CHAPTER 4

1731 Words
Selene POV "Ohh! My Gosh girl!! Sikat na sikat ka huh." Ano ba itong sinabi ni Aprilyn napanood din siguro nito ang balita kagabi. "Anong sikat ka d'yan muntikan na nga ako matamaan ng bala ng baril na 'yun ehh,buti na lang Aprilyn sa mannequin 'yun tumama kung hindi baka patay na ako ngayon." Napaisip ako bigla baka ako nga talaga ang target ng mga namamaril na 'yun kanina sa mall. Buti na lang may isang lalaki ang nagligtas sa akin, Sino kaya ang lalaking 'yun para nahahawig ang tindigan nito sa lalaking nagligtas din sa akin sa bar. Hindi kaya iisa lang ang lalaki sa bar at yong lalaki sa mall tinapik ako ni Aprilyn kaya naman napatingin ako dito na nakakunot ang noo. "Ohh, bakit ganyan ang itsura mo Selena? may problema ba? Parang bigla ka kasi natahimik ehh." "Huh, wala naisip ko lang 'yung lalaki nagligtas sa akin sa mall. " Bigla lumapit sa akin si Aprilyn na ngayon ay ang lawak na ng ngiti. "Hmmmm! Teka! Teka! nga aber! Sino 'yang lalaking 'yan huh! hmm! Selena, parang naglilihim ka na ata sa akin ngayon huh. " hindi ko ito pinansin habang natatawa ako sa itsura ng kaibigan ko. Si Aprilyn ang pinaka bestfriend ko sa tatlo kung kaibigan kapatid na ang turing ko dito dahil wala rin naman ako kapatid kaya naman ito na ang itinuring kong kapatid. "Haist, sana nga kilala ko ang lalaking 'yun dalawa beses na niya ako inililigtas pero ni mukha ng lalaking 'yun bigo ako makita. Haist! sayang mukha pa naman gwapo ang lalaki na 'yun." Wika ko kay Aprilyn, parehas pa kaming nakahalumbaba. Maya maya dumating ang dalawa naming kaibigang si Hailey at Mariz. Hindi ko pinansin si Hailey mukha nakahalata naman ito kaya lumapit ito sa akin. "Friend, Sorry na! wag ka na magalit. Selena, Sorry na talaga masyado kasi itong dila ko minsan walang preno talaga ehh." Wika nito habang nakanguso pa natawa naman ako sa itsura nito 'di kasi bagay dito ang mag paawa dahil sa taray ng mukha nito mas bagay dito ang pagiging maldita. "Selena, naman e! tinatawanan mo pa ako nag so-sorry na nga ehh! Aalis na nga lang ako." Natawa ako lalo. Ang arte din talaga nang isang ito, hinigit ko ito at niyakap at yumakap din naman ito sa akin ng mahigpit at nag tawanan ang dalawa ko pang kaibigan na nakatingin lamang sa amin. "Ang Drama niyo namang dalawa maigi pa mag Starbucks na lang tayo tara!" Wika ni Mariz,na agad nang pumunta sa parteng pintuan ng opisina ko. "Sige! sige! ako ang taya ngayon." Sagot naman ni Hailey. "Wee! 'di nga Hailey, baka lagnatin ka n'yan huh!" Pang aasar naman ni Mariz, kami naman ni Aprilyn ay natatawa na lang sa dalawa. Nag aasaran na naman ang mga ito at paniguradong may mapipikon nanaman sa dalawa mamaya. "Bakit? Sino,nagsabi kasama ka sa ililibre ko! si Selena at Aprilyn lang ililibre ko no!" Lalo pa kami nag tawanan ni Aprilyn sa sinabi ni Hailey sabay akbay naman ni Mariz kay Hailey na ngayon ay binobola na nito. Sabay sabay kami lumabas ng opisina para magpunta sa nasabing lugar. "Hey! Guys! alam niyo ba dumating na sa bansa si Tristan Ashford!" Wika ni Hailey na kinikilig kilig pa 'di ko kilala ang sinasabi nito kaya tuloy lang ako sa paghigup ng aking mainit na kape na inorder ko. "Hay! naku! Hailey, Huli ka na sa balita Ineng last week pa dumating si Tristan Ashford no!" Napataas naman ng kilay ni Hailey sa sinabi ni Mariz. "Teka! paano mo naman nalaman aber! kita mo kababalita lang kahapon eh! paano nangyari lastweek pa aber! aber! huh! Mariz!" Nakahalukipkip pang wika ni Hailey natatawa talaga ako sa dalawang ito parang mga bata napatingin naman ako kay Aprilyn na ngayon ay seryoso bigla ang mukha. "Hay! naku! May Dear, Hailey! nakasabay ko siya sa eroplano noh!. Syempre alam mo naman ang balita minsan 'di rin laging updated Ha.ha." Napasimangot si Hailey inawat ko na ang dalawa dahil baka magkapikunan na naman ang mga ito.Nagulat naman ako ng bigla masalita si Aprilyn. "Tigilan niyo na nga ang pag pa-patasya d'yan sa Ashford na 'yan. Nakakairita na kayong dalawa!" Sabay sabay kami napatingin kay Aprilyn na bigla na lang tumayo nagtungo ito sa Restroom ng wala man lang pasabi. "Anong problema ng isang 'yun?" Wika ni Hailey, Na napatulala sa inasta ni Aprilyn. "Ikaw kasi e! Ang ingay-ingay mo 'yan tuloy naiirita na si Ms. principal hahaha!" Wika naman ni Mariz Ms. Principal ang tawag nila kay Aprilyn dahil laging nakapulupot ang buhok nito at idagdag pang minsan ay nakasalamin ito dahil medyo malabo na ang kabilang mata nito. "Hoy! tigilan niyo na nga 'yan. Teka nga orderan ko ng Favorite coffee niya si Aprilyn." Nagtungo ako sa counter bago ko pa lang sasabihin ang order ko ng bigla nalang nag ingay at ng tilian ang mga tao sa coffee shop.Kaya naman napalingon ako kung sino artista ang dumating at ganoon na lamang ang pagka mangha ko ng makita ang isang gwapong lalaki maaladones ang pangangatawan sa suot nitong white V-nick na shirts na 'di maitatago ang walong abs nito. Samahan pa na ang angas ng mukha nito na bagay na bagay dito,nakatingin ito sa akin pakiramdam ko namula ng husto ang pisngi ko. Bakit ito nakatingin sa akin, Hinawi ko ang buhok kong bahagyang nakatakip sa mukha ko papalapit na ito sa akin at 'di ko maintindihan kung bakit ako parang kinabahan.Napaka attractive ng mga mata nito ang makapal na kilay ang malantik na mga pilik mata. Ang napakatangos na ilong at mapupula hugis puso nitong mga labi parang kay sarap halikan. "Excuse me! tapos ka na ba umorder?!baka pwedeng wag kang pahara hara sa daan!" Napakurap kurap ako ng mata nalintikan kaya pala ito nakatingin sa akin dahil nakaharang ako. Bigla ako nahiya sa katangahan kung taglay.Kaya naman tumabi na lang ako at nilampasan lang ako nito.Napasimangot ako gwapo na sana mukhang masama lang ang ugali kaya naman dali-dali na akong bumalik sa table namin hindi na ako na-ka-order ng kapeng para kay Aprilyn. "Hoy! Girl! Ang swerte mo naman nakaharap mo si Tristan AshFord, Girl sabihin mo nga mabango ba siya Ayeihhh! kinikilig ako!" Napasimangot ako sa sinabi ni Hailey, nilingon ko ang lalaking Supladong 'yon ito pala ang sinasabi ni Hailey at Mariz na Tristan Ashford. "Hay! naku! 'yan ba ang sinasabi niyo lalaki?sus! ang sama naman pala ng ugali ng lalaking 'yan akala mo kung sinong gwapo Grabe!!" Wika ko sa dalawa kung kaibigan na hanggang ngayon ay kinikilig pa rin napatingin naman ako sa upuan ni Aprilyn. Anong nangyari sa isang 'yun bakit hanggang ngayon ay 'di pa rin ito bumabalik. "Ahy! Naku! ganyan talaga Selena, pag super duper Rich noh! hahaha ang yaman yaman kaya niyang lalaking 'yan sa edad niyang twenty Eight aba ang dami ng negosyo at saksakan, idagdag pa na ang dami rin nitong mansion. Ang yaman kaya ng taong 'yan 'di lang dito sa atin bansa sa ibang bansa din pero aminin mo Girl makalaglag panty si Tristan Ashford 'di ba? hahaha" Parang nag da-day dream itong si Hailey, 'di ko na lang ito pinansin bigla naman itong napakaririt na pinagtaka ko. "Ohh! My Gosh Girl! nakatingin siya sayo Ohh Selena!" Napatingin ako sa dereksyon kung saan nakatingin si Hailey. Ano bang sinasabi nitong nakatingin e, Pintuan na lang ang nakita ko sa entrance. Bigla naman umupo sa harapan ko si Aprilyn mukha wala ito sa mood. "Aprilyn,Okey ka lang ba?." Wika ko dito tumango tango lang ito sa akin pero halata sa mukha nito na hindi siya talaga Okey. "Bakit ang tagal mo ata sa Restroom?" Tumingin ito sa akin ng walang emotion. Ano bang nangyayari sa isang ito. "Bwesit kasi may period ako, 'di ko alam na idadating na pala ng period ko ngayon." Lumapit ako dito kaya pala ito masungit kasi may buwanang dalaw agad kong hinubad ang blazer kung suot pinatindig ko ito at ako na ang naglagay ng blazer ko sa bewang nito para matakpan ang bahid ng dugo nito sa kanyang suot na skirt. "Mabuti pa bumalik na tayo sa opisina Aprilyn pwede ka na umuwi muna magpahinga ka na lang muna hirap mo pa naman pag may buwanang dalaw." Tumango tango lang ito sa sinabi ko kagaya ko pag nagkaka period ako minsan nilalagnat ako at matindi ang sakit ng puson ko kaya pinauwi ko na muna si Aprilyn sa condo niya. "Ms.Madison, 'di po kayo pwedeng pumasok may mahalagang bisita po ang Daddy niyo sa loob." Awat ni Grace sa akin ng akma kung pipihitin ang doorknob ng opisina ni Dad. "Huh? sino naman ang bisita ni Daddy, kailangan ko na kasi ng pirma niya dito eh! para masimulan na namin ang gagawing feeding program bukas ng umaga. Grace Madali lang ako sa loob okey." Mukhang nag alinlangan pa ito sa sinabi ko pero sa huli wala itong nagawa kaya naman dalian na ako sa pagpasok ng opisina kumatok muna ako bago buksan ang pinto.Mukha nagulat pa si Dad nang pumasok ako. "Dad! Sorry po sa abala kailangang kailangan ko lang ng pirma mo para ma-budgetan na itong project natin para sa feeding program para bukas." Sinenyasan naman ako nitong lumapit kaya lumapit ako. Hindi ko napansin ang kausap nito dahil 'di naman ako interesado kaya ganoon na lang ang pagka gulat ko ng ipakilala ito sa akin ni Dad. "Mr. Ashford, I'd like you to meet my daughter Selena Madison. Ang aking nag iisang anak na pinakamamahal." Tumayo pa ito mas mataas ito sa akin iniabot nito ang kamay sa akin tiningnan ko lang iyon akala ata nito 'di ko nakalimutan ang ginawa niya kanina sa akin sa coffee shop. Ang supladong lalaking ito akala mo kung sino mukhang nakahalata naman ito kaya binawi na nito ang kamay niya. "Ahh, Okey na po ba yung pinapipirmahan ko Dad? Salamat po aalis na ako!" Wika ko sa aking Ama na mukhang nagulat sa inasal ko tinalikuran ko na ang mga ito narinig ko pa nagsalita si Dad. "Mr.Ashford, pag pasensyahan muna ang aking anak 'di naman talaga 'yun suplada baka pagod lang sa trabaho hehehehe" Napataas ako ng kilay sa sinabi ni Dad kung malalaman lang niya na pinahiya ako ng lalaking 'yon kanina dami kaya nakarinig sa sinabi niya kanina sa akin na paharang harang daw ako sa daan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD