TANGHALING tapat nang makarating sila ng Maynila. Hawak ni Isabel ang malaking bayong habang si Rodney naman ay buhat ang malaking styro na lagayan ng mga isda. Dito sila sa mercado hininto ng truck at bago pa sila makarating ng Maynila ay nagbihis sila ng simpleng damit. “Sorry!” Sambit ng isang ale kay Isabel nang mabanggan siya nito. Alerto si Rodney baka kasi paen ang ale at sinadyang banggain si Isabel. Pero dire-diretso lang ang ale at normal lang. “Dito, Isabel!” turan ng ama kaya napatingin si Isabel. Lumiko sila sa isang bangketa madilim, mabaho at madumi. Sumunod siya sa dalaga habang buhat pa rin ang bayong. “Pareng Rod?” untag ng lalake kaya napaangat ng tingin si Isabel. May kasama pala ang lalake tapos tumingin sa kanya. Nag-boluntaryo itong kunin ang bitbit niya kaya n