CHAPTER 3

1749 Words
Selena POV "Akala mo naman kung makapagbintang ang Hailey na 'yun. Masyado naman siya mapanghusga. Itong father nga niya ang madaming chismis, eh, kainis!" bulong ko na hindi ko maitago ang inis ko talaga towards Hailey. Naglalakad ako papunta sa opisina ni Dad nang narinig ko na may kausap ito kaya nagpasya ako mamaya na lang bumalik. Tatalikod na sana ako nang may marinig ako sa kausap nito sa loob ng opisina kaya muli ako bumalik sa pintuan. "'Di ito maari, Diego! Paanong may nakaalam ng transaction natin? Iilan lang tayo may alam nu'n. Sino?! Sino ang naghuhudas sa akin, Diego? Sino?!" 'Di ko maintindihan ang pinag-uusapan nila Dad pero ang alam ko lang mukhang high blood ata ito. "Senador, ako man ay 'di ko matukoy kung sino ang naghuhudas sa grupo!" "Alamin mo, Diego, kung sino ang may pakana ng lahat ng ito. Malaking pera ang nawala sa atin dahil sa nangyari! Hindi ito maari!" Aalis na sana ako dahil 'di ko naman masyado marinig ang pinag-uusapan nila nang bigla may tumapik sa balikat ko at nakita ko ang secretary ni Dad. Napangiti ako bigla, nahuli pa tuloy ako nitong nakikinig. "Ms. Madison, may kailangan po ba kayo kay Senador?" tanong nito habang nakangiti. "Huh? Oo, sana, eh, kaso mukha may kausap. Mamaya na lang ako babalik, huwag mo na lang sabihin 'yung nakita mo, ha," pakiusap ko at nagpa-cute pa ako rito para lang 'di ako nito isumbong kay Daddy. Napangiti naman ito sa akin. "Salamat, Grace. Sige, aalis na ako pero kapag ako hinanap ni Daddy, pakisabi na nag-out ako nang maaga at masakit ang ulo ko kasi," sabi ko sabay humawak ako sa aking sintido na kumikirot na naman. Kailangan ko siguro magpalamig muna baka sakali mawala ang pagkirot ng sintido ko. "Sige po, Ms. Madison, mag-iingat po kayo." Tumalikod na ako rito at ito naman ay dumiretsyo na sa opisina ni Dad. Nagpasya akong pumunta na lang ng mall magwi-window shopping na lang muna siguro ako para malibang. "Kulas, 'wag niyo na ako samahan pwede ba? Kaya ko ang sarili ko," tinuran ko sa mga bodyguard ko na nakasunod kaagad ang mga ito sa akin pagkababa ko pa lang ng sasakyan. "Ma'am Selena, pasensya na po pero utos po ni Senador na 'wag namin kayo hihiwalayan." Napabuntong hininga ako, ito na naman sila pero hindi ako magpapatalo. "Kulas, dito lang ako sa mall pupunta wala ako ibang pupuntahan, okay? Sa dami ng security guard dito siguro naman wala magtatangka sa akin dito at sa dami naman ng tao, noh? Kaya pwede ba hintayin niyo na lang ako rito sa labas ng mall?" naiirita kong wika sa mga ito na napakamot naman ng ulo ang apat kung bodyguard. "Pero, Ma'am, kami naman po ang malalagot nito kay Senador baka mawalan pa kami ng trabaho kapag 'di namin siya sinunod." Napabuntong-hininga ulit ako, may point naman sila. Ayaw ko naman na mawalan ng trabaho ang mga ito dahil may pamilya rin itong binubuhay kaya naman naiinis man ako pumayag na ako samahan nila ako sa loob pero sa isang kundisyon. Nasa malayo lang sila at magmasid sa akin. Pumayag naman ang mga ito. ... "Pasaway talaga ang, Bruha! Alam niyo na ang gagawin. Tingnan natin ang tapang ng babaeng 'yan," sambit ng misteryosong boses. "Masusunod po Ms. LB " "Sige lang, Selena, mag-enjoy ka sa pagsa-shopping mo," sabi pa at tumawa ito na parang demonyo. ... Nandito ako sa isang boutique ng mga branded na dress, wala ako balak bumili ng damit pero 'di ko rin napigilan dahil ang daming magagandang damit na bagay sa akin. Nasa kalagitnaan ako ng pamimili nang biglang may putok ng baril ang narinig ko na naging dahilan kung bakit nanlaki ang aking mga mata nang makita ko ang tinamaan ng baril. Tumama 'yun sa isang mannequin na nasa harapan ko lamang kaya nabitawan ko ang dress na hawak ko at nagkagulo na ang mga tao. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, hindi ko rin makita ang mga bodyguards ko. Nagtakbuhan pa lalo ang mga tao nang may isa pang sumunod na putok ng baril. Kinakabahan na ako nang may isang kamay ang humigit sa aking braso. Bigla ako nitong inakbayan habang ang kamay nito ay nasa ulo ko, pinayuko ako nito. Pa-simple ko itong sinilip ngunit 'di ko makita ang mukha nito dahil nakasuot ito ng sumbrero at nakashade din ito na kulay itim, may mask din itong suot. Mabilis ang bawat kilos nito. Nakalabas kaagad kami nang mall. Naramdaman ko na lang na nawala na ang nakahawak sa akin at ng lumingon ako wala na ang lalaking kanina lang ay nakaakbay sa akin habang lumalabas ng mall. Hinanap ko pa ito pero sa dami nang taong tumatakbo palabas at nagkakagulo nabigo na akong makita ito. "Ma'am Selena, okay lang po ba kayo? Nagkakagulo pa rin po sa loob ng mall. Kailangan na po natin umalis," wika ni Kulas at pinagtaasan ko ng kilay ang mga ito. "Teka nga, asan kayo kanina, huh? Bakit bigla kayo nawala? Akala ko ba nakamasid lang kayo sa akin? Bakit 'di ko kayo makita kanina, huh, Kulas?" nababanas kong tanong kay Kulas. Nagbaba ito nang tingin. "Ma'am, napalingat lang po kami saglit, tapos bigla na lang po kami nakarinig ng putok ng baril. Pagkalingon po namin sa lugar kung nasaan kayo, nakita namin may isang lalaki na po ang nakaakbay sa inyo habang nakayuko po kayo. Akala po namin boyfriend niyo, Ma'am, kaya mas minabuting sundan na lang namin kayo rito sa labas. Pasensya na po, Ma'am Selena, huwag niyo po sana kami isusumbong sa Daddy niyo," malungkot nitong kwento at pakiusap. Binuksan ko na ang pinto ng sasakyan nang lingunin ko si Kulas na nakayuko pa rin. "'Wag kayo mag-alala wala makakarating kay Dad. 'Wag na lang sana mauulit muli, Kulas. Isa pa, wala ako boyfriend hindi ko kilala kung sino ang lalaking 'yun." Pumasok na ako sa loob ng kotse at sumunod naman ang mga ito. — "Bwesiiittt...sino ang lalaking 'yun? Alamin niyo kung sino ang lalaking 'yun!" "'Di rin po namin kilala ang lalaking tumulong kay, Ma'am Selena, Ms. LB." Hinampas ko ang manibela ng kotse ko sa sobrang inis. "Bwesiitt, may nakikiilam sa laro ko. Sige na bumaba na kayo at baka kung ano lang magawa ko sa inyo. ANG BOBO NIYO! ALIS!!!" Napahawak ako nang mahigpit sa manibela. "Pasalamat ka Selena 'di ko pa siniseryoso ang larong ito. At kung sino ka mang nakikiilam sa laro ko titiyakin ko sa 'yong pagsisihan mo ang pakikialam mo." Pinaharurot ko na ang sasakyan ko nang makitang sumakay na nang sasakyan si Selena. — "Boss, tagumpay ang plano wala kaming itinira kahit kaunti. Lahat ay nakuha namin. Ano, Boss, ano gusto niyong gawin sa mga epektos na nakuha namin?" "Sunugin niyo ang lahat ng 'yan!" Napatingin ng diretsyo ang tauhan ko sa akin dahil mukhang 'di ito makapaniwala sa sinabi ko. "Pe-pero, Boss, malaking pera ito kung ibebenta natin. Billion ang halaga ng mga epektos na ito." Humarap ako sa mga tauhan ko, ang ayaw ko sa lahat sinasagot ako. Nilapitan ko ito at kinuwilyuhan na naging dahilan kung bakit nanginginig ito sa takot. "Ang sinabi ko sunugin niyo lahat 'yan wala kayong ititira kahit na katiting! Kung ayaw niyo gawin, ako mismo ang susunog sa inyo. NAIINTINDIHAN NIYO BA?!" Nagsipagyukuan ang mga tauhan ko. Ramdam ko ang takot nila dahil alam nilang kaya ko iyong gawin. "Ma-Masusunod po, Boss, nga-ngayon din po susunugin na po namin lahat," tugon nito sa akin at binitawan ko na ito. "Oras na malaman kong may kinuha o tinira kayo sa mga epektos na 'yan, buhay niyo ang magiging kapalit. Makakaalis na kayo!" Sumunod naman kaagad ang mga ito at naiwan ako sa madilim kong kwarto. Tumikim ako nang alak sa aking baso habang tinitingnan ang litrato ni Senador Henry Madison. "Paniguradong nagkakagulo na ang mga kasosyo mo sa illegal mong negosyo, Henry Madison. Ito na ang simula ng paglubog mo. Sisigaruduhin ko sa 'yo na wala akong ititira at kukunin ko sa 'yo ang pinakamamahal mong anak at wala kang magagawa roon .Dudurugin kita ng paunti-unti, MADISON!!! Matitikman mo kung gaano mawalan ng mahal sa buhay!" tinuran ko sa aking sarili habang pinagmamasdan litrato ng anak nitong babae. *** "Nagbabagang balita! Kanina sa isang kilalang mall nagkagulo ang mga tao nang bigla na lang may putok ng baril ang umalingawngaw sa buong mall. Nakuhanan ng CCTV footage ang isang anak ng sikat na businessman at senador ng bansa sa mismong pinangyarihan. Ang tanong, ang anak kaya ni Senador Henry Madison ang target ng mga nagpaputok ng baril sa nasabing mall?” Kumukuha ako ng tubig sa kitchen ng marinig ko ang balita sa tv, paglingon ko nakatingin sa akin ang ibang maid na kasama ko. Maya-maya pa ay narinig ko ang boses ni Mom kasabay ng boses ni Daddy. Mukhang papunta ang mga ito rito sa kitchen "SELENA! SELENA, ANAK! Bakit ‘di mo sinabi sa amin ng Daddy mo ang nangyari sa mall? Okay ka lang ba, anak?” nag-aalalang tanong ni Mom na tiningnan pa ang buong katawan ko. Pinaikot pa ako nito, hindi ko alam kung matatawa ako sa ginawa niya. "Mommy, okay lang po ako at saka, baka ‘di naman ako ang target ng mga ‘yun, eh,” sagot ko kay Mom na halata pa rin ang pag-aalala sa mukha nito. Si Dad naman niyakap ako bigla na ikinagulat ko. “Daddy, okay lang po ako. Wala naman masamang nangyari, baka po nagkataon lang ‘yon sa dami mg tao sa mall. Hindi natin alam kung sino ba talaga ang target ng mga ‘yun.” Maya-maya pa kumalas na sa pagkakayakap si Dad sa akin. "Dodoblehin ko ang bodyguard mo, anak, at baka isa sa mga kalaban ko sa pulitika ang may kagagawan nito." Nanlakin naman bigla ang mata ko sa narinig ko kay Dad, dadagdagan pa raw nito ang bodyguards ko? Sa apat nga nahirapan na ako makatakas, dadagdagan pa nito? Kaya naman sunod-sunod ang pag-iling ko nang ulo rito. "Dad, please…ayaw ko. Okay naman po ako, eh. At saka, alam niyo naman ‘yang mga balita na ‘yan minsan para na lang may mapag-usapan ang mga tao,” sabi ko na ipinagtanggol ang sarili. "Pero, hija, ‘di natin alam kung sino ang may galit sa Daddy mo, o sa pamilya natin. Tama ang ama mo para rin naman sa proteksyon mo ‘yun, anak,” dagdag ni Mommy habang hinahaplos ang aking buhok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD