CHAPTER 6

1652 Words
Selena POV "Ano ba! Bitiwan niyo ako! Ang babaho niyo maligo nga kayo!" Nagtawanan ang tatlong lalaki na pakiwari ko'y mga adik dahil na din sa mga itsura ng mga ito ang isa ay mukha pang sabog. "Oy! palaban si Ms.Beautiful.hmmm.ang bango mo naman." Wika ng sabog na lalaki na bigla nalang hinawakan ang hibla ng aking buhok at inamoy pa nito kasabay noon ay bigla nitong dinakma ang pwetan ko na kinalaki naman aking mata.Sinampal ko ito ng malakas at sa pagkakataong 'yun mas nagalit pa ata ang lalaki nakita kong may binunot itong balisong sa bulsa.Kalma lang ako dahil ayaw kong magkagulo ang mga tao ng bigla na lang may sumigaw. "Ohhh! My Gosh! Selena!!" Napatingin ako kay Hailey na may bitbit ng supot mukhang nagulat ito sa eksena nakita niya. Nakatutok na kasi ang balisong ng lalaki sa akin 'di ko magawang kumilos dahil baka bigla na lang ako saksakin ng mga ito. "Tulong! tulong! tulungan niyo ang kaibigan namin! Mariz, tumawag ka ng pulis bilis!" Wika ni Hailey kay Mariz gusto ko sanang pigilan si Hailey sa sinabi niya dahil baka maging issue na naman ito kay Dad. Baka ipilit nito na dagdagan ang mga bodyguard ko at speaking sa mga bodyguard ko wala na naman ang dalawang bodyguard na kasama ko. " Ano Ms.Beautiful, sumama ka muna sa amin magpapakaligaya tayo." Akmang hahalikan ako nito ng bigla may humatak dito at sinuntok ito ng ubod ng lakas.Tumilapon ito sa sahig ganu'n din ang dalawa nitong kasamang lalaki. "Hayop ka! pakialamero ka pare ahhh!" Nanlaki ang mata ko ng bigla tangkain ng saksak ng bangag na lalaki si Tristan. Nakailag naman ito agad at binanatan ulit ito ng suntok. Dumugo ang nguso ng lalaki, nakita kong gigil na gigil ang mukha ni Tristan ngunit 'di iyon nakabawas sa ka-gwapuhan nito. Nilapitan ni Tristan ang lalaki na ngayon ay nakataas pa ang dalawang kamay halatang sumusuko na ito. "Sino ang nag utos sa inyong gawin ito? huh!! Sumagot kayo!" Wika ni Tristan iimik na sana ang lalaki ng bigla tumigil ito kasabay ng pagdating ng body guard ko at nakita kung paparating na rin si Aprilyn na humahangos sa pagtakbo. "Selena! Anong nangyari? Teka! Okey ka lang ba? 'di ka ba nasaktan huh?!" Wika nito bigla naman itinulak ng lalaki si Tristan na nakalingon lang sa amin tumakbo bigla ang lalaki at hinabol naman ito ng dalawang bodyguard ko. "Sa susunod kasi wag ka magsuot ng ganyang damit nang 'di ka nababastos!." Lalapitan ko sana si Tristan para sana magpasalamat dito pero bigla ako nitong sinungitan.Ano naman masama sa suot ko naka t-shirts lang ako puti 'yun lang medyo pa croptop ito at hapit sa aking katawan. "Okey! Fine!" Wika ko dito na ngayon ay naglalakad na pabalik sa pwesto nila. "Okey ka lang ba Friend? maigi pa umuwi na tayo hayaan na lang natin ang mga taga barangay na magpatuloy sa pamimigay ng mga ito." "Tama si Aprilyn, Selena!umuwi na tayo baka mamaya n'yan bumalik pa ang mga bastos na 'yun." Napatango na lang ako sa sinabi ni Mariz, baka nga mamaya ay bumalik pa ang mga adik na 'yun. Isa pa naiinis ako sa Tristan na 'yun pinahiya na naman ako nito sa mga tao. Bwesit! na lalaking 'yun tinulungan nga ako pinahiya naman ako nito. Nakakainis wag ko na sana makita ang mukha ng lalaking 'yun. --- "Patayin niyo na ang tatlong 'yan baka kumanta pa ang mga 'yan." "Masusunod Ms.LB kami ng bahala sa tatlong ito." "Pasalamat ka Selena, tinulungan ka ng Ashford na 'yun! ngayon alam ko na kung sino ang nakikiilam sa laro ko. TRISTAN ASHFORD!! HAHAHA Humanda ka sa akin." --- "Hoy! Guys! Grabe 'yung nangyari kanina huh! Teka! Asan na naman si Aprilyn?" "Nasa C.R lang nagpapalit ng Napkin niya. Ohh! ayan na pala eh." "Aprilyn,bakit na late ka ata ng punta kanina sa Feeding?" Wika ni Hailey kay Aprilyn.Nandito kami sa bahay ngayon. "Hay Naku! kung alam niyo lang ang inabot kung traffic kaya nga noong makita kong madami ang nagkakagulo sa pwesto niyo tumakbo agad ako ehh! 'di ka ba talaga nasaktan Selena? Kayong dalawa naman kasi bakit iniiwan niyo si Selena mag isa doon." Napayuko naman ang dalawa parang mga batang nasaway ng nanay nila. "Aprilyn, Tama na 'yan. Okey lang 'yun mahalaga wala naman masamang nangyari sa akin." "Hmmm, hilig kasi sa gwapo ng dalawang 'yan!" Dagdag pa ni Aprilyn para talaga itong nanay pag naninirmon kaya natawa na lang ako.Sabay tahimik naman ang dalawa kong kaibigan. "Selena!!" "Hi, Daddy! Ohh! ang aga mo po atang umuwi?" Tumayo ako at sinalubong ko si Daddy. Humalik din ako sa pisngi nito. "hello! po tito," Sabay sabay na bati ng mga kaibigan ko kay Dad. "Ano na naman bang nangyari anak? sa feeding program kanina? Sabi nila kulas nagkagulo daw at muntik ka na naman mapahamak!" Yumakap ako kay daddy habang naglalakad kami papuntang garden. "Dad, wala lang 'yun mga adik kasi ang mga 'yun, wala sa tamang pag iisip kaya nagawa nila 'yun. Wala naman po masamang nangyari sa amin e. wag ka na mag alala Dad." " 'Yan na nga sinasabi ko sayo eh! na dapat madami kang bodyguard na kasama. Paano kung may nangyari masama sayo doon.Hay naku! Selena, anak! makinig ka sa akin." Inawat ko na si Dad sa sasabihin pa niya. Alam ko ipipilit nito ang gusto niya. "Dad, okey po ako mahalaga po wala masama nangyari sa akin. Wag ka na mainis Dad. Ohh! ta-tawa na 'yan." Kiniliti ko pa si Dad at ginulo naman nito ang buhok ko habang nakangiti na din niyakap ko itong muli. "Dapat kasi itigil na ang pagbebenta ng bawal na gamot para wala ng mga adik ang pagala gala at wala ng mga kabataan ang nalulunong sa masamang bisyo na nasisira ang kinabukasan.Kaso mo lang Daddy,madaming masasamang tao ang patuloy pa rin sa pagbebenta ng bawal na gamot kaya patuloy ang pagkalat ng mga adik na 'yan." Natahimik si Dad firstime na 'di ito nag-comment sa sinabi ko maya maya nag ring ang telepono nito. "Anak, I need to answer this call. Mamaya ulit tayo mag usap Okey? I Love you Anak.Balikan mo na ang mga kaibigan mo.Sige na Anak!" Sabi ni Dad sa akin hinalikan pa ako nito sa aking noo.At bumalik naman na ako sa tabing pool kung saan nandoon ang mga kaibigan ko. Nagkukwentuhan ang mga ito ng dumating ako.Nagpatuloy lang kami sa pagkain habang nagkukwentuhan. "Tatlong lalaking natagpuan patay sa ilalim ng tuloy, Inaalam pa ng mga kapulisan kong ano motibo kung bakit pinatay ang mga ito." Napatayo ako bigla. Nasa salas kami ng aking mga magulang at nakahiga ako sa mahabang sofa namin habang ang ulo ko ay nasa hita ni Dad. "Ohh? bakit Selena? Nakakagulat ka namang bata ka." Wika ni Mommy na saktong inilalapag ang dala nitong kape na para kay Dad. "Ehh! Kasi po 'yung nasa balitang tatlong lalaki pinatay sila 'yung mga lalaking ng bastos sa akin kanina. " Nagkatinginan si Momyy at si Daddy,At sabay pang tumingin ang mga ito sa akin. "Siguro anak, ang dami ng atraso ng mga 'yan kaya sila pinatay." Sabagay baka madami ng nagawan ng 'di maganda ang mga lalaking 'yun kaya pinatay na ng ibang taong may galit sa mga ito. Pero kahit na masama ang mga ito hindi dapat nila pinatay.Dapat ay pinahuli na lang sa mga pulis 'di na lang sana pinatay.Humiga muli ako sa hita ni Dad bigla naman tumunog ang Cellphone ko nakita kung natawag si Mariz kaya agad kung sinagot 'yon. "Ohhh! girl,napatawag ka kanina lang magkakasama tayo ahh, Miss mo ba ako kaagad hahaha" Wika ko dito mukhang nasa party ata ito dahil may naririnig akong malakas na tugtog. "Hoy!Babae pumunta ka dito dali nandito kami sa party ni Camille. Hanap ka nila dito dali na pumunta ka na. Ikaw na lang wala dito e, " Tumayo ako at agad na akong pumunta sa aking kwarto. "Weee! 'di nga? saan kayong party nandoon ngayon? Ano meron bakit pa event ang bruhang camille na 'yan?" Tumawa ng malakas si Mariz napakunot naman ako ng noo kung bakit ito biglang tumawa ng malakas. "Hoyyy! SELENA! naka loudspeaker ka hahaha... Hoyyy! Selena,si Camille ito pumunta ka dito ng masambunutan kita Bilis! hahaha" Natawa na lang ako nang malamang naka loudspeaker pala ako.Dalian naman ako nagpunta sa closet ko para maghanap ng maisusuot na damit.Mukhang kailangan ko makatakas muli sa aking mga bodyguard. "Hahaha sorry naman Teka! saang party ba kayo nandoon? Nandyan na ba kayo lahat? Ibig ko sabihin si Hailey,at si Aprilyn ba nandiyan na ri" Tanong ko kay Mariz "Oo pumunta ka na Hoy!pool party ito huh. Magdala ka ng pang swimming." Napangiti ako pool party pala ang pupuntahan ko kaya nagbaon ako ng two piece na susuotin ko mas gusto ko ang mga pool party kesa mag bar. "Sige na Mariz pupunta na ako tatawag na lang ako pag nasa labas na ako." Wika ko dito at agad ako nagbihis ng pang alis. Naka dress lang ako na floral 'di ito ganoon kahaba.Nag ayos ako ng konti total gabi naman na at pool party ang pupuntahan ko 'di ko na kailangan mag make up pa ng sobra. "Darling!, inaantok na ako mukhang tulog na din ang anak mo maigi pa matulog na din tayo. Maaga pa ako bukas sa meeting ko eh." Dahan-dahan ako bumababa ng hagdanan ng marinig ko na pupunta na ng kanilang kwarto sila Mommy. Kaya nagtago muna ako sa malaking Vase namin para 'di ako makita nila Mommy. Ng makita kong pumasok na ang mga ito tumakbo na ako pababa ng hagdanan dumaan ako sa kusina tulad ng dati ko ginagawa. Tinakasan ko ulit ang mga bodyguard ko at nagtagumpay naman ako.May taxi na nag aabang sa akin sa labas ng gate kaya agad akong sumakay.Buti na lang madali na ang kumuha ng masasakyan tatawag lang may instant taxi na agad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD