Kabanata 2

1752 Words
“Apo, tulungan mo naman ako buhatin itong sako.” Napahinto sa pagsibak ng kahoy si Isabel nang marinig ang lola niya. Nilapag niya ang palakol ang sa lupa at lumapit sa matanda. Kinuha niya ang isang sako ng mangga at saka pinasan. Walang kahirap-hirap ang dalaga na nilapag ang sako sa gilid ng haligi. Paika-ika naman si Lola Delyn na lumapit. “Saan ho galing itong mangga, lola?” takang tanong niya. “Doon sa kabilang baryo. Nag-ani na sila kumareng Eta at ito daw ang para sa atin. Pahihinogin lang natin para maibenta sa bayan.” Tumango lamang siya. Napansin ng matanda ang pagiging tahimik niya mula pa nang umuwi ito kanina. “Bakit ba walang kibo ka riyan? hindi mo pa rin naiku-kuwento sa akin kung anong nangyari sa bayan at bigla ka na lang bumalik?” Malalim siyang napabuntong hininga. Ayaw niya sanang sabihin pero mas lalong ayaw niyang maglihim sa lola niya. “Lola, ‘yong mansyon po na pinagtrabah—” “Tao po, tao—Isabel?” bulalas ng malakas na boses kaya napalingon ang maglola. Nangigil ang dalaga nang makilala si Maryjoy. Hindi talaga marunong makinig ang Ginang sinasagad ang pasensya niya. “S—sino ba ang mga ‘yan apo? mukhang malalaking tao ang gagara ng kasuotan.” Tanong ng matanda. Hindi siya kumibo at malaki ang mga hakbang na pinuntahan niya si Maryjoy. “Diba sinabi ko nang ‘wag ka nang magpapakita pa sa akin?!” mariin niyang turan kay Maryjoy. “Gusto ka lang namin makausap. Ito pala si—” “Bakit hindi mo papasukin ang mga bisita mo, apo? tirik pa naman ang araw.” Dahil sa boses ni Lola Delyn kaya hindi natapos ni Isabel ang sasabihin. Mas lalong lumakas ang loob ni Maryjoy na pumasok. “Maraming salamat po. Sobrang init nga po, dito. Puwede po ba kaming makainom ng tubig?” Malakas ang boses ni Maryjoy. Hindi pa man pumapayag si Lola Delyn ay mabilis na nitong hinatak ang asawa papasok sa bakuran. “Bilisan mo na, Winston!” Narinig pa ni Isabel ang mariing boses ni Maryjoy sa binata. Nilapitan na lamang ni Isabel ang kalabaw na naiinitan at hinila ang tali nito. “Kumusta po kayo dito, Nanay?” Narinig pa ni Isabel ang malambing na boses ni Maryjoy. Gusto niyang palayasin ang mag-asawa pero hindi niya magawa dahil magagalit sa kanya ang lola niya. Akay ni Isabel ang kalabaw nagtungo sila sa batis. Pinainom niya roon at sobrang uhaw nga ang kalabaw. Malayo-layo rin kasi ang kabilang baryo at sinakay lamang ang mangga sa kalabaw kaya sobrang napagod rin itong kalabaw nila. Ang payat pa naman baka isang—” “Hi.” Nahinto sa pag-iisip si Isabel at napatingala siya sa boses ng lalaki. Mabilis niyang binaba ang tingin nahihiya siya sa kuya Winston niya pero dinaan niya na lang sa pagsusuplada. “Anong ginagawa n’yo rito?” galit niyang boses. Ngunit nang umupo sa tabi niya ang binata at hindi naiwasang dumikit ang braso nito sa braso niya kaya parang tatalon ang puso niya. Mabilis siyang tumayo upang makaiwas sa binata ngunit tumayo rin ito. Tatalikuran niya sana ito nang mabilis siyang hapitin sa maliit niyang baywang at niyapos. Namimilog ang kanyang mga mata sa sobrang gulat. Matangkad si Winston kaya halos dibdib lamang siya nito. “Hindi mo alam kung gaano ako nangulila sa ‘yo, Isabel.” “K—kuya Winston…” sambit ng dalaga at hindi niya na nakayanan niyakap niya ito pabalik. Naramdaman ni Isabel na mas humigpit pa ang bisig ni Winston at mas lalo siyang niyakap. Napahagolhol na siya sa dibdib nito at hindi rin maitago ng binata ang kanyang mga luha. Hinahalik-halikan ni Winston ang kanyang buhok at hinahagod ang kanyang likod. Nang maglaon ay kumalas rin si Isabel at nahihiyang pinunasan ng laylayan ng damit niya ang kanyang luha at sipon. “Pasensya kana kuya Winston nadumihan ka tuloy.” Napayuko pa siya ngunit hinawakan ni Winston ang kanyang mukha. “Kumusta kana, Sabel?” Napangiti siya, “Ayos lang ako, kuya Winston. Nagpapasalamat ako na kahit hindi kayo nakabalik na matagal na panahon hindi mo pa rin ako nakalimutan. Miss na miss kita.” Pumatak ang mga luha ni Isabel at pinahid naman ‘yon ni Winston. Nakatitig siya sa dalaga at hindi maiwasan mapahanga sa ganda niyang taglay. “Lumaki kang magandang dalaga, Sabel. Magka-edaran lang tayo, wala ka bang boyfriend?” Mabilis siyang umiling. Napangiti si Winston. “Mabuti naman kung ganoon. Hindi ka raw nakapag-aral kaya gusto kong mag-aral ka, tapusin mo ang high school. Sa mansyon kana rin tumira kayo ni Lola Delyn.” “Magkakasama tayo uli katulad noong mga maliit pa tayo? naalala mo kuya Winston napasakaya natin noon kahit mahirap tayo. Palagi mo akong ina-awitan sa pagtulog ko. Namimiss ko na maganda mong boses.” kumislap ang mga mata ni Isabel. Gustohin man ni Winston na mangyari uli ang mga araw na ‘yon subalit hindi na maari. Ayaw niyang saktan si Isabel pero kailangan ay tapatin niya na ito. “Isabel, hindi na natin puwedeng ibalik ang mga araw na ‘yon dahil malalaki na tayo. Dalaga kana, binata na ako. Hindi na tayo puwedeng magsama sa iisang kuwarto.” Nawala ang masayang ngiti ni Isabel. Gayunpaman ay naiintindihan niya ang nais ipahiwatig ng kapatid. “Oo nga pala, mag-aasawa kana. Sabagay, sa edad natin ito na talaga ang oras ng pagbubuo ng pamilya. Maiba ako, si kuya Walden pala nasaan siya? gusto ko rin siyang makita.” “Nagpaiwan siya sa California. Baka next month susunod siya dito.” Tugon ni Winston. “Excited na akong makita siya. Mag-aasawa na rin ba siya?” tanong niyang muli. “Not yet. He’s busy—” “Isabel?” Napalingon sila sa malakas na boses ni Onyok nakasakay ito sa kalabaw niya. “Kilala mo siya?” tanong ni Winston at mas hinapit pa siya. “Oo. Kapitbahay namin siya dati kalaro ko siya noon. Onyok, si kuya Winston ko pala. ‘Yong madalas kong kinu-kuwento sa ‘yo noong mga bata pa tayo.” Pakilala niya sa kaibigan. “Mukha siyang mayaman, Isabel. Masaya ako na nagkita na uli kayo. Ito pala dala ni Nanay maruya mainit pa ‘yan.” “Wow! salamat, ah? tamang-tama wala pa akong kain eh. Kuya Winston, halika ka sa loob.” Inakay ni Isabel ang binata na mabilis nagpatianod. Nakatingin si Winston sa kamay niya na hawak ni Isabel. Nang makarating sila sa loob ng bahay ay napatayo si Lola Delyn. Nabitawan niya ang kamay ni Winston at nag-aalala sa lola niyang umiiyak. Napatingin siya kay Maryjoy na umiiyak rin. Tiyak, sinabi na ni Maryjoy ang tungkol sa pagdating ni Lanie. “Isabel, kailangan na nating umalis. Baka hindi tayo makaabot.” Bulong sa kanya ni Onyok. “Sige, hintayin mo ako sa labas. Maliligo lang ako.” Saad niya at tumango ang kaibigan. Pumasok si Isabel sa loob at nagkuha ng damit. Tapos lumabas rin siya at nagtungo sa maliit nilang banyo na gawa rin sa pawid. Pero dahil naubos na ang tubig sa timba kaya minabuti ni Isabel na maligo na lamang sa batis. Samantala, kanina pa nakamasid si Winston sa lalaking si Onyok. Balbas sarado ito at maraming tattoo. Hindi lang basta tattoo ng karaniwang makikita sa mga tambay sa kanto. Nagdududa siya lalaki pero hindi siya nagpahalata. Tumunog ang phone niya at nang makita ang tumatawag agad niyang sinagot ang tawag ni Pinky dahilan para maalis ang atensyon niya sa lalaki. Tapos narinig niya ang umiiyak na boses ng ina niya gusto nitong dalhin niya sa pag-uwi ang maglola. Pagharap niya ay biglang nawala ang lalaking si Onyok. Kaagad siyang nagpaalam sa katawagan at hinanap ang lalaki wala ito sa loob ng bahay wala rin sa likod. “f**k!” napamura na lang si Winston nang maalala si Isabel baka may kung anong masamang ginawa ang lalaki sa kapatid niya. Mabilis na tumakbo si Winston patungo sa batis. Dire-diretso lamang siya sa daan at sa pagmamadali pa niya ay nadulas siya sa bato kaya’t natangay siya ng tubig diretso sa dalaga. “Kuya Winston?” pag-aalala ni Isabel at agad siyang hinawakan sa braso at pag-angat niya ay para bang tumigil ang sandali nang makita niya ang napakagandang kahubdan ng dalaga. “Isabel? Isabel?” “Si Onyok!” nataranta si Isabel nang marinig ang boses ng kababata. Hindi naman niya kasi akalain na susundan siya dito sa batis kaya hinanap niya agad ang damit niya naroon pa sa pinakamataas na bato doon niya kasi nilapag upang hindi matangay ng tubig. “Isabel, nariyan kaba?” “I’m going to kill that boy!” mariing turan ni Winston. At bago pa makita ni Onyok ang hubad na katawan ni Isabel ay mabilis niya itong kinabig at niyakap tapos hinila niya ito sa ilalim ng tubig at doon siya dinala ni Winston sa malalim na parte ngunit hindi malakas ang agos dahil natatakpan ito ng malaking bato. At dahil na rin malalim ang parte ng tubig kaya kailangan igalaw ni Isabel ang mga binti upang hindi siya malunod. “Don’t move, baby. Just hold me tight.” Turan ni Winston kaya kumapit siya sa leeg nito at maging ang kanyang hita ay niyakap niya sa baywang ni Winston. “Isabe—” hindi natapos ang pagtawag ni Onyok nang makita niya ang dalawang mahigpit na magkalingkis. Pinokulan ng masamang tingin ni Winston ang kababata ni Isabel kung kaya’t tumalikod ito at umalis tapos tumingin si Isabel sa kanya. “Ang tangkad mo kasi kuya Winston kaya hindi tayo nalunod.” Saad niya sa binata. Tumingin pa si Isabel sa binata at halos magkalapit lamang ang kanilang mga mukha. Hindi maiwasan na bumaba ang tingin ni Winston sa kanyang leeg pababa sa kanyang cleavage pababa sa kanyang n****e na kahit pa magalaw ang tubig ngunit napakalinaw naman kaya aninag pa rin ang mayayaman niyang dibdib. “Tapusin mo na ang paliligo mo, Isabel.” Biglang kinabahan si Isabel dahil sa biglaan ring paglamig ng boses ng kuya Winston niya. Tapos dinala pa siya sa mababaw na parte at agad na umahon si Winston at ng tiningnan niya ito ay hindi maipinta ang guwapong mukha ng kuya niya. “Galit ka ba?” nag-aalala niyang tanong. Ngayon pa nga lang sila uli nagkita tapos may nagawa agad siyang mali. Ngunit sa halip na sagotin siya tumalikod lamang si Winston at walang kibong umalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD