HALA!
Natakot ang kasambahay na si Inday nang makita si Isabel na pinapagalitan ng anak ng amo nila.
“Excuse me po, señorito. Ako na po ang humihingi ng pasensya sa ginawa ni Isabel.”
Nanginginig rin sa takot si Inday kasi naman baka pati siya ay madamay sa ginawa ni Isabel.
“Pasensya na po, sir—” Hindi na natapos ni Isabel nang mabilis na tumalikod ang lalaki at lumabas ito ng kusina. Hanggang narinig na lamang nila ang yabag nito paakyat sa hagdan.
“Ano ka ba naman, Isabel? kebago-bago mo pa lang, oh. Pati ako napapahamak.”
“Pasensya na po.” Hinging paumanhin kay Inday. Iniwan siya nito sa kusina at kahit mag-isa na siya ay hindi na niya kayang lunukin ang kanin. Ngayon niya lang kasi siya ulit nakakain ng bigas na palay. Mula nang iniwan siya ng tatay niyang si Rodney nakalimutan niya na rin ang lasa ng kanin dahil ang kanin nila ng lola niya ay mais. ‘Yon kasi ang mura ‘yon ang kasya sa pera nila. Kinain niya rin ang naiwan sa mangkok kaysa ang masayang.
KINABUKASAN ay maaga rin siyang nagising. Binigyan siya ng trabaho ng mayordoma siya ang labandera at talagang tambak ang labahin. Halos mga kurtina at bedsheets at mga trapo. Ang mga beddings ay washing machine pero ang mga kurtina ay kailangan kamayin.
Nanunuot na ang pawis sa kanyang balat. Inabutan siya ng tanghaling tapat.
“Bumaba na si señorita, bumaba na. Initin na ang sabaw!”
Naririnig ni Isabel ang ingay sa kusina. Sumilip siya sa mga kasama at halos hindi sila magkanda aligaga. Tuloy gusto niyang makita ang señorita nila.
Hanggang sa tumunog ang malakas na busina ng sasakyan sa labas ng gate.
“Isabel, buksan mo nga ang gate baka sila Madam na ‘yan.” Utos sa kanya ng matandang mayordoma.
“Sige po.” Tugon niya. Maghuhugas pa sana siya ng kamay dahil poro bola ngunit muling tumunog ang busina. Kaya tumakbo na lamang siya habang pinupunas sa damit niya ang bola.
Binuksan niya nang malaki ang gate at saka pumasok ang sasakyan. Muli niyang sinara at naglakad pabalik. Umupo siya at muling nagkusot. Maya-maya lang ay narinig niya ang boses ng isang babae sa kusina.
“Kumusta kayo riyan? sumabay na kayo sa pagkain.” Mahinahon lang ang tinig niya.
“Ayos lang po kami dito Lanie. Mauna na muna kayo ng mga bata kami ay nagmeryenda naman.”
Napahinto sa pagkusot si Isabel nang marinig niya ang pangalang binanggit ng mayordoma.
“Ikaw Auntie halika na, sumabay ka na sa amin. Ngayon lang ulit tayo nagkita, eh.”
“Auntie, kumusta?”
“Oy, Kadeeenn. Jusmiyo!”
Napamaang si Isabel nang humiyaw ang mayordoma. Nagtawanan ang mga tao sa loob. Hanggang sa inakay ni Kaden at Lanie ang matandang tiyahin pala ni Kaden na siyang nangangalaga sa mansyon ng matagal na panahon.
Nawala sa kusina ang mga tawanan. Muli niyang kinusot ang kurtina ngunit hindi rin siya mapalagay kaya tumayo siya at nagtungo sa kusina. Wala na roon ang mga kasambahay.
Naghugas siya ng kamay sa lababo pagkatapos niyang itrapo ay inayos naman niya ang sarile. Napabuga siya ng hangin sobra-sobra ang kaba niyang nararamdaman magpapakilala siya sa Mama Lanie niya.
Naglakad na si Isabel papasok pero dahil malapad talaga ang mansyon kaya naka-ilang hakbang pa siya at habang palapit siya nang palapit ay mas lalo niyang naririnig ang mga kasiyahan sa sala. Dagdagan pa ng sobrang kabang nararamdaman niya.
Subalit kung kailan magpapakita na sana siya nang matanaw niyang pumasok sa loob ang maputing babae. Nakatutok ito sa phone at kunot ang noo kaya hindi siya nakita.
Iwan niya ba at bigla siyang tumago sa gilid. Mabuti at walang CCTV dito sa mansyon dahil pagnagkataon ay paghihinalaan siya.
“Anak, halika ka na habang mainit pa ang sabaw.”
“Sino ito? ito na ba si Leilani?” tanong ng mayordoma.
“Opo, auntie. Dapat nga ay kahapon pa kami dumating kasi ang plano dito sa mansyon ang venue pero ayaw ni Lei kaya doon kami sa resort at nagcheck-in na lang sa hotel kasi nakakapagod kung babyahe pa. Pero si Winston at Pinky umuwi talaga dito kagabi.”
“Oo nga, maagang nagalit itong si Winston paano ‘yong labandera namin ay—”
“Hi tita!!!” bulalas ng isang babaeng bumaba ng hagdan kaya naputol ang sasabihin ng mayordoma.
Sumilip si Isabel at doon ay kitang-kita ng dalawa niyang mata ang Mama Lanie niya. Napakagat siya sa ibabang labi at pumatak ang kanyang mga luha. Sobra siyang nangungulila sa Mama niya. Laman ito ng panaginip niya noong bata pa siya at nagdalaga siyang walang ibang inaasam kundi ang muling makita ang Mama niya.
“Hi, sweetheart. Kumusta kayo dito? hindi ka naman siguro namamahay?” nakangiting wika ni Lanie.
“Well, as long as I’m with Winston everything is fine, tita.” Nagtawanan ang dalawang babae.
“Anyway, hija. This is Auntie Thelma siya ang namamahala dito sa mansyon. Auntie ito si Pinky ang girlfriend ni Winston.”
“Yes, tita nagkakilala na kami kagabi pagdating namin dito.”
“Oo, Lanie. Nagkakakilala na kami kagabi ay nakakahanga nga ang mapapangasawa nitong si Winston. Sabi ko nga dito na lang manirahan sa probinsya. Eh, aalis naman daw sila agad.”
“Opo, tita. Si Pinky kasi may fashion show by Monday while si Lei naman ay inaayos ang mga papeles niya para makapasok na siya sa hospital next month. Si Winston naman ay luluwas ng Maynila sa susunod na araw dahil sa business deal niya daw. While ‘yong tatlo naroon pa rin sa California nagpaiwan.”
“Abaaa! nakakahanga ang profession ng mga anak ninyo Lanie, Kaden. Lalo na itong si Lei isang doktora nakakabilib talaga. Dapat ang maging asawa mo ay doctor rin o kaya abogado ‘yong bang ka-level mo.”
“Of course. Hindi ako nagpakahirap mag-aral ng medisina kung babagsak lamang ako sa isang pipitsuging lalaki. Di bali nang tumandang dalaga ako!” Pagtataray ni Lei na ikinatuwa naman ng tiyahin ni Kaden dahil ‘yon daw ang dapat. Maging wise!
Samantala, hiyang-hiya sa sarile si Isabel habang nakatanaw lamang sa masasayang nagkukuwentohan sa hapag-kainan. Pinapasadahan niya ng tingin si ate Lei niya magmula sa kuko nito sa paa hanggang sa hibla ng buhok nito walang-wala siya. Wala siyang sinabi sa mga kapatid niya at kahit si Lanie lamang ang gusto niya hindi niya pa rin maiwasan na mahiya.
Lumalandas lamang ang mga luha niya habang nakatanaw sa mga ito na minsan niyang naging pamilya. Hindi niya akalain na itong napasukan niya ay mansyon pala ng mga Montenegro.
Dali-dali siyang bumalik patungo sa kusina. Ngunit nakasalubong niya si Inday na hawak ang mga prutas.
“Nariyan ka pala! kanina pa kita hinahanap tulungan mo naman ako. Dalhin mo ‘yong dalawang leche plan at graham.”
Nagdadalawang isip si Isabel kung susundin ba si Inday nahihiya kasi talaga siyang makita ni Lanie.
“Bilisan mo naman!” mariin nitong boses sa kanya. Kaya wala siyang nagawa kundi ang kunin ang nilabas mula sa ref.
Dahan-dahan siyang naglakad patungo roon. Nakasalubong pa niya si Inday na pabalik ito sa kusina.
“Ang kupad-kupad mo naman Isabel!” mahina lamang ang boses pero mariin. Hindi na lamang siya kumibo.
Pagkarating sa mesa ay nilapag niya sa gilid ang dala niya. Busy naman ang mga ito kaya hindi siya napansin.
“Yaya, I want ice cream. What flavor do we have?” bossy ang boses ng babae sa kanyang harapan. Hindi siya nakasagot at sinalo siya ni Norma ang tagalinis na bitbit naman ang buko salad.
“Señorita, ano… we have vanila ice cream only saka menggo.” Masayang sagot ni Norma.
“Mango. Not mengo. Oh, God! what country is this?” Dismayado ang babae sa pagbigkas ni Norma kung kaya’t napahiya ito.
“Babe, I want vanilla.” Pabebeng tinig ng babae. Napatingin si Isabel sa katabi nitong lalaki na nakatingin rin pala sa kanya. Ngunit agad nitong binawi ang tingin at hinalikan sa pisnge ang babae.
“I will buy, babe.”
Napayuko si Isabel at sabay na tumalikod. Siya na si Winston, ang kuya Winston niyang mahal na mahal siya. Halos ayaw siya padapuan noon sa langaw. Hindi siya magtataka kung hindi siya nito nakilala kahit nga ang Mama niya hindi siya nakilala nang tumabi siya dito kanina paglapag niya sa dessert.
Nakarating siya sa kusina na parang naglalakad lamang siya sa hangin. Naninikip kasi ang dibdib niya at sa pagkakataong ito ay ibang sakit ang umusbong sa puso niya. Ramdam niyang hindi ito pangungulila sa pamilaya niya. Hindi niya maipaliwanag ang kakaibang selos niyang nadama.
“Oh my god, what is this?”
Napalingon siya nang yumanig ang malakas na boses ni Lei.
“Buhok lang ‘yan anak.”
“Mom? it’s not just a hair. Who is the cook?? you, come here!”
Nagulat siya nang duruin siya ni Lei. Lumapit siya sa mga ito habang nakayuko. Kung ano-ano ang sinasabi nito sa kanyang masasakit na salita tagos hanggang buto.
“Hindi po ako ang naglu—”
“Just listen! I haven't finished talking yet!” mariin nitong pinutol ang paliwanag niya.
“Lei!” maotoredad ang boses ng amang si Kaden na nakikinig lamang pero hindi n anito Nakaya ang pagtaas boses ng anak.
“Napakaliit lang na bagay pinapalaki mo.” Baling nito sa anak. Tapos tumayo ito at aburidong umakyat sa itaas. Iniwan ang graham na kinakain nito.
Tumayo na rin ang mayordoma at si Pinky ay tumayo na rin habang si Kaden ay kinausap si Winston na palabas ng mansion upang bumili ng ice cream.
“Hija, anong pangalan mo? sa susunod ayosin n’yo ang trabaho ninyo para hindi na ito maulit. Maselan talaga ang anak ko lalo pa at doctor siya kaya big deal sa kanya ang lahat lalo na pagdating sa kalusugan.”
Kumabog ang dibdib niya nang marinig niyang muli ang boses ng Mama niya na siya ang kausap. Hindi niya makita ang mukha nito dahil nakayuko lamang siya.
“Sige na, pakiligpit na lang ng mga pinggan at kumain na kayo.”
Tinalikuran na siya ni Lanie at saka naman pumatak ang mga luha niyang pinipigilan niya nang matindi.
Niligpit niya ang mga kinainan at ang mga kasama niya ay kumakain na pala dito sa kusina. Pagkatapos niyang malinisan ang lamesa ay kumuha na siya ng pinggan at nagbukas ng kaldero ngunit tutong na lamang ang natira. Pagtingin niya sa mga kasama ay nagtawanan ang mga ito.
“Hala! naubosan ka namin ng kanin Isabel. Mamaya ka na lang kumain sa gabi para isahan na lang.” Saad ng isa niyang kasama.
“Mamayang hating gabi kamu. Magmukha ka na namang pusang galang gutom!”
Pang-iinsulto ng mga ito sabay tawanan. Sa galit ni Isabel ay sa mga kasama niya ibinunton ang lahat. Kinuha niya ang kaldero at lumapit siya sa isa at saka niya tinaob sa ulo nito. Ang isa naman ay kinuha niya ang sandok ng kanin at ang dulo ng sandok ay pinasok niya sa bunganga nito na eksaktong bumuka ang bibig kaya hindi ito nakapagsalita.
“Putangina mo!” malakas siyang minura at winaksi ang kaldero kaya nahulog iyon at dahil may kalakihan at mabigat kaya nabasag ang tiles at nagsanhi ng ingay.
Hahawakan siya sana sa buhok nang mabilis niyang nahuli ang pulsohan nito at isang iglap ay pinilipit niya tapos binitiwan niya sabay hawak sa ulo ng dalawang babae saka niya inuntog ang mga ulo nito.
“Anong nangyari—” bago pa siya mahuli ng mayordoma ay mabilis siyang nakalabas sa kusina dahil may pinto naman doon patungo sa gilid ng mansyon. Tumakbo siya hanggang sa nakalabas siya sa gate.
Umiyak na si Isabel hindi na niya nakayanan ang sobrang pang-aapi sa kanya ng mga tao. Hindi na siya babalik dito sa mansyon, sana ay hindi na lamang bumalik si Lanie sana ay hindi siya nasasaktan ng ganito. Kahit gustong-gusto niyang magpakilala kanina pero umatras siya dahil nahihiya siya. Mga professionals na sila, malalayo na ang narating ng mga kapatid niya samantalang siya ni high school hindi niya natapos.
“Isabel? ikaw ba ‘yan Isabel?”
Napalingon siya sa boses na tumawag sa kanya. Si Maryjoy na nakasakay sa kotse at bukas ang bintana.
Mas binilisan niya pa ang pagtakbo… ayaw niya nang makita isa man sa kanila. Lumalandas ang mga luha niya. Akala niya noon si Tita Joy na ang huling taong iiwan siya pero hindi pa pala. Dahil si Rodney ang tatay niya, iniwan din siya noong mag-edad siya ng katorse dahil nakabuntis ang tatay niya na pinanindigan ang bata ngunit hindi raw kaya ni Rodney na dalawang pamilya ang bubuhayin nito kaya iniwan siya ng tatay niya at pinili ang babaeng nabuntis nito. Kaya walang nakakaalam kung gaano kalalim ang sugat sa puso niya.