CHAPTER 5

1542 Words
Tristan POV "Mr.Ashford, hmm... alam mo Iho Familiar ang Surename mo parang narinig ko na 'yan before taga saan nga ang mga Ashford?" Napataas ako ng kilay sa sinabi ng matandang Madison na ito.Nagtagis ang mga bagang ko paano nga ba nito malilimutan ang ginawa niyang pag patay sa mga magulang ko.Ngumiti ako dito ng bigla itong tumingin sa akin. "Well, masyadong kilala ang pangalan ko 'di lang dito sa Pilipinas. bakit? Mr.Madison may kilala ka ba Ashford.?" Umiling iling ito habang bumubuga ng asok na galing sa kanyang sigarilyo. "Wala naman Mr.Ashford, baka narinig o nakita ko lang ang pangalan mo sa Mga magasin at Television.Anyway about sa offer mong malaking halaga hayaan mo at pag iisipan ko ang tungkol D'yan Mr.Ashford." Wika nito habang nag iisip pa rin ito kung saan niya narinig ang pangalan ko.Ashford ang Ginamit ko pangalan ang surename ng aking ina.Pumunta ako sa opisina nito para sabihin dito na handa ko siyang pahiramin ng malaking pera sa kondisyong gagawin niyang Collateral ang Company niya. Alam kong malaking halaga ang nawala dito kaya inalok ko ito ng malaking halaga na alam ko 'di niya matatanggihan ngunit mukhang nag da-dalawang isip pa ang matandang ito.Tumaas ng bahagya ang kabilang gilid ng aking labi sa aking naisip para mapapayag ko ang matandang ito. "Okey! Mr. Madison, pag isipan mo mabuti ang inaalok ko sayo." Tumalikod na ako dito habang napapangisi tingnan natin kung hanggang saan ang tibay mong matanda ka. --- Masyadong malaking halaga ang nawala sa negosyo ko dahil sa isang groupo hanggang ngayon ay 'di pa nakikilala ng mga taohan ko.Billiones ang nawala sa akin maganda ang offer ng Ashford na 'yun. Talagang makakatulong ang malaking halagang 'yun para makakuha muli ako ng panibagong Epektos.Ngunit ng sabihin nitong ang pinakaiingatan kung company ang gusto nitong maging collateral nag-dalawang isip ako matagal kung pinaghirapan palaguin ang company na ito gamit ang malinis na pera na 'di galing sa masamang gawain.Tanging ito lang ang maipapamana ko sa aking nag iisang Anak na si Selena. "Diego!Imbestigahan mo ang Ashford na 'yun balitaan mo agad ako once na makakuha ka ng information tungkol dito!" Wika ko sa aking mapagkakatiwalaang taohan na si Diego. Ito lang ang tanging pinagkakatiwalaan ko sa lahat ng bagay. "Masusunod Senador. May kailangan nga po pala kayo malaman alam ko na kung sino ang nag-traydor sa grupo natin Senador." Naihampas ko ang aking kamay sa lamesa ng sabihin nitong si Fredz ang naghudas sa akin ang isa sa maasahan kong taohan. Agad ako nagtungo sa lugar kung saan nandoon si Diego at Iba ko pang mga taohan. "Huwag niyong hahayaang makatakas ang Traydor na 'yan Diego! Ako ang pa-patay sa hayoooop na 'yan!!" Nanggagalaiti kung wika kay Diego lahat ng nag-ta-traydor sa akin ay pinapatay ko na agad para 'di na magkalat pa at pamarisan pa ng iba. "Masusunod Senador." --- "Hoy! Ang aga naman ata natin Selena!" Andito kami sa lugar kung saan kami mamimigay ng mga food pack sa mga tao kada ika tatlong buwan ay ginawa namin ang libreng pagpapakain sa ampunan, at sa mga Squatter area.Si Daddy ang nagpasimula ng ganitong programa matulungin ang aking Ama, sa mga mahihirap kaya naman madami ang nagmamahal dito kaya naman sobra ang paghanga at pagmamahal ko dito mabait ito at mapagmahal sa mga taong nangangailangan. Madali din itong lapitan kaya naman kilalang kilala ito ng mga tao sa mga kabutihan niyang ibinibigay para sa mga ito. "Hoy! Hailey! wag ka na nga magreklamo d'yan 'di ka pa nasanay alam mo naman na lagi natin ito ginagawa eh!. Teka? asan ba si Aprilyn.? himala ata na na late siya ngayon huh!" Nagpalinga linga ako tama si Mariz wala pa si Aprilyn kadalasan ito ang nauuna sa amin sa mga feeding program na ginagawa namin. "Hmm... baka 'di pa Okey ang pakiramdam noon. Alam niyo naman pag may buwanang dalaw nakakatamad magkikilos." Wika ko sa dalawa kong kaibigan maya maya pa unti-unti na dumadami ang mga tao at nagsisimula na din mamigay ng pagkain ang iba pang mga volunteer may ilang kaming kasama na brgy Official na siyang tumutulong kung paano magiging maayos ang pagpila ng mga tao. "Sabagay, ohh! ayan na ang dami ng tao tara na Selena,mamigay na tayo ng pagkain." "Oo nga! let's go girl!" Wika ni Hailey at Mariz kahit mga anak mayaman ang mga ito 'di sila maarte at lagi kong naasahan sa mga ganitong bagay, lalo na si Aprilyn lagi itong nakasupporta sa mga gusto kung gawin kaya love na love ko ang babaeng iyon na para ko nang tunay na kapatid talaga. "Teka? Manang! Saan po kayo pu-punta ito po ang pagkain niyo. Manang!sandali!!." Wika ko sa matandang babaeng bigla na lamang tumakbo papalayo at ang iba mga nakapila ay ganu'n din ang ginawa. Napatingin kami sa dereksyon kung saan pumunta ang mga ito. "Ohh! My Gosh! Girls! Si Fafa Tristan ba 'yun? Teka! pipila din ako!" Wika ni Hailey na biglang nagningning ang mga mata ng makita ang lalaking mayabang na 'yun. "Hoy! sandali lang Hailey! Ohh! wag mo sabihin ikaw din ma-Riz?" Kumindat lang si Mariz sa akin sabay takbo na din nito kasama si Hailey.Nakipila na din ang mga ito nakita kung nakatingin sa akin ang Ashford na 'yun pinagtaasan ko ito ng kilay at saka ko itinuloy ang pamimigay ng pagkain may iilang matatanda at ilang pulubi ang 'di umalis sa pila nila marahil ay gutom na ang mga ito. "Pagkatapos natin dito pumila na din tayo doon namimigay pala sila ng groceries at frutas doon." "Ganu'n ba sige! sige! pero gutom na talaga ako kaya dito na muna tayo pumila." Narinig kung wika ng sa tingin ko ay mag asawang matandang nakapila.Kung ganu'n namimigay din pala ang mga ito ng groceries at prutas pero bakit naman talagang dito pa sa lugar kung saan kami namimigay mukha nanadya ata ang lalaking 'yun ahhh.!Napasimangot ako bigla at ang dalawa kung kaibigan andun at nakapila na habang mukhang kinikilig pa. Ang lalaking 'yun kasi ang nag aabot ng pinamimigay nila. "Maraming salamat po! Ma"am Selena, talagang 'di po kayo nakakalimot sa pagtulong sa aming mga palaboy." Napatingin ako sa isang dalagitang nakatingin din sa akin nginitian ko ito. "Wala iyon. Ohh! na ito kumain ka na 'di ba may kapatid kang mas bata sayo? Asan siya bakit 'di mo ata kasama ngayon." Wika ko dito habang tumingin ako sa tabi niya at likod, wala ang batang lalaking kapatid nito. "Ahh! Ma'am, Andoon po siya sa pwesto namin siya po muna pinagbabantay ko sa maliit naming tindahan." Wika nito iniabutan ko pa ito ng tatlo pang foodpack mukhang nagulat naman ito. "Ahh! ganu'n ba.Ohh! ito kunin mo para madala mo sa kapatid mo." "Pe-pero Ma'am. Bakit po tatlo ito? baka po mawalan na yung iba." Napangiti ako sa sinabi nito kahit sa kalsada lang sila nakatira may concern pa rin ito sa kapwa niya. "Ano ka ba! ang dami dami pa pagkain dito. Okey lang 'yan,para may makakain na din kayo mamaya tanghalian tapos kung gusto mo pumila ka din doon sa kabila namimigay din sila ng pagkain doon." Ngumiti ito sa akin bakas sa mukha nito ang saya nakita ko itong tumakbo papunta kung saan nakapila ang dalawa kong kaibigang lukaret.. --- "May ipag uutos ako sa inyo gusto kung mang gulo kayo doon sa feeding program .Nakikita niyo ba ang babaeng 'yun bastusin niyo siya." Tinawag ko ang tatlong lalaking mukhang sanggano at mukhang adik din ang mga ito.Nakakaloko pang tiningnan ako ng mga ito nang pakitaan ko ang mga ito nang baril agad umatras ang mga ito. "Ohh! Easy! lang Ma'am.baka pumutok 'yan. Ang lagay ba naman ay ganu'n na lamang iyon paano naman ang bulsa namin niyan." Napangisi ako sa tatlong lalaking ito agad ako kumuha ng twenty Thousand sa bag at agad ko iniabot sa mga ito.Nagulat pa ang tatlong mukong sa laki ng binigay ko sa mga ito. "Aba! jackpot! ang laki nito ahh! may pang bisyo nanaman tayo mga pare!" Wika ng isang lalaking bangag pa ata. "Ohhh! Ano pang ginagawa niyo dito alis na. Huwag niyong sasabihin na ako ang nag utos sa inyo kundi papatayin ko kayo pati ang pamilya niyo naiintindihan niyo ba." Itinaas pa ng mga ito ang kanang kamay nila sabay iling. "Wag kayo mag alala Ms.Beautiful wala makakaalam na ikaw ang nag utos isa pa 'di ka namin kilala." Napangisi ako sa sinabi ng mga ito may point naman sila.Maya maya pa tumalikod na ang mga ito at agad nagpunta kong saan nandoon si Selena. --- "Hoy! tumabi nga kayo diyan alis!sinabing alis eh!!" "Ikaw anong tinitingin tingin mo d'yan huh! Gusto mong upakan kita d'yan huh!" "Ms. Beautiful bigyan mo nga kami ng pagkain. hmmm! mga pare mukhang mas masarap ata ang babaeng ito kesa sa pagkain pinamimigay nila nila ahh." Nagulat ako sa ginawa ng lalaki sa akin bigla ako nitong hinawakan sa mukha.Ang dumi pa naman ng mga kamay nito agad ko itong itinulak. "Ano ba bitiwan mo ako!" Wika ko dito ng bigla ako nitong yakapin sa likod tinapakan ko ang paa nito kaya nabitiwan ako nito.Napapatingin na din ang ibang mga taong andun sa amin pwesto.Pero ni isa walang kumikilos mukhang natatakot ang mga ito sa tatlong bastos na lalaking kaharap ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD