KANINA pa nakatitig sa bubong nilang gawa sa pawid si Isabel. Hawak niya ang kanyang labi habang iniisip si Winston. Ni hindi siya nagsepilyo kagabi dahil nanghihinayang sa kiss ng binata. Matatangay kasi ng colgate ang laway nitong nagpaiwan sa kanya. “Apo? gising ka na ba?” Tawag ni Nanay Delyn pero hindi siya makasagot. “Isabel, narito ang tita Joy mo at kapatid mo.” Sa kanyang narinig ay mabilis siyang bumalikwas ng bangon. Kaagad siyang lumabas at tumakbo palabas. Gusto niya agad makita ang kuya Winston niya. “Hi, Isabel, anak!” magiliw si Maryjoy na binati siya. Niyakap siya agad nito at gumanti rin siya pero ang kanyang tingin ay diretso sa likod nito. “Kuya…” masaya niyang pagbati at agad na kumalas kay Maryjoy tapos niyakap niya agad ito. Mahigpit niyang niyakap, nakunot