Kabanata 3

1178 Words
HANGGANG ngayon ba may sama ng loob ka pa rin sa Mama mo, huh, apo? Pinahid ni Isabel ang kanyang luha habang hinahatid ng tanaw si Maryjoy, Keb at kuya Winston niya. Bigo ang mga ito na isama silang maglola sa mansyon. “Kung gusto talaga nilang makita tayo sila ang dapat na lumapit hindi ‘yong tayo ang lalapit sa kanya. Siya itong nang-iwan sa atin kaya siya rin ang dapat na pumunta dito!” mariing turan ni Isabel. Hindi nakakibo ang matanda dahil may punto ang dalaga. Bakit nga naman hindi si Lanie ang nagpunta dito. Masama rin ang loob niya dahil nag-iba na ang ugali ng anak niyang ‘yon. “Lola, maiwan na ho muna kita. Mag-aani lang kami ng mais ni Onyok.” Tumayo si Isabel at nilagay pa niya ang itak sa lagayan nito at pinulupot niya ang tali sa kanyang baywang. “Dalaga kana apo pero hanggang ngayon may itak ka pa rin na sukbit. Sa lalaki lang dapat ‘yan makikita.” Puna ni Lola Delyn sa kanya. “Naku, Lola. Nasanay na ho ako saka kailangan namin talaga ng itak sa pag-aani.” “Ikaw talagang bata ka. Paano ka kaya makapag-asawa niyan eh lalaki ka pa sa lalaki, eh.” Napabuntong hininga si Isabel. Hanggang ngayon ay pinipilit pa rin siya ng lola niya na mag-asawa eh kahit nga nobyo wala siya. Saka, mahirap ang buhay ni wala siyang natapos kaya hindi na niya papangarapin pang magkaroon ng sarileng pamilya. Baka magaya lamang sa kanya ang magiging anak niya. Inayos niya na ang tali ng kalabaw at sasakay na sana siya nang may natanaw siyang sasakyan at patungo sa bahay nila. Matulin ang patakbo isang kurap niya lang narito na sa bakuran nila. Bumukas agad ang pinto at lumabas roon ang maputing babae. Nagmamadali ito ngunit ng magawi ang tingin sa kanya ay bigla itong natigilan. Napaawang si Isabel nang makilala ang Mama Lanie niya. Nagbabadya ang kanyang mga luha. Naglakad si Lanie papalapit sa kanya at habang humahakbang ito ay tumulo na ang mga luha niya. Sobrang kabong ng kanyang dibdib para siyang hindi makahinga. “I—isabel… anak…” Nabitawan ni Isabel ang tali ng kalabaw at tinakbo ang Mama niya at agad silang nagyakapan. Parehas puno ng mga luha ang kanilang mga mata at ang sakit ng kahapon ay biglang bumalik. Kung paano siya iniwan ng Mama niya noong maliit pa siya. Anak, I’m sorry… hindi ka maisasama ni Mama. Pero babalik ako anak at magkakasama tayong muli.” “Pero Mama bakit po hindi ako kasama ngayon? Hindi n’yo po ako tunay na anak Mama kaya si Tita Joy galit sa akin palagi. Siya nagpakilala sa akin do’n sa Papa ko daw. Pero ikaw lang a ng Mahal ko Mama. Hihintayin kita Mama. Pasalubong ako Mama pagbalik mo po.” “Oh, anak. Babalik agad si Mama. Maraming pasalubong si Mama pagbalik, ah? kaya huwag ka nang iiyak. Mahal na mahal kita, Isabel. Sobrang mahal na mahal kita, itinuring kitang tunay kong anak. Mahal na mahal kita, anak.” “Ingat po ikaw Mama ko. Hihintayin kita Mama maraming manika at damit ako.” “Bakit? bakit ngayon lang kayo bumalik Mama? dalawang dekada akong naghintay bakit ngayon ka lang bumalik?” Mariing panunumbat ni Isabel. Bakas ang malalim na poot sa puso ng dalaga. Hagolhol lamang ang naisagot ni Lanie pero naninikip ang dibdib niya kaya nahihirapan siyang magsalita. Niyakap niya na lamang ang dalaga at patuloy sa panaghoy. Ilang minuto na silang nakatayo saka pa lang lumapit si Winston at pinaupo ang nanay nito. Nakalingkis ang kamay ni Lanie sa braso niya ayaw siyang pakawalan. Nakaupo sila sa mahabang bangko at hindi pa rin magkamayaw si Lanie sa kakaiyak. Napaharap ito kay Isabel habang hinahaplos ang mukha ng dalaga. “Napakaganda mo, anak. Para kang Miss Universe lumaki kang napakaganda.” Hinawakan ni Isabel ang kamay ni Lanie at pinakatitigan niya rin ang Mama niya. Pumayat na ang Mama niya sabagay dalawang dekada na rin ang nakalipas kaya sabay sa panahon nagbabago rin ang balat ng isang tao. Ngunit bakas pa rin ang kagandahan ng Mama Lanie niya. “Kumusta ang lola mo anak? gusto ko rin siyang makita.” “Nasa loob po, Mama. Matagal ka rin niyang hinihintay puntahan mo po siya.” Tugon ni Isabel at tumango-tango ang Ginang. Tumayo ito at hindi na siya sumama para makapag-usap rin ang mag-ina. Hanggang sa may napansin siyang panyo sa gilid niya. Pag-angat niya ay si Winston ang nag-abot. “Naku, ayos lang po ako kuya Winston. Nakakahiya naman po madudumihan ko pa po ‘yon.” Pagtanggi niya at ginawa na lamang ang kanyang damit ang pinamunas sa kanyang luha. Ngunit nagulat siya nang tumabi sa upuan si Winston at pinaharap siya. Binaba ang kanyang damit at pinunasan nito ang kanyang luha gamit ang panyong ‘yon. Nakatitig lang si Isabel sa binata kaya hindi nakaligtas sa kanya ang pagbaba ng tingin ni Winston sa kanyang labi. Napako ang tingin ni Winston at para bang inaaral ang shape ng labi niya. Hanggang sa umusog si Isabel palapit kay Winston at hinalikan niya sa labi ang binata. Bagamat smock lamang ‘yon pero gulat na gulat si Winston sa ginawa niya. “B—bakit… bakit mo ‘yon ginawa?” hindi talaga makapaniwala ang kuya Winston niya. “Gusto ko lang kasi ‘diba noong maliit pa tayo madalas mo akong halikan. Umiiyak lang ako kasi ang kulet mo pero noong umalis na kayo nagsisisi ako kasi maarte ako noon. Sana pala hindi ako nagagalit sa tuwing niyayakap mo ako at hinahalikan. Pramis kuya Winston hindi na ako magagalit ngayon. Huwag ka lang ulit umalis kasi ikalalungkot kong muli.” Yumuko si Isabel kasi nagkakatrauma na talaga siya sa mga taong minamahal niya pero iniiwan lamang siya. Itinaas ni Winston ang kanyang mukha at hinalikan siya sa noo. Masuyong halik ang ginawad ng binata at hindi maiwasang mapapikit ni Isabel. Ramdam niya ang senseridad sa halik ng kuya niya. “I promise, Isabel. Hindi na ako ulit aalis. Kamatayan lamang ang magpapahiwalay sa atin.” Sa narinig ay napaiyak na si Isabel. Ito na ang pinakahuling pagkakataon na maniniwala siyang hindi na siya iiwan. Niyakap siya ni Winston at niyakap niya rin ito pabalik. Subalit, hindi nakayanan ni Winston ang kakaibang init na nabubuhay sa kanyang pagkatao. Para bagang nakaukit na ito at nanalaytay sa ugat niya. Matagal na nilang alam na hindi sila tunay na magkapatid. Sobrang saya niya noong nalaman niya. At ngayon niya napatunayan na kakaiba ang nararamdaman niya para kay Isabel hindi basta kapatid kundi mas higit pa roon. Kaya sa huli kumalas siya kay Isabel ngunit hinalikan siyang muli ni Isabel sa labi at sobra-sobra ang pagpipigil niya. Marahil sa dalaga ay halik ng isang kapatid lamang ‘yon kahit pa hindi katanggap-tanggap sa mata ng makakita dahil mga binata at dalaga na sila. Sadyang pure lamang ang pag-iisip ni Isabel walang halong malisya ngunit iba ang epekto sa kanya dahil unti-unti siyang binabaliw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD