CHAPTER 24

1613 Words
Ted POV "Bro! kinakausap kita nasabi mo na ba kay Selena ang tungkol sa plano mong pagpapakasal kay Hailey at ang totoong dahilan kung bakit mo papakasalan ang Anak ni Samson.Pasensya na bro. huh! kung nasabi ko agad kay Selena na ikakasal ka na inunahan pa kita magsabi akala ko kasi wala kang nararamdaman kay Selena ehh.!. hoyyy Bro!" Tumingin lang si Tristan sa akin 'di ko alam kong bakit ito bigla nag ayang lumabas.Ang akala ko'y de-deretso ito sa kwarto ni Selena,nagulat ako ng bigla itong dumating inamin nito sa akin na namimiss na niya ng sobra si Selena.Nang tanungin ko ito kung may pagtingin ito sa babae inamin nitong mahal na nito si Selena at handa na itong aminin Ang raramdaman niya.Pero ito kami ngayon sa isang bar at balak ata maglasing ng isang ito. "Bro! ang Gago ko!" Napatigil ako sa pag inom ng beer at muli akong tumingin kay Tristan masyado itong seryoso ngayon. "Tristan, kilala kita. Ano ba talaga ang problema? tinanggihan ka ba ni Selena?.Bro, sabi ni Selena sa akin ng tanungin ko din siya kung may nararamdaman ba siya sayo. 'Di siya nagdalawang isip pa na sabihing mahal na mahal ka na niya at gusto ka na niya.So! Anong problema tinanggihan ka ba niya?!." Bigla pumatak ang luha ni Tristan, Yumuko ito at maya maya pa yumugyog ang balikat nito. Nagugulohan na ako kung ano talaga ang nangyari sa pag uusap nila ni Selena. "Bro!!" Wika ko dito ngayon ko lamang ito nakitang umiyak ng dahil sa isang babae matapang si Tristan at kilala ko itong palaban pero ngayon ibang Tristan ang nakikita ko. "Alam kong kinamumuhiian na ako ngayon ni Selena Ted!. Hindi ko akalain na malalaman niya ang lahat ng plano ko!" Napakunot noo ako sa sinabi ni Tristan. Ano bang sinasabi nito. "Ano bang sinasabi mo bro.? Teka! nga may isang bagay kapang dapat malaman about sa kondisyon ni Se-" Hinawakan ako nito sa braso. "Bro! wag muna ituloy kung ano man 'yan.Alam kong 'di na magiging kami ni Selena. Alam na nito na pinaghihigantihan ko lamang ang Ama niya. Alam na nito ang lahat, alam ko rin sinaktan ko ito sa mga binitiwan kong salita, sinabi ko ritong isa lamang siyang paraosan at kahit kailan 'di ako magkakagusto sa isang anak ng mamatay tao." 'Di ako nakaimik sa sinabi ni Tristan bigla ako nag alala kay Selena at sa dinadala nitong sanggol baka Kung mapaano ang mag Ina. "Tristan! pare! kailangan mong malaman na-" Yumakap ito bigla sa akin kaya 'di ko nanaman naituloy ang sasabihin ko.Umiiyak pa rin ito. " MAHAL NA MAHAL KO SIYA BRO....... WALA NA AKONG PAKIILAM KONG ANAK PA SIYA NG TAONG PUMATAY SA MAGULANG KO. ANG MAHALAGA MAHAL KO SIYA!!" Tinapik tapik ko ito sa likod ang gay mang tingnan pero ngayon naiintindihan ko na kung bakit ganoon ang trato ni Tristan kay Selena nung una palang. "Bro! ipaglaban mo ang nararamdaman mo.Walang kasalanan si Selena sa ginawa ng kanyang Ama. Oo inaamin ko nagalit at namuhi din ako kay Selena kaya naging malamig ang pakitungo ko dito. Pero bro.na realize ko din na mabuting babae ito at 'di ito dapat madamay sa paghihiganti mo lalo na ngayon na nagdadalang tao ito sa anak niyo Tristan?.TRISTAN!! ANAK NG TOKWA BRO.HOYYYY GISING!! ANAK NANG TITING NAMAN TRISTAN OHHH HAISTSSSS!" Imik ako ng imik nakatulog na pala sa sobrang kalasingan ang kaibigan kong ito. Kinawayan ko ang dalawang taohang kasama namin para alalayan akong isakay si Tristan sa sasakyan. --- Nagpapalakad lakad ako sa loob ng kwarto alam kong lumabas si Tristan at Ted nakita kong umalis ang mga ito. Nag iisip ako ng paraan kung paano ako makakatakas sa lugar na ito sumilip ako sa labas ng bintana ang daming taohan ni Tristan ang nag babantay..Hindi ko alam kong saan ako maaring dumaan para makatakas.Naghanda na din ako ng pera sa maliit kung bag at isang baril para sa pagtakas ko buti na lamang at may natira sa mga perang binigay ni Ted sa akin sa tuwing lumalabas ako naipon ko iyon at sapat na sapat na ito para makakuha ako ng ticket pabalik ng pilipinas. Akmang bubuksan ko na sana ang pinto ng marinig ko ang mga yapag na nang gagaling sa hagdan naririnig ko rin ang boses ni Tristan. Mukhang lasing ito sumilip ako sa pinto at lasing nga ito nakaakbay ito kay Ted. Mukhang papasok ang mga ito sa silid ko kaya dalian akong pumunta ng kama at nagpanggap akong tulog na at 'di nga ako nagkamali maya maya lang ay naramdaman ko nang gumalaw ang kama. "Selena! Pasensya ka na huh! broken hearted ang kaibigan ko ehh. Ikaw na muna bahala diyan huh.." Wika nito pero 'di na ako tumugon pinagpatuloy ko ang pagpapanggap na tulog na tulog na ako.Naramdaman ko pang lumapit si Ted sa akin para siguro i-check kung tulog na nga ako. "Ayyy! Sus tulog na tulog na din pala naman ang isang ito. Haisstttt! maiwan ko na nga kayong dalawa! diyan na kayo! Hoyyy bro.mag usap kayong dalawa huh! haistt! pag ibig nga naman kahit napakatapang ng isang lalaki kayang bumagsak ng luha dahil lamang sa pag ibig hahahahaha " Napakunot noo ako sa sinabi ni Ted ano bang sinasabi nito narinig kung sumara na ang pinto nilingon ko si Tristan lasing na lasing nga ito. Mukhang umiyak nga ito base sa pugto nitong mata. Siguro umiyak ito dahil naalala niya ang magulang niya. At ano namang sinasabi ng Ted na 'yon na pag ibig ibig pa nalalaman as if naman na tungkol sa akin iyon baka nag away sila ni Hailey.Tumalikod na ako dito bukas na ako tatakas mag iisip ako ng magandang paraan para makatakas.Pipikit ko na sana ang aking mata ng maramdaman ko ang braso ni Tristan na yumakap sa akin.Tinanggal ko iyon pero mas hinapit pa ako nito nilingon ko ito nakapikit pa rin ito. "Im sorry! i'm so sorry!" Bigla itong nagsalita habang pikit ang mga mata marahil nanaginip ito. Napamaang ako ng makitang bumagsak ang luha nito. "Mahal na mahal kita! I'm sorry handa na akong pakasalan ka!" Tumaas ang kilay ko mahal na mahal nga nito si Hailey ito pala ang napapanaginipan nito. "Asa! ka pa ba! Selena,na ikaw ang mahal niyan isa ka lang paraosan. Si Hailey ang mahal niya!" Wika ko sa aking sarili bigla ako napaawa sa aking sarili at sa aking sitwasyon hindi ko namalayang naglalandas nanaman ang mga luha sa aking pisngi. "Bitiwan mo nga akong lalaki ka.!" Wika ko dito ng yakapin ako nito, sa inis ko kinagat ko ang braso nito para lamang tanggalin nito ang pagkakayakap sa akin. at buti na lang nasaktan ata ito dahil napangiwi iyon pikit pa rin ito sobrang lasing na lasing marahil ito. Umalis ako sa kama sa sahig ako naglatag. Hindi ko na ata kayang makasama pa ito sa iisang higaan.Maya maya pa narinig ko na itong humihilik kaya pinikit ko na din ang mga mata ko. Hindi na ako mag aaksaya pa ng luha sa lalaking pinaglaroan lamang ako. "Selena! ang aga mo naman atang nagising? Si Tristan ba gising na ba siya?" 'Di ako umimik kay Ted ngayon pa na alam ko na, kaya pala ito naging malamig sa akin dahil pati ito ay galit marahil sa akin dahil sa binibintang ng lalaking 'yon sa aking Ama.Tuloy lang ako sa pagkain 'di ko ito pinansin umupo ito sa harap ko napasilip ako dito kumuha ito ng pagkain himala ata na sumasabay na ulit ito sa akin sa pag kain. Simula kasi ng naging cold ito sa akin 'di na ito sumasabay sa akin sa tuwing kumakain ako. "Selena, kumusta ang pakiramdam mo ngayon?!" Napataas ako ng tingin dito bigla ako may naisip. Bakit nga ba 'di ko idahilan ang madalas kong nararamdaman. "Tama! Selena magpanggap ka na 'di Okey ang pakiramdam mo para madala ka sa ospital at doon maari ka nang makatakas." Wika ko sa aking isipan buti na lamang tinanong ako nito sa aking kalusugan.maya maya pa nagkukunwari na akong may nararamdaman. "Heyy! are you okey? Selena? te-teka nasusuka ka na naman ba?" Napahawak ako sa aking bibig kunwaring nasusuka nanaman ako bigla naman itong napatayo kaya mas ginalingan ko pa ang pag acting.Humawak ako sa aking tiyan na kunwari sumasakit iyon habang ang isang kamay ay nasa aking bibig. "Te-teka! Selena nasakit ba ang tiyan mo? Ohh! Shockksss! Teka! maigi pa dalhin na kita sa ospital baka mapaano ka na niyan ehh!" Inalalayan ako nitong makatayo pero ang kaninang pag acting ko parang naging totoo bigla akong nahilo at ang huli kong nakita ay ang mukha ni Ted na natataranta na. --- "Shocksss! Selena, Gising! Tristan!! Tulong! Bwesit!! baka tulog pa ang isang yon.! ihanda niyo ang sasakyan bilis!" Utos ko sa isa sa mga taohan ni Tristan.Bigla ako nakaramdam ng takot at kaba ng makitang humawak sa tiyan si Selena baka masyado na itong na stress at baka nakakasama na iyon sa baby niya. Lalo pa akong natakot at nataranta ng bigla itong nawalan ng malay. "Bilsan mo ang pag da-drive kung hindi malilintikan ka sa akin!" Wika ko sa driver namin hawak hawak ko sa kamay si Selena. Habang tinatawagan ko naman si Tristan nag ri-ring lamang ang telepono nito,naisipan ko tawagan ang isa sa mga taohan nito para gisingin kailangan na talagang malaman nito ang sitwasyon ni Selena at ang tungkol sa magiging anak nila. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag may nangyari kay Selena at lalo na sa anak nito.Isa ako sa naging stress ni Selena. Kaya 'di ko talaga mapapatawad ang aking sarili kailangan na din ni Selena malaman ang sitwasyon niya para makapag ingat din ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD