahalagang babaeng 'yanpara maranasan mo ang maiwan mag isa!" Nakatingin ako sa babaeng nasa larawan maganda ito at sexy pipilitin kung kunin ang babaeng ito sa kapatid ko bilang ganti sa pag iwan nito sa akin at sa 'di nito paghahanap sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD