ISANG araw nang palaboy-laboy sa kalsada si Lola Delyn. Kahit anong paliwanag ni Lanie ay hindi mapigilan ang matandang babae na hanapin ang apo nito. Sinuyod na ni Lola Delyn ang mga lugar kung saan puwedeng magpunta ang apo niya ngunit mailap ang pagkakataon. “Inay, sumakay na po kayo.” Sa maraming beses ay inaya ni Lanie ang matanda sa sasakyan nito at tumutulong sa paghanap sa dalaga. “Huwag na Lanie dahil maglalakad na lang ako.” Makailang beses rin ang pagtanggi ng matanda. “Huwag nang matigas ang ulo Inay. Saan pala kayo pupunta? may mga tauhan na akong nagpunta sa bahay ninyo baka umuwi roon si Isabel.” “Galit ako sa ‘yo Lanie kaya huwag mo akong kausapin!” “Inay busy rin ako. Naghahanda ako sa kasal ni Lei kaya puwede ba huwag na kayong dumagdag sa—” hindi na natapos n