CHAPTER 21

1670 Words
Selena POV Isang linggo na ang nakakaraan pero wala pa din ako natatanggap na tawag mula kay Tristan.Naiinip na ako dito sa mansion niya pag tinatanong ko naman si Ted lagi nitong sinasabing busy ang lalaking 'yun sa mga business niya. Hindi ko na alam ang mararamdaman ko para akong laging maiiyak sa tuwing maalala ko ang lalaking 'yun. Basta basta na lamang ako nitong iniwan dito tapos 'di ko pa magawang tawagan ang magulang ko at mga kaibigan ko pinagbawalan ako nitong gumamit ng cellphone kung magkakaroon lang sana ako ng chance na makahawak ng cellphone matutulungan ako ni Daddy makaalis sa lugar na ito. "Dad! Mom! kumusta na kaya kayo? Alam ko nag aalala na kayo sa akin ng labis. I'm sorry po kung 'di ko magawa tumawag sa inyo.Nahihirapan na ako Daddy, Mommy! Ayaw ko na dito. tulungan niyo ako!" 'Di ko namalayang umiiyak nanaman ako madalas akong nagiging ma-drama bigla na lang ako umiiyak siguro na de-depress na ako. 'Di ko alam kung ano ang plano ni Tristan sa akin. Napahagulhol na lamang ako habang tinitingnan ang malawak na kalangitan. --- "Sorry!Selena! gusto man kita tulungan wala ako magagawa mas mahalaga ang kaibigan ko at ngayon nalaman kung anak ka ni Henry Madison.Ang taong pumatay sa magulang ng bestfriend ko. kahit ako'y 'di ko mapapatawad ang Ama mo. Ganoon na rin ikaw Selena, Okey na sana ikaw para sa kaibigan ko pero 'di ko hahayaan na umibig si Tristan sa isang Anak ng kriminal." Wika ko sa aking sarili habang pinagmamasdan ang umiiyak nanaman na si Selena. Lagi ko itong nakikitang malungkot at umiiyak na lamang bigla ng wala dahilan ng gabing magpaalam sa akin si Tristan inamin nitong anak si Selena ni Madison, kaya ganoon na lamang ang pagkamuhing naramdaman ko dito.Alam kung wala itong kasalanan sa ginawa ng kanyang Ama pero iisang dugo ang dumadaloy sa babaeng ito at sa Madison na iyon.Kaya simula ng malaman ko iyon dumistansya na ako dito at sinabihan ko si Tristan na tapusin na ang larong sinimulan niya. Kaya agad itong bumalik ng Pilipinas. Bukod doon nalalapit na ang kasal nito sa anak ng isa pang taong may kinalaman kung nasaan ang kakambal niyang si Zedrick.Kailangan niyang mapalapit kay Samson ito ang susi para makita niya ang kapatid niya. --- "Grabe! 'di ako makapaniwala Hailey, totoo ba si Ohh my Gosh! as in si Fafa Tristan Ashford. Ang magiging asawa mo. Ahhhhhh! Grabe! ang swerte mo naman." "Oo nga Mariz, eh imagine mapapangasawa ko ang dream boy ko. Grabe! 'di ako makapaniwala isipin ko pa lang na makakasama ko ito sa isang kama ahh! kinikilig ako!!" "Ano ba kayong dalawa ayan nanaman kayo e! 'di niyo ba ako talaga tutulungan hanapin si Selena. 'di ba kayo nag aalala sa kaibigan natin?" "Hoyy! Aprilyn, ikaw huh! ngayon ka na nga lang nagpakita tapos ganyan ka pa! panira ka ng moment alam mo baka nakipagtanan 'yan si Selena. Kasi kung nakidnapped siya 'di sana matagal ng humingi ng pera ang mga kumuha sakanya 'di ba wala naman natawag kila Tito Henry ?! hmmm!" "Kaya nga naman Aprilyn. Isang buwan at mahigit na ding wala balita kay Selena, baka nga nakipagtanan ito pero kanino wala naman siya Boyfriend." "Ohhh! saan ka pupunta Aprilyn.Ito talaga pikon nanaman." Iniwan ko sila Mariz at Hailey wala naman ako makukuhang impormasyon sakanila. Hindi rin ako matutulungan ng dalawang 'yun sa paghahanap kay Selena.Lalo na ngayon na busy ang dalawang 'yun sa nalalapit na kasal nila Hailey at ng Tristan Ashford na iyon.Kailangan ko mahanap Si Selena. --- "Huh! Ano Pero Paanong nangyari 'yun?! Henry! 'yon na lang ang tanging maipapamana natin sa anak mo bakit naman pati iyon ay ginawa mong collateral. Paano na ngayon sa isang linggo na pala ang duedate ng pagbabayad mo sa Ashford na iyon." Tama ang asawa ko 'di ko lubos maisip na mawawala na sa akin ang nag iisang Company na ipapamana ko sana sa aking anak na si Selena. Simula ng may sumabutahi sa mga transaction ko sunod sunod na ang kamalasan ang nangyari. At hanggang ngayon wala ako balita sa aking anak. Ginawa ko na ang lahat nang pwede kung gawin para makakuha ng impormasyon kung nasaan ito pero lagi akong bigo.Nauubos na ang natitira ko pang pera dahil sa paghahanap dito. "Ano na Henry?! 'Di ka ba nag iisip na tao ka huh! Paano na ngayon tayo saan tayo pupulutin ngayon sa maiksing panahon bigla na lamang tayong nalubog sa utang.." Wika ng asawa kong ngayon ay umiiyak na tama ito nalubog na kami sa utang. Hindi na din ako pinagkakatiwalaan ng kahit sinong makatransaction ko. Alam kong may gumagawa sa akin ng 'di maganda 'di ko lang matukoy kung sino ito. "Tumigil ka na Sweetheart, gagawan ko ng paraan ang lahat ng ito kung kailangan ko magmakaawa kay Tristan Ashford para lamang huwag muna nitong kunin ang company natin ay gagawin ko. Kaya tumigil ka na sa pag iyak mo. Makakaraos din tayo at mahahanap na din natin ang anak natin." Itinulak ako nito habang nagpapahid ng mga luha. " 'Yan na lamang ang lagi mong sinasabi ang mahahanap natin ang anak natin pero ano wala pa rin tayo balita kung ano na nangyari sa anak natin." Hahawakan ko sanang muli ito ng tumalikod ito sa akin.Alam kong nahihirapan na din ng sobra ang asawa ko pero wala ako magawa ultimo mga taohan ko ay unti unti na ako iniiwan. "Selena! Anak! sana ay ligtas ka kung nasaan ka man ngayon aking princess!" Pumatak ang luha ko 'di ko na napigilan pa ang pagpatak ng luhang kay tagal kong laging pinipigilan. "Mawala na sa akin ang lahat huwag ka lang Anak! 'di namin makakaya ng mommy mo!" --- "DADDY!!!!!!" Bigla ako napabangon napanaginipan ko si Dad na umiiyak parang totoong totoo iyon. Napakasakit sa kaloobang makita ang magulang mo pinakamamahal na umiiyak.Nagpunas ako ng pawis sa noo maya maya nakaramdam ako ng pagsakit ng sikmura para akong masusuka kaya naman dalian ako napatakbo sa c.r. --- "Selena?" Nandito ako sa kwarto ni Selena saktong napadaan ako dito ng marinig ko itong sumigaw. Kaya dalian ko binuksan ang pinto wala ito sa higaan niya nakita kung bukas ang Ilaw sa C.r tatalikod na sana ako ng marinig ko itong nagsusuka.Sinundan ko ito at nagkomperma kung nagsusuka nga ito. "Are you okey Selena?" Lumingon ito sa akin maya maya ngpunas na ito ng kanyang bibig. "Huh, ahmm, Oo naman bigla lang ako sinikmura lagi naman ako ganito tuwing umaga minsan nga nahihilo na lang ako kaya tinatanghali na ako ng bangon nawawala din naman kaya baka wala lang ito." Pagkasabi noon bigla ako napaisip imposible buntis ito sa anak ni Tristan. Kailangan ko makompirma kung totoong nagdadalang tao ito sa anak nila ni Tristan at kung buntis nga ito 'di ako makakapayag na malaman ito ng kaibigan ko. Ang batang dinadala nito ay isang apo ng kriminal at alam kung kamumuhian din ito mismo ni Tristan. "Ahh,Selena. Gusto mo dalhin kita sa Ospital para makapag pa check up ka?" Wika ko dito ngumiti lang ito sa akin napansin kung nangingitim na ang ilalim ng mata nito marahil lagi itong puyat at isama pang lagi itong umiiyak. "Huh, Wag na okey lang ako. See wala na may time lang talaga na nagsusuka ako pero nawawala din matutulog na siguro muna ulit ako Ted." "Pero Selena, Kailangan mong magpatingin magbihis ka at isasama kita pupunta tayong ospital para matingnan ka." Mabuti na lamang pumayag na din ito. Habang nasa byahe kami nagtulog lang si Selena kaya lalong lumakas ang kutob kung baka buntis nga ito.Pagkarating namin ng ospital ginising ko na ito at agad naman kami inasikaso ng kaibigan namin ni Tristan na isang Doctora. "TED, Congrats. She is six weeks pregnant. Well normal lang ang mga sinabi mo sa akin yung pagsusuka pagkahilo normal lahat 'yun nasa first trimester pa kasi siya." Wika ng kaibigan naming Doctora. Tama nga ako sa kutob ko 'di ito pwedeng malaman ni Tristan baka masira ang plano nito sa paghihiganti sa Ama ni Selena. "Teka nga? Ikaw huh ang lihim muna.Bakit 'di mo sinabi sa akin na may kasintahan ka na. Alam ba ito ni Tristan naku mababatukan ka ng isang 'yun." Ngumiti ako dito para 'di ito makahalata. "Haha. Ano ka ba Faith syempre alam noon bestfriend ko 'yun 'di ba? Kaya lahat alam noon. So paano, Salamat aalis na kami huh. Puntahan ko lang si Selena sa kwarto niya." Wika ko dito tumayo ito at balak pa ata sumama sa akin.Pinigilan ko na lamang ito baka mamaya masabi pa nito kay Selena ang sitwasyon niya. "Ako na lang ang pupunta sa kwarto ni Selena. Mukha madami ka pa pasyente sa labas ehh. Sige na Byee! Saka na ang bayad huh." Wika ko dito binato pa ako nito ng hawak niyang ballpen na kinangisi ko. "Kayo talagang dalawa ni Tristan saksakan ng kuripot. Haha, sige na lumayas ka na at baka masapok pa kita. " Ang tagal naman ata ni Ted nagugutom na ako 'di man lang ako nito ibinili ng pagkain. Loko talaga ang isang 'yun pero nakakapagtaka dahil ngayon lang ulit ito naging concern sa akin. Ramdam ko kasing simula ng umalis si Tristan naging malamig ang pakikitungo nito sa akin inisip ko na lang na baka pinagbawalan ito ni Tristan na lumapit at makipag usap sa akin. "Ready ka na ba Selena. Kailangan na nating umuwi sabi ng Doctor okey ka naman daw. Kulang ka lang daw sa pagkain ng mga masusustansyang pagkain. Kaya ka siguro sinisikmura. Ano tara na?" Wika ni Ted habang inaalalayan akong bumaba ng kama ito lang ang nakipag usap sa Doctor.Hinayaan ko na lamang ito dahil wala ako sa mood para makinig sa kung ano sasabihin ng doctor sa akin. Alam ko naman na okey lang ako eh. "Sabi ko naman sayo okey lang ako.ahh, Ted. Kasi ano, ahmm." "Ano 'yun Selena?" "Ahh, pwede ba dumaan tayo sa isang restauran muna kasi nagugutom na ako ehh." Tumango-tango naman agad ito na kinangiti ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD