SIGURADO ka bang ayaw mo dito sa mansyon, anak?
Nalulungkot ang mukha ng Ginang habang hinahaplos ang kanyang mukha.
“Sorry po Mama pero ayaw po ni Lola dito napakalaki daw po ng mansyon. Hindi ko rin siya puwedeng iwan.”
“Pero Isabel may sinabi pa sa akin si Manang. Hindi mo raw tinanggap ang pera na binigay namin ng Papa mo? makakatulong ‘yon sa mga gamot at vitamins ni Nanay Delyn. Tapos tinanggihan mo rin ang kuya at ate Pinky mo. Gusto kang pag-aralin ni Pinky magiging asawa siya ng kuya mo kaya magiging sister-in law mo na siya.”
“Huwag na po Mama wala naman pong babayaran sa ALS (Alternative Learning System) saka po hindi po ako sanay na humingi ng tulong sa iba. Kaya ko naman po.” Mapagkumbabang tinig ng dalaga. Ngunit nasasaktan lamang si Lanie pero wala siyang magawa hindi niya puwedeng ipilit ang gusto niya.
“Ikaw ang bahala kung saan ka komportable pero kung may kailangan ka anak huwag kang mahihiyang lumapit sa akin, ah? alam mong mahal na mahal kita.”
“Opo, Mama.” Sagot ni Isabel. Niyakap siya ni Lanie pero siya na rin itong kumalas.
“Hindi na po ako magtatagal Mama may dadaanan pa po ako.”
Malungkot na tinatanaw ni Lanie si Isabel. Dalaga nga talaga ito hindi na niya kayang lambingin upang manatili sa tabi niya. Mabait si Isabel at agad siyang pinatawad sa hindi niya agad pagbalik katulad noong pinangako niya noong maliit pa ito. Ayos naman sana, masaya siya at nagkakausap sila pero ramdam niya talaga na malayo na ang loob ni Isabel sa kanya. Kung hindi niya ito pupuntahan sa bahay nito hindi rin ito makakapunta dito sa mansyon. Sana lang ay makapagtapos ng pag-aaral si Isabel at umasenso.
NILALAKAD ni Isabel ang lubak-lubak na daan pauwi sa bahay nila. Hindi niya maiwasan isipin ang kuya Winston niya isang linggo na kasi hindi sila nagkikita. Kanina kaya siya sumama kay Lanie sa mansyon nito para rin makita niya si Winston gusto niyang itanong kung nasaan ito pero nahihiya siya.
“Isabel?”
Napalingon siya sa boses sa kanyang likod. Si Onyok may hawak itong itak at sakay sa kalabaw nito.
“Ikaw pala Onyok. Saan ka nagpunta? wala ka kanina sa plaza doon kami nagklase, eh.” Saad niya.
“Ayaw ko naman kasi talaga mag-aral, eh. Ngapala, nagha-harvest ngayon ng mga talong kila Mang Berting halika tutulong tayo sayang din.”
“Talaga? sige, sige. Sayang nga rin ‘yon ang mahal pa naman ng kilo ng talong sa bayan.”
Natuwa si Onyok nilagay pa ang itak sa lagayan sa gilid nito at mabilis naman siyang nakasampa sa kalabaw.
Masaya silang nagkukuwentohan ni Onyok habang naglalakad ang kalabaw patungo kila Mang Berting. Sa gilid lang ng kalsada sila dumaan at binibigyan pa siya ng bayabas ni Onyok.
Hindi nagtagal ay nakarating sila sa bukirin pero tapos na mag-ani ng mga talong ang matandang lalaki. Tumulong rin ang mga kapitbahay nito nagpasalamat na lamang si Isabel dahil binigyan siya ng isang plastic magugulay nila ito mamayang gabi.
Nakaupo sila ni Onyok sa damuhan habang kumakain ng bayabas. Hiniram kasi ang kalabaw ni Onyok para maghatid sa mga sako-sakong talong sa bayan.
“Isabel, totoo bang kapatid mo ‘yon si Tisoy?”
“Sinong Tisoy? ahh, si Kuya Winston ba?” tanong niya. Tumango si Onyok.
“Magkapatid yata kami sa Ina.” Sagot niya.
“Ha? bakit hindi ka sigurado?”
“Mahabang kuwento, Onyok. Bakit mo pala naitanong?”
“Wala naman… nagtataka lang ako kasi iba siya kung makatingin sa ‘yo, eh. Kung hindi mo nga sinabi na kapatid mo pala ‘yon iisipin kong may gusto siya sa ‘yo.”
“Ikaw talaga kung anu-ano na lang ang naiisip mo. Magkapatid kami ni kuya Winston kaya malabong mangyari ‘yang sinasabi mo!” tinawanan lang niya ang sinabi ni Onyok. Tumawa na rin lang si Onyok pero halatang duda pa rin ito.
Dahil nga pabalik-balik ang kalabaw sa paghakot ng mga talong kaya inabutan sila ng gabi. Tulong sila ni Onyok sa pagulay ng talong at nagprito naman ng isda si Mang Berting eksakto kasing bumaba ito ng bayan at namalengke na rin. Nabenta agad ang mga talong niya kaya marami rin itong dalang grocery.
Si Onyok ang nagkuha ng niyog habang siya naman ang naghiwa ng mga talong. Dito na lang sila pinakain ni Mang Berting at humingi na lang siya sa mangkok para madalhan niya si Lola Delyn. Nilagyan pa ng prinitong isda ni Mang Berting kaya nagpasalamat siya.
Gumawa ng apoy sa tuyong dahon ng niyog si Onyok habang binaktas nila ang daan pauwi sa bahay niya. Hawak niya ang dala niyang ulam habang nasa kahon naman ng kalabaw ang mga gulay na binigay sa kanila ni Mang Berting.
“Hawak ka nang mabuti Isabel baka mahulog ka.” Paalala sa kanya ni Onyok. Natawa na lamang siya kahit yata tumayo siya sa taas ng kalabaw hindi siya mahuhulog. Pero sinunod niya na lang si Onyok at niyakap niya ito sa tiyan.
Maliwanag ang daan nila dahil sa malaking apoy na hawak ni Onyok. Natatanaw na ni Isabel ang bahay nila dahil sa lampara sa labas ng papag.
Hinatid pa siya ni Onyok hanggang sa gate nila at laking gulat ni Isabel dahil may kotseng nakaparada sa gilid.
“Isabel? s**t!”
Mas lalong nagulat ang dalaga dahil kay Winston na kanina pa nakatingin sa labas. Inaabangan ang pag-uwi niya.
“Onyok, dito na lang ako.” Mabilis niyang paalam sa kaibigan. Hinawakan ni Onyok ang ulam niyang dala pero si Winston ay bigla siyang binuhat mula sa kalabaw.
“Kuya Winston kaya ko naman po.” Naninbig ang balahibo niya nang lumapat ang palad ni Winston sa kanyang baywang. Nakatayo siya sa lupa at saka naman inabot sa kanya ni Onyok ang ulam niya.
“Go home, boy!” galit na turan ni Winston kay Onyok.
“Sige na Onyok, salamat pala. Magkita na lang tayo bukas sa bayan.” Pakiusap niya kay Onyok at kinuha niya ang plastic ng talong niya.
“Sige, Isabel.”
Umalis na si Onyok at siya naman ay naglakad papasok sa bahay kubo nila. Nakasunod sa kanya si Winston pero bago pa sila makapasok sa loob ay hinatak siya nito dahilan para mabitawan niya ang mga talong.
“Magdahan-dahan ka naman. Alam mong ulam itong dala ko, eh. Saka bakit ka ba nagagalit?”
“Bakit ako nagagalit? bakit hindi mo tanungin ang sarile mo? madilim na pero nasa labas ka pa rin. Uwi ba ‘yan ng matinong babae?”
Winaksi niya ang kamay ni Winston at mabilis siyang pumasok sa loob. Nilapag niya agad ang ulam sa mesa ito kasi talaga ang inaalala niya baka matapon.
“Lola? kumain na po kayo may dala akong ulam.” Malambing niyang boses. Pero hindi sumasagot si Lola Delyn kaya lumapit na siya sa loob ng maliit nilang kuwarto. Ngunit pagtabig niya ng kurtina wala ito.
“Lola—”
“Nando’n sa mansyon si Lola, Isabel.” Putol agad ni Winston sa sasabihin niya.
“Ano? sayang naman itong ulam mapapanis ito. Niluto pa naman namin ito ni Onyok.” Puno nang panghihinayang ang boses niya.
“So, doon ka pala sa bahay niya galing? kailan ka pa natutong dumayo sa isang lalaki?”
“Ano po ba ang gusto mo itumbok kuya? si Onyok ay hindi iba sa akin. Malapit ang loob ko—”
“Will you stop calling me Kuya ‘cause we’re not f*****g siblings, Isabel. You were adopted!” Malakas ang boses ni Winston. Nagulat siya dahil sinigawan siya nito hindi na siya nagulat dahil matagal na niyang alam ang lahat.
“Pero kapatid ang turing ko sa iyo. Kuya—”
Hindi natapos ni Isabel ang sasabihin nang bigla siyang kabigin ni Winston at marubdob siyang hinalikan sa labi sabay na pinasandal siya sa haligi at dinikit pa ng binata ang katawan sa kanya. Hindi niya alam kung anong klasing halik ang ginagawa ng binata sa kanya. Hindi kasi ito katulad ng halik na madalas nitong gawin sa kanya noong mga bata pa sila. At napasinghap siya dahil may kung anong tumigas sa kanyang puson tumutusok ito at para bang sinisilaban siya sa sobrang init niyang nararamdaman.