CHAPTER 25

1534 Words
L.B POV "Ano?? Bakit bigla na lamang nawala ang lalaking 'yon!" "Ohh! sweetheart! easy ka lang, hayaan mo na muna ang Tristan na 'yon ang alam ko umalis ito ng bansa at may mahalagang aasikasuhin halika nga dito.." Nandidiri na talaga ako sa paghawak hawak ng matandang Samson na ito kung 'di lang sana dahil sa plano namin Ng mahal ko 'di ako mag tya-tyaga makipag relasyon sa matandang ito. "Pero, bakit hinayaan mo makaalis ng bansa ang Tristan na iyon paano ang kasal nila ni Hailey?." Wika ko dito habang hinahalikhalikan ako sa balikat. "Hayaan mo lang yang si Tristan. Panigurado pinuntahan noon si Selena." Napatingin ako dito bigla. Anong alam nito tungkol kay Selena ibig bang sabihin magkasama ang dalawang iyon. "Te-teka! Anong alam mo sa dalawang iyon Niel? Bakit 'di mo sabihin kay Madison kung nasaan ang Anak nito." Wika ko dito na tuloy pa rin sa paghalik halik sa akin. "Bayaan mo ang Henry Madison, na 'yun mabaliw siya kakahanap sa anak niya at panigurado akong unti unti na siyang sinisingil ni Tristan Ashford sa pagkamatay ng magulang nito.Kawawang Henry, Mapapatay at malulugmok sa utang ng dahil sa isang krimen na 'di niya naman ginawa hahaha!" Napatingin ako dito anong ibig nitong sabihin.Bakit pakiramdam ko may kinalaman talaga ito sa trahedyang nangyari sa buhay ni Tristan at zedrick.Lalo na sa pagkamatay ng mga magulang nito. "Anong ibig mong sabihin may kinalaman ka ba sa pagkamatay ng magulang ni Tristan?" Inabot nito ang bote ng alak saka nagsalin sa kanyang baso.Inubos nito ang alak bago tumingin sa akin. "Haha ako! Ako! ang pumatay sa magulang ng batang iyon.Ang akala ko napatay ko ang batang 'yun 'di pala nakaligtas pala ito." Nagulat ako sa ibinunyag na sekreto nito.Ang buong akala ko ang Ama ni Selena ang pumatay sa magulang ni Tristan.'Di ako nagpahalata na nagulat ako sa mga sinasabi nito lasing na ito kaya kayang kaya ko itong paaminin ngayon. Lihim kung kinuha ang cellphone ko para i-record ang mga sasabihin pa nito. "Paanong nangyari 'yun? ang akala ko ba ang Daddy ni Selena ang pumatay sa magulang ni Tristan?" Tanong ko dito sabay haplot muli nito sa akin.Saka hinalik halikan ang aking leeg. Nandidiri man ako sa matandang ito kailangan ko itong sakyan para mapaamin. "Wala ka bang believe sa akin kung matalino ang Henry Madison na 'yon mas mautak ako.Ginaya ko ang itsura at tindigan nito nagpagawa ako ng prosthetic mask na kamukha ni Madison.Para may makakita man sa akin 'di ako ang mapagbibintangan sa krimen na iyon." Di ako makapaniwala na nagawa nito iyon sa matalik niyang kaibigang si Henry Madison. Ang sabi nito sa akin ang Daddy ni Selena ang dahilan kong Bakit namatay ang kapatid ko. Ang nag iisang kapatid ko kaya naman naghiganti ako sa mga Madison at ang target ko noon ay si Selena.Sinabi nito sa akin na sinagasaan ni Selena ang kapatid ko at 'di manlang pinagamot kaya naghirap ng husto ang kapatid ko na kinamatay nito.Kaya ganoon na lamang ang galit ko sa mga Madison.Noong mga panahong 'yon ay nasa probinsya ako nag aaral sa kolehiyo. Nang bigla ko mabalitaan na nasagasaan ito at ang sabi sa mga impormasyon nahagilap ko Madison daw ang may kagagawan.si Selena Madison daw ang nakasagasa sa kapatid ko at pinabayaan na lamang ito.Kaya ng makita ko si Selena nangako ako na paghihiganti ko ang kapatid ko at ang Selenang 'yon ang magbabayad sa pagkawala ng kapatid ko. "Sweetheart! Bigla ka ata natahimik 'di ka ba makapaniwala na nagawa ko iyon hahahaha. Wala ka ba believe sa akin haha. Kayang kaya kong paglaruan at paikotin ang mga tao sa palad ko." Napatingin ito sa akin kaya natigil ang pag babalik tanaw ko tungkol sa kapatid ko. "Naniniwala naman ako sayo bakit mo naman nagawang traydorin ang matalik mong kaibigan." Tumahimik ito bigla parang may inalala ito tumingin ito sa akin. "Sweetheart, wag kang magseselos huh! Alam mo kasi ang asawa ni Henry ang babaeng una kong minahal pero pinili nito ang lalaking 'yon kesa sa akin.Kaya ginawa ko ang lahat para mapahamak si Henry kaso magaling ito sa mga bagay bagay kaya nalulusutan nito palagi ang mga paing hinahain ko sa kanya." Natawa pa ako ng lihim dito ng sabihin nitong huwag akong magseselos feeling naman nito na talagang gusto ko ito ni isang beses nga ay wala pang namamagitan sa amin. Tanging kay Zedrick ko lamang iniaalay ang katawan ko kaya lagi ako gumagawa ng paraan para 'di matuloy ang binabalak nito sa akin para angkinin ako.Nilalagyan ko ng pampatulog ang iniinom nito. "Kung ganoon paano nahantong sa pagkamatay ng magulang ni Tristan ang nangyari? Anong kinalaman ng magulang nito sa inyo ni Madison." Muli nitong nilagyan ng alak ang kanyang baso bago nagsalita. "May transaction ako noon sa magulang ni Tristan kaso mas pinili nito si Madison na makatrasaction.Isang Mafia ang magulang ni Tristan madami itong kayamanan at ariarian.Gusto kung makapartner ito sa mga negosyo ko dahil malaki ang maitutulong ng pera nito para mapabilis amg pag asenso ko pero ang walang hiyang Henry 'yan lagi na lamang siya ang gusto maka partner ng mga business man na target ko.Natalo niya ako sa pag ibig kaya nangako ako na 'di ako papayag na pati sa negosyo ay matatalo niya ako. Wala itong kamalay malay na nagpanggap akong siya sa matandang Ashford. Wala itong idea na 'di ako ang totoong Henry Madison. kaya naman napapayag ko agad ito para makipag deal.Ngunit sa huling pagkakataon nabuko ako nito nalaman nitong 'di ako si Henry na isa lamang akong inpostor.Kaya nawalan na ako ng choice kundi patayin ito at ang asawa't anak nito at para mapagbintangan si Henry kaso walang malakas na Ibidensya ang pulisya noon kaya 'di nadiin si Henry nalaman ko na lamang na buhay pala ang batang Ashford kaya naman agad akong nagplano 'di ba ang talino ko hahahahaha!" 'Di ako halos makapaniwala sa mga natuklasan ko kailangan malaman ito ni Zedrick.Mali silang magkapatid ng pinaghihigantihan. "Ehh! nasaan na ang kapatid nito 'di ba sabi mo may kakambal 'yun Tristan na 'yun?" Tumingin ito muli sa akin at bigla na lamang ako nitong sinunggaban. "Ikaw, huh.Ang dami mong tanong simulan na natin ang laban sweetheart. Matagal muna ako binibitin bitin huh! halika nga dito!" Hinigit pa ako lalo nito agad naman ako umiwas kunwaring nagpapahabol sumakay naman ang matandang ito at hinabol habol nga ako nito. Kailangan ko itong mapatulog ulit. --- "Boss! boss! gising!" Tinanggal ko ang unan sa aking mukha. kinapa ko pa ang aking katabi wala na doon si Selena. Baka nag aalmusal na ito iminulat ko ang aking mata at nakita ko ang aking taohan na may hawak na telepono. "ANO KAILANGAN MO? SINONG NAGSABI SAYONG GISINGIN AKO? GUSTO MO BANG SAMAIN HUH!" Napayuko naman kaagad ito. "Ehh, boss. Kasi kanina pa tawag ng tawag si Boss Ted, sa inyo ehh." Wika nito habang nakayuko pa rin hinanap ko ang cellphone ko pero lowbat na iyon marahil sa katatawag ni Ted. "BAKIT DAW?" Tanong ko dito bumalik ako sa pagkakahiga at pinilit kong ipinikit muli ang aking mata. "Boss! Sinugod po sa ospital si Ms. Selena kanina." Pagkarinig ko noon ay napabangon ako bigla. "Ano?? Saang ospital dinala? Anong nangyari sakanya? Gago ka bakit ngayon mo lamang ako ginising?!.ayaw muna ba sa buhay mo huh!" Wika ko dito halatang natakot naman ito 'di na ako nag patumpik tumpik pa agad akong bumangon at nagbihis para puntahan si Selena sa Ospital. Alam ko na kung saan ospital dinala ni Ted si Selena.Halos lumipad na ang kotse ko sa bilis kung paandarin ito nag alala ako kay Selena baka kung ano nang nangyari dito. Tumatawag ako kay Ted pero ang Gagong 'yon 'di man lang ako sagutin. "Humanda ka sa akin Ted! sasapakin talaga kita pag nakita kita!" Wika ko sa aking sarili nahampas ko ang manibela bakit parang kinakabahan ako ng sobra ngayon.Pakiramdam ko ay may maling mangyayari binilisan ko pa ang pagmamaneho. --- "Ms.Huwag muna kayo bumangon baka makasama sa inyo!" Napahawak ako sa aking ulo pinakiramdaman ko ang aking sarili mukhang 'di naman na ako nahihilo. Inilibot ko ang aking mata wala doon si Ted ito na ang pagkakataon ko para makatakas kay Tristan.Agad kung kinausap ang nurse mukhang mabait naman ito. "Sige na nurse! maawa ka sa akin tulungan mo ako makaalis sa ospital na ito! bago pa ako mapatay ng mga taong nasa labas." Wika ko dito saglit pa akong umiyak para lang maniwala ito mukhang nakuha ko naman ang atensyon nito.Matapos kong i-kwento dito ang naging sitwasyon ko babae ito kaya alam kong maawa at maniniwala ito sa akin. "Pero paano kita matutulungan Ms.?" Nag isip ako saglit kailangan 'di ako makilala ng mga taohan ni Tristan na nagbabantay sa akin. Napatingin naman ako sa uniform ng nurse na nasa harap ko. "Ahhh! Nurse, baka pedeng pahiramin mo ako ng uniform mo para 'di nila ako makilala sa paglabas ko." Saglit pa itong nag isip pero sa huli nagpaalam ito na kukuha ng bagong uniform na pwede kung suotin. Hinanap ko ang bag ko buti na lamang at nadala ko iyon.Sinilip ko ang pera nandoon at kompleto pa naman. Kailangan ko nang magmadali bago pa bumalik si Ted.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD