CHAPTER 22

1624 Words
Tristan POV "Tristan! ngumiti ka naman Engagement party natin ito.Madaming press! ang dadating ngumiti ka naman!" Naiirita na ako sa babaeng ito feel na feel niya na gusto ko talaga magpakasal sakanya kung wala lang ako kailangan sa Ama nito 'di ako papayag magpakasal sa babaeng ito.Naisip ko bigla si Selena miss ko na ito,Magdadalawang linggo na simula ng umalis ako ng Colombia at iwan ito.Akala ko'y kaya kong mapawalay dito pero 'di ko akalain na hahanap hanapin ko ang babaeng iyon.Pag tinatawagan ko si Ted sinasabi nitong Okey daw naman ito kung 'di lang sana ito Anak ni Henry Madison. Napailing iling na lamang ako bigla naman ako hinalikan sa labi ni Hailey kasabay ng pag flash ng camera. "Ohhww! Ang sweet niyo naman Ms.Hailey Samson bagay na bagay kayo ni Mr.Tristan Ashford." Wika ng isang Reporter bigla ko natanaw si Madison kaya agad ko itong nilapitan. Ito ang huling araw ng palugit ko dito para sa pagbabayad nito at kung 'di ito makakabayad kukunin ko ang kompanya nito.Hahabulin pa sana ako ni Hailey buti na lang dumating ang kaibigan nito. "Mr.Madison! Anong ginagawa mo dito magbabayad ka naba?" Halata sa mukha nito na nag aalinlangan ito kausapin ako marahil nahihiya ito dahil madami tao ang nakatingin sa amin kaya inaya ko ito sa isang private room. "So, Ano na? Asan na ang perang napag usapan natin? Pinag bigyan na kita ng dalawang araw siguro naman mababayaran muna ako." Tumingin ako dito agad nitong ininom ang alak na binigay ko rito.Bago ito nagsalita umangat ang gilid ng labi ko alam ko wala itong pambayad sa akin. "Ahh,Mr.Ashford. Baka naman pwede mo ako pagbigyan pa ng ilang araw para makahanap ng pera pambayad sa iyo. Importante sa akin ang kompanyang 'yun. Tanging 'yun lamang ang kayamanang maipapamana ko sa anak ko na hanggang ngayon ay 'di pa rin namin makita." Ngumisi ako dito umikot ako sa likod nito. "Alam mo naman siguro ang napagkasunduan natin Madison. Malaking pera ang hiniram mo sa akin. at dapat lang na kompanya mo ang ibayad mo kung 'di mo ako kayang bayaran.Isa pa 'di ko na problema kung nawawala ang anak mo negosyo ang pinag uusapan natin dito 'di personal na problema. Kung mahalaga pala ang kompanya mong 'yun 'di sana 'di iyon ang ginawa mong collateral." Yumuko ito halatang nahihirapan itong ibigay sa akin ang kompanyang iningat ingatan nito pero 'di ko na ito pag bibigyan pa. Kulang pa ito sa mga ginawa niya sa aking mga magulang.Maya maya bumukas ang pinto pumasok Si Samson,napatingin pa ito kay Madison agad naman tumayo si Madison para i-abot ang kamay kay Samson.Pero tiningnan lamang nito iyon. "Ohhh! Anong ginagawa mo dito Henry, wala ako maalala ininbetahan kita." Napakunot noo ako sa sinabi ni Samson, ang alam ko magkaibigan ang dalawang ito.Bakit iba ata ang trato nito kay Madison. Nang tingnan ko ito halatang nagulat din ito sa inasta ng kaibigan niya. "May importante lang kami pinag uusapan ni Mr.Ashford,Niel.." "Ohh! tungkol ba ito sa kompanya mo Henry?" Nagtaka ako kung paano nito nalaman ang bagay na 'yon gayong ako lang at si Madison ang nakakaalam ng usapan tungkol sa kasunduan naming iyon. "Paano mo nalaman ang tungkol doon Niel. Mr.Ashford? Ang akala ko'y tayo lang dalawa ang nakakaalam ng tungkol sa bagay na 'yan!" Wika nito sa akin nagpalipat lipat naman ng tingin si Samson mukha nagulat ito sa sinabi niya. Maya maya pa'y tumikhim ito at iniba ang usapan. "Kaya nga pala Henry! nakita na ba si Selena. Ano na balita sa batang 'yon?" Nakita kung lumungkot ang mukha ni Madison. "Hanggang ngayon ay wala parin balita sa Anak ko Niel." Tumingin si Samson sa akin at 'di ko maintindihan ang paraan ng pagtingin nito sa akin,parang may ibig sabihin iyon. "Baka naman nasa mabuti siyang kamay Henry. Anyway, kumusta naman si Vivian? Siguradong nag aalala na ito sa Anak niyo." Ang tinutukoy nitong Vivian ay ang Ina ni Selena maganda rin ito at base sa nakuha kung impormasyon ng mga taohan ko naging magkaribal ang dalawang lalaking nasa harapan ko ngayon sa Vivian na 'yun.Mas pinili lang ng Ginang si Henry Madison.Nanatiling tahimik lang ito mukha naman nakahalata si Samson kaya nagpaalam na ito. --- "Ted, Ano ba hanggang kailan ako mag iintay dito? Bakit 'di niyo na lang ako pakawalan." Ilang linggo na ako lagi lang nasa kwarto ko ni minsan 'di ko nakausap si Tristan. Laging si Ted lamang ang kausap nito. Naiiyak na ako sa inis gusto ko nang bumalik sa dati kung buhay kasama ang mga magulang at kaibigan ko. "Selena! Pwede ba? 'di ka naman kinukulong dito sa bahay 'di ba malaya kang nakakapamasyal.Ano pa gusto mo?!" Tama ito nakakapamasyal nga ako pero ang daming taohan ni Tristan ang nagbabantay sa akin. Mababaliw na ako sa kakaisip kung ano plano ng lalaking 'yon sa akin sa loob ng ilang linggo wala ito sa tabi ko doon ko na-realize na mahal ko na ang lalaking iyon. Gussto ko na itong makita at makapiling makasama muli sa pagtulog miss na miss ko na ito. "Please! naman Ted! kahit ipakausap mo lang sa akin si Tristan miss na miss ko na siya!" Tumingin sa akin si Ted nagulat pa ata ito ng makitang umiiyak ako.Agad din naman nagbago ang ekspresyon ng mukha nito.Minsan nakikita ko sa mga mata nito na naawa na ito sa akin pero 'di ko maunawaan kung bakit bigla din nag babago ang pakitungo nito sa akin. "Aminin mo nga Selena mahal mo na ba si Tristan?" 'Di ako nagdalawang isip pa na sabihin dito ang totoong nararamdaman ko sa kaibigan niya. "Oo! Mahal ko na siya! 'di ko alam basta ko na lamang naramdaman na na mimiss ko siya at gusto ko na siya makasama. MAHAL KO NA SIYA TED!" Nakatingin ako sa mga mata nito habang tumutulo ang mga luha ko sobrang na s-stress na ako kakaisip sa lalaking iyon at lalo pa ngayon na alam ko na sa sarili kung mahal ko na ito. Maya maya pa tumalikod na lamang bigla si Ted sa akin. "I'm sorry Selena! kalimutan mo na yang nararamdaman mong 'yan!" Wika nito hahakbang na sana ito ng pigilan ko ito. "Anong ibig mong sabihin ? Bakit ko gagawin 'yon. 'Yun ang tunay kung nararamdaman sa kaibigan mo.Siguro 'di ka pa nagmamahal kaya madali sayo sabihin ang mga ganyang bagay-!" "Ikakasal na si Tristan, kay Hailey Samson.Nextweek na ang kasal nila kung Ano man ang namamagatin sa inyo dalawa kalimutan mo na lamang ang lahat nang iyon." Hindi ako makapaniwala sa narinig ko ikakasal na ito at sa kaibigan ko pa. "Kung ganoon, Bakit kailangan pa niya ako ganituhin?! Bakit 'di na lamang niya ako palayain? Bakit ginawa pa niya sa akin ang ganito?. Huh!? TED! SUMAGOT KA!" Hindi ko na napigilang sigawan ito dahil pakiramdam ko pinaglaruan lamang ako ni Tristan. "Pagdating ng panahon malalaman mo din ang totoo." 'Yun lamang ang sinabi nito saka tuluyang umalis sa harapan ko naiwan akong nanghihina sa mga nalaman ko.Hanggang sa makaramdam nanaman ako ng pagsusuka kaya tumakbo ako sa aking kwarto.Mukhang lumalala na ang sakit kong ito. --- "Anong balita sa kakambal ko bumalik na ba ito ng colombia?" "Boss! Ang balita ko'y nasa pilipinas pa rin po ito at ikakasal na ito sa anak ni Samson." Napangisi ako kahit kailan talaga magulang ang Niel Samson na 'yon. Konti na lamang at malapit ko nang malaman kung ano ang sekreto nito at ang katotohanan sa pagkamatay ng aking mga magulang. Si Henry at Niel ang tanging sangkot sa pagkawala ng mga magulang ko,kinuha ko ang telepono at tinawagan ang kaisa isang taong pinagkakatiwalaan ko at tumutulong sa mga plano ko. "Totoong ikakasal na ang kapatid mo kay Hailey. 'di ka pa ba babalik ng pilipinas? Wala ka nang gagawin diyan sa colombia." "Sorry Love! Pero may isa pa akong kailangang gawin. Kailangan kong turuan ng leksyon ang mahal kong kapatid." "Anong ibig mong sabihin Zedrick!? Ano nanaman ba ang pinaplano mo?." Tumaas ang gilid ng aking labi,plano kung kunin si Selena ang Babaeng pinakamamahal ng aking kakambal. "Bumalik ka na dito sawang sawa na ako sa mga pinag gagawa sa akin ng Niel na 'yon.'Di ko na din alam kong paano pa ako tatanggi, hindi ko na alam ang gagawin ko sa tuwing inaaya ako nitong may mangyari sa amin. Sukang suka na ako sa pagmumukha ng matandang 'yon.!" "Konting panahon na lamang love! kailangan mo trabahohin ang matandang 'yan.Alam muna ang ibig kung sabihin." Ibinaba ko na ang tawag bago pa ito magsalita alam kong kukulitin lamang ako nito na bumalik ng bansa. --- "Nagugutom na ako lagi na lang ganito ang pakiramdam ko." Wika ko sa aking sarili bumangon ako at hinanap ko si Ted may nagugustuhan akong pagkain. Gusto kong lumabas para bumili ng pagkaing gusto ko wala ito sa salas kaya hinanap ko ito sa mga silid.Tinatamad na ako sa kakahanap dito babalik na sana ako sa aking silid ng mapansin ko ang isang pintong bahagyang nakabukas. Pinunantahan ko iyon madilim sa loob napansin ko ang isang malaking Board may mga litrato at lumang diyaryo ang nakalagay doon.Tiningnan ko iyon isa isa may nabasa ako sa isang Diyaryo tungkol sa pagpatay sa isang mag asawa at pagdukot sa isang anak nito nasabi din sa litrato na nakaligtas ang isang anak nito sa bingit ng kamatayan.Napatingin pa ako sa ibang larawan napakurap mata pa ako at kinuskos ko ang mga mata ko gamit ang aking kamay. Hindi ako maaring magkamali si Dad ang nasa litrato nandoon, si Mom at ako may mga nakalagay na ekes sa mga litrato namin. Lalo akong naguluhan bakit may ganito si Tristan.May ibang litrato pa ang nakalagay doon pero 'di ko na iyon pinansin gulong gulo ako ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD